(Chapter 6)
LIA'S POV
"Peace be with you guys!" Masaya kong sabi sa mga friends ko. Ang sarap sa pakiramdam ng kakagalling mo lang sa simbahan at nakakapag bawas ka ng kasalan.
"So, paano? Sa mall naba ang tuloy natin?" Excited na sabi ni Jamaica.
"Lets go!" Sigaw naman ni Venice.
Wala pang kalahating oras ay agad na kaming nakarating sa mall. Pag kapasok na pag kapason namin sa Mall ay may umiksena na namang mga lalaki.
"Pare oh, mga chicks! Kaso yung isa mukhang Uranggutan! Hahaha!"
"Ayos na sana yung mga beauty nila eh, may isa nga lang na nakasira."
"Oo nga. Magaganda na eh, Sumali pa yung isang unggoy hahaha!”
"Tae, pare ang panget nga nung isa! hahaha!"
Ngini-ngitian ko nalang sila. Bahala na si papa lord sa kanila.
Pero mayamaya ay lumapit si Yassy-el at Venice sa mga lalaking nag nang aasar.
"May problema ba?" Taas kilay na sabi ni Yassy-el with matching naka pamewang pa. Ang angas lang nang dating niya.
"Oh mga pare! Chicks na ang lumalapit saatin" sabi nung isang lalaki at nag tawanan pa silang apat.
"Exxxxcuse meeee!! Hoy! kayong lahat... (isa-isa dinurot ni Venice yung mga lalaki) hindi kayo mga mukhang tao! Kaya wag kayong umasa na papatulan namin kayo! Chachaka niyo! " mataray na sabi ni Venice.
Merong natirang tubig sa baso dun sa kinainan nung mga lalaki kaya ang ginawa ni Yassy-el ay kinuha n’ya yun at saka niya pinagbububuhos dun sa mga lalaki. Asar na asar yung mga mokong/
"Lets go guys," pag aaya ni Venice. Nginitian pa ako ni Venice. Ang cool! Para siyang miyembro nang Charlie's angel.
"Ang galing mo dun Yassy. Lalong lalo kana Venice! Bongga!" Naka smirk nasabi ni Jamaica.
"Oh, ayos kana Lia? Naiiganti na kita, i told you naman diba na, kami ang makakalaban na mga umaapi sayo," nakangiting sabi ni Yassy. Nginitian ko nalang siya. Speechless kasi ako sa mga friends kong matatapang.
"Oh sya, Lets eat first, gutom na ako," maarteng sabi ni Erika.
Dinala kami ng magkapatid na Erika at Emily sa Yakiniku. Palibhasa mga haponessa eh. Puro mga japanese food ang kinain namin. Grabe yung iba hindi ko gusto ang lasa. Pinoy kasi ako eh. Pero may ilan ilan din naman na masarap kaya mukhang makakabalik din kami dito.
Pagkatapos namin kumain ay nanuod na kami ng movie sa sinehan. then pag katapos nun ay shopping shopping na kami.
Sila enjoy na enjoy sa pamimili, palibhasa bagay na bagay yung mga damit sa kanila. Samantala ako ni isa walang bagay. Kaasar!
"Lia, andami na naming napamili, ba’t ikaw ni isa wala pang napipili?" Sambit ni Venice habang hindi mag kanda ugaga sa buhat niyang mga pinamili.
"Eh, wala naman bagay sakin eh!" sagot ko sa kanya.
"Hay naku ate Lia, ako na nga ang pipili sayo," sabi naman ni Jamaica sabay hatak saakin.
"Ito oh, violet dress bagay sayo. I know naman na favorite mo ang violet eh!" nangising sabi ni Jamaica.
"Wow bagay nga yan kay Lia. Sige, yan kunin mo Lia," sagot naman ni Venice.
Ang ending, mararami din ako nabili, na puro sila ang pumili for me haha! Bongga di’ba?
Hanggang sa napalayo pala ako sa kanila. Napunta ako sa mga damit na puro pang sexy.
Hanggang sa may umiksena na naman. Dina mawala-wala sa landas ko ang mga maldita.
"Ang pangit nya! Hindi babagay sa kanya yung mga ganyang klaseng damit! Masagwa pag nakasuot sa kanya! Hahaha!"
"korek ka dyan girl! Mukha siyang halimaw! Hahaha!"
"Excuse me. Kayong mga babae kayo, kung makapang laet kayo sobra! Hindi nyo ba alam na nakakasakit kayo! Oo, maganda nga kayo, pero ugali nyo naman pang Halimaw!" pag tatanggol saakin nung isang babae.
"Epal! Tara na nga girl, umalis na tayo!"
Tuloy alis din yung mga babaeng nag paparinig saakin. Mayamaya ay nilapitan ako ng babaeng nagtanggol saakin.
"Okay kalang Girl?" tanong niya.
"S-salamat. Mabuti kapa ang bait mo. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Sobra kasi sila eh! Anyway, im LESLIE MARCIAL and you?" sagot niya.
"Lia siosa," sagot ko sa kanya. Ayun nag shakehands kami.
"Sa susunod lia, ‘wag kang papa-api. Lumaban ka!” Saad niya. Na nginitian ko lang. Diko keri yun. Duwag talaga ako.
Hindi narin siya nagtagal at nagpaalam nadin. “Sige, mauuna na ako Lia. May bibilin pa ako eh, bye! Sana mag kita tayo ulit..." sabi niya sabay tuluya ng umalis.
Nakangiti akong bumalik sa mga kaibigan ko. May ilan-ilan parin talagang mababait na tao.
"Ang baet naman nung Leslie. Sorry ate Lia kung wala kami dun para ipag tanggol ka," sabi ni Jamaica. Kinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari.
"Sana makilala din namin yung Leslie na yun," sabi naman ni venice.
Habang naglalakad kami ay napunta naman ang usapan namin tungkol sa college life.
"Ang kukunin kong course ay hrm. Mahilig ako sa pagluluto," sabi ni Duday with matching taas kilay pa. Pero tama siya. Natikman ko na kasi yung luto niya. Masarap nga siya magluto.
"Ako, siguro ay mag T-teacher nalang. Pero di ko pa sure, nag aalinlangan pa kasi ako eh," sambit naman ni Jamaica
Yung iba, di padaw alam ang kukunin. kagaya ko, hindi ko padin alam ang kukunin kong kurso.
"Mamaya nalang ako pag uwi sa bahay mag iisip kung ano kukunin ko," sambit ko sa kanila.
Pag katapos namin mag chikahan ay tumuloy muna kami sa isang kainang hindi ko na papangalan. Pag katapos nun ay umuwi narin kami dahil medyo napagod na ang lahat sa pag lalakad.
Pag pasok namin ni Jamaica sa loob ng bahay ay si tita Bhecca agad ang aming nadatnan.
"Oh ,Jamaica nandito kana pala, saan kaba galing?" sabi niya na tila hindi ata ako nakita at si jamaica lang ang pinansin niya.
"M-mano po tita Bhecca..." Kukunin ko na sana yung kamay niya para maidikit sa noon ko pero bigla nalang siyang nag inaso.
"Ano kaba! Tatanda ako kaagad! Umalis ka nga sa harap ko!" sigaw niyang sabi saakin.
"Mama naman! ‘Wag naman po kayo ganyan kay ate lia." Pag tatanggol ni jamaica saakin.
"Okay lang Jamaica. Sige, papasok nako sa kwarto ko..." sagot ko sa kanya. Tumuloy na ako sa kwarto dahil talagang natatakot ako kay tita Bhecca.
Wala kasi si mommy kaya ganyan nalang ako kung apihin ni Tita Bhecca. Siguro, overtime na naman si mama sa office.
Binuksan ko nalang ang computer ko para makapag search kung anong kurso ang tumutugma sa mga kakayahan ko.
Gusto kong alamin kung ano ang kukuning kurso ni Liam. Para ‘yun nalang din ang kunin ko. Para din makasama ko siya sa college life ko hahaha! Pero naisip ko na baka maging classmate din sila ni Sharmaine. Hindi bale wala din, masasaktan lang ulit ako.
Nawalan ako nang ganang mag search nang pumasok sa utak ko si Liam at si Sharmaine. Bakit kasi kahit crush ko lang si Liam eh, nasasaktan agad ako. Masyado atang umaasa itong puso ko sa kanya. Hoy puso ko! ‘Wag kang ganyan! Crush lang yun! Naiintindihan mo, crush lang!