Prologue
(PROLOGUE)
NAKAYUKO akong nag lalakad papuntang palengke at ito nanaman ang mga bulong-bulungan ng mga tao dito.
"Ayan na naman ’yung babaeng kasuklam-suklam ang itsura!"
"Oo nga! Ang lakas pa nang loob lumabas ng bahay, kapag ganyan ang itsura ko, ay naku, itatago ko nalang sa loob ng bahay!"
"Grabe! Bakit ganyan itsura niyan? Nakakadiri!"
"Hoy! kayo! Hindi naman kayo inaano nung babae, kung makapang lait kayo sobra!"
"Palibhasa may pag kakahawig kayo! HAHAHA!"
Palagi nalang ako pinag kakatuwaan ng mga tindera dito sa palengke. Wala naman akong ginawagawang masama sa kanila. At syempre ito naman ako, walang imik. Wala e, sanay na ako sa mga pang lalait nila. At saka wala kayong magagawa. Duwag e, as in super duper duwag!
Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa sa itsura ko. Para kasing dinilubyo itong itsura ko.
BUHOK - Napaka-kapal at super kulot pa.
MUKHA - Tad-tad ng tigyawat.
KILAY - Mag-kasalubong at super kapal pa.
ILONG - Dapang-dapa sa kapanguan.
At ang pinaka powerful sa lahat.
SKIN - Grabe! Tila ata mag kakulay kaming nang uling. As in parang ULING TALAGA. Napaka itim ko sobra! Nag mana ako sa father ko. Maitim at super kulot din ang buhok. Pero, take note ah, hindi kami ITA, Talagang ganitong lang ang itsura na tila kami mga taga bundok.
Pero ang pinag tataka ko. Bakit maganda ang Mommy ko? Alam n'yo kasi, maputi siya, matangos ang ilong, straight ang buhok at talagang maganda.
Kaya nga minsan sinasabihan ako na ampon daw ako. Kaya kapag sa school, si daddy ang nag attend saakin tuwing sinasabitan ako ng medal. Hindi ko na pinasasama si Mommy dahil ako ang nahihiya tuwing kasama ko siya sa school. Oo, 'yung iba, proud na maganda ang Mommy nila, pero ako ibahin nyo ako, nahihiya akong kasama ang maganda kong Mommy. Dahil sinasabihan lang ako ng mga stupident na ampon daw ako. Sabi pa nga nang iba, Mukha daw akong katulong ng Mommy ko.
Pero hindi ako ampon noh! Talagang kay daddy lang ako kumuha ng kulay ng balat at kulot na buhok. Maganda din naman ako, kaso sa panaginip lang yun hahaha!
Isa lang ang magandang ipinag ka-loob saakin ni Lord. 'Yun ay ang MAGANDA KONG BOSES. 'Yan lang ang maganda sakin. Atleast kahit papaano ay may maganda din saakin. Kaya naman ako ang tinaguriang MISS SUPER BANYO QUEEN. Tuwing maliligo kasi ako ay palagi akong kumakanta sa banyo.
Okay-okay balik na tayo sa Palengke. Masyadong marami na akong kinukwento.
Tuloy- tuloy lang ako sa paglalakad. Talagang hindi maiwasan ng mga tao ang hindi tumingin saakin. Halos tila nakakita sila nang artista tuwing nasa palengke ako. Oo, dinadaan ko nalang sa biro ang lahat para naman kahit papaano ay nangingiti ako.
Ako kasi yung taong tipo na mabilis tumulo ang luha sa oras na nalulungkot ako.
Pumunta ako sa botika upang bumili ng sabon na pampa-puti. Syempre kahit papaano umaasa din akong pumuti ako. Try and try until you die diba? Haha! Hanggat may pera, bili lang.
"A-ate pabili pong sabong pampaputi." Pautal-utal pa ako habang bumibili ako sa botika. Nahihiya kasi akong may makarinig at baka umpisahan na naman nila akong laitin.
"Wait lang miss," sagot nung tindera na medyo matawa-tawa pa. Siguro iniisip niyang nakakailang bili na ako ng sabong papaya noon, pero ni hindi manlang nag iimprove ang balat ko. Pero pake-alam niya! Hindi ako susuko noh! Puputi din ako, tiwala lang.
Habang hinahanap ni ateng tindera yung bibinili kong sabon, bigla nalang akong nakarinig nang mga salita sa mga katabi kong bumibili din sa botika.
"Asa naman siyang tatalab pa sa kanya 'yung sabon na yun. Eh, yung balat niya ay kasing itim at kasing kapal ng balat ng kalabaw!" Sambit nung babae na talaga namang nilakas pa ang pagkakasabi. Tila ba sinasadya niyang magparinig talaga saakin.
"Oo nga! 'Wag kang magulo diyan at baka mamaya madinig tayo ng babaeng kalabaw na 'yan at bigla nalang tayong sunggaban ng dalawa niyang sungay!" Sagot naman nung isang kasama niyang babae na tatawa-tawa pa. Bakit ba may mga taong laitera? Ang sasama nila.
Hindi ko nalang pinansin 'yung dalawang babaengat inabot ko nalang kay ateng tindera 'yung bayad ko at tuloy alis narin ako. Talagang nag tatawanan pa silang dalawa nung umalis ako. Ang mamaldita nila! Akala naman nila kung sino silang kagandahan. Kaasar!
Habang nag lalakad akong nakayuko. Nagulat nalang ako ng may biglang tumulong tubig galing sa mga mata ko. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Sabi ko naman sainyo na mababaw lang ang luha ko.
Bigla naman sumagi sa isip ko 'yung sinabi nung dalawang babae sa botika.
"Asa naman siyang tatalab pa sa kanya 'yung sabon na yun. Eh, yung balat niya ay kasing itim at kasing kapal ng balat ng kalabaw!"
"Oo nga! 'Wag kang magulo diyan at baka mamaya madinig tayo ng babaeng kalabaw na 'yan at bigla nalang tayong sunggaban ng dalawa niyang sungay hahaha!"
Tama naman sila eh. Halos nakaka-isang daan na ata akong gamit sa sabong pampaputi na ito pero ni minsan hindi ata pumusyaw itong balat ko. Tila nga talaga balat ng kalabaw! Napaka itim. Ako na ata ang pinaka malas at pinaka panget sa balat ng lupa. Siguro mamatay akong hindi makakapag asawa. Mamatay ata akong virgin dahil sa itsura na 'to.
Bigla naman akong nagulat sa isang lalaking biglang humarang sa dina-daanan ko.
"Miss?" Tawag n'ya saakin kaya naman tuloy tingin ako sa kanya.
"B-bakit?" Nahihiya kong tanong sa kanya. First time kasing may lalaking kumausap saakin. 'to na kaya ang lalaking mag mamahal saakin? Oh my god! kinikilig ata ako. Kaya naman medyo nginitian ko siya. kung baga nag papa-cute ako hahaha!
"Hulaan kita, gusto mo?" Sabi niya nang nakangiti. Hindi siya gwapo at hindi rin siya panget. Sakto lang. Pwede narin 'to saakin. Aarte pa ba ako?
"Ah, eh, sige ikaw bahala." Pautal utal kong sabi sa kanya. Medyo nahihiya parin kasi ako e.
"Okay, sige, akin na 'yang mga palad mo." Sabi n'ya at agad kong ini-abot sa kanya ang aking mga kamay.
Pag ka-hawak na pag kahawak ni kuya sa kamay ko ay bigla-bigla nalang siyang napa-laki ang mga mata na mukhang gulat na gulat.
"Nakikikita ko sa iyong hinaharap na magiging karumal-dumal ang iyong buhay. Ngunit may isang gwapong lalaking maganda ang boses na sa'yo ay iibig at siyang makakatuluyan mo. Napakarami mong mararanasan na pasakit sa buhay mo, kaya naman tatagan mo ang iyong loob." Sabi nung lalaki at sabay takbo na papalayo saakin.
"T-teka bayad ko oh!" sigaw ko sa kanya ,pero hindi na siya lumingon at tuloy-tuloy alis na siya.
Ano ba 'yung mga pinag sa-sasabi niya? Malayo sa katotohanan. At saka hindi ako naniniwala sa hula noh! Pinagti-tripan lang ata ako nun eh.