(Chapter 13)
LIA'S POV
Goodmood at super energetic ako today. Maaga akong pumasok sa school. Tulad nang dati. Lahat na naman ay saakin nakatingin.
Pagpasok ko sa room namin ay Nandun na sila leslie. Maaga din talaga sila kung dumating.
"Bakit wala ka yesterday?" Tanong bigla ni Leslie.
"Sumakit ‘yung ulo ko eh. Sabi ni mommy bukas nalang daw ako pumasok at baka mabuwal pa ako sa dito." Nagsinungaling nalang ako sa kanila. Hindi ko na kinuwento ‘yung tunay na nangyari at baka mamaya pagtawanan pa nila ako.
"Ganun ba, naku buti okay kana ngayon. Anyway, lahat nga pala tayo ay kakanta ngayon sa harapan. Maganda ba boses mo girl?" Pag tatanong ni leslie na siya namang kinagulat ko.
"Ano? Lahat tayo kakanta sa harapan? B-bakit naman daw??"
"Ewan ko ba kay Miss Rechel! Maghahanap daw sya nang magaganda ang boses. Lahat daw ay pupunta sa harapan. Lahat daw ay kakanta sa harapan para daw sure na makita kung maganda nga ang boses or panget. May mga tao daw kasi na nahihiyang ilabas ang talent. Saka bubuo daw ng CHOIR dito sa Magenta university na ipanglalaban sa ibang bansa," kwento ni Leslie saakin.
"Kinakabahan tuloy ako. Ikaw leslie, maganda ba boses mo?"
"Ay naku, boses palaka ako. Mabuti pa, ‘tong si Maureen nalang ang tanungin mo at napaka ganda ng boses nyan." Sambit ni Leslie sabay turo kay Maureen. Nag nod nalang si maureen na tila proud nga siyang iparating na maganda nga ang boses niya.
Maya-maya ay dumating na si miss Rechel.
At ayun na nga, lahat na nga ay nag punta sa harapan at isa isang ng kumanta sa harapan.
Hanggang sa si Leslie na ang tawagin. Kinanta ni Leslie yung love story ni Taylor Swift. Mukhang tama nga siya, hindi nga sya magaling kumanta.
Halos wala pa atang napipili dito si miss rechel sa room namin. Hindi na pinapatapos ni miss rechel yung kanta pag dinaman kagalingan ang boses. Pinapahinto na nya.
"Okay next, Maureen." nadinig kong sabi ni miss Rechel.
Nung kumanta siya ay halos lahat ay nagpalakpakan. Ang ganda ganda ng boses ni Maureen. Kinanta nya yung diamond ni Rihanna.
Nakuha si Maureen ni miss Rechel.
"And last, Lia," nadinig kong sabi ni miss Rechel na siyang kinakaba ko nang sobra!
Bulungan na naman ang classmates kong mga laiterat-laitero.
Nadinig kong sabi sabi ng mga classmates ko. napaka m-mean talaga nila. Tumayo ako na may halong pangangatog! Grabe, kinakahabahan talaga ako.
Nagstay ako sa harapan ng mga 5 minutes, talagang kinakabahan kasi talaga ako eh.
"Ano ba miss Lia, kakanta kaba? Ang tagal mo na dyan ahh!" sabi ni miss Rechel na mukang naiinis na.
Nakayuko ako sa sobrang hiya. Pero nilakasan ko na ang loob ko, Kaya naman nilapitan ko yung classmate ko na may hawak na gitara. Hiniram ko ang ginatara niya. Hinila ko na din yung isang upuan. Kakanta ako ng nakaupo. Baka kasi mangawit ako. Mabigat pa naman yung guitar ni bryan.
Nag umpisa na akong kumanta. Kinanta ako ang Wrecking ball ni Miley Cyrus.
Halos lahat sila na panganga ng mag umpisa akong kumanta.
"Wow! Ang ganda ng boses mo Lia!" sigaw ni leslie kaya naman medyo nangiti ako.
"Oo nga. Mala anghel ang boses mo girl! Ang lamig lamig! Go! go! Lia!" sigaw din Maureen
Natahimik ang lahat. Si miss Rechel pinatapos narin yung kanta ko. Mukhang nagandahan narin siya sa boses ko.
Nang matapos akong kumanta ay naging bitter ang lahat. Ang pumalakpak lang ay si miss Rechel, Leslie, Nel at Maureen.
Mayamaya pa ay nag salita na si miss Rechel. Agad ko naring sinauli kay bryan yung gitara n’ya. Talagang inirapan pa ako nitong si Bryan. Bakla ata hahaha!
"Ang lamig lamig ng boses mo Lia. Kaso parang di ka matatanggap sa Choir, kasi ang pinipili namin ay good looking. Pasensya kana ha? Ilalaban kasi namin ang mga student na makukuha namin sa ibang bansa at isa talaga sa pinipili doon ay GOOD LOOKING!" sabi ni miss Rechel na siyang kinalungkot ko.
Tawanan ang lahat. Ako naman maluha-luha sa sinabi ni miss Rechel.
"Ayos lang yan. Pero ang ganda ganda pala ng boses ha!" pang cocomport ni Leslie.
"Oo nga, tinalo mo ako dun Girl!" sabi naman ni Maureen
"Kahit Hindi ka napili, the best ka naman samin. Ang galing mo talaga kanina," sabi naman ni Nel.
"Salamat sa inyo. Anyway, congrats sayo Maureen."
Mabuti pa si maureen natanggap. palibhasa maganda siya. Pag katapos ng kantahan. tuloy turo narin si miss rechel.
Pag kauwi na pag kauwi ko sa bahay ay tumuloy ako sa aking kwarto para gumayak.
Todo impake ako ng mga gamit na dadalin ko. Mag papa DESPEDIDA na kasi si Venice, dahil aalis na siya. Pupunta na daw sa new york at doon sya mag aaral ng FASHION DESIGNER. kaya naman ito mag n-night swimming kami ngayon.
Nagpahatid kami ni Jamaica kay manong Eric. Doon kasi kina Venice magkikita-kita ang lahat at doon din kasi tutuloy yung van ng kinuha nila para sakyan namin.
Nang makarating kami kina venice ay halos kami nalang pala ang hinihintay at buo na pala silang lahat doon. Agad naman kaming umalis pag kapasok namin sa van. Going to COCO BEACH ISLAND RESORT na kami. Malapit lang yun dito saamin. Mga 2 hours lang ang biyahe.
Habang nasa biyahe. Ito kami, kwentuhan tungkol sa first week of school. Ilang oras kaming nagkukwentuhan hanggang sa makaraing na kami doon.
Pagpasok namin sa resort ay may nakita kaming isang mahabang pool na nakaikot tapos yung gitna parang may island!
Tapos meron din ditong. SPA, SHOPPING ARCADE, CABLE JEEPNEY, COCO SOAP WORKSHOP, E-CAFE, CHILDREN'S PLAYGROUND and SPORTS AMENITIES.
Kumuha kami ng isang malaking kwarto, para sama sama na kami doon. Yung kinuha namin kwarto ay sampo ang kama. Medyo nilayo namin yung isang kama para kay Liam. Oo kasama si Liam. Pinasama siya ng Mama nila, kasi wala daw kaming kasama na lalaking sakaling magkalunudan na kami.
Kaya ito ako. Hindi komportableng gumalaw dahil nahihiya ako kay Liam. Tapos sa tuwing makikita ko siya,naaalala ko yung sinabe nyang..."PWEDE BA KITANG LIGAWAN????" kaasar talaga! Nakakahibang yung word na binitawan saakin ni Liam.
Pinaubaya muna namin kay Liam at Yassy yung pagkain. Sila na ang nagluto.
Kami naman todo gala na sa buong resort. Una naming sinubukan ay yung Jacuzzi. Tamang tama at alas otcho na. Tuwing 8pm to 6am lang open ang jacuzzi nila dito. Nang mainitan na kami ay lumipat narin kami sa swimming pool.
Maya-maya pay nag kagutuman na kami, kaya umahon muna kami. Grabe lang ng pag ahon namin ay nilamig kaagad kami.
Nagulat nalang ako nang biglan akong sinalubong ni Liam.
"Oh,towel for you, Lia. Nilalamig ka na ata," sabi ni Liam sabay abot saakin ng tuwalya.
"Ang sweet nemen!" asar ni Venice saamin ni Liam.
Ako naman hindi makatingin sa kanya. Nahihiya kasi ako. Lalo pa’t ngayong alam kong nililigawan pa niya ako.