Chapter 9

1204 Words
(Chapter 9) LIA'S POV Halos tatlong araw akong hindi nag lalabas ng bahay at nang kwarto ko. Paano kasi ay nahihiya akong humarap kay Liam. Baka mamaya niyan kasi ay magkasalubong kami sa labas. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.Hindi ko alam ang sasabihin ko kung bakit ko ba sya hinalikan. Pag naiisip ko talaga yun ay hiyang hiya talaga ako. Maniwala naman kaya siya kung sabihin kong sinaniban ako ng masamang ispirito nang araw na ‘yun. Ang hirap! ‘diko alam ang ipapalusot ko! Nakakahiya namang umamin na may gusto ako sa kanya. Medyo nakaramdam ako nang gutom kaya naman lumabas muna ako nang kwarto para kumuha ng pagkain. Bigla namang may nag doorbell kaya naman nauna akong tumungo doon para tignan kung sino ang tao sa labas. Laking gulat ko ng pag bukas ko ng pinto. "Papa?! Aba, long time no see ah! Ubos na po ba ang perang pang sabong n’yo?! Grabe po kayo! Dalawang linggo kayong hindi nagpakita! Saan naman ho kayo tumutuloy ng dalawang linggo na’yun?" kay Papa lang ako nakakapagsalita ng ganyan. Kasi suklam ako dyan eh. Sigurado ako kaya lang umuwi yan dito ay para humingi lang ng pera kay Mommy na ipang sasabong ulit. "Anak naman, hindi mo ba ako namiss? Papasok muna ako at antok na antok na ako. Wala pa akong tulog." at dahil mabait akong anak, pinabayaan ko na muna siyang mag pahinga at saka ko nalang siya aawardin kapag may energy na siya. Tumuloy na siya sa kwarto nila ni Mommy. Gabi na ng dumating si Mommy. At tulad nga ng sinabe ko humingi na naman ng pera itong magaling ko Ama kay mommy at ayun, umalis na naman! After 3 days, nag plano ulit kami na mag bonding. Susulitin na namin para sa natitirang araw. "Nag text si Venice. Sa kanila nalang daw tayo mag bonding. Tutal daw ay wala naman ang mga parents nila sa bahay nila. Si liam lang daw at siya ang tao sa kanila. Oh, diba pabor sayo at makakapag papansin kapa sa super crush mong si Liam." Nakangising sabi ni Jamaica at talagang inaasar pa ako. Bakit doon pa sa kanila? Ayoko ngang makaharap si Liam eh! "Natahimik ka diyan ata Ate Lia?" pag aaya ni Jamaica at talagang hinihila hila pa ako palabas ng bahay. "Sana umalis si Liam ng bahay! Please, Lord help me! Ayokong makaharap siya," bulong ko sa sarili. VENICE'S POV "Guys, always nalang late ‘yung dalawang yun! Ang tagal tagal nilang dumating kahit kelan!" reklamo kong sabi. Nakakainip kasi. "May bago ba? Kaylan ba dumating nang maaga ‘yang si Lia at Jamaica? Masanay kana girl!" nakangising sabi ni Erika. Mayamaya ay biglang namang may nag doorbell. "Oh, baka ayan na yung dalawang pagong," sabi ni Duday habang yung kumakain ng coockies. Pag bukas ko ng pintuan ay isang diwata ang biglang bumulaga saakin. “Hello Venice!" bati saakin ni sharmaine. “Nasaan ang kuya mo?” Tanong niya. "Pasok ka, nasa itaas siya, sa kwarto niya." "Ah, sige salamat," naka puppy eyes niyang sabi . "Umupo ka muna diyan," wika ko sa kanya pag pasok namin sa loob. "Hi! Beautiful girls!" bati ni Ate Sharmaine sa mga kaibigan ko. Sabay sabay naman silang sumagot. Agad naman akong nag tungo sa taass para tawagin si kuya Liam. Pagtawag ko sa kanya ay sabay na kaming bumaba. "Hindi ka manlang nagpasabi o nag text na pupunta ka,” bungad na sabi sa kanya ni Kuya. Inaya siya ni kuya sa labas, sa may garden dahil mas malamig doon. LIA'S POV Pag ka hinto namin sa labas nang bahay nila Venice ay Napatingin nalang ako sa may garden nila. "Sino kaya yung nasa garden nila Venice na lalaki't babae?" Bulong ko sa sarili ko. "Sino ba yang dinudungaw mo sa bintana?" Tanong ni Jamaica. "Wala!" sagot ko sa kanya. Pagbaba namin ng kotse ay sinalubong kami ni Venice. "Hi guys! Bakit ang tagal n’yong dalawa?" bungad na tanong ni Venice. "Pasensya na. Ang tagal kasing mag ayos nitong si Ate Lia," sagot ni Jamaica kay Venice. Pag pasok namin sa may gate nila venice ay nagulat nalang ako nang may biglang bumati saakin. "Hi, Lia," nagulat ako sa pag sigaw ni Sharmaine sa pangalan ko. So, sila pala ni Liam ‘yung nasa garden na natanaw ko kanina sa bintana ng kotse. Lumingon ako sa kanila. At nag hello naman ako sa kanya. Pero hindi ko tinignan si Liam. Kaya naman dali-dali akong pumasok sa loob nila Venice. Pag pasok ko sa loob ay nakahinga din ako ng maluwag. "May problema ba Lia?"Tanong ni Venice. Nakita kasi niya ako na parang ang weird ko. "Wala naman, okay lang ako," palusot kong sagot ko sa kanya. "Wala?! Siguro kaya ganyan yan ay dahil nakita niyang mag kasama sa garden si Liam at Sharmaine, siguro nag seselos ‘yan hahaha!" sabi ni Erika. Ang gagaling talagang mang asar. "True ka diyan, Erika, " pag sang-ayon naman ni Jamaica. Pinag kaka isahan na nila ako. kawawa tuloy ako. "Sige, pag tulungan nyo pa ako. Gusto niyo bang umuwi nalang ako!?" pananakot ko sa kanila. "Ikaw naman, hindi kana nasanay saamin," sagot ni Venice. Tuloy hatak naman siya saakin nang akmang lalabas na ako nang pinto. "Ehh kasi, minsan pinag kakaisahan nyo na talaga ako pag dating kay Liam." sagot ko sa kanila nang nakasimangot. SHARMAINE'S POV "Tignan mo! Hindi makatingin sa’yo ‘yung babaeng ‘yun! Tsk! Mukhang malakas nga ang tama sayo ng isang yun!" inis kong sabi kay Liam. Letcheng pangit nayun balak pa akong agawan ng boyfriend at talagang inunahan pa akong mahalikan si Liam. At dahil isa akong babaeng ubod ng maldita. May mga bad idea na namang pumasok sa utak ko na siyang ikatutuwa ko. Hahaha! Humanda kang babaeng sunog ka! Tutal ay nanliligaw naman sakin itong si Liam. May na isip akong plano. Mukhang mag eenjoy ako nito. "Pabayaan mo nalang siya, ganun talaga kapag gwapo," sabi ni Liam. "Liam, sasagutin na kita…" sabi ko sa kanyang sabay tingin sa kanya ng eye to eye. "Talaga?!" Gulat na gulat na siya. "Oo, pero sa isang kondisyon!" Taas kilay kong sabi sa kanya. "A-ano naman yun?" nagtataka niyang tanong. "Well, kailangan mong mapa-ibig si Lia. At sa oras na mahal na mahal ka na niya at kagat na kagat na siya sa pag ibig mo ay saka mo iwanan at sabihin mong pinagtripan mo lang siya." "Ha?! Seryoso?" "Yes, im serious! Ayaw mo ba? Oh sige, wag nalang! Hindi narin kita sasagutin at wala nang magiging TAYOOOO!!" pananakot ko sa kanya. LIAM'S POV Wala akong magagawa. Kailangan kong gawin yung sinabi niya. Mahal na mahal ko kasi itong si Sharmaine, kaya kung yun ang paraan para maging kami ay gagawin ko. Aba, ang tagal tagal ko kayang nililigawan itong si Sharmaine. Kaya ito na pag kakataon ko. Patawarin mo ako Lia. Sinabi ko pa naman dati poprotektahan kita, pero darating din pala sa puntong....kasama ako sa mga mangbubully sayo. "Oo na, Sharmaine. Gagawin ko na yung gusto mo. Basta sagutin mo lang ako," sabi ko sa kanya. "T-talaga!? Good! I love you!" nangiti niyang sabi sabay yakap saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD