(Chapter 10)
LIA'S POV
Maaga akong ginising ni Mommy. Ito na ang first day ng school ko. Alam nyo naman siguro kaya ako tinatamad bumangon? Hindi kasi ako excited. Alam ko nang pagtitinginan lang ako dun. AASARIN, PAPARINGGAN AT BUBULLYHIN. Bahala na mamaya. Pero talagang kinakabahan talaga ako. Mag uumpisa na naman ang mga taong mang aalipusta saakin.
Tuloy ligo na ako. Pagkatapos nun ay sinuot ko na agad yung uniform namin. Ang ganda! Syempre alam nyo na, i love violet.
Pag labas ko ng kwarto ay tumuloy agad ako sa kitchen at nandun na pala silang lahat. Pagkatapos namin kumain ay sabay na kaming lumabas ni Jamaica. kumuha narin pala ng driver si Jamaica para may service narin sya. Tamang tama, dalawa naman na din kotse dito. Isang PINK at isang VIOLET! Syempre saakin yung violet at sa kanya yung pink.
"Goodluck sa first day of school mo Ate Lia. Wag kang papaapi! Fight! fight! fight!" nakangiting sabi ni Jamaica habang papasok siya ng kotse niya.
"Thanks! Ikaw din goodluck din sayo at mag ingat kadin," sagot ko naman sa kanya.
Halos dalawang oras biyahe kaya medyo inaantok ako. Mayamaya ay may natanaw akong nagpa-gising sakin. Nakakita ako ng school na kulay VIOLET!
Papalapit na kami ng papalapit doon at mayamaya ay may nabasa na akong.. "MAGENTA UNIVERSITY."
"Wow! Diyan ba ang school?" Masaya kong tanong.
"Tama ka. Diyan na nga po ang school mo. Alam mo bang all violet ang makikita mo diyan sa loob," sabi ni manong Eric.
Papasok na kami ng gate ng school. Marami naring student ang nandoon at mga nag-lisaw. Yung iba, may mga friend na kaagad. Masasaya kagad sila na nag k-kwentuhan.
Bumaba na ako at iniwanan na ako ni Manong Eric.
Pag pasok ko ay halos maita ako, kaya halos mapalaki ang mga mata ko.Totoo nga. Halos lahat ng bagay dito ay kulay violet. Mapa gate ng school, mga bulaklak, tiles, color ng window at mga door ng mga room.
Hanggang sa...
"Ui guys, tignan nyo yung girl! Parang ita oh! Nakakita lang ng bulaklak na kulay violet tuwang tuwa na agad."
"Oo nga! Saka ang panget niya! Mukhang taga bundok!"
"Oo nga! Ang itim itim pa! Buhok lang maganda ah! Mukhang kasumpa-sumpa ang itsura niya grabe!"
Sabi ko na nga ba eh, ganto ang mangyayari. Lahat sila ay saakin naka tingin. Sari-saring bulungan, sari saring usapan na tila may ginawa akong kasalan sa kanila. Napayuko nalang tuloy ako habang nag lalakad.
"Liaaa??"
Napalingon nalang ako sa bandang kaliwa ko nang may biglang tumawag saakin. Pag tingin ko ay laking gulat ko nang si Leslie pala. Yung babaeng nag tanggol saakin nung nasa mall ako.
"Leslie!? Dito karin mag aaral?" sabi ko sa kanya. Mukhang may mga friend kaagad siya dito dahil may kasama siyang isang boy at isang girl.
"Oo, dito rin ako mag aaral, ano course mo??" tanong niya saakin.
"Cosmetology." maikli kong sagot sa kanya.
"Ganun din kami, tignan mo nga naman, baka mamaya maging classmates pa tayo," masayang sabi ni Leslie. Kahit talaga pangit ako hindi siya nahihiyang kausapin ako. Samantala yung iba diring diri saakin.
"Naku sana nga maging classmate kita para may makausap ako at nang maging friend na tayo ng matagal. Salamat din Leslie at hindi ka nandiriri saakin," sabi ko sa kanya.
"Ano kaba! Ibahin mo ako dun sa mga taong ‘yun! Hindi ako ganung klaseng tao. Anyway, ipakilala ko sayo itong mga bestfriend ko. Dito rin sila mag aaral at cosmetology din kinuha nila. Sila sina Nel at Maureen,” Pakilala niya. Nginitian ko sila.
“Si Lia nga pala, siya yung kinukwento ko sainyong inaapi at tinulungan ko sa mall noon," sabi ni leslie.
"Ah siya ba yun? Hello sayo Lia, nice to meet you," nakangiting sabi ni Nel at nakipag shakehands pa siya saakin.
"Nice to meet you din," sagot ko habang nakangiti. Gwapo kasi niya eh, pero medyo malembot nga lang.
"Nice to meet you din Lia, Im Maureen," sabi naman nung isa at nakipag kamay din siya saakin. Mukhang mababait silang tatlo at mukhang may mga magiging new friend na naman ako.
"From now on, magiging friends mo na kami," masayang sabi ni Leslie na siya naman ding kinasaya ko.
"Oo, naman masaya ako at may mga mababait paring tao sa mundo na kagaya n’yo na hindi nandidiri sa akin," sagot ko sa kanila.
Habang nag uusap-usap kami ay may isang babaeng umeksena na naging usapin din sa Magenta university. Napunta ang lahat ng atensyon namin sa babeng papasok ng gate, kasi yung palda nung Girl pinaiklian niya. Pwede pala yun!
Lalo kong nagulat ng si Sharmaine ‘yung babae. Kaya naman nalaki talaga ang mga mata ko.
"Si Sharmaine?" mahina kong banggit sa pangalan niya.
"Kilala mo siya, Lia?" Tanong ni Leslie.
"Oo, Kilala ko siya. Kasintahan siya ng kuya ng kaibigan ko," sagot ko sa kanya.
Tulad nang nangyari saakin kanina ay pinag bulungan din si Sharmaine. Kaso ‘yung sa kanya ay puro Good comment.
Makalipas ang ilang minuto ay nag simula na kaming mag hiwa-hiwalay. Halos lahat ata nang masunggo kong student ay pinang didirihan ako.
Pero bigla nalang akong sumaya ng malaman kong magiging classmate ko sina leslie, maureen at nel. Napasigaw si Leslie ng makita niyang nakatapat ako sa room ng kanyang magiging room din.
Kaya naman sabay sabay na kaming pumasok sa loob nang room namin. Halos ata lahat na magiging classmates namin ay saakin nakatingin at talagang parang diring diri sila saakin. Bakit mukha bang may sakit ako nang nakakahawa at ayaw nila akong maging classmate? Kung may lakas lang talaga ako nang loob na awayin sila. Makakatikim saakin nag tag-iisang sampal yang mga yan.
Mayamaya ay may pumasok nang magandang babae. Siya na siguro ang magiging prof namin.
"Im Rechel Camartin, ako ang magiging prof n’yo," bungad niyang sabi saamin.
Isa-isa niya kaming pinag pakilala sa harapan. kaya naman nung ako na ang mag papakilala sa harap ay halos ata walang nakinig. Ni hindi manlang nila ako pinansin, tanging sila Leslie lang ang tumingin at umintindi saakin. Pag katapos nun ay agad agad namang nag pa lecture si Miss Rechel. Kahit unang araw palang ay may lecture na agad, grabe!
Nauna akong matapos mag sulat kaya nag paalam ako kina leslie na mauuna na ako. Nagugutom na kasi ako eh. Mahirap na baka mahimatay pa ako. At kung mahimatay man ako ay sure kong alang magtatangkang tumulong sakin.
Habang nag lalakad ako patungo sa canteen ay bigla nalang akong nadapa ng may biglang manalisod saakin.
Nagtawanan yung ibang nakakita saakin.
"Ops! Miss, are you okay? Oh wait, Lia?" Nagulat ako nang si Sharmaine pala yung nasa harap ko at mukhang siya rin yung nanalisod saakin.
"S-sharmaine??" mautal-utal kong sabi sa kanya habang nakaupo parin ako sa sahig.
Bulungan na naman yung ibang mga nakakita saamin. Mag hapong puro pang aasar at pag paparinig ang naranasan ko sa unang araw ng klase ko. Ang hirap talagang maging pangit. Aping api ka talaga. Nakakaiyak!
Nag paalam narin sina leslie saakin kaya naman ako nalang ang natira dito sa may gate. Hinihintay ko nalang dumating si manong Eric.
Mayamaya ay nakita kong parating na siya kaya naman tuloy sakay na ako kaagad dahil gusto ko nang umidlip, antok na antok at sobra akong napagod ako sa buong maghapon.
Mag gagabi na ng ako ay makauwi sa bahay. Si mommy agad ang sumalubong saakin pag pasok ko sa bahay.
"Oh anak, kamusta ang first day of school mo?" masayang tanong ni Mommy. Syempre dahil hindi ko ugali ang mag sumbong ay nag sinungaling nalang ako. Kapag nalaman niyang puro panlalait ang nangyari saakin ay sure akong bukas ay susugod ito sa school at doon mag i-eskandalo. Ayokong mangyari yun.
"Okay lang naman po Mommy. May mga new friend po akong nakilala," sagot ko sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun. Sige mag bihis kana at kumain na ng dinner. Mukhang pagod na pagod ka," sabi ni mommy at talagang siya pa ang bumuhat ng bag ko para dalhin sa kwarto ko. Napaka maarugang magulang ni Mommy. Kaya love na love ko yan eh.
SHARMAINE'S POV
Masaya akong sa Magenta university din nag aaral si Lia. Araw araw ko siyang maiinis at maibubully.
At dahil madaling mag isip ang dimonyo kong utak. Agad-agad akong nakaisip ng magandang plano na siguradong ikasisiya ko bukas sa school.
Humanda yang si Lia nayan at uumpisahan ko nang pahirapan ang buhay niya. Bukas, tinitiyak ko na maraming matutuwa sa Gagawin ko sa kanya Hahaha!