(Chapter 7)
LIA'S POV
Nagising nalang ako na, nakabukas parin ang computer ko. Talagang kinakabahan na ako at nalalabi nalang ang araw at mag papasukan na ulit. Umpisa na naman nang isang taong may mambu-bully, mang aasar, mang gagao at mga mang aapi saakin. ‘Yang mga yan ang dahilan ko kung bakit hindi ako nagiging excited sa unang pasok sa School.
Kahit ganun pa man, syempre pipilitin kong makapag tapos. Kaya naman binuksan ko na bumalik na ako sa computer ko at agad agad na akong nag search ng kursong bagay saakin.
Sa isang oras na pag hahanap ko sa internet ay dalawang kurso ang napusuan ko.
COSMETOLOGY or MULTIMEDIA ARTS.
Sa tingin ko mas kailangan ko ang COSMETOLOGY. Para din mapag-aralan ko kung paano ang maging maganda.
"Disidido na ako, Cosmetology na ang kukunin kong course. " Sambit ko sa sarili ko.
After kong mag desisyon ay umabas na ako ng kwarto para sabihin kay mommy ang gusto kong kuning course.
Nakita ko siyang nanunuod ng tv sa sala kaya naman nilapitan ko na siya.
"May nagustuhan napo akong course." masaya kong sabi sa kanya.
"Oh, ano napusuan mo? tell me?" sagot niya habang nakatingin parin siya sa telebisyon.
"Cosmetology po," nakangisi kong sabi kay mommy.
"Agree ako dyan sa gusto mo anak, wait, may alam akong university na may ganyang kurso. I think, sa M.U pwede ka," sambit ni mommy. Napakunot noo naman ako. Ngayon ko lang kasi narinig yung M.U nayun.
"M.u? Saan po ‘yun?" tanong ko sa kanya.
"M.u, ibig sabihin ay Magenta University. Anak, sa Manila ‘yun. Pero di mo kailangang kumuha ng dorm doon. Kayang kaya mo ang uwian. Ipapahatid sundo nalang kita kay Manong Eric. Mahirap kasing mag-commute," Sabi ni Mommy.
Si Mommy na ang nag asikaso ng lahat. Ganoon na nga ang nangyari. Pina enroll na nga ako ni mommy doon sa M.U nayun. Siya na nag-pasa ng mga kailangan ko dun. Pag ka uwi na pag ka uwi ni mommy ay sinabe na niya saakin na dalawang linggo nalang daw ay pasukan na dun.
Pinamili narin niya ako na mga needs ko, like notebook, bag at kinuha nya narin ako ng limang uniform. Grabe! Ang ganda ng uniform ko kasi kulay Violet siya! My favorite color. Light violet yung pang itaas at yung palda nama'y dark violet.
Magkakaharap kami nina mommy, tita Bhecca at Jamaica habang kumakain. Hindi ako makatingin kay tita Bhecca, naiilang ako. Ang wirdo nang paligid kapag malapit ko siyang kasama.
"J-jamaica? Ano nga pala kinuha mong kurso at saan ka mag aaral?" Pambabasag ko sa katahimikan ng lahat.
"Ust ako, UNIVERSITY OF SANTO TOMAS. Mag T-teacher nalang ako. Eh, ikaw ba ate Lia?" tanong naman niya.
"Cosmetology ang kukunin ko at sa MAGENTA UNIVERSITY naman ako mag-aaral," sagot ko sa kanya. Bigla namang napatingin si tita Bhecca saakin. Binigyan niya ako nang isang matalim na irap. Agad ko tuloy siyang inalisan nang tingin. Nakakatakot!
"Tungkol ‘diba ‘yun sa pag papaganda? By the way, punta tayo mamaya kina Erika at Emily, last bonding na daw natin mamaya," sabi ni Jamaica.
"O-okay," maikli kong sagot. Pautal utal tuloy akong mag salita takot talaga ako kay tita Bhecca.
Pag katapos naming kumain ni Jamaica ay agad naman kaming tumuloy sa bahay nila Erika..
"Guys cookies oh, kumain muna kayo,” alok ni Erika.
Napag-usapan namin kung saan-saan naman sila mag aaral nang kolehiyo.
Si Emily highschool lang pala, si Erika teacher din kukunin kagaya nang kay jamaica, si Yassy naman gusto mag hrm, sa F.E.U naman siya, si Duday HRM din at sa F.E.U din, si Venice Mag F-fashion Designer, kaso sa ibang bansa sya mag aaral.
Tinanong ko naman siya kung saan naman mag aaral ang kuya niyang si Liam at Sinabi nya na sa UNIVERSITY OF SANTO TOMAS din ka gaya ni Jamaica. Kaso hindi niya sinabi kung anong course nito. Hindi pa daw nya kasi naitatanong pa.
Mahabang kwentuhan, tawanan, kainan at super bonding na ang ginawa namin. Ito na ang last dahil matagal tagal kaming di magkikita at magiging busy na ang lahat. After nun ay naghiwa-hiwalay na kami. Mag isa akong umuwi, si Jamaica daw kasi ay may pupuntahan pa.
Pagka pasok ko sa bahay ay sinalubong ako ni Mommy.
"Halika sa Mall, Ipa-straight na natin yang buhok mo para pag pasok mo sa M.u ay hindi mo na kailangang mag plantsya pa araw araw ng buhok. Mapapagod ka lang." Sa sobrang tuwa ko ay agad akong sumang-ayon. Pagdating sa pagpapaganda ay go ako.
"Sige po! Wait lang at mag bibihis lang po ako sandali." sagot ko sa kanya. Excited ako, syempre magiging maganda na ang hair ko. For the first time, magiging straight narin ang buhok ko.
Pag karaan ng ilang oras ay nakarating nadin kami sa Mall.
Pumasok kami kaagad sa isang bigating beaty parlor. Pag ka pasok na pag ka pasok namin ni mommy doon ay isang bakla ang sumalubong saamin.
"Ano pong maipaglilingkod ko sainyo?" tanong nung bakla at napaka landi pa nang tono ng pananalita niya.
"Gusto kong ipa straight itong buhok ng anak ko," sagot ni mommy sa bakla.
"Kayang kaya ‘yan," pinaupo na ako ng bakla sa upuan at agad-agad na niyang inumpisahan ang new hair look ko.
Matagal ginawa ang buhok. Madami siyang pinahid na kung anu-ano na umabot ata ng limang oras. Pagkatapos nun ay nagulat ako sa kinalabasan. Pag hawak ko sa hair ko ay napaka lambot na nya at hindi na kulot at makapal. Napaka shiny pa. Straight na straight na siya. Akala ko nga si Angel Locsin yung nasa salamin eh. Hahaha! Charot!
Problema ko nalang ngayon ay ang kulay ng skin kong napaka itim! at ang dapang dapa kong ilong.
Excited akong umuwi dahil gusto ko nang ipakita ang buhok ko kay Jamaica. Siguradong magugulat yun.
Pag ka-uwi na pag ka uwi namin sa bahay ay agad namang napansin ni Jamaica ang hair ko. Nung una hindi pa niya ako pinapansin, kaya lang nung pag tingin niya sa pangalawang tingin ay napalaki nalang siya nang mata at nagulat saakin.
"OMG! A-ate Lia ikaw bayan? Grabe! Hindi kita nakilala. Nice hair. Straight na straight na, ang ganda!" Hinagod hagod pa niya yung buhok. Kahit siya ay natuwa din sa new look ko.
Pag pasok ko sa kwarto ko a sa harap ng salamin ako tumuloy. Gustong gusto kong titigan ang maganda kong buhok. Ngayon, dalawa na ang maganda sakin. Una, yung maganda kong boses at pangalawa ay buhok, grabe! Naiiyak ako sa sobrang saya.