(Chapter 15)
LIA'S POV
Grabe! Super sakit ng ulo ko pag ka gising ko. Mga ala una na nang hapon ng ako ay nagising. Grabe lang! Ang haba ng tinulog ko. Pag kalabas ko ng kwarto ay may nakita akong note na nakalagay sa may pinutaan ng kwarto ko.
"Anak, baka hanapin mo ako. Wala akong pasok ngayon. Pumunta ako sa mall, bibili kita ng bagong cellphone. Hindi narin kita ginising at baka pagod ka sa swimmiing nyo kagabi. Kaya naman ako nalang mag isa ang pumunta sa mall. At anak, umiinom ka ng madaming tubig. I know na umiinom kayo kagabi. Expect ko naman un, kasi swimming yun. Kaya pag gising mo umiinom ka ng maraming tubig at baka ma DEHYDRATE ka," message ni Mommy na nakadikit sa may pintuan ng kwarto.
Pumunta ako sa kusina, nanunuyot nadin ang lalamunan ko at parang wala na akong laway.
Pagpunta ko ng kitchen ay nag kasabay pa kami ni Jamaica. Umiinom din siya ng tubig kasi pinaalalahan din pala siya ni tita bhecca na umiinom ng maraming tubig. Ang babaet talaga ng mga parents namin.
Tutal a wala kaming ganang kumain, parehas nalang din kaming natulog ulit. Kaya naman bumalik na ako sa kwarto ko ay muli na naman akong nalupaypay sa kama dahil sa sobrang sakit ng ulo.
Nagising ako nang bandang alas singko. Nang lumabas ako ng kwarto ko ay medyo naliliyo parin ako. Pupunta na sana ako ng kusina para umiinom ng cold water ng bigla kong nasunggo ko yung Banga ni Tita Bhecca.
Nataranta ako ng Mapalabas parehas ng kwarto si tita Bhecca at Jamaica.
Pag labas ni tita Bhecca ay nanlaki ang mata nya sa nakita nya. Ganun nadin si Jamaica
"Oh my god! Anong ginawa mo Lia!?" nakasigaw na sabi ni tita bhecca.
Sinugod ako ni tita. Agad niyang hinablot yung buhok ko at saka niya niyugyog yung ulo ko. Habang hawak hawak nya yung buhok ko ay nakaawat naman si jamaica. Pero dahil malakas si tita Bhecca ay hindi niya ito napigil.
Sobrang sakit na ng ulo ko sa hang over tapos niyugyuog pa ni Tita.
"Kay tagal tagal kong ini-ngatan yan at napaka halaga saakin ng vase nayan, tapos ikaw lang ang makakabasag! Hindi kita mapapatawad bata ka! Kaya bagay lang sayo yan! Uh! Uubusin ko ang buhok mo, lintik ka!" Gigil na gigil sa galit saakin si Tita. Pakiramdam ko nga sa sarili ko ay kalbo na ako.
Biglang bumukas ang pintuan at sa wakas dumatin na si Mommy.
Nanlaki ang mata niya ng makita niyang binubugbog ako ni Tita Bhecca. Kaya naman agad agad niyang sinugod si tita Bhecca.
Sinampal ni Mommy si tita Bhecca, kaya naman tumigil na siya sa pag sabunot saakin.
"Anong ginagawa mo!?" sigaw ni mommy kay tita Bhecca. Halos mapaupo naman ako sa sahig nang bitawan na ako sa pag kakasabunot niya.
“ Ang anak mo! Binasag ang pinaka iingatan kong banga! Hindi ko mapapatawad yang anak mong tanga!" galit na sagot ni tita Bhecca na may halong namumuong luha.
"Hindi mo naman kailangang bugbugin yung bata. Gusto mo ibibili kita ng bagong banga? Yung imported pa!" mataray na sagot ni Mommy.
"Hindi basta basta mapapalitan na kung anong banga yang binasag ng anak mo! Alam mo naman ate na bigay saakin ni mama ‘yun nung bata pa tayo." Natuloy na sa pag iyak si tita Bhecca sa banganyan nila ni Mommy.
“Alam ko naman yun, pero patawarin mo na ang anak ko. Hindi naman niya yun sinasadya…" sabi ni mommy. This time, bumaba na ang tono nang pananalita ni Mommy na mukhang kalmado na.
Si tita bhecca nama'y sabay pasok sa kwarto niya. Nagdabog siya at talagang nilakas ang pag sarado ng pinto ng kwarto nya.
Kinuwento saakin ni mommy kung gaano kahalaga yung banga nayun.
Nung bata pa si Mommy at tita bhecca ay mas favorite ni lola si tita bhecca. Kasi daw si mommy ay laging sinusuway ang inuutos ni lola, kaya naman suklam daw si lola kay mommy.
Nung mahina na si lola at mukang bibigay na siya ay pinatawag daw si tita bhecca sa kwarto nito at inaabot yung banga na nabasag ko. Yung banga na ‘yun ay galing pa sa pinaka ninuno ng lola ko kaya halos 100 years na yung banga na ‘yun, kaya ganun ka importante kay lola. Pag kaabot ni lola kay tita bhecca ng banga nayun ay agad naman daw nalagutan nang hininga si lola. Kaya nung namatay si Lola ay lubos ang kalungkutan ni Tita Bhecca, kaya walang araw na hindi nya yakap yakap yung banga nayun. Kahit sa pagtulog katabi tabi nya sa higaan ‘yun. Ganun niya yun iningatan.
"Naguguilty tuloy ako Mommy! Kay Lola pa po pala yung banga nayun. Siguro kung nandito si lola ay magagalit din sakin yun," mangiyak nigyak na ako habang kausap si mommy. Siya naman inaayus yung nagulo kong buhok.
Nawala lang ang lungkot ko ng iabot na saakin ng Mommy ko ang bago kong cellphone. Dinaan ko nalang sa pagse-cellphone ang lungkot ko. Tinawagan at pinamigay ko na ulit sa mga kaibigan ko ang new number ko.
Kinagabihan, hindi sumabay sa dinner si tita bhecca kaya naman dinalhan nalang siya nang food ni Jamaica sa room nya.
“Kinain ba nya yung pagkain na dala mo?" pag tatanong ni Mommy kay Jamaica.
"Opo, Tita," maikling sagot ni Jamaica.
"Mabuti naman kung ganon.”
Pag katapos naming kumain ay Agad agad nadin kaming nag si tulugan. Habang nakahiga ako ay Isip isip ko si tita bhecca. Grabe na ang galit niya sa saakin. Hindi ko tuloy alam kung mapapatawad pa niya ako, makukuha ko ang loob niy, magiging good kami. Parang malabo na.
Ngayon mas takot na takot na talaga ako sa kanya. Ngayon ko lang naranasan ang pang bubugbog niya. Sana hindi na yun maulit. Nakakatakot talaga.