(Chapter 19)
LIA'S POV
Bago ako pumunta sa bahay ng aking Honeybabe ay dumaan muna ako sa bilihan ng ice cream. Sabi kasi nya ay mag dala daw ako ng ice cream.
Pag ka tapos nun ay tumuloy narin ako kina Liam.
Nang makarating ako sa bahay nila ay nag text muna ako sa kanya. Ayokong pumapasok ng bigla bigla baka mapagkamalan akong mag nanakaw hahaha!
Maya maya pa ay lumabas narin sya.
"Pasok ka," bungad niyang sabi saakin.
LIAM'S POV
Bumili nga sya ng ice cream. Hahaha! Ang tanga talaga. Sorry, Lia! Kailangan kong iganti si Sharmaine.
Sinabi saakin ni Sharmaine ang plano niya.
“Papuntahin mo si Lia dyan sa inyo. Tapos pabilihin mo sya ng ice cream. Syempre alam mo naman ikaw pa ang bumili ng ice cream! kapal ng face nya! Then, kunwari mag gagames kayo. Paunahan ubusin yung ice cream. At syempre dayain mo sya. Damihan mo ang lagay sa cup nya. Kailangan paubos mo ‘yung ice cream sa kanya para bukas ay mamalatin sya kapag kumanta siya. Kakanta kasi sya bukas dahil acquitance party namin." sabi niya. "Then, todo na natin. Meron bang chocolate sa refrigerator nyo. Pakainin mo din ng pakinin nun. Sigurado akong mamalatin sya bukas. Hahaha! Sure na nakakatawa sya bukas! Good luck Liam! Galingan mo!" duktong pa niyang sabi.
Pag dating ni Lia ay pinapasok ko na sya saamin para maisagawa ko na ang plano.
Tulad nga nang sabi ni Sharmaine. Mas marami ang nilagay kong ice cream sa kanyang cup.
"Honeybabe, game tayo, hawakan mo itong isang cup ng ice cream, tapos saakin itong isa. Kung sino unang mauubos ay pwedeng mag utos ng kahit ano," alok ko sa kanya. Inabot naman nya kaagad yung ice cream.
"Oh sige, game ako dyan. Sabi mo kahit ano pwede iutos ha?" Sabi niya. Asa naman siyang mananalo siya saakin.
"Oo, kahit ano. So ano, ready ka na honeybab?" tanong ko sa kanya.
"Ready na!"
"Pagkabilang ko ng tatlo, go na ha! One...two..three.. Go!" sabi ko. At ayun nagmadali na siyang kumain ng ice cream.
At dahil kaunti nga ang ang nilagay ko sa akin ay binagalan ko ang pagkain para hindi halata. Kailangan mauubos nya yung ice cream, kundi papalpak ako nito kay Sharmaine ko.
Nung makita kong papaubos na ‘yung sa kanya ay minadali ko na yung saakin, kaya ako ang nanalo.
"Anubay! Ang daya mo! Ang bilis mong kumain. So, ano ang utos mo?" pag mamaktol niya. Grabe ang pangit niya! Hindi bagay ang mag maktol sa kanya! Lalo siyang pumapangit.
"Wait, may kukunin lang ako," sabi ko sa kanya.
Kumuha ako ng chocolate sa refrigerator namin at ang uutos ko sa kanya ay ubusin yung chocolate. Todo abot naman sya. Ayun, naubos niya yung chocolate at mayamaya, nadinig ko na parang nasasamid na sya. Mukhang umeepekto na nga sa kanya ang pag mamalat.
"Liam, pwede bang pahingi nang water," sabi niya na masamid-samid.
Hindi ko sya binigyan para mag tuloy tuloy ang plano. Iniba ko nalang ang usapan.
"Lia, meron pang ice cream oh. Sayang! Tara isa pang game." Alok ko sa kanya.
Tulad nung una ay ako na parin ang nanalo. Kaya ganun din ang premyo na binigay ko sa kanya. Pinaubos ko ulit sa kanya yung isang chocolate.
Hanggang sa madinig kong medyo nag iiba na ang boses nya.
Sinunod kong gawin ay ang patawanin siya. Yung tipong mag iihit siya para tuluyan na siyang mawalan ng boses. Until now, hindi ko parin siya binibigyan ng tubig hahaha!.
Mga bandang 7pm ng umuwi sya. Nag papahatid pa nga ang panget at natatakot siyang umuwi mag isa. Mabuti nalang at nakagawa ako nang palusot. Sinabi kong walang mag babantay sa bahay dahil wala si Mommy. Sinabi ko rin na wala rin yung padlock ng pinto para isarado. Kaya ayun, mag isa siyang umuwi.
LIA'S POV
Habang nag lalakad ako papauwi ay medyo napapaubo ako. Ang kati na talaga ng lalamunan ko. Mukhang naparami ata ako nang kain ng ice cream. Samahan pa ng chocolate. Grabe si liam, napaka sweet niya talaga.
Pagkauwi na pagkauwi ko ay uminom kaagad ako ng maraming tubig at baka mamaya eh, mag ka diabetes ako at saka baka malatin din ako b-bukas.........bukas? bukas?
"Oo nga pala! Kakanta nga pala ako bukas. Bakit ba ako kumain ng maraming ice cream at chocolates?! Patay na! Siguradong mamalatin ako nito!"
Hindi na ako nag dinner dahil nabusog talaga ako sa ice cream at chocolates. kaya naman nag search nalang ako nang kakantahin ko para bukas. Sana lang talaga hindi ako malatin.
Habang nag hahanap ako sa internet ay bigla bigla nalang akong napapaupo at nasasamid dahil unti-unting nangangati yung lalamunan ko. Hindi ko nalang pinansin yun dahil todo practice ako sa kwarto ko ng kakantahin ko bukas.
Habang tumatagal padalas na ng padalas ang pag ubo ko, kaya naman kumuha na ako nang tubig sa kitchen at uminom ako ng marami.
"Mukha atang sasablay ako bukas nito ah" bulong ko sa sarili ko. Kasi medyo sumasakit na yung lalamunan ko.
"Hey! Im excited na para bukas," biglang sulpot ni Jamaica sa kwarto ko.
"Para kang kabute. Bigla bigla ka nalang sumusulpot. Kung may sakit ako sa puso, siguro kanina pa ako namatay." Sabi ko sa kanya!
"Bakit ganyan ang boses mo? Parang naiiba at mukhang malat!" Sabi ni Jamaica.
"W-wala yan. Todo practice lang siguro ako. Bukas babalik din ang boses ko," sabi ko sa kanya.
"Sabagay. Sige, goodnight AteLia. Excited na akong makita si Exequiel my idol!" masayang sabi niJjamaica .
Sana talaga mawala itong sakit nang lalamunan ko bukas. Sana hindi mag tuloy yung pag mamalat ko.