Chapter 5

2077 Words
"Ang init mo, sweetheart. Just a minute and I'll get you a wet towel, sweetheart." nag-alala si Travis sa kalagayan ni Joy, nag mamadali ding pumasok si Travis sa loob ng banyo ni Joy, upang kumuha ng puweding ipunas sa dalaga, dahil inaapoy na ito sa lagnat. "Come here sweetheart, pupunasan muna kita upang mawala ang lagnat mo, okay? sorry, dahil sa akin kaya ka nilagnat ng ganito." puno ng pagsisisi si Travis, dahil sa ginawa niyang kapangahasan kay Joy. Nanginginig din ang buong katawan ni Joy, dahil sa mataas nitong lagnat. Awang-awa si Travis sa kalagayan ni Joy. Nakita din ng binata ang mga kiss mark na gawa niya sa leeg at dibdib ni Joy. Nangingitim na ang mga ito at malalaki din, halatang pinanggigilan ng husto. NAGHAHANDA na ang mga Secret Agent ng ORBIT ng mahalata ng kanilang Lt. Commander na si Attorney Monalisa Salvador a. k. a. Agent Moon, na wala pa si Travis sa loob. Hinanap niya ito sa mga kasamahan niya at tinanong kung nakita nila ito. "Pinuntahan niya si Joy ate, pinaki usapan kasi ako ni Joy kanina na tawagin siya." agad naman na sagot ni Pamela, habang ina-asemble ang kanyang baril. "Bakit naman siya ipapatawag ni Joy?" nagtatakang tanong ni Lisa. "Hindi ko rin alam ate, wala naman sinabi si Joy kanina." muling sagot ni Pamela. Agad na tumalikod si Lisa at nagmamadaling umakyat sa kanyang sariling daanan, paakyat sa 10th floor kung saan siya nakatira. Sa loob ng kanyang Library siya pumasok. May Secret door siya dito na tanging siya lamang ang makaka pagbukas. Muling lumabas si Lisa sa kanyang Library na nasa loob na mismo ng kanyang bahay. Agad siyang nagtungo sa kuwarto ni Joy at kumatok sa pintuan. Kasalukuyang pinapainom ng gamot ni Travis si Joy, nang may kumatok sa pinto ng kuwarto. Agad naman niya itong binuksan at nagulat pa siya, dahil nabungaran niya ang bulto ng kanilang amo na si Attorney Lisa. "A-Attorney, kayo pala... aalis naba tayo? sandali lang Attorney, lalabas na ako." kinakabahan na wika ni Travis, kay Attorney Lisa na naka kunot ang noo dahil sa malalim na pag-iisip, kung ano ang ginagawa ni Travis sa loob ng kuwarto ni Joy. "Nasaan si Joy?!" ma-autoridad na tanong ni Attorney Lisa sa binata. Mabilis din ang kamay ni Attorney na hinawakan ang hawakan ng pinto, saka itinulak ito upang maka pasok siya. Nanlalaki naman ang mga mata ni Travis, dahil sa biglang pagpasok ng kanyang amo sa loob ng kuwarto ni Joy. Tuloy-tuloy din na nilapitan ni Attorney si Joy na naka higa sa kama. "Joy, anong nangyayari sa 'yo? bakit mayroon kang ice pack sa noo?!" gulat na gulat si Attorney, dahil sa nakita nitong hitsura si Joy. Balot na balot din ito ng kumot ang katawan ng dalaga. "Ate, masama ang pakiramdam ko, sorry nga pala kasi hindi ko matulongan si Pj, sa kanyang project." nanghihinang sagot ni Joy kay Attorney Lisa. Agad naman siyang hinawakan sa mukha ni Attorney Lisa, saka tinanggal ang comforter na naka balot sa katawan ng dalaga. Nanlalaki ang mga mata ni Attorney, dahil sa mga kiss mark na naka paikot sa leeg ni Joy. Hinila din niya ang T-shirt na suot ng dalaga at nakita niya ang nangingitim na dibdib ng kanyang itinuturing na kapatid. Magmula ng dumating si Joy sa bahay nila at namasukan bilang Yaya ng kanyang anak ay itinuring na niyang kapatid ito. Ulilang lubos si Joy at tanging ang Mayordoma sa Mansion ng mga Sanchez ang tumatayong magulang ni Joy. Dalawa sila ni Pamela na ulilang lubos na kinupkop nila, lagi ding naka alalay sa kanya si Joy sa lahat ng oras. Kaya ngayon na mayroong dinaramdam si Joy, ay hindi maiwasan na mag-alala ni Lisa sa kanyang itinuring na pinaka bunsong kapatid. "Sinong may gawa sayo nito? Joy, sabihin mo sa akin kung sino ang nangahas na magsamantala sayo?!" galit na galit na tanong ni Lisa. Nag-iba na rin ang mukha ni Lisa, lumabas na ang isa niyang katauhan na kinakatakutan ng lahat. "Traviiiis!" sigaw ni Lisa, upang tawagin ang kanyang Secret Agent na nagta-trabaho sa kanya bilang Professional Bodyguard at Driver. "Attorney, Lt. Commander, patawarin mo ako! pananagutan ko si Joy, pakakasalan ko siya kahit saang simbahan! mahal na mahal ko si Joy, Attorney!." biglang lumuhod at nagmaka-awa si Travis sa kanyang amo. Mabuti nang unahan niya ito kaysa patayin siyang hindi nakakasama ang kanyang mahal. "Siya ba ang may gawa ng mga pasa mo sa mukha, Travis? SAGOT!" malakas na sigaw ni Lisa sa tauhan. "Yes, Lt. Commander. Binugbog niya ako kaninang umaga, paggising namin." pag-amin ni Travis sa kanyang amo. "Hmmm, patingin nga!." wika ni Lisa saka mabilis na lumapit kay Travis na hanggang ngayon ay naka luhod pa rin. "Bagay sa 'yo! pero kulang pa!." wika ni Lisa saka biglang dumapo ang kanyang kamao sa mukha ni Travis. Muling lumapit si Lisa at muling binigyan ng isa pang suntok sa mukha si Travis. Muling pumutok ang isang kilay ng binata, dahil sa malakas na suntok na pinakawalan ni Lisa. Hanggang sa nagyuko si Lisa at may kinukuha sa ilalim ng laylayan ng kanyang pantalon. Nanlaki ang mga mata ni Travis, dahil mukhang alam na nito ang kukunin ng kanyang amo. Mabilis itong bumangon at matuling tumakbo palabas ng bahay ni Attorney Lisa. Agad siyang pumasok sa Elevator at bumalik sa ORBIT BASE. Nagulat naman ang lahat sa pagdating ni Travis. Puno ng dugo ang mukha nito at nangingitim ang kabuohan ng kanyang mukha. "Pare, anong nangyari sa 'yo?!" nagtatakang tanong ni Alfie, sa binata. "Pare, itago mo ako, nandiyan na si Attorney..." malakas na sabi ni Travis, kaya naman naka tawag na siya ng pansin sa iba pa nilang kasamahan. "Subukan ninyong itago ang lalaking iyan, at kayo ang pagbabarilin ko!." malakas na wika ni Attorney Lisa. Napaka dilim ng mukha nito at halatang galit na galit ito at handang pumatay ng tao. "Attorney... patawarin mo ako! pangako Attorney, pakakasalan ko si Joy!." pagmamakaawa ni Travis sa kanyang amo. Muling lumuhod ito sa harapan ni Lisa habang naka taas ang mga kamay. "Bakit ate, anong ginawa niya kay Joy?!" pagalit na tanong ni Pamela sa kanyang itinuturing na kapatid. "Alam mo bang pinaki-alaman niya si Joy, kaya hayon mataas ang lagnat at hindi makabangon." sumbong naman ni Attorney Lisa kay Pamela. "Ano? totoo ba 'yon kuya? pinaki-alaman mo si Joy? siya ba ang sinasabi mong naka laban mo na napaka lakas?" galit na galit na tanong ni Pamela sa binata. "Sorry, Pam, kung hindi ko sinabi sayo ang totoo." paghingi ng tawad ni Travis, kay Pamela. "Walang hiya ka kuya!" sigaw ni Pamela, sabay angat ng kanyang kamao upang suntokin ang mukha ni Travis. "That's enough!." isang ma-autoridad na boses ang nagpatigil sa dalawang babaing nagwawala sa galit. Nabitin din sa ere ang kamao ni Pamela na naka umang kay Travis. Mabilis naman na tumakbo si Migs, upang ilayo ang kasintahan kay Travis. Hindi nito alam kung anong problema ng kanyang Ate Lisa at kasintahan na si Pamela, upang pagtulongan nila ang kawawang si Travis. Kararating lang kasi nito kasama ang kanilang tito General na si General Greg Peneda. "Babe, tama na. Ano bang kasalanan sa inyo ni Kuya Travis at ganon na lang kung bugbugin ninyo ni Ate? halos hindi na nga makakita yung tao, dadagdagan mo pa." sermon ni Migs sa kasintahan. "Alam mo bang pinaki-alaman niya si Joy? alangan naman na matuwa kami sa kanyang ginawa?." galit na galit na wika ni Pamela. "What?!" gulat na reaction ni Migs, kuyom din ang kanyang kamao dahil sa nalaman. "Alam ninyong may Mission kayong pupuntahan. Pero heto kayo at nagkaka sakitan!." galit na galit naman na wika ni General Peneda. Hinampas din niya ang ibabaw ng table dahil sa inis niya sa mga nadatnan. "Sorry, General, kasalanan ko po ang lahat. But God knows how much i love Joy. Handa rin akong panagutan siya, General." agad na paliwanag ni Travis sa kanilang General. "We will talk about it later. All of you get ready for your mission. Agent Moon, iwanan mo dito ang lahat ng galit mo, gusto kong umalis kayong lahat na nagkakaisa." bilin pa ni General Peneda sa pamangkin. "Sir, yes Sir!." malakas na sagot ni Agent Moon, habang nakatayo ng matuwid at naka taas ang kanang kamay sa kanyang noo, upang sumaludo sa kanyang tito General. Mabilis na umalis ang mga Agents dala ang kanilang mga gamit. Naka suot silang lahat ng overall black at mayroon din silang full bonnet na suot at tanging mata lang ang naka labas. May mga suot din silang earphones sa kanilang mga tainga, ito ang nagsisilbing communication nila sa field. Saan man sila mapunta ay puwede silang maka contact sa kanilang HQ gamit ang device na ito. Hightech din ang suot nilang mga relo at may naka lagay na Camera at voice recorder dito. Mayroon din itong tracking device at transmitter and receiver kaya puwede rin silang maka tawag sa kanilang HQ sa oras ng kagipitan. Papunta sila ngayon sa isang Mission sa isang Barangay na sakop ng isang bayan ng Bulacan. May isang bayan dito na pinasok ng mga NPA at nang Hostage din sila ng mga bata at mga dalaga. May naka pagsabi din sa kanila na ginagahasa ng mga NPA ang mga kadalagahan na hawak nila. May mga pulis at Millitar na rin sa lugar, ngunit hindi nila kaya ang mga taong labas. Marami na ring nalalagas sa groupo ng mga Millitar at kapulisan. Sakay ng Helicopter ang mga Secret Agents ng ORBIT Special Task Force. Papunta na sila sa lugar na sinasabing napapaligiran ng mga NPA. Mula sa ere ay isa-isa silang tumalon pababa sa isang barangay na pinamugaran ng NPA. Gamit ang mga parachute ay matagumpay silang nakababa sa lupa ng walang pinsala sa kanilang mga katawan. Agad silang tumakbo sa malapit na gubat upang doon magtago, habang pinag-aaralan nila ang lugar. Mabilis na umakyat sa matayog na puno si Travis, upang makita ang buong lugar. Gamit ang Night Vision Binoculars ay nakita ni Travis ang mga kabahayan na kanilang pupuntahan. May kalayuan pa ang kanilang Location sa isang purok, kung saan naroroon ang mga NPA. Mayroon din Camera ang Binocular na gamit ni Travis, kaya nakikita nina Lisa (a. k. a. Agent Moon) at Henry (a. k. a. Satellite) ang image ng buong paligid. Agad na nag plano ang ORBIT TEAM bago sila lumabas sa gubat. Dalawang pangkat ang binuo nila upang mas mapadali ang kanilang paglusob sa lugar. Ang Team A, ay pinamunuan ni Agent Moon. Kasama niya sa kanyang Team sina Pamela, Dianne, Charlotte, Alfie at Migs. Ang Team B. naman ay pinapamunuan ni Travis. Kasama niya sina Christian, Jonas, Kenneth, Desmond at Henry. Patakbo silang lumapit sa nasabing purok ng mga kabahayan. Ngunit walang maririnig na anumang ingay at yapak sa paligid. Dahil isa sa mga pinag-aralan nila noon ay ang tumakbo na walang ingay na nililikha. Madilim din ang gabi, kahit buwan ay ayaw magpakita. Kaya madilim ang buong paligid, ngunit nakikita nila ang kanilang dinaraanan sa tulong ng suot nilang Night vision glasses. Matagumpay na naka pasok ang groupo ng ORBIT sa Purok Maligaya, na kung saan maraming mga bata at dalaga ang bihag ng mga NPA. Mabilis na pumasok si Travis sa isang bahay na kahoy. Mayroon itong second floor, kaya balak niyang umakyat sa pinaka bubong ng bahay, upang doon mag puwesto. Isa rin siyang magaling na Sniper ng groupo kaya magagamit niya ang kaalaman sa pagkakataon na ito. "I'm in the position." wika niya, habang sinisipat ang kanyang Sniper Riffle with silencer. "Subject A, 200 meters south, Locked." muling sabi niya upang malaman ng mga kasama niya na gumagalaw na siya. Naka posistion na rin sina Lisa at Alfie sa di kalayuan. Silang mga Sniper ang unang titira sa mga NPA sa paligid, upang mabawasan ang bantay sa labas at makapasok ang mga kasamahan nila nang mabilis. "Clear!" wika ni Travis, ganon din sina Lisa at Alfie. Hudyat iyon para ang mga kasamahan naman nila naman ang sasabak. Nang mapatumba nilang lahat ang mga bantay sa labas ng mga bahay ay agad naman lumabas ang ibang mga Agents, upang makipag laban sa mga NPA na nasa loob ng mga bahay. Nanatili naman sa kanilang puwesto ang mga Sniper, upang bantayan ang paligid. Mabilis na pinasok ng mga Agents ang mga bahay na mayroong nakatagong Hostage at walang awang pinang gilitan ng leeg ang ilang bantay sa pinto, bago sila makapasok sa kabahayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD