Chapter 4

1016 Words
Mhelcah's POV Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas. Agad akong bumangon para lumabas. Mabilis kong hinanap si Light. "Light, nasaan kana?" Tawag ko sa kanya. Narinig ko naman na tumahol ito kaya napangiti ako. Naglakad ako palabas sa silid ko. Ang bango may naamoy akong masarap na pagkain. "Good morning sa 'yo Mhelcah," narinig kong sabi ni Simon. Teka lang tama na ako si Simon ba talaga ang narito ngayon sa bahay. "S-Simon? Ikaw ba 'yan?" Tanong ko sa kanya. "May iba pa bang pumupunta rito?" Nahimigan ko ang inis sa boses niya. "Wala naman, nagtataka lang kasi ako kung bakit ka narito. Wala ka bang trabaho?" Tanong ko sa kanya habang patuloy ako sa paglalakad papunta sa may banyo namin. Nais kong maghilamos dahil nahihiya ako baka kasi may dumi ako sa mukha. "Mamaya pa ang trabaho ko. Wala kasi akong kasama sa bahay kaya pumunta ako dito. Nais ko kasing sabay tayong mag-almusal." "Ganu'n pala," sagot ko sa kanya habang naghihilamos ako ng mukha ko dito sa banyo. Paglabas ko ay bigla niyang pinunasan ng towel ang mukha ko. Dahil sa ginawa niya ay biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Hindi ko alam pero ang lakas ng t***k niya na halos naririnig ko na ito. "Are you okay?" Tanong na naman niya sa akin. "Okay lang ako Simon," sagot ko sa kanya. "Kumain na tayo, may dala akong pagkain. Si tita pala maaga siyang umalis kanina maglalabada daw siya." "Oo maaga pa umaalis lagi si inay. Tanging si Light lang ang kasama ko rito. Mukhang masarap ang pagkain ngayon. Naamoy ko kasi ang bango," sabi ko sa kanya. "Talaga? Lagi akong magdadala niyan kapag nagustuhan mo. Sa ngayon tikman mo muna," utos niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay niya ang kutsara o ang tinidor sa kamay ko. Inilapit rin niya ito sa bibig ko. Kumagat ako at nalasahan ko ito. Medyo maalat pero masarap siya. Kaya nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa naubos ko ito. "Kumusta ang lasa nagustuhan mo ba?" "Oo nagustuhan ko masarap siya. Ano ba ang tawag dito?" Tanong ko sa kanya habang patuloy sa pagkain. "Luncheon meat ang tawag dito. Hayaan mo sa sahod ko bibili ako ng marami nito," masayang sabi niya. "Huwag na alam ko na mahal ito. Ang alam ko kapag masasarap na pagkain ay mahal. At ayaw ko na gumastos ka. Alam ko na may pamilya ka rin na binubuhay. Salamat Simon hindi man kita nakikita alam ko na mabuting tao ka," mahabang bulalas ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa pisnge ko. "Kumain ka lang ng kumain. Samahan muna kita rito dahil mamaya may pasok na ako sa trabaho," aniya sa akin. "Salamat Simon, kumain kana rin." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nabusog talaga ako kaya pakiramdam ko ang laki ng tiyan ko. Ngayon lang ata ako naparami ng kain. "Simon ako na ang maghuhugas ng mga plato," ani ko sa kanya dahil naririnig ko ang tunog ng mga plato namin. "Just stay there, i can handle this." Iyan na naman siya. Nagsasalita na naman siya ng ingles. Baka nga sanay lang talaga siya kagaya ng sinabi niya na ingles ang salitang ginagamit ng boss niya. Nanatili na lang ako sa upuan ko. Tanging tunog ng mga gamit at lagaslas ng tubig ang naririnig ko. "Ahm.. Simon malayo ba dito ang trabaho mo?" Tanong ko sa kanya nabibingi kasi kaso sa katahimikan. Sanay ako na tahimik ang bahay pero hindi ako sanay na tahimik ngayon lalo't may iba akong kasama. "Medyo," iyon lang ang naging tugon niya. Ang tipid ng sagot niya siguro ay ayaw niya akong kausap. Hinihimas ko ang balahibo ni Light. Napapangiti ako tuwing ginagawa ko ito. Sa tagal na naming magkasama ay siya ang nabibigay ng saya sa akin ara-araw. "I need to go now," rinig kong sabi sa akin ni Simon. "Sige ingat ka," sagot ko naman sa kanya. Narinig ko ang pagsara ng pintuan hudyat na umalis na ito. Kami na lang ni Light ang naiwan dito sa bahay. Kinuha ko ang walis tambo at sinimulan kong walisan ang sahig. Kahit na hindi ko alam kung may dumi ba akong nawawalis. Nakasanayan ko na kaya araw-araw koo ng ginagawa. "Light puwede ba tayong pumunta sa park ngayon? Pero 'wag mo gagawin 'yung ginawa mo nakaraan," paalala ko sa kanya. Narinig ko naman na tumahol ito kaya napangiti naman ako. "Good boy," sabi ko sa kanya at naglakad ako papunta sa silid ko. Maliligo muna ako bago kami pumunta sa park. Nang matapos ako ay kinuha ko ang stick ko para mas mabilis kong malaman kung may akaharang sa daanan. Ayaw ko ng maulit pa ang nanyari noon. At naalala ko ulit 'yung masungit na lalaki na iyon. "Ano ba Mhelcah? Hayaan mo na nga 'yun. Siguro pangit 'yun dahil pangit rin ang ugali niya." Saad ko sa sarili. Kapag kasi naaalala ko kumukulo na kaagad ang dugo ko sa inis. Naglakad ako palabas ng bahay habang hawak ko ang tali ni Light at ang stick ko. Kabisado ko ang daan papunta doon. Naalala ko palagi akong nasa park. Lalo na kapag pakiramdam ko ay nalulungkot ako. Napangiti ako dahil alam kung narito na kami sa park. Malambot na kasi ang naapakan ko kaya alam ko na mga damo na ito. Medyo masakit ang sikat ng araw dahil patanghali na. "Light puwede ba tayong umupo sa malilim na bahagi?" Medyo binilisan niya ang lakad niya kaya nahila ako ng kaunti. Alam ko na papiubta kami ngayon sa malilim na bahagi. Nang makarating kami ay umupo ako sa damuhan. May puno pala ng kahoy kaya sumandal ako. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa tahol ni Light. Pakiwari ko ay inabot na kami ng gabi. Kaya tumayo ako kaagad dahil baka hinahanap na kami ni inay. Habang nasa daan ay may bigla na lang humila sa akin at tinakpan ang bibig ko. "Ang ganda mo naman Miss, puwede ka bang makipaglaro sa akin?" Bulong ng boses ng isang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD