(Chapter 3)
LIAM'S POV
Papauwi na ako galing sa palengke nag biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Anubayan! ‘diba titigil ang ulan na to?" maktol nung isang babaeng nakasabay kong mag lakad dito sa palengke.
Napalingon ako sa may bakanteng lote. Nakita kong may isang pamilyar na babae ang naka-silong doon.
Hindi iba't siya yung Lia? Lia nga ba ang pangalan nito? Siya yung friend ni Venice. Ewan ko, bahala na, iibigay ko na ngalang itong payong kong dala sa kanya. Kawawa naman at mukhang kanina pa naghihintay sa pagtila ng ulan. Siguro ay tatakbo nalang ako pauwi.
Nakayuko siya nang lumapit ako sa kanya. Ramdam ko na nagulat siya nang bigla akong sumulpot sa harapan niya at abot-abot ang payong ko.
"Oh, gamitin mo na ito, tatakbo nalang ako pauwi," sabi ko sa kanya sabay abot ng payong ko.
Nadinig kong tatanggihan niya ang alok kaya naman ‘diko nalang pinansin yung sinabi nya. Tumakbo nalang ako nang mabilis papaalis sa kanya.
Ewan ko ba, magaan lang ang loob ko sa babaeng iyon.
Pagdating ko sa bahay ay nagulat si mommy nang makita niyang basang basa ako.
"Bakit basang basa ka? ‘diba't may dala kang payong?" Nagtataka niyang tanong pag ka pasok ko sa bahay.
"Pinahiram ko po doon sa babaeng nakita ko kanina, mukha po kasing kanina pa siya naghihintay sa may bakanteng lote, nakakaawa," sagot ko kay mommy habang hinuhubad ko ang basang damit na suot ko.
"Hay nako, anak, saksakan ka talaga ng bait, halika ka nga dito at mayakap ka ng isa," nang iinis na sabi ni mommy na may panlalambing pa ang tono. Ang Korni!
"Hindi na po ako bata para lambingin ng ganyan," inis kong sabi, ayoko kasi nang bine-baby pa ako. Ang korni talaga nang dating saakin nun.
"Ikaw naman anak, minsan lang mag lambing si mommy mo eh"
Hindi ko nalang siya pinansin at tumuloy na ako sa kwarto ko. Agad akong nagpalit ng damit. Pagkatapos nun ay nahiga ako sa kama ko.
Bigla naman sumagi sa isip ko yung nangyari nung nakaraang araw sa palengke.
*FLASHBACK*
Habang nasa palengke ako at namimili ay nakita kong inaasar at pinariringgan si Lia nang mga tindera at mamimili doon.
"Ayan nanaman ‘yang babaeng kasuklam suklam ang itsura!"
"Oo nga! Ang lakas pa ng loob lumabas ng bahay. Pag ganyan ang itsura ko ay! buburuhin ko nalang sa bahay!"
"Oo, nga! Grabe! Ba’t ganyan istura nyan? nakakadiri!"
"HOY! Kayo, hindi naman kayo inaano nung tao, kung makapang laet kayo sobra"
*END OF FLASHBACK.
Halos laitin at pag tawanan siya sa palengke. Awang awa ako kay Lia nung araw nayun.
Kaya naman nung nakita ko siya kanina na nakasilong sa may bakanteng lote ay binigay ko na yung payong ko. Parang bang gusto kong protektahan si Lia. Nakakaawa talaga sya. Pag talagang ganun ang itsura ay siya pa yung laging inaapi at inaalipusta.
Napatigil nalang ako sa pag iisip nang biglang may tumawag sa phone ko.
"Hello?!" bungad kong sabi sa kabilang linya.
"Pare, nandito ako ngayon sa Bulacan. Tara't tayo'y magbonding." Si Anthony pala. Ang matalik kong bundol na kaibigan.
"Oh sige ba. Tumuloy ka nalang dito sa bahay. Dumaan kana din diyan sa palengke, tutal ikaw naman ang nag aya, Ikaw na din bumili ng alam mo na." sagot ko sa kanya.
"Noted, mga 20 minutes nandyan na ako. Saka sakto padaan na ako sa Palengke, ako na bahala sa iinumin natin," sabi niya at sabay baba ng phone.
Agad namang akong nag paalam sa mommy ko. Kilala naman siya ni mommy kaya naman pinayagan na niya kami.
Makaraan ang 20 minutes ay dumating narin ang bundol dito sa bahay namin.
Pagdating niya ay agad-agad din naming inumpisahan ang pag iinom. At tulad ng dati, hindi parin kumukupas itong gung-gong na ito at talagang nag iipon ng mga chicks niya. Isa isa pang kinukwento ang mga naging girlfriend niya.
LIA'S POV
Habang nanunuod ako ng movie ay bigla kong naisip mag snack. Isa na iyon sa nakasanayan ko kaya lumabas ako ng kwarto para tumungo sa kusina.
"Mommy, may mga snacks paba tayo sa kitchen?"
"Hindi ko alam, tignan mo nalang at may inaasikaso ako dito. Kailangan na kasi ito sa office bukas," sagot ni mommy.
Tumuloy ako sa kitchen. Pag punta ko doon ay ni isang snacks eh, wala akong nakita. Ubos na!
Anong oras naba? Makalabas nga. Ayoko kasing walang kinakain na snack tuwing nanunuod ako ng movie. Pag tingin ko sa orasan, 10:30 palang na gabi. Medyo maaga-aga pa, kaya naman napag desisyunan kong lumabas muna ng bahay para bumili.
"Wala na pong snack sa kitchen. Bibili lang po ako sa labas," paalam ko kay mommy.
"Gabi na ah, mamaya mapahamak kapa sa labas nyan, mag cake ka nalang, meron sa refrigerator," wika ni Mommy.
"Ayoko po ng cake, masyadong matamis, gusto ko po ng snacks, ‘wag po kayong mag alala ‘di naman ako mapapaano sa labas, takot lang nila sa itsura kong parang kapre. Walang mang aano sakin, promise, bibilisan ko ang lakad ko, uuwi po ako kaagad." Walang nagawa si Mommy. Tuloy-tuloy labas agad ako ng bahay.
"Bilisan mo ah! Umuwi ka kaagad pag ka bili mo!" Sigaw ni mommy.
LIAM'S POV
Nagiging dalawa na paningin ko. Itong si anthony tumba na agad! Mahina talagang iinom. Maihatid nga muna siya sa kanila bago pa siy magsabog ng suka dito.
"Hatid ko lang po muna itong kaibigan ko sa kanila," paalam ko kay Mommy habang nakababa sa likod ko si Anthony.
"Kaya mo ba Anak?" tanong ni Mommy.
"Opo, naman. Saka wala naman po akong masyadong tama. Medyo lang po," sagot ko sa kanya saka ako tumawa.
"Oh, sige, mag-ingat kayo!"
Halos mag kanda ngawit-ngawit ako sa pag alalay ko kay Anthony papunta sa bahay nila. Pag dating ko sa harap ng bahay nila ay agad akong kumatok sa pintuan nila. Sakto naman na ang Mama ni Anthony ang nag bukas nang pintuan kaya naman agad siyang nag alala sa anak niya. Akala nya kung ano na ang nangyari.
"Jusko po! Anong nangyari sa kanya Anak?" pag aalalang tanong ng mama niya. Kitang kita sa mata ni tita ang pag kagulat at pag aalala sa anak niya.
"Kalma lang po tita. Nag inuman lang po kami saamin. Nalasing lang po siya. Mahina pong iinom eh. Hinatid ko na po at baka hindi makauwi ng maayos eh," sabi ko sa mommy niya.
"Akala ko kung ano ng nangyari, sige, Ijo, salamat sa pag hatid sa anak ko. Mag ingat ka sa pag uwi mo," Aniya.
Pabalik na ako sa bahay ng bigla akong nakaramdam ng hilo. Mas nalasing ata ako sa pagbuhat kay Anthony. Mukhang late ang effect nang alak saakin kaya medyo tumitindi na yung pag ka hilo ko.
Lakad! Gewang!
Lakad! Gewang!
Lakad! Gewang!
Habang nag lalakad ako papauwi ay napahinto nalang ako nang may naaninag akong makapal ang ang buhok. Hindi ko masyado maaninag, medyo laseng na kasi ako eh.
Papalapit na siya nang papalapit at laking gulat ko nang si Lia pala iyun.
Anong ginagawa nito sa labas? Gabing gabi na ah? Itong babaeng to kaya napapahamak eh.
LIA'S POV
Medyo malayo ang narating ko. Paano ba naman kasi ay yung ibang tindahan dito ay sarado na. Tapos bigla naman akong nahilo, Dala narin siguro nang pag ka gutom ko.
"Teka parang may naaaninag akong lalaking papalapit. Sana ‘di siya masamang tao, natatakot ako," bulong ko sa sarili ko.
Patindi na nang patindi ang pag ka liyo ko, “Bakit ngayon pa? kung kelan naman nasa labas ako!"
Unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko.
LIAM'S POV
Direstyo lang ang tingin ko kay Lia. Napansin kong parang pa Gewang-gewang din siya. Nung nakita kong parang patumba na sya ay agad akong tumakbo papalapit sa kanya. Nasalo ko sya, at habang salo salo ko siya ay natapilok ako. Parehas kaming natumba at aksidenteng nag kalapat ang aming mga labi.
Nawala ang lasing ko. Naramdaman ko ang init ng hininga na galing sa labi ni Lia. Bigla bigla naman akong tumayo at ganun din sya.
Mayamaya ay nagulat ako sa ginawa ni Lia.
Lalo ata akong nagising sa ginawa niya. Sinampal ako niya ako.
LIA'S POV
Patumba na ako nang biglang naramdam kong hindi ako bumagsak sa lupa.
"Teka ba’t parang malambot ata pinagbagsakan ko?" bulong ko sa sarili ko at ‘yung labi ko?
Nakaramdam ako ng init nang hininga at amoy alak pa.
Pagdilat ko, nakita kong mag kalapat ang labi namin ni Lia.
Agad akong bumangon at nabigla ako. Sinampal ko siya.
Tumakbo ako kaagad papauwi nang bahay namin. Hindi na ako tumuloy bumili nang snack.
At simula ng mag ka lapat ang labi namin ay parang nagka powers ako. Kanina lang latang-lata ako at liyong-liyo. Pero ngayon ba’t parang ang lakas lakas ko na?
.
****
LIAM'S POV
Putek! Siya na nga sinalo para di tumumba ako pa nasampal. Bakit ba kasi pagkabagsak namin eh, bigla kaming nagkahalikan?
Tulala tuloy ako habang naglalakad papauwi sa bahay. Tila lalo akong nalasing sa nangyari.