Chapter 1

1742 Words
(Chapter 1) LIA'S POV Maaga akong ginising ni Mommy. Nakakainis! Sarap na sarap pa naman ako sa pagtulog. "Anak, gumising ka na. A-alis na ako. Ito na 'yung pera mo. One week akong mawawala sa bahay kaya ikaw na muna bahala sa sarili mo." Wika ni Mommy habang niyuyugyog yung katawan ko para magising ako. Tuloy bangon naman ako. Nang makaupo na ako ay tuloy upo narin si Mommy sa tabi ko. Nakapang-alis na nga siya ng damit at may malaki itong bag na dala. "Bakit po ba? Saan po ba kayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang papungay-pungay pa ang aking mga mata. Medyo inaantok pa kasi ako eh. "Anak biglaan eh, aasikasuhin ko yung titulo ng lupa natin. Pupunta ako sa manila ngayon," sagot ni Mommy na sabay naman kiss sa noo ko. Sumimangot ako. "Mommy, bilisan n'yo po ang pag uwi ah? Alam nyo naman po 'yung ugali ni Tita bhecca 'diba?" Nakangwi kong sabi sa kanya. Si tita bhecca ay kapatid ni Mommy na sobrang inis na inis at suklam na suklam saakin, kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Kaya naman natatakot ako sa kanya, lalo pa't mawawala pa si Mommy nang one week. Naku! Baka mag kulong nalang ako nito sa kwarto ko nang isang linggo. "Anak, Nandyan naman ang papa mo ah?" Wika ni Mommy. "Ano pong nandyan, eh, alam nyo naman pong minsan lang umuwi ‘yun sa isang linggo. Nando'n siya sa mga kaibigan niyang mga sabunggero at do'n inuubos ang mga pera na binibigay n'yo. Grabe 'yang si Papa! Dapat Mommy pinag sasabihan n’yo ‘yun," sagot ko sa kanya with matching kamot pa sa ulo. "Oh, siya, basta uuwi ako kapag natapos ko nang maaga ang mission ko. Basta anak, magpaka-bait ka na lang muna dito." Gusto ko sanang sumama sa kanya, kaya lang mukhang hindi pwede. "Basta Mommy, umuwi po kayo kaagad. Ingat po kayo." Sabi ko at saka nag kiss sa pisngi niya. Pag kaalis ni mommy ay lumabas narin ako ng kwarto ko, nakaramdam nadin kasi ako nang gutom. Medyo lilingap-lingap ako, kasi baka mamaya ay nandyan si tita bhecca, natatakot talaga ako sa kanya. Pero nagulat nalang ako kay Jamaica nang bigla niya akong batiin. "Goodmorning, Ate Lia," nakangiting bati ni Jamaica sabay kumaway saakin. "Goodmorning din, Jamaica," walang emosyon kong sagot sa kanya. Na kay Tita Bhecca kasi ang atensyon ko. Nililingap-lingap ko ang buong bahay pero ni anino niya hindi ko nakita. "Ano ba Ate Lia, naliliyo na ako sayo, kanina ka pa diyan ikot ng ikot. Sino ba hinahanap mo? Si Mommy ba? Wala siya, maagang umalis kaya 'wag ka nang lingap ng lingap diyan at akoy naliliyo na saiyo," Natatawang saad ni jamaica. Bigla akong nahimas-masan sa sinabi n'ya. Ngayong alam ko nang wala pala si Tita Bhecca ay malaya na akong makakagalaw sa bahay. "Ano ang niluto ni manang na breakfast ngayon?" Tanong ko sa kanya. "Nagluto s'ya ng Fried rice, Egg, Bacon, Longganisa at Hotdog," sagot niya habang patuloy parin siya sa pag susuklay ng buhok. Mukhang papunta na siya do'n sa meeting place namin dito sa Ljs Village. "Yes! tamang tama, gutom narin ako. Anyway, papunta ka na ba sa meeting place natin?" Pag tatanong ko ulit sa kanya. "Oo, sasabay ka na ba?" Aniya. "Sige, mauna kana, susunod nalang ako. Mag b-breakfast at maliligo pa kasi ako eh," sagot ko sa kanya. "Okay. Eat well, Ate Lia, punta ka agad do'n kapag katapos mo," aniya at sabay alis narin. Pagtungo ko sa kusina ay agad kong nadatnan si manang na napakabait. Simula bata ay siya na ang nag aalaga rin saakin. "Goodmorning Lia, oh, kumaen ka na nagluto ako sinangag." Bungad na bati saakin ni manang pag dating ko sa kusina. "Wow! Mukhang masarap po 'yan ah. Sige po at mag titimpla lang po ako ng hot choco ko," sagot sa kanya. Magaang ang loob ko kay manang. Para ngang tunay na Lola na nga ang turing ko sa kanya. "Ay Lia, ako na dyan. Ano pang silbi ng pagiging katulong ko dito kung hindi kita pagsisilbihan," ani manang at sabay agaw sa tinitimpla kong hot choco. "Hindi na po, 'wag nyo po ‘yang sabihin, para po saakin ay parte narin po kayo ng buhay ko at parang Lola ko narin po kayo." Sagot ko sa kanya kaya naman muli kong inagaw sa kanya yung tinitimpla kong hot choco. "Hay, napaka bait mo talagang bata," sagot ni manang saakin. Nginitian ko na lang siya at tinuloy ang pagtitimpla sa hot choco ko. "Oh, siya ako nalang ang mag sasandok sa'yo ng pagkain mo," sabi niya at agad-agad na siyang kumuha ng plato para ipag hain ako. Napakamaaruga niya. kahit hindi ko 'yan kaano-ano, love na love ko 'yan. Pag katapos kong kumain ng breakfast ay tuloy ligo narin ako. at tulad nga ng sinabi ko na ako ang ang tinagurian "MISS BANYO QUEEN," Ito ako ngayon nag kakakanta nanaman ako sa loob ng banyo. Hilig ko na kasi na sa tuwing maliligo ako ay kumakanta ako. Nang Matapos akong maligo ay nag bihis at nag ayos na ako. "Sana palagi nalang wet ang buhok ko, para laging mukhang manipis at straight," sabi ko habang nag susuklay at nakaharap sa salamin. Hindi na ako masyadong nag papaganda at alam ko namang nag aaksaya lang ako ng oras dahil wala na akong igaganda pa. 'To na 'to eh, may magagawa pa ba ako? Tuloy labas na ako ng bahay namin at saka tumungo sa bahay nila venice, kung saan nando'n yung palagi naming ginawang meeting place. Tuwing bakasyon kasi ay madalas kaming nagkikita ng mga kaibigan ko. Madalas kaming magsama-sama para magbonding. Mayamaya pa'y natanaw ko na ang grupong LJS CHICKS. do'n kami palaging pumupunta sa garden nila Venice. Natanaw ko ng buo na do'n ang mga kaibigan ko. Ako na lang ata ang kulang. "LIAAAAAAAA?!" kahit nasa malayo palang ako ay dinig na dinig ko na ang sigaw ni venice, tinatawag na niya ako. By the way, nais ko munang ipakilala sainyo ang mga friends ko dito sa lugar namin na siyang palaging mga taga pag tanggol ko sa mga umaapi saakin. Si ERIKA HOZUMI CRUZ, half japanese/half filipino, matangkad, maputi, mahaba ang buhok na straight at maganda 'yan. Si JAMAICA SIOSA, siya ang pinsan ko na anak ni Tita Bhecca. Wait, ide-describe ko s'ya, maputi, 'di katangkaran, mahaba din ang hair na super straight at syempre maganda din 'yan. Si YASSY-EL CRUZ , ay naku maganda din boses n'yan, singkit ang mata, matangos ang ilong at syepmre maganda din. Si EMILY HOZUMI CRUZ, kapatid s'ya ni Erika, gaya n'ya ay half japanese/half filipino, maputi, mahaba ang hair at syempre maganda din. Si VENICE VELASCO, matangos din ang ilong n'yan, maputi, malakas din ang boses hahaha! at syempre maganda din yan noh. Si DUDAY CAJIPE, Matangos ilong, maikli ang hair at 'yan ang palaban saamin. Syempre maganda din. Oh diba, kitang kita kung sino ang naiiba saaming lahat. Tanging nag iisang sunog at saksakan na pangit ako sa kanilang lahat. Mabuti nalang at mababait sila at hindi sila nahihiyang kasama ako. Lumapit na ako sa kanila. Nagkwentuhan na naman kami ng kung anu-ano, asarahan at foodtrip. Habang abala ang lahat sa pagku-kuwentuhan ay napatigil nalang sila at napatingin bigla sa likuran ko. "Lia, si ano oh," nakangusong turo ni Erika sa likuran ko. "Lia, si ano ayun oh," bulong na sabi ni Jamaica, pero hindi parin ako lumilingon, baka kasi pinag titiripan lang nila ako. "Lia, bilis! Tumingin ka sa likod mo. Si crush mo dadaan," sabi naman ni Emily, kaya naintriga na ako at tuloy lingon na ako sa likuran ko. Pag tingin ko sa likod ko ay nag slow motion ang tingin ko. Grabe! Halos manlaki ang mga mata ko. Siguro kung maputi ako, nag blush na siguro ako ngayon. Nasa harapan ko na kasi ngayon ang nag iisang lalaking nag papatibok sa aking puso. Si Liam velasco, ang super crush ko dito sa Ljs village na siyang kapatid ni Venice. Bigla tuloy kumabog yung dib-dib ko nang super duper kabog na tila may mga tumatakbo na maraming kabayo sa loob nang dib-dib ko. Alam ng lahat na crush ko si Liam. Kahit si Venice na kapatid n'ya ay alam din na crush ko ang kuya n'ya. Minsan nga kinakausap ko si Venice na 'wag na 'wag n'yang sasabihin sa kuya n'ya na crush ko yun. Kasi naman super mahiyain talaga ako. "Uy, Lia ang laway tumutulo!" pang aasar ni Erika. "Mamaya sasabihin ko na sa kuya ko na kilig na kilig ka na naman sa kanya," asar saakin ni Venice kaya bigla ko s'yang tinignan ng masama. "SYEMPRE JOKE LANG! Ikaw naman ‘di ka mabiro!" Nakangiting sabi ni venice. Paglisan ni Liam ay nahimasmasan narin ako. Balik tawanan na naman kami at bigla nalang ulit kaming napatigil sa kasiyahan dahil may mga umeksena na naman. "Wow! Lahat chicks oh, maliban lang doon sa mukhang sunog na kalabaw." "Oo nga! Panira sa Grupong Ljs chicks 'yan hahaha!" "HOY MGA SIRAULO! BWISET KAYO! MAG LAYASAN NGA KAYO BAGO KO PA KAYO PAG BABALIBAGIN NG BATO! MGA WALANG MAGAWA SA BUHAY!" Pag tatangol ni Duday. "OO NGA! Gusto n’yo bang manghiram ng mukha sa aso?" Sabi naman ni Jamaica. See? Ganyan ako kamahal ng mga friends ko. Kaya nga mga mahal na mahal ko rin ang mga 'yan eh. Akmang mang babalibag na ng bato si Duday kaya naman nag si takbuhan na 'yung mga siraulong mga lalaki. Sila rin 'yung mga palaging nambubully saakin. Favorite nila akong tinutukso. MAKALIPAS ang isang Linggo ay dumating narin si Mommy. "Anak nandito na ako." Agad bangon naman ako kasi medyo naging excited ako. Sa wakas nandito nadin ang Mommy ko. "Mabuti naman po at nakauwi na kayo." "Anak, okay na ang lupa. At alam mo ba kung anong lupa 'yung pinamana saakin ni Lolo?" Masayang untag ni mommy. "Ano po mommy?" Tanong ko na medyo excited. "Ang LJS! Saatin na 'tong Village na 'to," masayang wika ni Mommy sabay niyakap ako. "Wow! Nakakatuwa naman po!" Masaya kong sabi sa kanya. "At Anak, alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng LJS?" Dugtong pa niyang sabi. "Ano po mommy?" Tanong ko ulit. Ang saya talagang malaman na amin na itong Village. "Pangalan pala 'yun ng Lolo mo, Lopez Jaena Siosa, ‘yun pala ang meaning ng Ljs," sabi ni mommy na lalong kinasaya. Nakaka proud talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD