(Chapter 18)
LIA'S POV
"Goodmorning Philippines!" Sigaw ko pag ka mulat na pag ka mulat ng mga mata ko. Ang ganda ng gising ko lalo’t alam kong may love life na si Miss NBSB.
Habang gumagayak ako ay nag s-soundtrip pa ako sa cellphone ko. Yung bang song na favorite na favorite ko. ‘Yung Don't Know What To Do.
Naiinlove tuloy ako lalo kay Liam pag napapakinggan ko yan. At talagang puro si Liam lang ang laman ng isip ko ngayon. Inlove na inlove ako ngayon.
After akong mag breakfast ay School na agad ang punta ko. Kahit naman kasi pa paaano ay excited akong pumasok kasi may artista akong makikita sa school namin. Naalala ko tuloy yung kahapo, hinawakan ni Exequiel yung pisngi ko. Grabe! Suwerte nga ako kahapon.
Pag pasok ko sa loob ng School ay nagulat ako kasi lahat ng student ay nasa may tapat ng stage.
Anong okasyon ngayon?
Pag punta ko doon ay ang banda pala nila Exxequiel ang pinag kakaguluhan nila. Mukhang mag peperform sila ngayon dito sa school.
"At dahil po buong puso nyo kaming tinanggap dito sa Magenta university, bago kayo mag sipasukan sa room nyo ay nais po namin kayong handugan ng isang kanta," sabi ni Exequiel. Sa sinabi niya ay sigawan naman agad ang lahat.
Nasa may likuran ako kasi late na akong dumating. Halos lahat nag sisik-sikan sa unahan para lang makita sa malapitan si Exequiel.
"Ang song na’to ay hinahandog ko sa babaeng nasa likod," Sabi ni exequiel. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong tinuro. Wait, t-tama ba ang nakikita ko? S-saakin ba siya nakaturo? Tinignan ko yung nasa likod ko pero wala naman nang tao. Ako na talaga ang pinaka sa nasahuli. Kaya naman todo tingin silang lahat saakin. Pati mga prof tinginan din saakin. Mukhang marami na namang magagalit saakin nito! Pahamak talaga itong si Exequiel. Trip nya talaga ako. Sure akong trending na naman ako nito.
Nag simula ng kumanta si Exequiel kaya naman nabaling na ang tingin nilang lahat sa Stage.
Kinikilig ako ng kumanta na siya. Talagang favorite song ko pa ang kinanta niya. Buong kanta ay dinamdam ko. Sinulit ko na din dahil saakin naman niya dinedicate ang kantang yan. Grabe! Ang ganda ng boses niya sa personal.
Pag katapos niyang kumanta ay ngumiti pa siya saakin. Ewan ko at tila pinagti-tripan talaga akong nitong artistang to!
Tutal ay nasa likod naman ako, dali dali na akong tumungo sa room namin bago pa ako rambulin ng mga stupident dito. Masasama na kasi ang mga tingin nila saakin eh.
Hingal na hingal tuloy ako sa kakatakbo.
Agad naman akong nakapunta sa room namin at mabuti nalang at ako palang ang tao dito.
Maya-maya pa ay nagsunuran na ang mga classmates ko at sabay sulpot narin nila Leslie.
"Hey Girl! Ang haba talaga ng hair mo, para sayo yung kinanta ni Exequiel. Nakakainggit ka talaga!" bungad na sabi ni Maureen.
"Oo nga! At take note ah, pagkatapos kumanta ni Exequiel ay nginitian pa niya itong si Lia. Ang swerte mo talaga!" sabi naman ni Leslie.
"Swerte kayo dyan! Pinag titripan lang ako nun! Nakakasura nga eh! Pinapahamak niya ako. Mamaya talagang rarambulin na ako ng mga student dito. Naku kawawa na naman ako nito pag nagkataon!" Nakasimangot kong sabi.
Naputol ang usap-usapan namin ng bigla nang dumating si miss Rechel.
"Okay class! Narinig nyo ba ‘yung pagkanta ni Exequiel? Ang galing noh? Ang swerte ni Lia at para sa kanya yung kanta. Anyway, close ba kayo ni Exequiel, Lia? " pag tatanong ni miss Rechel.
"H-hindi po, pinag titripan lang po ako nun," sagot ko.
Yung mga classmates ko nakairap lang saakin.Mukhang mga inggit parin until now.
"Nakakatuwa naman siya at ikaw pa ang napagtripan. Anyway, Tomorrow na pala ay Acquitance party n’yo na. Kaya asahan niyo na bukas na walang klase. Biglaan ang pangyayari kaya wag na kayong magulat. So, naisip namin na lahat nang bawat class room ay may mag pepeform. Kaya kukunin ko si miss Maureen at miss Lia. Bukas kayo ang kakanta dahil magaganda ang boses nyo," sabi ni miss rechel na siyang kinagulat ko.
"A-ayoko po, nahihiya po ako," pag tatanggi ko.
"Lia, may grade din naman ‘yun. Sige na! Pumayag kana." pilit ni miss Rechel
"Oo nga Lia. Ako nga din naman eh, kakanta kaya medyo nahihiya din ako. Pero kaya natin ‘yan! Sayang ang grade," pag kukubinse ni Maureen saakin.
"S-sige na nga po," nakailing kong sabi na para bang ayaw ko parin. Nakakahiya. Baka masigawan at pagtripan lang ako bukas.
"Okay, tutal pumayag naman na kayo, mamayang hapon ay mag papraktis na kayo. I papa excuse ko na lang kayong dalawa sa mga susunod niyong prof," saad ni miss rechel.
Pagkatapos ng klase ay sabay sabay na kaming nag lunch nila Leslie.
"So, paano, hindi na pala kayo makakapasok mamayang hapon dahil mag papractice kayo. Basta galingan n’yo bukas ahh?" sambit ni Leslie.
"Sino? ‘Yang si Lia?! Mag peperform bukas? Hahaha! Ang lakas ng loob ah!"
Nagulat nalang kami ng biglang sumulpot si Sharmaine.
"At sino ka naman?" Mataray na pag tatanong ni Leslie.
"Tama! At saka, eh ano naman sayo?! Pakielamera ka! atleast nga mag p-perform siya bukas, eh ikaw ba? Magaling kabang kumanta?" mataray na sabi ni Maureen.
"So what?! Maganda naman ako kahit hindi ako magaling kumanta. By the way, hindi naman kayo ang inaano ko. Itong si Lia! Ang kapal kasi ng mukha! Kakanta pa siya niyan sa itsura nyang nakakasuka. Siguradong bukas pag tatawanan lang yan hahaha!" Sabi ni Sharmaine at talagang tumawa pa nang malakas.
"Talagang sinusubukan mo kami ah! " Sabi ni Leslie, binuhos niya yung softdrinks na iniinom nya kay Sharmain.
"WHAT THE F*CK! Anong karapatan mong buhusan ako!?" Galit na galit na sabi ni sharmaine.
Nag sabunutan ang dalawa. Sabay tulong naman itong si Maureen habang ako naman ay umaawat lang sa kanila. Alam nyo naman hindi ako sanay sa mga away di’ba?
"Walangya ka! Uubusin ko ang buhok mong babae ka!" sabi ni Leslie habang patuloy niyang sinasabunutan si Sharmaine.
Lahat tuloy ay nanunuod sa rambulan nila Leslie, Maureen at Sharmaine.
Hanggang sa dumating na ang mga alipores ni sharmaine at tuloy sabunot narin yung mga yun kay Leslie at Maureen.
Natigil lag ng may dumating na prof at inawat sila. Takot na takot ako dahil ako ang dahilan ng away nila.
SHARMAINE'S POV
Humanda yang tropa ni Liang panget na yan! Pagsisisihan nilang kinalaban nila ako. Lalong lalo kana Lia!
Gigil na gigil tuloy ako dito sa comport room sa pag aayos sa buhok ko. Mga bwisit sila!
Tinawagan ko si Liam para isumbong kung ano yung ginawa ng tropa ni Lia saakin.
Umiyak ako habang nagsusumbong. Galit na galit siya agad. Natuwa naman ako dahil siya na daw ang bahalang gumanti kay Lia.
LIA'S POV
Dahil hapon na ay nagpractice na kaming magpeperform bukas dito sa music room. Lahat kami ay isa-isang kumanta sa stage doon. Nahiya ako dahil nandito din ang banda ni Exequiel. Nung ako na ang kakanta ay maraming galit ang tingin saakin habang si Exequiel naman ay nakangiti at nakatitig saakin.
Nang magsimula na ako ay nagulat siya sa boses ko. Kitang kita ko kung paano siya nagulat sa talent na tinatago ko na sa banyo ko lang minsan nagagamit.
Pagkatapos kong kumanta ay nagulat ang lahat dahil tanging si Exequiel lang ang pumalakpak. Dahil doon ay lalo na naman akong napahamak. Nakakainis na siya. Sobra na ang pangti-trip niya.
Maya-maya ay nakatanggap ako ng text galing kay Liam.
"Honeybabes busy kaba? Magkita naman tayo, pumunta ka saamin, sakto wala si Mommy."
Syempre dahil boyfriend ko naman na siya ay hindi narin ako nakatanggi. Dahil doon ay nagmadali na akong umuwi. Babe time kaya kailangan kong magpaganda para kay Liam.