Chapter 2

1264 Words
(Chapter 2) Dahil sa magandang balitang natanggap namin ni mommy ay naisipan naming mag bonding ni mommy sa Mall. Ayoko sanang sumama, kaso pinilit lang talaga ako ni mommy. Lagi kasing kapag nasa labas ako ay ang daming nakamata saakin. At dun uumpisahan na naman nila akong laitin. Nakakaiyak lang. Kaya nga mas gusto ko pang mag kulong sa kwarto ko. Pagdating namin sa Mall, Ito na nga ang sinasabi ko. Nag uumpisa na naman sila. Ayan na naman ang mga taong nakamata saakin. Daig ko pa talaga ang celebrity kung pag tinginan. "Look, Mommy, sabi ko naman sayo eh, dapat hindi nalang ako sumama. Tignan nyo po ang mga tao, lagi nalang nakatingin sakin, mga akala mo mga nakakita ng multo!" nakangiwi kong sambit kay mommy. Nakakaasar kasi! "Ano kaba anak, nagagandahan lang ang mga yan sa’yo. Ngayon lang kasi sila nakakita ng maganda, kaya be proud kasi kakaiba ka sa kanila. Inggit lang ang mga ‘yan," nakangiting sabi ni Nommy. ‘Yung totoo?Nanunura ba si Mommy? "Anak kaya nga kita sinama dito eh, para ipamimili kita ng mga bagong damit. Yung mga dress. ‘Diba maganda ‘yun, saka ‘yang mga ‘yan ang uso ngayon," duktong pang sabi ni mommy. "Naku mommy, maganda nga ‘yang mga dress na ‘yan at uso. pero ang tanong, bagay ba saakin? Sa istura kong mukhang sunog na kalabaw ay mga basahan lang ang bagay saakin," sagot ko sa kanya. Medyo nakakainis na kasi eh. "Anak ‘wag ka ngang nag iiisip ng ganyan. Para saaken ikaw lang ang pinaka maganda sa balat ng lupa at pinapangako ko sayo anak, kapag lumago ang negosyo natin, Ipapa MAKE- OVER KITA SA IBANG BANSA," proud na sabi ni mommy kaya naman medyo lumakas ang loob ko. Aaminin ko, medyo sumaya ako dun sa sinabi ni mommy. Make-over. Oh my gosh! ‘yan ang isa sa pinapangarap ko. feel ko yan ang sagot sa pagiging super ugly ko hahaha! "Naku mommy, ‘di tatalab yan!Tara na nga po at kumain muna tayo, nagugutom na po ako eh," pag iiba ko nang topic. Actually sumaya talaga ako sa word na make-over. Ayoko lang ipahalata kay mommy na medyo sumaya ako. Ewan ko nahihiya lang siguro ako. Sa TRAMWAYS kami kumain ni mommy. Sa eat all you can, para sulit. "Mommy, kaw na kumuha ng food para saakin. Hindi na po ako maka galaw. Sobrang gutom na talaga ako," sabi ko sa kanya. Ganto kasi ako talaga kapag super hungry na. Hindi pa naman ako nakakain ng breakfast dahil excited si mommy umalis ng bahay. "Okay, sige anak, maupo ka nalang dyan at ako na ang kukuha ng food for you," malambing na sagot ni mommy sa akin. Mayamaya pa ay nakuha na ako ni mommy ng pagkain at agad naman nya iyong inabot saakin. "Anak ito na oh, kumain kana dyan at ako naman kukuha ng food para sa sarili ko," sabi ni mommy sabay abot saakin ng food. "Okay po. Salamat po Mommy. Mukhang ang sasarap ng kinuha nyong food saakin ah," masaya kong sabi sa kanya. Mayamaya ay may umiksena na naman. Hindi na nawala sa buhay ko ang mga kontrabida. "Taray naman ng katulong, ‘yung amo pa kumukuha ng pagkain para sa kanya," nadinig kong bulong-bulungan sa kabilang table. Alam kong nadinig din ni Mommy iyon kaya naman agad siyang rumesbak. "FOR YOU INFORMATION! HINDI KO S’YA KATULONG. ANONG MGA KLASENG TAO KAYO PARA HUSGAHAN ANG ANAK KO? MAS MUKHA KA PANG KATULONG DAHIL SA MALABAHASAN MONG UGALING MAPANGHUSGA!" sabay buhos si mommy ng tubig na hawak nya dun sa girl sa kabilang table. "Mommy, tama na po yan!" pang aawat ko kay mommy,pero natawa ako sa ginawa niya. Titignan nyong mabait ‘yan, pero masamang magagalit yan sa oras na ako ang apihin ng ibang tao. Ganyan kabangis si Mommy. "Anak, sorry ha?" sabi ni mommy. "Bakit po kayo nag sosorry? Eh, wala naman po kayong kasalanan," sagot ko sa kanya. "Hindi sana mangyayari ito kung hindi kita sinama dito. Ayokong ginaganun ka dahil masakit para saakin ang inaapi ka. Anak ‘wag mo nalang pinapansin yung ganun klaseng tao ah? kumain kana dyan at baka mamaya magutom kapa ulit. Kalimutan mo nalang yung nagyari," malambing na sabi ni mommy sabay yakap saakin. Pag katapos naming kumain ay namili narin kami at tuloy uwi narin. Naka sampong mga bagong damit ang ipinamili saakin ni mommy. Pasakay na kami ng jeep ng biglang may tumawag sa phone ni mommy. "Yes hello?” bungad na sabi ni Mommy sa kabilang linya. “Oo, si Carlota nga ito bakit?" nadinig kong sabi ni mommy. Mayamaya ay binaba narin ni mommy yung phone at mukhang tapos na silang mag usap ng kausap niya. "Anak mauna ka nang umuwi at may dadaanan pa ako sa office. Pasensya kana anak, importante kasi," Sabi ni mommy. kumiss muna siya saakin bago akong tuluyang iwan. Sumakay nalang ako ng jeep. Mag isa na akong uuwi at ito na naman ang mga matang mga kasabay ko sa jeep. kung mga makatingin na naman sila saakin ay tila ako magnanakaw. Tiniss ko ang mapang lait nilang tingin hanggang sa nakarating sa village namin. Pababa na ako ng jeep ng biglang buhos ang malakas na ulan. "Anubayan, malapit na ako sa bahay saka pa umuulan," bulong ko sa sarili ko. Mabuti nalang at may nasilungan ako. Nag stay ako sa may bakanteng lote na tumagal ng 30 minutes. Ayaw kasi tumilan ng ulan at lalo pa atang lumalakas kada segundo. Nakayuko akong nakatingin sa bawat pag patak ng ulan, nang bigla namang may mag abot RED UMBRELLA sa akin. Sobra akong nagulat sa nag abot nang payong saakin. "L-liam?!" "Gamitin mo na to, tatakbo nalang ako papauwi," sabi niya sabay abot saakin ng red umbrella. "’Wag na Liam, nakakahiya," pag tatanggi ko. Nakakahiya kasi talaga eh. P-pero mas gwapo pala talaga siya sa malapitan. Kainis lan dahil hindi na niya ako pinansin at bigla bigla nalang syang tumakbo ng mabilis. Nakatingin parin ako sa kanya habang patakbo papalayo. Nakakagulat talaga sya. Ang bait pala nya at ang getleman pa. Medyo kinilig naman ako sa kanya pero, imposibleng mag ka gusto sa isang tulad kong pangit itong si Liam. Pero bakit niya kaya ginawa yun? Nakauwi tuloy ako sa bahay nang hindi nabasa. Pero si Liam, sure akong basang-basa ‘yun. Nag sacrifice talaga siya para lang saakin. Hindi niya kaya inisip na mag kakasakit siya? Tumuloy ako sa aking kwarto para ilagay ‘yung lahat ng pinamili ko. Medyo napagod din ako kaya naman napahiga ako sa kama ko. Mayamaya ma-iidlip na sana ako ng biglang pumasok sa isip ko ang red umbrella ni Liam. Tuloy labas ako ng kwarto ko at tumuloy ako sa may gate namin parang ipag-pag yung red umbrella ni Liam. Nakakahiya naman kung gagalgalin ko ‘yun at hindi ko pahahalagahan, kay crush pa naman din ‘yun. Inayos ko mabuti ang payong. Naisip kong ipaabot nalang ito kay Venice, tutal ay kapatid naman niya si Liam. Pero may biglang pumasok sa isip ko na siyang nag pa kilig saakin. Mas maganda siguro kung ako ang mag sasauli nito kay Liam. Para naman makausap ko siya at malapitan. Para din personal akong makapag pasalamat sa kanya. Pero mukhang hindi ako makakapag salita ng maayos sa oras na makaharap ko siya. Baka matorete na naman ako. Pero isa lang talaga ang naramdaman ko sa ginawang ‘yun ni Liam kanina, nainlove ako lalo sa kanya at para ngang Mahal ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD