bc

MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire

book_age18+
2.1K
FOLLOW
9.9K
READ
billionaire
contract marriage
family
HE
age gap
powerful
drama
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

WARNING! MATURE CONTENT!! Read at your own risk (R18+)

Simula ng isinilang si Mhelcah ay kadiliman na ang nakikita niya. Paano kapag nakilala niya ang lalaking dahilan ng pagbilis ng t***k ng kanyang puso? Paano niya ito tatanggapin sa buhay niya kong hindi niya ito nakikita. Kaya bang magmahal ng isang bulag? Sa isang lalaking misteryoso para sa kanya.

Kilalang masugit, arogante at walang puso si Simon Blake. Sa edad niya ay masasabing isa siya sa mga pinakabata at pinaka matagumpay na businessman sa buong bansa. Kilala siya hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang panig ng mundo. Ngunit mailap ito sa camera tanging mga staff lang niya sa kumpanya ang nakakakita sa kanya.

Isa siya sa kambal na anak ng mag-asawang Luke at Caye. Simula noong bata siya ay napaka tahimik at napakaseryoso niya. Masasabing may pagkamisteryoso ito.

Ano ang mangyayari kapag tumibok na ang puso ng isang misteryosong lalaki? Kaya ba niyang ipakita ang tunay niyang pagkatao sa taong mahal niya?

Paano ipaglalaban ang pag-ibig na puno ng kasinungalingan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nakaupo ako sa bench dito sa isang parke. Habang nakaupo ako ay kasama ko ang alaga kong aso na si Light. Kahit saan ako magpunta ay siya ang kasama ko. Siya ang gabay ko at nagbibigay ng liwanag sa madilim kong mundo. Isa akong bulag simula ng isinilang ako ay kadiliman na ang nakikita ko. Sa loob ng dalawampung taon ay hindi ko pa nasilayan ang mundo. Hindi ko rin alam kung may pag-asa pa ba akong makakita. Malapit lang ang parke na ito sa aming barong-barong. Ngayon ay sinisimulan kong kumilos na parang isang normal tao. Gusto kong maranasan na maging normal kahit na wala akong nakikita. Ang maglakad ng hindi gumagamit ng stick. Tanging si light lang ang gumagabay sa akin. Nagulat ako ng biglang bumaba si Light. Tumakbo ito at ako naman ay bigla na lang din natangay. "Light.. Saan ka pupunta? Sandali!" Tawag ko sa kanya. Tumatahol lang ito at patuloy sa pagtakbo. Nakaramdam na ako ng kaba dahil hindi ko kabisado ang tinatahak namin na daan. Bulag ako at wala pang dala na stick para sana gumabay sa akin. "Light, tumigil kana natatakot na ako." Mahinang usal ko habang hawak parin ang tali niya. Gusto ko ng maiyak dahil natatakot na ako. "What the h*ll! Are you blind?" Rinig kong sabi ng baritong boses. Boses pa lang niya ay nakakatakot na. Nasagi ko kasi ito kaya nagalit agad siya sa akin. Halata sa boses niya. "Pasensya na po kayo Sir," hingi ko ng paumanhin sa kanya. Hindi ito sumasagot kaya sa tingin ko ay umalis na siya. Nagsimula na ako ulit humakbang pero bumangga lang ako sa matigas na bagay na nasa harapan ko. "Arayy! Light balik na tayo sa bahay. Ang sakit ng noo ko. Ang tigas kasi ng pader na ito," kausap ko sa aso ko. Kinapa kapa ko pa ang nasa harapan ko. Pero napakunot ako ng noo ng may tela akong nahahawakan. Para itong damit ng tao. "Are you really blind?" Tanong ulit sa akin ng lalaki. "O-Opo Sir," natatakot na sagot ko sa kanya. "Alam mo pa lang bulag ka bakit ka pagala-gala at pakalat-kalat dito sa kalye!" Galit na sabi niya sa akin. Hindi ko napigilan ang luha ko. Sanay na ako na may nagsasabi sa akin ng mga ganoong salita pero iba ang epekto sa akin ng mga sinabi niya. "D*mn it! Bahala ka nga d'yan!" Sabi nito at narinig ko na umalis na siya. Pinunasan ko ang luha ko. Napa-upo ako at hinawakan ko ang aso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sa lalaking 'yon lang ako nasaktan. Maliban sa masakit ang noo ko dahil sa pagkabangga ay masakit rin ang puso ko. Tumahol si Light at alam ko na gusto na niyag umuwi. Umikot ako para bumalik kami sa dinaanan namin. Hindi ko alam kong malapit na ba kami sa parke pero may mga naririnig akong ugong ng sasakyan. Patuloy lang ako sa paglalakad ng may biglang bumuhat sa akin kasabay no'n ang lakas ng busina ng sasakyan. "F*ck! Magpapakamatay ka ba?" Galit na bulalas sa akin ng pamilyar na boses. "Maraming salamat po Mr." pasasalamat ko sa kanya. "Next time you better stay at home. Mamatay ka ng maaga sa ginagawa mo," galit parin na sabi niya sa akin. "Opo, pasensiya na po kayo." Saad ko sa kanya. "I gotta go now. Sa tingin ko kaya mo na ang sarili mo," nahihimigan ko ang inis sa boses niya. "Opo, maraming salamat po ulit sa inyo." Pasasalamat kong muli sa kanya. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at hindi ako umaalis. "D*mn it! Saan ba ang bahay niyo at ihahatid na lang kita?" Tanong niya sa akin. "Naku, H'wag na po kaya ko na po'ng umuwi mag-isa." Sagot ko sa kanya. "Tsk! Puwede ba 'wag kana mag-inarte d'yan!" Sa pagkakataong ito ay napaiyak na naman ako. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit galit ito. Panay bulyaw pa siya sa akin na para akong bata na pinapagalitan ng kanyang ama. "Alam mo kanina kapa ganyan! Bakit ka ba galit sa akin? Ano ba ginawa ko sa 'yo? Porket ba bulag ako puwede mo na akong sigawan!" Inis na sabi ko sa kanya. Naging tahimik ang paligid. Dahil sa bulag ako kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. Pinunasan ko ang luha ako at nagsimula akong humakbang paalis sa lugar kung saan naroon ang antipatikong lalaki na 'yon. "Light, mas mabuti kung nasa bahay na lang tayo. Saka 'wag mo ng uulitin ang ginawa mo ha. May tiwala ako sa 'yo pero sa mga tao sa paligid natin wala," kausap ko sa aso ko habang patuloy kami sa paglalakad. Tumahol naman ito bilang sagot sa akin. "Mhelcah anak! Saan ba kayo pumunta? Akala ko ba sa parke lang kayo?" Tanong sa akin ni inay. Bakas sa boses niya na nag-alala siya sa akin. "Sinubukan lang po namin maglakad papunta doon," sagot ko sa kanya sabay turo sa direksyon na pinagmulan namin. "Siguro hinila kana naman ni Light," saad ni inay sa akin. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. Palagi kasing ganito kapag napapalayo kami ay dahil sa hinihila ako ni Light. "Ikaw talaga Light nagiging pasaway kana," sabi ni inay sa aso ko. Tumahol lang ito kaya tumawa na lang kami ni inay. Naglakad na kami pauwi sa barong-barong namin. Kami dalawa lang ni inay ang magkasama sa buhay. Ang sabi ni inay ay maagang napatay ang aking ama. Naglalabandera si inay, iyon ang bumubuhay sa amin. Kahit na nahihirapan siya ay pinag-aral niya ako sa paaralan ng mga bulag. Marami rin akong natutunan doon. Hindi ko alam kung may pag-asa pa ba akong makakita pero tanggap ko na ganito na ako. Hindi ko lang maaiwasang hindi maawa kay inay. Lahat ay ginagawa niya para sa akin pero ako wala man lang nagagawa para sa kanya. Nang makarating kami sa bahay ay pumasok ako sa aking silid. Habang nakaupo ako sa aking higaaan ay naalala ko ulit ang lalaking panay sigaw sa akin kanina. Biiglang sumagi sa isipan ko na, "Hindi kaya baliw ang lalaki na 'yon?" Ani ko sa isipan ko. Pero naisip ko rin na baka may dahilan ito kaya galit sa akin. Nanlaki ang mata ko. "Oh my— baka may dala itong kape at natapon ko," usal ko sa sarili. Naalaala ko kasi na may na-aamoy akong kape kanina. Pero naalala ko rin ang mabangong pabango ng lalaki na 'yon. Hindi masakit sa ilong ang gamit niyang pabango. Katunayan ay masarap itong langhapin, nakakarelax sa pakiramdam pero iyong lalaki lang ang hindi ka matutuwa. Pero maganda ang boses niya kahit na galit ito magsalita. Ano kaya ang itsura niya? Sana huwag ng magtagpo ang landas namin hindi ko na siya nais na makaharap. Pero may kung ano sa loob ko na gusto siyang makita. Pero nalungkot din ako dahil naalala ko na bulag pala ako. Na kahit kailan wala ng pag-asa na maasilayan ko ang ganda ng mundo. Ginulo ng misteryosong lalaki ang isipan ko. Kaya buong gabi ay hindi ako nakatulog sa kakaisip sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.4K
bc

His Obsession

read
92.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook