(Chapter 12)
LIA'S POV
Goodmood ang umaga ko. Dahil siguro sa mga nakakakilig na nangyari kagabi. Habang naliligo tuloy ako ay napapakanta ako.
Ang sarap sa feeling nainlove ka.
Pagkatapos kong kumain ay umalis narin ako.
Grabe! Mag lalakad pa tuloy ako hanggang sa papalabas ng ljs village. Si Manong Eric kasi ngayon pa nag ka sakit.
Habang naglalakad ako papalabas ng village ay nagulat nalang ako ng biglang may kumalabit saakin.
"Tulong! ‘Yung kaibigan ko nakatuklaw ng ahas,” Sabi nung lalaking biglang sumulpot sa likod ko na nag mamakaawa saakin. Dahil naawa ako sa kanya ay tinulungan ko siya.
"Naasan sya?" tanong ko.
"Nandun sya sa may damuhan," sabi niya kaya naman todo sunod ako sa kanya.
Sinundan ko lang yung lalaki. Habang sinusundan ko lang siya ay nanlaki ang mata ko nang makita ko yung sinasabi niya. Natanaw na namin yung lalaki kaibigan nya na nakahandusay sa damuhan.
Lumapit na kami dun sa lalaki nang bigla nalang.....
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!"
Biila nalang akong nalaglag sa isang butas na may maraming putik.
Maya-maya pa ay naglapitan na saakin ang isang tropa na mga lalaki.
"Hahaha! Ang tanga tanga mo! Uto-uto ka!" sabi nung isa lalaki at talagang tawanan talaga silang lahat.
"NAPAKAWAWALANGYA NYO! WAG NYO AKONG IWANAN DITO! TULUNGAN NYO AKONG MAKAAHON DITO!" Pag sisigaw ko. Pero talagang iniwanan na nga nila ako.
Ayun, nasa butas tuloy ako. Mga isang oras na siguro ang lumipas pero wala paring tumutulong saakin. Yung cp ko nasira kasi nalublob sa putik. Tapos itong uniform ko punong puno din ng putik. Napaka walangya ng mga tropang hamog nayun! Intensyon na ngang tumulong tapos ganto lang pala mangyayari saakin.
LIAM'S POV
Habang nag lalakad ako ay nakita kong nagsisi-takbuhan yung mga tropang mga lalaki na mukhang walang ambisyon sa buhay.
Papalabas na ako ng ljs village nang biglang may madinig ako na sumisigaw ng tulong.
Hinanap ko kung saan nagmumula yung humihingi ng tulong. Medyo rin parang kilala ko yung boses kaya naman nag ka interes akong hanapin kung sino man yung sumisigaw.
Napadpad ako sa may damuhan. Habang papalapit ako ay may natanaw akong butas. Nagulat ako ng silipin ko yun. Si Lia! Si Lia na punong puno nang putik.
"Lia! Anong nangyari sayo?! Bakit ka nandiyan?"
"Mabuti naman at nakita mo ako dito. Tulungan mo ako please!" sabi ni lia na mangiyak-ngiyak na.
Binuhat ko sya para makaahon sa butas na punong puno ng putik. Dahil din doon ay napuno nadin ako ng putik.
"Bakit ba kasi napad-pad ka diyan sa butas na yan!?"
LIA'S POV
Mabuti nalang talaga at nakita ako ni Liam. Nagulat si Mommy ng makita niya akong punong-puno nang putik.
"Sorry po mommy, nadulas po ako sa putikan. Pati po cellphone ko nalublob, nasira po. Baka hindi na rin po ako pumasok. Late na po ako.," Bungad kong sabi sa kanya. Syempre hindi ko sinabi ang totoo. Ayokong mastress pa si Mommy.
"Late ka na nga. Bukas ka nalang pumasok! Tsk! bakit naman kasi hindi ka nag iingat! Sige, ‘wag mo nang alalahanin ‘yang phone mo at bibilhan nalang kita ng bago," sabi ni mommy.
Maghapon tuloy akong nakatanga sa bahay. Kaen, tulog at computer lang.
Pag sapit nang gabi ay nakatanggap ako ng message galing kay Liam. Inaya na naman niya akong makipag kita sa kanya.
Syempre, tuloy bihis na ako. Medyo nag ayos din ako para naman kahit papaano eh, gumanda naman ako kahit wala naman talagang igaganda pa haha!
Pag katapos kong mag aayos ay pumunta na ako sa park. Pag dating ko dun ay agad ko naman siyang natanaw sa may gilid na nakaupo at may dala na namang bulaklak.
Lumapit ako sa kanya.
"Nandito ka na pala, flowers for you again," sabi niya with matching pa-cute na smile pa. Ang gwapo niya lalo ngayon sh*t.
"T-thank you dito at pati narin kaninag umaga. Mabuti talaga at nakita mo ako. kung hindi na buro na siguro ako dun!" sagot ko sa kanya na may konting hiya parin, “Anyway, napapadalas ata pag bibigay mo ng bulaklak. Nakakahiya! Hindi mo naman kailangan gawin to eh," dugtong ko pang sabi sa kanya.
"Hindi mo ba nahahalata Lia? Nililigawan kita! I LOVE YOU LIA!" bigla bigla niyang sabi na halos kinagulat ko. Kaya naman pati yung hawak kong bulaklak ay halos mabitawan ko.
Masamid samid pa ako bago ako naka sagot, "L-liam ano ba namang pagjojoke yan! Ikaw? Mag kakagusto sa isang babaeng napaka itim at kay panget panget pa? Liam naman kaylan kapa natutong mag joke? Hahaha!" sagot ko sa kanya.
"Wala akong pakelam kung ano ka pa. Hindi naman ako tumitingin sa labas ng kaanyuhan eh. Saka mabait ka, kapag kasama kita sumasaya ako. Kaya Lia, PWEDE BA KITANG LIGAWAN?" sabi pa niya na talagang halos matorete ako.
Hindi ako talaga maka-imik. Para akong naging istatwa dito na naging bato sa aking mga narinig kay Liam. Hindi ko alam isasagot ko kaya naman balik sa dating gawi.
Pinulot ko muna yung bulalak na binigay ni Liam saakin at sabay takbo ulit ako papauwi.
Hindi ko kasi alam isasagot ko eh. Alam nyo na, first time na may mang ligaw at di ko inaasahan na yung crush ko pa ang mang liligaw saakin. Dream come true na ba ito? kinurot ko nga yung sarili ko baka kako nanaginip lang ako, pero hindi, totoo nga talaga ito.
Ito na naman ako. Tuloy-tuloy ako sa aking kwarto dahil talagang yung sinabi lang ni Liam ang mga tumatakbo sa isip ko ngayon.
"PWEDE BA KITANG LIGAWAN?"
"PWEDE BA KITANG LIGAWAN?"
"PWEDE BA KITANG LIGAWAN?"
"PWEDE BA KITANG LIGAWAN?"
"PWEDE BA KITANG LIGAWAN?"
Paulit-ulit na nag rerewind sa isip ko yang sinabi ni Liam na halos na mabaliw ako. Parang bang sirang plaka. Talagang paulit-ulit.
Hiyang hiya na ako kay Liam. Lagi ko nalang sya iniiwanan sa park. kasi naman siya eh, nakakagulat talaga.
Grabe! Hindi ko na kaya ito! Feel ko ang haba na ng hair ko. Halos Nag tatatalon ako sa kama ko sa sobrang sayang dulot nang sinabi ni Liam saakin.
Napatigil nalang ako sa pagtatalon ng makatanggap ulit ako ng message kay Liam.
"Kayang kong maghintay kahit matagal pa. Basta Lia, napamahal ka na saakin, kaya sana sagutin mo ako. Goodnight and sweetdreams!" message niya saakin. Iba na talaga ang tama niya. Tila talaga ako nanaginip.