Chapter 8

1395 Words
(Chapter 8) LIA'S POV Pag-gising ko kinabukasan ay napalaki nalang ang mga mata ko pag ka basa ko sa nag message sa phone ko. "Hello Lia, goodmorming! Pwede bang ma-usap tayo? Mag kita tayo ngayon sa may Park. Mga 10am siguro. Hihintayin kita. Anyway, si Liam nga pala ito. Hiningi ko number mo kay Venice. Sana makarating ka. " text saakin ni Liam. Hala! B-bakit kaya gusto niyang makipag kita? Nakaka-kaba naman! Pag tingin ko sa orasan ay 9am na pala, kaya naman tuloy Ligo na ako. 3days daw hindi babasain yung buhok kaya binalutan ko ng plastic. Katawan lang pinaliguan ko. Pag katapos kong maligo ay naghanap ako ng magandang damit. Iisipin kong date namin ito hahaha! Natapos ako ng 9:30am sa pag aayos sa sarili ko. kaya naman tumuloy narin kaagad ako sa park. Pagdating ko sa park ay naupo muna ako sa may lilem sa ilalim nang puno. Ano ba naman kasi ang naisipan ni Liam at katirikan ng araw kami mag kikita? Mayamaya pa’y dumating narin s’ya. Ang gwapo gwapo niya ngayon at tila may mga glitters ang mga paligid niya habang papalapit na siya nang papalapit saakin. Nagiging slow motion yung lakad niya kapag tinitignan ko sya. "Kanina ka paba dyan lia? Pasensya na kung natagalan ako." Speechless parin ako sa pag dating niya. Nakatulala akong nakatingin sa kanya. Pano ba naman kasi ang gwapo gwapo niya ngayon. "Hey! kanina ka paba kako dyan Lia? " narinig kong sabi niya ulit. "Ah, Eh, H-hindi naman, karating ko lang din." Habang kausap ko sya ay sa may lupa ako nakatingin. Naiilang kasi ako sa kanya. Alam nyo na! Yung nung nangyare nung gabi. Nung parehas kaming natumba tapos sabay.. hihihi stop it na! Lalo lang akong kinikilig. "Ano ba pag uusapan natin at nakipag kita ka ngayon?" sabi ko na sa lupa parin nakatingin. "Yung totoo Lia, ‘yung lupa ba kausap mo o ako?" Nakangisi niyang pag tatanong. “Naiilang akong tumingin sayo eh, kaya pabayaan mo nalang akong ganito" sagot ko sa kanya nang pautal-utal. “O-okay, kung ‘yan ang gusto mo. Nga pala, pasensya kana nung birthday ni Venice ah? Hindi na pala kita nabalikan. Naanlig kasi ako kay sharmaine," sabi niya. Nainis naman ako nang marinig ko yung pangalan ni sharmaine. Ewan ko ba. Nag seselos nga siguro ako. "Ano kaba, okay lang ‘yun. Anyway, matanong ko lang Liam. Hindi kaba nasasagwaan pag kasama mo ako?" biglaan kong tanong sa kanya. "Ano ba namang tanong ‘yan Lia? H-hindi! Bakit naman ako masasagwaan sayo? Sandali nga lang at bago tayo mag usap ay bibili muna ako makakain natin," sabi niya. Umalis muna sandali si Liam para bumili ng pagkain namin. Bumili siya ng footlong at softdrink. tag isa kami at this is the firstime na nilibre ako nang crush ko. Para talaga kaming nag d-date. Pag ka bili na pag kabili niya ay agad naman niyang inabot saakin yung isang footlong at isang softdrink. "Oh lia, kain muna tayo," sabi niya sabay tabi sa inuupuan ko. Omg! This the first time na makakatabi ko siya sa pag upo. My god! Hindi na ako makahinga. Feel ko sasabog na itong puso ko. "kaya nga pala tayo mag uusap ay hihingi ako sayo ng paumanhin nung nangyare nung gabi nung sabay tayong natumba. Nakita kasi kita nun na, pagewang-gewang. kaya habang papalapit ka nun saakin ay nakita kong tutumba kana kaya naman tuloy takbo ako para saluhin ka. Eh nung nasalo naman kita, may naapakan akong bato kaya natapilok ako at ayun na nga aksidenteng nabuwal tayo, kaya di’ko sinasadya na magka halikan din tayo," mahaba niyang sabi habang kumakain kami. Lalo na akong hindi makatingin kay Liam at lalong hindi narin ako naka-imik. Bakit ba kasi inungkat pa niya ‘yun eh. "Uy! Wala kabang sasabihin? Napaka tahimik mo naman," sabi niya at talagang sinunggo pa ako ng braso niya. Dahil doon napilitan na akong mag salita. "A-ako nga ang dapat na mag sorry sayo. Nasampal kita. Ako na nga yung sinalo mo ako pa nanampal. Nabigla din kasi ako. Sorry, Liam," sabi ko sa kanyang nang hindi parin nakatingin. "Okay lang ‘yun. Maiba naman tayo. Saan ka nga pala mag aaral ng college at anong course ang kukunin mo?" pag tatanong niya. "Sa M.u ako mag aaral at Cosmetology ang kukunin kong course. Nasabi sakin ni Venice na sa U.s.t ka daw mag aaral. Si Jamica dun din ah. Anyway, anong kukunin mong course?" "Mag E-engineering ako," sagot niya. Napatitig ako kay Liam nang hawakan niya bigla yung labi ko. "May sauce ng footlong yung labi mo, tinanggal ko lang," sabi niya. Nagulat talaga ako at napatitig sa ginawa niya. This time natignan ko din siya ng eye to eye. Nakatitig parin ako kay Liam. Hindi ko na naalis ang tingin ko sa kanya. Para bang nag magnet na yung paningin ko sa kanya. "May libag ba din ako sa mukha?" Sabi niya nang may halong tawa. Mas lalo siyang gumagwapo kapag tumatawa. Jusko, bakit may mga ganitong nilalang sa mundo. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukute ko at bigla ko nalang siya hinalikan sa labi. Nakita kong napalaki ang mata niya nung mag ka lapat ang mga labi namin. At dahil doon, nahimasmasan ako sa ginawa kong kalokohan. Napatakbo tuloy ako papauwi saamin. Tila ako isang criminal na nag nakaw ng halik sa isang gwapong prinsipe. LIAM'S POV Nagulat ako sa ginawa niya. Bigla bigla nalang akong hinalikan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Nakakatawa kasi siya, pag katapos magnakaw ng halik ay sabay takbo na. Kahit ganun ang itsura ni lia ay hindi naman ako nandidiri sa kanya. Basta magaan lang ang loob ko sa kanya. Napansin ko kanina, hindi na sya kulot at di narin makapal ang buhok niya. At dahil nilayasan na ako ni Lia, umuwi narin ako. Pero hindi ako maka-get over sa ginawa niya. May pag ka baliw din pala yun. Tatahi-tahimik pero bigla nalang palang nanunuklaw haha! Ibang klase ka, Lia! LIA'S POV Anuba naman yung ginawa ko? Nakakahiya! Ano kaba lia! Anong ginawa mo!? Nakakahiya kay Liam. Grabe! Para akong sinaniban kanina. Saan ko nakuha yung lakas nang loob nayun at hinalikan ko s’ya? Very wrong, Lia! Ito tuloy ako tumatakbo pauwi saamin. Si Jamaica agad ang nadatnan ko sa bahay pag ka pasok na pag ka pasok ko sa loob. "Oh, Bakit hingal na hingal ka?!" Gulat na tanong ni Jamaica. "Wala, nag jogging lang ako saglit," pag sisinungaling ko sa kanya. "Meron bang nagjojogging na maganda ang suot at katanghalian pa?" nadinig kong bulong ni Jamaica. Hindi ko nalang siya pinansin at tumuloy na ako sa kitchen dahil nauhaw ako sa kakatakbo. LIAM'S POV Makakatulog na sana ako sa sofa nang biglang mag ring yung phone ko. Laking gulat ko nalang nang si Sharmaine palang ‘yun kaya nawala ang antok ko. "Hello, Sharmaine?" tanong ko sa kanya. "Kayo na ba?" Bungad niyang sagot saakin. Naguluhan ako sa sinabi niyang ‘yun. "Anong kayo naba?" "Magkakaila kapa! Nakita ko kayo sa may park, magkahalikan kayo nung panget na baluga. Ano nga ba pangalan nun Lia? Oo yun nga, Lia! Napadaan kasi yung kotse ko kanina sa may park, tapos nagulat nalang ako nang matanaw ko kayo. Nakakadiri ka! So, hindi na pala kita kailangang sagutin pa. May girlfriend kana pala. kadiri! Pumapatol ka pala sa mga ganung klaseng tao!" galit na si sharmaine. "Wait, Sharmaine. Hindi kami ni Lia! Walang kami. Friend ko lang ‘yun, " pag papaliwanag ko sa kanya. "Friend?! Friend with matching kiss kiss sa lips!? Wow! Ganun na pala ang mga mag friends ngayon? Wag mo nga akong tarantaduhin Liam!" galit paring sabi ni sharmaine. "Sharmaine maniwala ka! Hindi kami. Saka alam mo namang ikaw lang ang mahal ko! ‘Diba alam mo ‘yun. Saka mukha ba akong papatol doon? At saka siya yung humalik. Nag nakaw ng halik, " pag papaliwanag ko parin sa kanya. "Nagnakaw ng halik? Okay, naniniwala na ako. Ang kapal ng mukha nung panget nayun! Ninakawan kapa ng halik. Palibhasa walang mag tatangkang humalik sa kanya eh! Ang panget kasi niya! Sige, later nalang ulit tayo mag usap, mag eenroll pa kasi ako eh, byeeeee!" Salamat naman at naging Okay na. Akala ko mawawala na saakin ang Sharmaine ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD