INTRODUCTION ARC: CHAPTER 1: WHAT IS DEATH?

1221 Words
People who seek dead can’t find the right way to die. But people who continue to decline it are the same people who experience it. “Mr. Edwin, dinala ko na po iyong gamot niyo. Papasok na po ako sa loob.” Katok ko sa pintuan ng kwarto ni Mr. Edwin. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya at pumasok sa loob. Hindi pa man ako nakakalapit sa kama niya ay natigilan na ako. I can sense it. There’s no life in him. No more. Huminga ako ng malalim kahit na alam ko na ang pakiramdam na iyon. “Mr. Edwin?” Nagbabakasakali ako na mali ang aking naramdaman. Lingid sa kaalaman ng mga nagpalaki sa akin at iba pang tao sa ampunan ay nalalaman ko agad kapag wala ng buhay ang isang tao kahit hindi ko pa nalalapitan. Hindi ko kailangang malaman kung may pulso pa ba ito o tingnan kung tumitibok pa ba ang puso nito. Alam ko na agad bago ko pa man lapitan. I’m not sure if this is a special ability from above or a curse. Hindi naman sa importante sa akin iyon. Inilapag ko ang tray kung nasaan ang gamot at tubig ni Mr Edwin sa side table bago ito lapitan. “He died peacefully.” Bulong ko sa sarili ko bago kunin ang telepono ko at tawagan ang doktor ni Mr. Edwin upang sabihin ang balita. Mabilis na kumalat ang balita ng pagkamatay ni Mr. Edwin. Bukod sa maraming nakakakilala sa kanya dahil sa negosyo niyang bakery ay marami rin siyang natulungan na siyang ikinalungkot ang balita. Ganoon pa man, wala akong maramdaman. Gustuhin ko mang malungkot at maiyak sa pagkamatay ng taong tumulong sa akin ay hindi ko magawa. Walang luha na pumatak sa aking mga mata at walang kirot o lungkot ang bumalot sa aking puso. Ang tanging nasa isip ko lang nang malaman kong patay na si Mr. Edwin ay kagalakan. Kagalakan na hindi na niya kailangang magpatuloy mamuhay sa mundong ito na mag isa. Na sa muli ay baka sakaling makita na niya ang pamilya niyang namayapa na rin. Dahil sa mabilis na pagkalat ng balitang iyon ay may ilang tao rin ang agad na lumapit sa abogado ni Mr. Edwin at sinasabing kamag anak sila ng namatay. May mga dala pa silang ebidensya para patunayan na kadugo nga sila ni Mr. Edwin. Hindi ko naman masabi kung nagsisinungaling lang ba sila o totoo ang sinasabi nila. Simula nang makilala ko si Mr. Edwin ay wala naman siyang kamag anak na dumalaw sa kanya para kumustahin ang kalagayan niya. “Kung walang last will and testament si Kuya Edwin, kanino mapupunta ang mga pagmamay-ari niya?”  Sabi ng isang babae. Pinagmasdan ko lang sila. These self-centered people. Gustuhin ko mang sabihin iyon sa kanilang mga mukha ay hindi ko ginawa. They are all after Mr. Edwin’s wealth. Nagpakita sila ngayong patay na ang matanda dahil gusto nilang kunin ang kung ano mang naiwan nito. “Miss Lucienne,” napatayo agad ako sa kinauupuan ko nang lapitan ako ng abogado ni Mr. Edwin. “Lucy nalang po.” Mas sanay akong tawagin sa palayaw na ibinigay sa akin ni Mr. Edwin. Mas gusto ko iyon kaysa sa pangalan kong Lucienne. Naalala ko lang kasi ang pait ng nakaraan ko dahil sa pangalan ko. “May nasabi ba sayo si Mr. Edwin bago ito pumanaw?” Agad akong umiling at sinabing walang nasabi si Mr. Edwin sa akin dahil natagpuan ko nalang itong walang buhay sa kwarto niya. They asked me some questions that I answered with all honesty. Wala naman akong mapapala kung magsisinungaling pa ako. Hindi rin naman ako naghahabol ng pamana galing kay Mr. Edwin. Masaya na ako na natulungan niya ako. “Sa akin ang bakery!” Narinig kong sigaw ng isang lalaki na sa tingin ko ay isang kamag anak din ni Mr. Edwin. “Basta sa akin ang bahay.” Just like what I’ve expected when I first saw them, they are all after his wealth and nothing else. Humans can be disgusting, huh? Hindi na ako magugulat pa. Marami na akong nakitang ganitong eksena. May mas malala pa. Bumuntong hininga ako bago maglakad papalayo. Dahil mukhang hindi na naman nila ako kailangan ay mas magandang umalis nalang ako roon. Isa pa, kung isa sa mga makasariling iyon ang magmamana ng bakery na kailangan kong pagsilbihan ay ‘wag nalang. Mas gugustuhin kong bumalik sa buhay ko bago ko makilala si Mr. Edwin kaysa maging alipin ng ganoong klaseng tao. Why do good people die and not self-centered and bad people? Bakit ang mga taong gusto nang mamatay kagaya ko ang hindi pa mamatay at ang mga katulad ni Mr. Edwin na nakakatulong sa iba ang nauunang mamayapa? What is death? I don’t know. Ni wala ngang nakakaalam sa kung ano nangyayari sa atin kapag sumakibilang buhay na tayo. “Sorry,” agad kong tinulungan iyong lalaking nabunggo ko nang mahulog ang kanyang mga gamit. Sa kakatulala ko at sa kung ano anong iniisip ko ay hindi ko siya napansin. “It’s fine.” Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya at halos matulala ako nang makita ko kung gaano kaganda ang lalaking nasa harapan ko. The guy has this silver/white hair and long eyelashes that match the color of his hair. His bright blue eyes will make you feel like you’re looking at the sky. It’s so majestic. He’s so damn gorgeous. I never complimented anyone in my life. Para sa akin ay pare-pareho lang naman ang tao. Pare pareho lang tayong may katawan na pinoprotektahan ang ating mga kaluluwa. The structure of the soul may differ per person but it’s still the same. We will be born, live a life, and die. But this man is an exception. He’s someone I can never reach. Someone who is different from others. “Are you okay?” Kumurap kurap ako nang marinig kong muli ang boses niya. His smooth and moisturized lips smiled at me. Muli akong natulala. “Miss? Are you okay?” Tila ba mula sa pagkakaangat ko sa lupa ay muli akong bumagsak nang muli niyang kunin ang atensyon ko. Marahan akong tumango sa kanya. Tumayo na siya at ganoon din ako. Halos tumingala ako sa tangkad niya. Muli kong nakita ang kanyang pagngiti. “You look pale. Are you sick? Do you want me to bring you to the hospital?” Agad akong umatras at umiwas ng tingin sa kanya. Umiling ako at iwinagayway pa ang kamay. “O-Okay lang po ako. Salamat.” Matapos kong sabihin iyon ay marahan akong yumuko at umalis na sa harapan niya. Sa hindi malamang dahilan ay halos hindi ko makilala ang sarili ko kanina. Bakit ganoon ang inakto ko sa harap ng lalaking iyon? Hindi naman ako ganoon sa kahit na sinong lalaki. Kahit gaano pa kamatipuno ay hindi ako nagkakaganito. But something’s odd about that guy. His eyes, it’s kind of hypnotizing. May kakaiba sa mga mata niya na kapag tinitigan mo ay para kang mababaliw. I should never cross paths again with him. My instinct is telling me to avoid someone like him.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD