Chapter 16

1119 Words
(Chapter 16) LIA'S POV Kanina pa ako gising, pero nandito parin ako sa kwarto ko. Natatakot akong lumabas. Syempre may hang over parin ako, kaso yung hang over na ito ay hindi na dahil sa alak, kundi hang over sa bugbugan na nangyari kagabi. Feel ko nga nag katrauma na ako eh. Iniisip ko kasi baka mamaya bigla bigla nalang akong sugudin ni tita bhecca. Gusto kong lumayas ng bahay. Gusto kong maglakwatcha. Ayoko muna sa bahay. Swerte lang dahil biglang nag aya si Leslie na mag bar. Nung una nag alinlangan akong sumama, pero nang maisip kong iniiwasan ko si Tita ay sumama narin ako. Takot na talaga ako. Saka, okay na din ito kesa naman magkulong ako sa kwarto maghapon. Nakakabagot naman yun. Nang mag 4pm na ay gumayak narin ako. Nagpahatid ako kay manong Eric kung saan ang tagpuan. Mayamaya pa ay natanaw ko na ang mga luka. Pag baba ko ng sasakyan ay tumuloy na ako sa kanila. Nakatitig saakin si Leslie. Sinuri niya yung mukha ko. "Teka, bakit wala kang make-up?" maarteng niyang tanong. "Oo nga! Halika ka nga’t lagyan kita ng red lipstick bago tayo pumasok sa loob," sabi naman ni Maureen. "Naku wag na! Masasayang lang yang make up. Wala din namang magbabago.." pag tatanggi ko sa kanila. Mapilit sila kaya hindi na ako nakapalag at nilangyan nanga nila ako ng make-up. "Perpect!" malanding sabi ni Maureen.. “Okay, lets go..." Pag aaya ni Nel na mukhang excited na excited nang pumasok sa bar. Pagkapasok namin sa loob ay ang daming tao at malakas yung sound. Ang dami ding sumasayaw. Medyo madilim din namay ibat ibang kulay ng ilaw. Naupo muma kami at saka kami umorder ng iinumin namin. Magpapatama muna daw kami para makakuha nang lakas ng loob para makasayaw kami mamaya sa dance floor. Makalipas ang ilang oras ay medyo may tama na ako. Sila mukhang lasing na kaya ayun pumunta na sila sa dance floor at mag isa akong naiwan dito nanunuod sa kanila. Medyo naiingit na ako sa kanila na para bang gusto ko din sumayaw. Kaya naman ang ginawa ko ay ininom ko na yung natirang alak. Nagpakalasing nadin ako. Nang nalasing ako ay pumunta narin ako sa dance floor at nagsasayaw narin ako. Grabe! Sana palagi nalang ganito. Laging masaya. Kasi dito hindi ako inaasar at di binubully kasi madilim. Hindi halatang pangit ako. Nagwawala na ako. Pag pala lasing talaga ay kung anu-ano na ang mga pinag gagawa mo. Sina Leslie tuwang tuwa saakin kasi nagwawala na daw ako. Pano ba naman kasi ang tunog eh, “GIMMIE GIMMIE GIMMIE!!”kaya ayun pinag yugyugan ko ang sarili ko. Grabe! sobrang saya. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong saya! Umalis ako sa dance floor ng maramdaman kong maiihi ako. Habang naglalakad ako ay naramdaman kong parang may sumusunod saakin na limang lalaki. Noong una ay hindi ko sila pinapansin. Pero mayamaya ay nagulat nalang ako ng bigla nalang akong binuhat at dinala sa labas. Takot na takot ako.Nag sisisigaw na ako pero wala ring nakarinig saakin dahil malakas ang sound sa bar. Binaba nalang ako nung lalaki sa isang gilid at sabay tutok saakin ng kutsilyo niya. Yung apat naman na lalaki nakapalibot naman saakin. "Ibigay mo sa akin lahat ng pera at alahas mo pati narin ang cellphone mo," sabi nung lalaking nakatutok ang kutsilyo