SIMON'S POV
Maaga akong nagising. Kumportable naman ako dito sa bahay na inuupahan ko. Napangiti ako dahil balak kong pumunta muna sa bahay nila Mhelcah bago ako pumasok sa opisina.
Nahihirapan ako sa pagbabalat kayo ko pero sa tingin ko ay masasanay rin ako. Kahapon ay nagpabili ako ng mga grocery sa secretary ko.
Balak kong ibigay ang mga grocery kay Mhelcah. Hindi ko lang magawa dahil baka magtaka sila ni inay kung saan ko kinuha.
Nais kong malaman nila na mahirap lang ako. Hindi ko nais na magpakilala sa kanila bilang isang Simon Blake. Kahit ang apelyido ko ay pinalitan ko.
Masaya akong naglalakad papunta sa bahay nila. Nahirapan pa akong iluto ang spam. Hindi naman kasi ako sanay na magluto.
"Sh*t Simon! Why are you doing this to yourself?" Bulalas ko sa sarili.
Parang hindi na kasi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang maamong mukha ni Mhelcah. Hindi ko maiwasang hindi napangiti.
Nang makarating ako ay nakita ko si inay na naghahanda ng bag niya. Kumatok ako sa may pintuan at agad namang napatingin sa direksyon ko si inay.
"Magandang umaga po inay," binati ko siya.
"Magandang umaga rin sa 'yo Simon. Tulog pa si Mhelcah," saad ni inay sa akin.
"Okay lang po inay, aalis na po ba kayo?" Tanong ko rito.
"Oo anak, may labada kasi ako ngayong araw at gagabihin na ako sa pag-uwi."
"Sakto po inay may pandesal po ako rito at ulam. Baka nais niyo po'ng magbaon?" saad ko.
"Nakakahiya naman iho. Wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong nito sa akin.
"Mayro'n po, pero mamaya pa ho iyon."
"May iniwan na akong pagkain para kay Mhelcah. Ikaw na ang bahala dito iho, aalis na ako. Sa iyo ko ipagkakatiwala ang anak ko," nakangiting sabi sa akin ni inay.
"Sige po inay, ingat ho kayo."
Nang makaalis na si inay ay umupo muna ako sa kahoy na upuan. Habang nakatingin ako sa paligid ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Kaya swerte kami dahil lumaki kami sa marangyang pamumuhay.
Ipinikit ko muna ang mata ko dahil nakakaramdam ako ng antok habang hinihintay kong magising si Mhelcah. Narinig kong bumukas ang pintuan ng silid niya.
Napangiti ako dahil ang ganda niya kahit na bagong gising pa lang siya. Mabilis na lumapit sa akin si light. Binuhat ko naman ito, mabait ang aso niya at cute.
Naalala ko tuloy 'yung aso ko na nawala dati. Kakulay rin niya si Light. Binati ko si Mhelcah.
Pumasok ito sa banyo paglabas niya ay basa ang mukha niya. Mabilis kong kinuha ang malinis na towel at pinunasan ko ang mukha niya.
Hindi ko maiwasang hindi mapalunok. Ang ganda kasi niya lalo na sa malapitan. Ang pula ng labi niya na sa tingin ko ay kay sarap tikman. Ipinilig ko ang ulo ko dahil kung ano na naman ang naiisip ko. Bigla akong nag-alala ng hinawakan nito ang dibdib niya.
Nakahinga naman ako ng maayos dahil okay lang siya. Inayos ko ang pagkain at inaya ko na siya. Napangiti ako dahil alam ko na nagustuhan niya ang ulam.
Ako naman ang kumainn ng ulam na niluto ni inay na kahit hindi pamilyar sa akin ay kinain ko. Nasarapan ako sa ulam.
Pagkatapos aming kumain ay ako na ang naghugas ng mga plato. Alam ko na hindi ito mapakali sa kina-uupuan niya pero hindi ako pumayag na siya ang maghugas.
Tumingin ako sa relo ko and I'm getting late. Kaya nagpaalam na ako sa kanya. Sinulyapan ko muna siya bago ako tuluyang umalis.
Sumakay ako sa motorsiklo ko at pumunta sa condo ko para magpalit ng damit na pang-opisina.
"Good morning Sir," binati ako ng secretary ko.
"What's my schedule today?" Tanong ko rito.
"You have a lunch meeting at Griffin's Diner Sir," sagot naman sa aking ng secretary ko.
"Okay, thanks." Sagot ko sa kanya. Nakatulala pa ito ngayon sa akin.
"Are you okay?" Tanong ko sa ko.
"Yes, Sir." Sagot nito bago lumabas sa office ko.
Ako naman ay umupo na swivel chair ko para simulan ang trabaho ko. Marami akong kailangan i-review na mga documents bago pirmahan.
Hindi ako basta-basta na lang nagpipirma ng hindi ko sisilip ang nasa papel. Ganito ako ka hands-on sa negosyo namin.
Nais kong magtayo ng sarili kong kumpanya. Ngunit hindi ko magawa. Walang may gustong humawak sa company ni lolo.
Si Daddy may sarili ring company at si ate Blair ang nagha-handle. Mahilig rin kasi ito sa perfumes.
Sumapit ang lunch at nagmaneho ako papunta sa Restaurant ni papa Jeff. Doon ako lagi nakikipag lunch meeting dahil masarap ang mga pagkain doon at maganda rin ang ambiance.
Hindi ko inaasahan na sasama si Antonette sa lunch namin ng daddy niya. Mag i-invest kasi ang dad niya sa company.
Kahit na ayaw ko sa presinsya niya ay pinilit ko na tapusin ang meeting. Naunang lumabas ang daddy niya kaya kami na lang dalawa ang naiwan.
"Pumunta ako sa condo mo but you're not there," naiinis na turan nito sa akin.
"Nasa mansiyon ako," sagot ko lang sa kanya.
"Two nights kang wala," dagdag pa nito.
"I'm here for business Antonette," seryosong pahayag ko sa kanya.
Biglang naging maamo ang mukha nito ngayon.
"I miss you," pahayag niya at hahalikan sana ako pero umiwas ako. Tumalikod ako para umalis na.
Pero bago pa ako makaalis ay sumigaw ito.
"I Hate You Simon!"
Hindi ko pinansin at sumakay na aako sa kotse ko para bumalik sa kumpanya. Ang bilis ng oras at hindi ko namalayan na pagabi na pala.
Isinuot ko na ang coat ko at lumabas na sa company. Balak kong bumili ng doughnuts para pasalubong kay Mhelcah. Dumaan muna ako sa condo ko. Doon ko kasi iniiwan ang motor ko.
Dumiretso ako sa bahay nila. Saktong kakarating lang din ni inay.
"Kaawaan ka ng Diyos anak," saad sa akin ni inay. Nagmano kasi ako sa kanya.
"Nasaan po si Mhelcah inay?" Tanong ko kay inay.
"Hindi ko alam iho, kakarating ko lang din. Saan kaya iyon pumunta? Delikado pa naman sa labas kapag gabi na," nag-aalalang saad ni inay.
"Lalabas ho ako inay para hanapin siya. Baka pumunta lang ho siya sa park," sabi ko sa kanya.
"Ako na lang iho alam ko naman na pagod ka sa trabaho."
"I insist po, ako na lang po inay. Magpahinga na lang po kayo rito," sabi ko sa kanya at lumabas ako sa bahay nila.
Tinahak ko ang daan papunta sa may park. Nang bigla kong makasalubong si Light na tumatakbo.
Tumigil ito sa paanan ko at kinakagat ang suot kong pantalon.
"Light, Nasaan si Mhelcah? " Tanong ko dahil pansin ko na parang may iba sa kanya.
Tumahol ito ng tumahol. Pagkatapos ay tumakbo sa direksyon ng park. Sumunod naman ako sa kanya.
Nang makarating kami ay wala akong makitang Mhelcah kaya nabahala na ako.
"Light, anong nangyari kay Mhelcah? Nasaan siya?" Tanong ko sa aso na kahit alam ko na hindi ito sasagot sa akin.
Inamoy amoy nito ang daan. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Medyo malayo na kami sa may park at napansin ko na nasa isang abandonadong lugar na kami.
Mabato at may lumang building na sira na. Binudol na ng kaba ang dibdib ko. Patuloy lang ako sa pagsunod kay Light.
Hanggang sa natanaw ko ang isang lalaki na nagsisimula ng maghubad ng damit. Dumako ang tingin ko sa babaeng walang malay.
Bumangon ang galit sa loob ko. Tumakbo ako at mabilis kong tinadyakan ang lalaki.
"Sino ka? Abala ka sa ginagawa ko! T*ngina mo!" galit na sigaw nito sa akin.
Bumangon ito at kumuha ng kutsilyo at itinutok sa akin.
"Walanghiya ka! Pati ba naman bulag! Magbabayad ka sa ginawa mo g*go ka!" Galit na gallit na sigaw ko sa kanya.
Sinugod ko siya kahit na may hawak siyang kutsilyo. Mabilis ko siyang inatake at namilipit ito sa sakit.
"Langhiya kang bata ka!" Sigaw nito habang pinipilit na bumangon.
Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makatayo dahil sinipa ko ulit siya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Mabilis akong tumawag ng pulis at dinaluhan si Mhelcah.
"Mhelcah, wake up. Please.. Wake up," Ginigising ko siya, pero tulog na tulog ito. Parang gusto kong pat*yin ang lalaking gumawa nito sa kanya.
Ang daming dugo sa paa niya at may pasa rin ang mukha niya. Mabuti na lang at dumating kaagad ang ambulansya ganu'n rin ang mga pulis.
Isinakay si Mhelcah sa ambulance habang si inay ay walang tigil sa pag-iyak.
"Anak, gumising ka na. Hindi ko kakayanin kung iiwan mo ako. Anak..."
Awang-awa ako sa sinapit ni Mhelcah at naikuyom ko ang kamay ko sa galit.
"Magiging okay rin siya inay at sisiguraduhin ko na magbabayad ang gumawa nito sa kanya," saad ko kay inay.
"Sana nga iho, hindi na sila na awa sa anak ko." Umiiyak na turan ni inay.
Pagkarating namin sa ospital at ayaw pa sana asikasuhin ng mga doktor dahil may mga nauna daw at kailangan ng downpayment.
"Subukan mong hindi unahin ito at mawawalan ka na ng trabaho ngayon din," seryosong sabi ko sa doktor.
"At sino ka para magsabi niyan? Hindi puwede rito ang mahirap na kagaya niyo. Ang lakas ng loob mong pagbantaan ako," mayabang na sabi pa nito sa akin.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang kaibigan ko.
Kinausap ko ito at nakita ko na natakot ang doktor sa narinig niya. Ilang sandali pa ay nag-unahan ang ibang doktor na asikasuhin si Mhelcah.
"And you, what are you waiting for? You're fired!" Kalmadong sabi ko sa kanya.
"At sino ka para magsabi niyan sa akin? Hindi ikaw ang boss ko!" Galit na sabi nito sa akin.
Tinignan ko lang siya ng masama sabay ngisi sa kanya. Narinig kong tinawag ang pangalan niya.
Namutla ito at parang alam na niya ang susunod na mangyayari sa kanya. Mabilis akong pumunta sa emergency room para alamin ang kalagayan ni Mhelcah.
Maraming test ang ginawa sa kanya para makasigurado na maayos ang kalagayan niya. Mabuti at walang naging problema maliban sa mga pasa at sugat niya sa paa.
Iniwan ko muna saglit si inay dahil tinawagan ko ang abogado ko na pumunta sa presinto. At para sampahan ng kaso ang lalaki. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa bilangguan.
Bumalik ako kay inay at lumapit kay Mhelcah.
"Gumising kana, nag-aalala na kami sa iyo." Kausap ko sa kanya.