Chapter 17

1312 Words
(Chapter 17) LIA'S POV Pag gising ko ay ang sakit ng ulo ko. Naisip kong may pasok nga pala kaya naman agad agad akong bumangon at gumayak. Habang nag b-breakfast ako ay isip isip ko kung ano mga nangyari kagabi? Naalala ko si superman. Sino kaya siya? Ano kaya pakay nya saakin? Papasok na ako ng school nang bigla namang nagsigawan ang lahat. Ang buo kong akala ay ako ang aasarin nila, pero hindi pala dahil sa iba sila nakatuon. "Omg! Dito na talaga sya mag aaral? Ang swerte natin! May artistang mag aaral dito! Ano kaya ang course nya?" "Crush na crush ko kaya ‘yan. Lahat ng naging movie nya pinanuod ko!" "Hala! Pati mga ka bandmate niya ay dito narin mag aaral?! OMG! Hindi na ako makahinga!! " "Grabe! Hindi ako makapaniwala! Araw-araw ko na syang mamakita!" Wait, tama ba ako ng dinig EXEQUIEL MONTEVERDE? Yung sikat na sikat na binatang artista? Ang alam ko ay ang daming talent nito eh. Mapa drama, singing ,dancing at kung anu-ano pa. Hindi din ako makapaniwala na dito siya mag aaral. Pero mukhang totoo kasi nakasuot na din sya ng uniform na kagaya dito sa Magenta. Kasama nya yung mga kabanda niyang sila ACE, JASPER AT MARIOON Ang gugwapo nilang lahat. Wait, papakilala ko nga sila sainyo. Si ACE, siya ang guitarista sa banda nila. Singkit sya, matangkad at gwapo. Si JASPER, guitarista din siya sa banda nila. Singkit din sya na napaka tangos ng ilong at gwapo din. Si MARIONN naman ang drummer sa banda nila. Ang cute nya. Ang lalim kasi ng dimples nya lalo na pag tatawa. Ang tangos din ng ilong nya, matangkad din at syempre gwapo rin. Si EXEQUIEL MONTEVERDE ang VOCALIST sa banda nila. Siya ang pinaka angat sa lahat, kasi sikat na sikat na artista sya dito sa pilipinas. Napaka gwapo. Ang tangos ng ilong, singkit , astig ng buhok, matangkad, at sobrang gwapo na nakakalaglag ng panty hahaha! Na-shock ako na nasa likod ko na si Exequiel at papalapit na ng papalit siya sa akin. Sobrang lapit na talaga nya saakin na para bang lalapitan ako. Mayamaya ay nabigla ako ng hawakan niya ang pisngi ko at sinabing,"Hello Miss beautiful!" Wika niya with matching killer smile pa kaya naman halos mahimatay ako sa kinatatayuan ko. Halos maging istatwa ako sa narinig ko. Kasabay nun ang bulung bulungan ng lahat. Talagang usap-usapan si Exequiel monteverde sa buong Magenta university. kung baga sa twitter ay trending siya ngayon. Grabe! Marami ang hindi maka paniwala. Hanggang dito sa room namin ay yun din ang usap-usapan. Pati ata ako pinag uusapan nadin. Dahil nga dun sa pag hawak sa pisngi ko ni Exequiel. Isa rin yung trending ngayon dito sa Magenta. "Okay class, siguro naman alam nyo na ang bali-balita? Yes, dito na mag aaral sa Magenta university ang sikat na sikat na si Exequiel Monteverde kasama ng mga ka bandamate niya," bungad na sabi ni miss rechel saamin. May rules daw na wag pag kakaguluhan, wag mag papapicture at mag papa-autograph kay Exequiel Monteverde. Ang sino mang daw lumabag sa rules ay bibigyan ng kaparusahang mag lilinis ng buong magenta university. "Grabe ang parusa! Ayokong nang lumapit kina Exequiel. Baka mamaya mapag linis pa ako ng buong magenta university! Hmp! Ayoko nga nun! Makakasira sa beauty ko yun!" maarteng sabi ni Nel. "True ka diyan, Girl!" sang-ayo ni leslie. Natatawa nalang ako. Mas naging exciting ang school sa pagdating nila. Sa tingin ko ay hindi na matatahimik ang school naito. Araw-araw maraming lalabag sa rules, makalapit lang sa kanila. Nang uwian na ay nakatanggap ako ng message kay Liam. "hello Lia my love. Kita naman tayo mamayang gabi sa park. Usap naman tayo, miss you na eh." Nawala na sa utak ko na malapit na ako mag ka lovelife. Teka, paano kaya kung sagutin ko na sya? Tutal nama’y mahal ko naman din sya. Hindi na ako nakapag pigil, nireplayan ko na din siya kaagad. "See you, later." Sagot ko sa kanya. Nag paalam na ako kina Lesie, syempre excited na akong umuwi. Pagdating sa bahay ay naghanap kaagad ako ng mga damit na susuotin ko. Buti nalang talaga at straight hair na ako, kundi matatagalan pa ako sa pag aayos. mayamaya a nag text na ulit si Liam. "Lia, Im here na sa park. Hihintayin kita." Agad akong nag tungo sa park. Super excited na talaga ako dahil desidido na akong sagutin siya ngayon. Pagdating ko doon ay natanaw ko na agad si Liam. Wow! Lang at naka violet din sya. Naiinlove tuloy ako lalo. "Flowers for you again!" sabi niya sabay abot na naman ng flowers sakin. Sobra na niya talaga akong pinakikilig. "Na naman? Nag abala kapa, Liam." Pakipot kong sabi. "Talagang ganyan ang nililigawan. So, ano? Kaylan mo ba ako sasagutin?" seryosong sabi niya at talagang nag mamakaawa pa siya. "Tungkol dyan. Napag isip-isip ko, mukhang mahal mo na nga talaga ako. Kasi naman ang hirap talagang paniwalaan na ang isang tulad mo ay magkakagusto sa isang tulad ko ng sasaksakan ng pangit. Pero ganun paman ay oo, sinasagot na kita," mahiya-hiya kong sabi sa kanya. "T-tlaga Lia?! Sinasagot mo na ako?! Yes! Ilove you so much, Lia!" sabi niya na halos mag tatalon sa saya at talagang niyakap pa niya ako. Matapos ang masasaya naming oras nayun ay nagkasunduan kaming itatago muna namin ang relasyon namin. Lalong lalo na sa mga kaibigan ko dito sa village namin. LIAM'S POV Pagkatapos akong sagutin ni Lia ay naglakad-lakad muna kami with matching holding hands. Medyo titingin tingin ako sa paligid kasi baka mamaya ay may makakita saakin. Isipin pa nilang naluluko na ako. Sino nga ba naman ang mag kakagusto dito sa babaeng ito. Nakakadiri siyang kasama. Nasusuka ako sa naisip naming tawagan. Honeybabe? Ang korni! h "Oh HONEYBABE nandito na tayo sa bahay n’yo. See you nalang tayo bukas ng gabi. Bye! Goodnight, sweetdreams and I love you!" Masuka-suka ako sa mga sinasabi ko sa kanya. “Goodnight din. I love you too, honeybabes." sagot naman niya. feel na feel pa talaga niya. Paniwalang paniwala siyang gusto ko siya. Yes! Sa wakas sinagot na niya ako. Siguradong matutuwa si Sharmaine nito. Konting tiis nalang ay magtatagumpay na ang pinaplano niya. Tuwang tuwa siya dahil natutupad na daw ang plano niya. Isa pa, malapit na din daw niya akong sagutin kaya galingan ko pa daw lalo ang paglalaro kay Lia. LIA'S POV Grabe! Dream come true na talaga. Ang dating crush ko ay boyfriend ko na ngayon. Sobrang saya ko. Nakakakilig din yung tawagan namin. Honeybabe. Omg! Ganito pala pag may boyfriend. Sobrang saya. Hindi ako makakain ng dinner. Ewan ko ba, inlove nga kasi siguro ganito. Walang ganang kumain. "Oh anak! May sakit kaba at ayaw mong kumain?" pag tatanong ni tuloy ni Mommy. "Oo nga,saka kanina kapa ngiti ng ngiti dyan. Nahihibang ka na ba? Mataas ba ang lagnat mo?" sabi naman ni Jamaica. "Okay naman ako, busog pa kasi ako," pag sisinungaling ko sa kanila. Para maiba ang usapan ay nagkwento nalang ako kay Jamaica ng tungkol kay Exequiel. "Nga pala Jamaica, sa university na namin mag aaral si EXEQUIEL MONTEVERDE, kasama ang mga ka bandmae nya," Pag mamalaki ko sa kanya "Wow T-talaga?! Ang taray naman ng school n’yo. Nakakainggit! Idol na idol ko pa naman yun!" "Kaso nga lang, bawal silang pag kaguluhan dun. Bawal mag pa picture, autograph at lapitan pag nasa school, kasi may parusa. Kapag lumabag ka ay mag lilinis ka ng buong university." "Ay ganun? Grabe naman ang parusa, mukhang malaki pa naman ang Magenta, nakakapagod mag linis nun!" sagot ni jamaica na natatawa pa. Ewan ko, ang brutal nga ng parusa. Ang saya this day, may artisa na sa school namin, naging kami pa ngayon ni Liam. Memorable ang araw na ito. Ang saya! Sana palagi nalang masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD