(Chapter 14)
LIA'S POV
Ito kami, kanya kanyang kwento habang kumakain. Ang dami naming dalang pagkain. May Adobo, Menudo, Garlic pork belly, chopsuey ,fried chicken, fruitsalad. Nagdala din kami nang Red wine at saka junk foods narin.
Habang kumakain kami ay napasin kong wala si Liam. Hindi namin siya kasabay kumain. "Saan kaya nag punta yun?" tanong ko sa sarili ko.
"Guys guys, doon nalang tayo sa swimming pool uminom ng whine para masaya diba?" pang aaya ni erica.
Nagkakasiyahan na kami sa pool habang todo langoy ang lahat.
Nagulat nalang kami ng biglang may lalaking nag salita.
"L-lia, pwede ba tayong mag usap?"
Napatigil ang lahat at napatingin sa lalaking nagsalita. Si Liam pala.
"Lia usap daw kayo oh," pang aasar ng lahat.
"Ah, eh, b-bakit naman? A-ano pag uusapan natin?" Nahihiya kong tanong sa kanya.
"Basta! Tara, sumunod ka saakin," maikli niyang sagot.
Umahon ako sa pool at sumama kay Liam.
Nang mapalayo na kami sa kanila ay huminto muna kami saglit.
"Lia pwede bang lagyan kita ng panyo na pantakip sa mata mo?" sabi niya.
"Bakit kailangan pa lagyan ng panyo?" pag tatanong ko sa kanya.
"Basta malalaman mo din mamaya"
Hindi na nga ako nakapalag at nilagyan na nga nya ako ng takip sa mga mata ko. Malayo-layo ang nilakad namin habang akay-akay niya ako. Nakukuryente nga ako dahil magkahawak kamay kami. Mayamaya pa ay huminto na kami.
"Nandito na tayo Lia, pwede mo nang tanggalin yang takip sa mata mo," sabi ni Liam.
Slow motion kong tinanggal yung panyo sa mata ko. Nang tuluyan nang matanggal ang takip ay napalaki ang mata ko sa nakita ko.
May nakita akong isang lamesa at dalawang upuan tapos may kandila sa gitna ng lamesa at maraming pagkain. May banner pang nakasabit na may nakasulat na…I LOVE YOU SO MUCH LIA .
"SUPRISE!!!" sigaw na sabi ni Liam na naka todo smile pa.
“Ano na naman ito?” nahihiya kong tanong pero kinikilig ako.
"Lia, busted na ako kay sharmaine. Hindi daw nya ako mahal. Ibang lalaki daw ang type niya at hindi ako. Kaya naman Lia. Ikaw na ang mahal ko ngayon hindi na siya. kapag kasama kita sumasaya ako. Ikaw na ngayon ang nagbibigay kulay sa buhay ko. Kaya please Lia, CAN YOU BE MY GIRLFRIEND!" nakaluhod niyang sabi saakin.
Halos mahimatay ako sa narinig ko at nakita ko. Tapos si Liam lumuhod pa sa harap ko. Nakakahiya!
"Tumayo ka nga dyan! Parang kang tanga sa ginagawa mo," sambit ko sa kanya."’Wag mo naman akong pag-tripan ng ganito oh. Kasi parang may kutob ako sa ginagawa mo eh. Hindi kapani-paniwala itong mga ginagawa mo. Ang gwapo gwapo mo tapos pag aaksayahan mo lang nang oras ang isang pagkapanget-panget na babae na katulad ko."
Bigla siyang tumayo sa harap ko at hinawakan ang aking mga pisngi. Lalo na akong nagulat ng bigla nya akong hinalikan.
Nanlaki na naman ang mga mata ko. Damang dama ko ang lambot ng labi ni Liam.
Pagkatapos nun ay siya naman ang nagsalita.
"Lia, please! Totoo ang lahat ng pagmamahal ko sa’yo. Tulad nga nung sabi ko sayo nung nasa park tayo na hindi ako tumitingin sa labas ng kaanyuhan. ‘Wag mo naman akong pahirapan oh! MAHAL KITA...MAHAL NA MAHAL KITA, MANIWALA KA!" sabi niya na tila ang seryo-seryoso niya.
"Oo na oo na, naniniwala na ako sayo." sagot ko sa kanya.
"So ano, sinasagot mo na ba ako?" pag tatanong niya.
"Liam pwede bang maghintay ka kahit dalawang araw lang? Gusto ko muna kasing mag-isip." sagot ko sa kanya. Hindi kasi ako talaga makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.
"Oo naman, handa akong maghintay para lang sa’yo" sagot niya sabay ngiti.
LIAM'S POV
Pumunta muna ako sa room na kinuha namin dito sa resort. Nag toothbrush ako ng limang beses. Hinalikan ko na naman si Lia. Nakakadiri na!
Sobrang gigil na talaga ako sa babaeng panget na yun! Sobrang pag hihirap na dinaranas ko. Ewan ko nga ba kay sharmaine at kung mahal nya ako ay dapat sagutin na niya ako at hindi yung kung ano ano pa pinapagawa saakin. Tsk!
Bago ako tuluyang bumalik doon ay pumapak muna ako ng sauce ng menudo. para naman hindi mahalata ni Lia na nagtoothbrush ako. Baka mamaya maamoy niya na amoy collagete ako, baka kung ano pang isipin nun, eh pumalpak pa ang plano ko.
Pagkatapos nun ay binalikan ko na siya.
LIA'S POV
Grabe!Mamatay na ako sa sobrang kilig. I think dapat nga siguro na sagutin ko na sya. Mukhang mahal na nya talaga ako. Naka ilang halik na sya sakin. Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko. Sasabog na talaga ako anytime.
Makalipas ang ilang oras ay mga napagod na kami. Medyo mga lasing narin sila kaya nag si pasukan na kami sa room at nag tulugan na.
Mabuti nalang at automatic na may mga taga linis dito sa COCO BEACH ISLAND RESORT. Madami kasi kaming kalat. Alam nyo na, mga lasing nga kaya lahat ay hindi na alam mga ginagawa.
Mga 4am na nang kami ay natulog. Nagising kami ng 8am at saka kami umuwi. Pero dumaan muna kami sa jollibee para magkapag breakfast. Lahat ng kumakain dun ay naka tingin saamin. Yung mga itsura kasi namin ay mukhang mga sinakluban ng langit at lupa. May mga hangover kasi kaya mga hindi maipinta ang mga mukha. Lalong lalo naman ako. Panget na nga, lalong pang pumangit.