MHELCAH'S POV
Nanlaki ang mga mata ko at binalot ng takot ang buong pagkatao ko noong marinig ko ang boses ng lalaki na nagtakip sa bibig ko.
Wala akong makita at tanging boses lang niya ang naririnig ko. Nagsitayuan na rin ang mga balahibo ko. Biglang nanginig ang buong katawan ko sa takot.
Hinihila niya ako at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko ay nakalayo na kami sa park.
Si light nasaan si light? Iyon agad unang pumasok sa isipan ko. Nasaan na ang aso ko. Nais ko man siyang tawagin ay hindi ko magawa. Sana ay walang nanyari sa kanya. Hawak ko lang siya kanina pero nabitawan ko ang tali niya ng bigla akong kaladkarin ng lalaking ito.
Hindi ko napigilan ang mga luha ko dahil kusa na lang itong nagsipatakan. Takot na takot ako at hindi ko alam kung may tutulong ba sa akin.
"Ang ganda-ganda mo Miss. H'wag ka ng umiyak dahil maglalaro lang naman tayo. Sigurado ako na magugustuhan mo ito. Mabait ako kaya 'wag kang matakot sa akin," bulong nito sa akin. Na lalong nagbigay sa akin ng kilabot.
Nagpupumiglas ako ngunit mas malakas talaga ang lalaki.
"H'wag mo ng tangkain pang makaalis dahil hindi iyon mangyayari. Kung nakikita mo ngayon ang paligid ay tayo lang dalawa dito," rinig kong sinabi ng lalaki.
Nais ko siyang sagutin pero ang kamay niya ay nasa bibig ko.
Umiyak lang ako ng umiyak dahil nawawalan na ako ng pag-asa. Kung hindi siguro ako bulag ay hindi ito mangyayari sa akin.
Nalalaman ko sana at nakikita ko kung may tao sa paligid ko. Patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko.
"L*ntek na! Bakit ka ba iyak ng iyak? Tumigil ka kasi malilint*kan ka sa'kin!" Galit na saad ng lalaki.
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pag-iyak. Lalo lang akong natatakot.
"Mabuti pa at simulan na natin. Siguro hindi kana iiyak kundi hihiyaw kana sa sarap. Ang ganda-ganda mo talaga hindi ako makapaghintay na matikman ka," kinikilabutan ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ng taong ito.
Kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na nakakatakot ang mukha niya. Hindi ako mapanlait pero ang baho ng hininga niya gano'n rin ang amoy niya.
Para itong hindi nalago ng ilang araw. Mahirap lang kami at bulag ako pero pinapanatili ko na malinis ang katawan ko.
Nandidiri ako noong nagsimula nitong amoyin ang leeg ko. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa ginawa niya.
Nais ko siyang sampalin ngunit hawak niya ang dalawa kong kamay. Pinipilit ko magpumiglas ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan ang kapit sa kamay ko. At lalong inamoy ang leeg ko.
Gaano ba siya kalakas para takpan ng isang kamay niya ang bibig ko at hawak ang dalawa kong kamay? Siguro ay malaking tao siya?
Lord, tulungan niyo po ako. Huwag niyo po akong hayaan sa kamay ng lalaking ito. Taimtim na panalangin ko habang walang habas sa pagpatak ang mga luha ko.
Ilang sandali pa ay binitawan niya ako. Kaya kumuha ako ng pagkakataon para makaalis sa lugar na pinadalhan niya sa akin.
Pero nagsisimula pa lang akong humakbang ay hinila niya bigla ang buhok ko. Napaluha ako sa sakit.
"Tatakasan mo ako?! Akala mo makakaalis ka dito? Hahaha! Hindi mangyayari 'yan," parang baliw na sabi nito sa akin.
"Kuya parang awa niyo na po. Hayaan niyo po akong makauwi, pakiusap po." Pagmamakaawa ko sa kanya. Sinusubukan ko siyang pakiusapan baka may kaunti pang awa sa puso niya.
"Wow! Ang ganda ng boses mo. Nasasabik tuloy ako sa magiging ungol ko. Pero hindi! Hindi ka makakaalis dito!" Sigaw niya sa akin sabay hila ulit ng buhok ko. Napapikit ako sa sakit.
"Kuya maawa po kayo sa akin. Bulag po ako, pati ba naman bulag na katulad ko na walang kalaban-laban ay gagawan niyo pa ng masama," umiiyak na sabi ko.
"Wala akong pakialam kung bulag ka. Mas mainam nga na bulag ka para hindi mo ako nakikita," tumatawang turan niya sa akin.
"Anong klaseng tao po kayo? Wala na po ba kayong natitirang kabutihan d'yan sa puso niyo? Bulag ho ako at walang laban sa inyo," dagdag ko pang sabi.
"Wala akong pakialam kong bulag ka. At puwede ba! Tama na ang drama at simulan na natin ito." Saad niya at binitawan ang braso ko.
Hindi ko man nakikita ang daan ay tumakbo ako palayo sa kanya. Nahihirapan ako dahil mabato ang daan.
"Sa tingin mo talagang bulag ka makakatakas ka sa akin?! Ito ba ang gusto mo? Ang maghabulan tayo? Sige pagbibigyan kita," tumatawa ito habang nagsasalita. At alam ko na nakasunod ito sa akin.
Walang kasiguraduhan kong saan ako ngayon pero patuloy lang ako sa pagtakbo. Habang patuloy rin akong tinatawag ng masamang lalaki.
Tumatawa ito at para bang natutuwa pa. Sa tingin ko ay ginagawa lang niya akong katawa-tawa. Oo nagmumukha akong ewan dahil sa pagtakbo ko ng walang patutunguhan.
"Sige tumakbo ka lang! Nakakaawa ka namang bulag ka! Ngayon mo hilingin na sana hindi kana binuhay sa mundong ito!" Sigaw niya sa akin.
Tama siya sana hindi na sana ako nandito sa mundong ito. Sana ako na lang ang nawala kaysa ang itay ko.
Bumabalik ang lahat ng alaala ko tuwing may nagsasabi sa akin na sana hindi na ako nabuhay sa mundong ito.
Tumigil ako sa pagtakbo. At lumingon sa likuran ko.
"Siguro nga tama ka. Sana nga namatay na lang ako noon. Sana ako na lang kaysa ang itay ko. Pero ang mamatay sa kamay mo ay hindi ko tanggap. Mas gusto ko pang masagasaan ng sasakyan o malunod kaysa ikaw ang pumatay sa akin. Wala kang puso, halang na ang kaluluwa mo. Napakasama mo, hindi mo ba kaya sa ibang babae at sa akin pa na bulag. Isa kang duwag!" Sigaw ko sa kanya.
"Hindi ako duwag! Bawiin mo ang sinabi mo! Ngayon mo sabihin na duwag ako!" Sigaw nito at sa tingin ko ay papalapit na ito sa akin.
Hahakbang na sana ako ng muli itong magsalita.
"Sige humakbang ka at sigurado akong sa langit ang bagsak mo," sabi ng lalaki sa akin.
"Mas gusto ko pang sa langit ang diretso kaysa sa 'yo. Baliw! Isa kang baliwww!" Sigaw ko sa kanya.
Humakbang ako at ang buong akala ko ay mahuhulog na ako pero mabilis akong hinila ng lalaki.
"Ipapakita ko sa 'yo kung paano ako mabaliw sa 'yo. Hindi ko hahayaan na ang ilog lang ang manginginabang sa iyo." Saad nito sa akin.
Kinaladkad niya ako pabalik sa kung saan kami kanina. Ang sakit ng paa ko dahil sa paghila niya sa akin. Naramdaman ko rin ang hapdi sa binti ko.
"Bitawan mo ako! Baliw! Isa kang baliw!" Sigaw ko sa kanya habang hinahampas ko ang kamay niya. Wala ng dahilan para magmakaawa ako dahil ginawa ko na ngunit wala rin nanyari.
Lalaban na lang ako kahit alam ko na sa huli ay matatalo ako. Nawawalan na ako ng pag-asa pero hindi ako puwedeng sumuko na lang.
"Palaban ka pa lang bulag. Sige, mas gusto ko 'yan."
Ibinalibag niya ako at tumama ang likod ko sa isang matigas na bagay. Kaya nakaramdam ako ng sakit.
"Lumalaban ka pa rin kahit alam mo naman na wala kang laban. Sana ipinaubaya mo na lang ang sarili mo sa akin. Para sana hindi kita saktan," pagkasabi niya ay sinampal niya ako.
Nakaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Pinipilit ko pa rin bumangon kahit nakakaramdam na ako ng pananakit ng katawan ko.
Isa na lang ang nasa isipan ko. Hindi ako puwedeng sumuko. Kaya mo ito Mhelcah hindi puwedeng magpatalo ka na lang.
Bulag ka pero alam kong kakayanin mo. Paulit-ulit kong paalala sa sarili. Alam ko nasa harapan ko siya kaya sinipa ko siya.
"Aray! L*ntek kang bulag ka! Halika rito bw*sit!"
Bumangon ako at nagsimula ulit tumakbo.
"Sa tingin mo talaga makakaalis ka rito! Sinasagad mo talaga ang pasensiya ko sa 'yo! Pinapahirapan mo talaga ako ha!"
Nadapa dapa pa ako sa kakatakbo ko. Ang sakit na talaga ng mga paa ko pero hindi ko iyon ininda.
"Huli ka!" Saad nito sabay suntok sa t'yan ko.
Sobrang sakit at halos mawalan ako ng lakas. Nanghina na ang mga tuhod ko hanggang sa hinayaan ko na lang ang sarili ko na. Tangayin niya.
Siguro ay kailangan ko ng sumuko. Pagod na pagod na ang katawan ko at hindi ko na kaya pang lumaban.
Wala ng laban ang isang katulad ko na bulag. Binuhat niya ako at naglakad ito.
"Tulong! Tulungan niyo ako!" Mahinang bulong ko.
"Walang tutulong sa 'yo bulag," tumatawang sabi nito sa akin.
"Simon! Tulungan mo ako!" Hindi ko alam pero iyon ang kusang lumabas sa bibig ko.
"Light, nasaan kana? Tulungan niyo ako! Inay!" Umiiyak na tawag ko sa kanila.
Pagod na pagod na ako at hindi ko na kaya pa. Tatanggapin ko na lang kung ano man ang mangyari sa akin.
Itay nais na kitang makasama, huling salita na lumabas sa bibig ko bago ako tuluyang bumigay.