MHELCAH'S POV "Huwag po!" Biglang sigaw ko. Nagising ako na masakit ang katawan ko. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na umiyak. Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. "Parang awa niyo na po. 'Wag po!" Umiiyak na sigaw ko. "Anak, ako ito. Anak si nanay ito," rinig kong sabi sa akin ng tao sa paligid. Bumuhos ang luha ko nang malaman ko na nasa tabi ko na si inay. "Inay, natatakot po ako. Tulungan niyo po ako," umiiyak na saad ko kay inay habang nanginginig ako sa takot. "Anak, ligtas kana. H'wag ka ng umiyak anak," rinig kong sabi ni inay na may kasama g paghikbi. Niyakap niya ako. At pareho kaming umiiyak ngayon. Hindi ko alam pero inaantok na naman ako kaya natulog ako. Pakiramdam ko ay ligtas ako habang natutulog ako. Natatakot na akong gumising dahil pakiramdam ko