saakin. Malas! Wala naman akong ibibigay sa kanila dahil yung bag ko ay nasa loob. "Maawa po kayo! Wala akong maibibigay. Y-yung bag ko nasa loob,kung gusto nyo kukunin ko m-muna para mab-bigyan ko kayo ng pera," manginig nginig kong sabi sa kanila. Sobrang takot na kasi ako eh. Mukhang hindi naniniwala yung mga lalaki kaya nung aktong sasaksakin na ako nung isang lalaki ay pumikit nalang ako. Hinihintay ko nalang yung pang sasaksak niya, pero, nagulat nalang ako ng biglang may sumulpot na lalaking naka SUPERMAN na t-shirt at sinuntok nya yung lalaking may hawak ng kutsilyo. Agad na natumba ang lalaki, pati narin yung apat na nakapalibot sakin kanina. Lahat sila ay nakahandusay sa lapag. Ang galing ng lalaking naka superman na t-shirt. Parang siya na talaga si superman. Napatumba niya yung limang lalaki. Ang lakas lakas nya, kaya naman tingin ko na talaga sa kanya ay super hero. Nagsitakbo yung limang lalaki at mukhang natakot na ata sa lalaking naka superman. Bigla nading umalis si lalaking naka superman na t-shirt. Ang bilis tumakbo para talagang superhero. Hindi tuloy ako nakapag pasalamat sa kanya. Nang dahil sa kanya buhay pa ako ngayon at kung hindi sya dumating ay patay na siguro ako ngayon. Hindi ko rin sya namukaan kasi medyo lasing pa at madilim. After nun, natuloy din ako sa banyo. Grabe! Wiwing wiwi na talaga ako! Mga epal kasi yung mga lalaking yun! mabuti nalang at hindi ako naihi kanina sa takot. Pag balik ko sa kanila ay nagulat ako sa mga lukang ito at nakaupo na. Mukhang mga napagod na ata sa pag sasayaw. Medyo wala nadin akong amats pati narin sila, kaya kinuwento ko yung nangyari kanina sa kanila. "Taray! Ang galing naman. Sino kaya yung naka superman na t-shirt nayun? Ikaw kasi eh, dapat hindi ka lumalayo saamin. At saka dapat nag pasama ka manlang?" sabi ni Leslie. "Gwapo ba girl?" pag tatanong ni Nel. malandi talaga itong beki na ito. "Naku hindi ko nga namukaan eh. Medyo madilim at may amats pa ako nun kasi ininom ko kasi mag isa yung natirang alak kanina. Nainggit kasi ako sa inyo eh! Gusto ko ring sumayaw kaya nag pakalasing narin ako," sagot ko sa kanila. "kaya naman pala naubos yung alak eh, tinira mo pala mag isa. kakaiba ka pala Girl!" sambit ni Maureen. After nun ay umuwi na kami kasi late narin. Kaya naman nagpasundo na ako kay Manong Eric. Mga bandang 11pm na siguro nang ako'y makauwi. Tuloy-tuloy na ako sa kwarto ko. Bago ako natulog ay nag post muna ako sa f*******:. “Hay nako! Salamat talaga kay SUPERMAN. Kung sino ka man. Utang ko ang buhay ko sayo. Maraming maraming salamat talaga sayo #iloveyounasuperman" Pagkapost ko nun ay may umiksena kaagad. May biglang nag like ng post ko. Hindi ko kakilala. Walang picture, pero ang kinagulat ko, ang name nya ay SUPERMAN. May sumagi tuloy sa isip ko, nung nakaraan araw kasi ay first time na may nag add saakin sa f*******:. Sanay na kasi akong walang nag a-add sakin bukod sa mga close friend ko. Tapos kanina nag post ako sa f*******: na... "Bar bar din pag may time!" Hindi ko alam, pero parang stalker ko si Superman. Hindi kaya yung naka superman na t-shirt nayun at yung superman dito sa f*******: ay iisa?? Sino kaba Superman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD