Chapter 4

2099 Words
Hindi maka paniwala si Joy, dahil sa nangyari sa kanya. Akala niya ay panaginip lang ang lahat, ngunit ngayon ay malinaw na sa kanya na totoo ang lahat. Agad na itinulak ni Joy ang katawan ng lalaking nakayakap sa kanya. Ginamit din niya ang lahat ng lakas niya, upang maka wala sa pagka-kayakap sa kanya ng lalaki. "Walang hiya ka! hayop... bakit mo nagawa sa akin ito?!" umiiyak na sigaw ni Joy sa lalaki. Hindi siya maka paniwalang magagawa siyang pag samantalahan ng kanyang itinuring na nakaka tandang kapatid. "Joy, Sweetheart. Let me explain!." wika ni Travis, habang sinasalag ang kamay ni Joy, dahil sunod-sunod na umiigkas ito at gustong patamaan ang kanyang mukha. "Sweetheart, please listen to me. I really sorry, i love you Joy, at handa rin akong pakasalan ka kahit anong oras." pagsusumamo ni Travis sa nagwawalang si Joy. Hindi nito matanggap na nawala ang kanyang iniingatang pagka babae at basta na lang kinuha sa kanya ng lalaking itinuring niyang kapatid. Para maka ganti si Joy ay ginamit niya ang lahat ng nalalaman niya sa Martial Arts na natutunan din niya kay Travis. Hindi na pinansin ni Joy ang kanyang hubad na katawan at mabilis itong tumayo at agad na sinipa ang gitna ni Travis na katatayo lang din. Namilipit ng husto ang binata at bumagsak sa sahig. Muling umataki si Joy at mabilis na sinuntok ang mukha ng binata ng sunod-sunod. Hindi pa siya nakontento at muli na naman lumapit at mabilis na hinampas ang batok ni Travis na noon ay naka tungo, dahil sa dugong lumabas sa ilong nito gawa ng malakakas na suntok sa kanya ng dalaga. Agad na nawalan ng malay tao si Travis at bumagsak sa sahig na duguan ang mukha. Nang masiguro naman ni Joy na tulog na ang binata ay agad niyang hinanap ang kanyang mga kasuotan. Nakita naman niya ito at agad na nagbihis. Ngunit hindi niya makita ang kanyang panty kung nasaan ito. Kaya sa inis niya sa lalaki ay pinag kukuha niya ang mga damit ni Travis kasama na ang wallet at cellphone nito. Kinuha din niya ang baril at susi ng kotse ng binata, saka nagmamadaling umalis sa kuwarto na kinaroroonan nila. Habang palabas si Joy ay napag tanto niyang nasa Hotel silang dalawa. Kaya agad siyang pumasok sa elevator at pinindot ang B1 Carpark. Hinanap ng dalaga kung saan naka park ang kotse ni Travis. Nang makita ng dalaga ang kotse, agad niyang binuksan ito at saka itinapon sa loob ang mga gamit ni Travis. Umupo din siya sa Drivers seat at agad na binuhay ang makina at pinatakbo paalis ng Hotel. NAGISING si Travis na masakit ang katawan. Natuyo na rin ang dugo na galing sa kanyang ilong at labi. Agad siyang bumangon upang hanapin si Joy, ngunit hindi na niya nakita ang dalaga sa loob ng kuwarto. Agad na pumasok sa banyo si Travis at humarap sa salamin. Nakita niya ang kanyang mukha na puno ng pasa at sugat. Putok ang kanyang labi, basag ang kaliwang kilay at nangingitim ang magkabilang mata nito. Napailing na lamang ang binata dahil sa nangyari sa kanya. Kasalanan naman niya ang lahat, dahil kung hindi niya pinaki alaman si Joy ay malayong bubugbogin siya ng dalaga. Aaminin niyang magaling si Joy sa pakikipag laban, dahil lahat ng kanyang kaalaman ay siya mismo ang nagturo rito. Agad na naligo si Travis upang mahugasan ang mga natuyong dugo sa kanyang mukha at katawan. Nang matapos ito ay agad na kinuha ang tuwalya at saka tinuyo ang saril. Naglakad siyang hubo't-hubad palabas ng banyo at hinanap ang kanyang mga damit. Laking gulat ni Travis ng hindi niya makita ang kanyang mga damit kahit saang sulok ng kuwartong tinuloyan nila ni Joy. Tinanggal din niya ang Comforter at iwinagwag, nagbabaka sakaling nandoon ang kanyang mga damit. Ngunit isang itim na panty ang nalaglag mula sa Comforter. Agad na pinulot ni Travis ang panty. Alam niyang kay Joy ang panty na iyon, dahil siya mismo ang naghubad nito sa katawan ng dalaga. Inamoy-amoy pa ni Travis ang panty at saka napangiti sa kanyang naisip. Ngunit bigla din nagdilim ang kanyang mukha, dahil sa pagka wala ng kanyang mga gamit. Binuksan din niya ang drawer kung saan niya inilagay ang kanyang baril at susi ng kotse. Ngunit wala na itong laman, kasama ng kanyang mga damit ay nawawala din ang kanyang cellphone at wallet. "Dammit! Joooooy!" malakas na sigaw ni Travis nang mapag tanto niyang kinuha ni Joy ang lahat ng kanyang mga gamit. Malakas din niyang sinipa ang kama dahil sa inis niya sa dalaga. Paano siya lalabas ng kuwarto na walang damit? wala din siyang magamit na pantawag sa kanyang mga tauhan, upang dalhan siya ng mga damit at magpa sundo. Agad na naisip ni Travis si Henry. Kaya naman agad niyang pinindot ang button ng kanyang suot na relo, upang ma-contact si Henry. Alam niyang pagtatawanan siya ng kanyang kaibigan, ngunit no choice na siya. Kaysa maghintay siya sa wala sa loob ng kuwarto. Agad naman na nag respond si Henry sa kanya, kaya nagsalita na siya sa tapat ng tracking device na naka kabit sa kanyang relo, upang masabi niya kay Henry ang kanyang kailangan. TAWA ng tawa si Henry habang pinapakinggan ang sinasabi ni Travis. Matapos mawala ni Travis sa linya ay agad na tumayo si Henry sa kanyang upuan at mabilis na lumabas ng ORBIT BASE. Dumaan din siya sa kanyang Chamber, upang kumuha ng damit na puwede niyang ipasuot kay Travis. Mabuti na lang at halos magka size sila ng kaibigan. Matangkad lang kaunti si Travis at malalaki ang braso dahil banat na banat ito sa pakikipag laban. Samantalang siya ay nasa harapan lang ng Control Room at naka harap sa kanyang Computer. Agad na pinuntahan ni Henry ang kaibigan sa Hotel na sinabi nito. Bitbit nito ang paper bag na pinag lagyan niya ng mga damit. Kumatok siya sa pinto ng Room na kinaroroonan ng kaibigan. Agad din siyang pinag buksan nito. Nagulat pa si Henry dahil sa hitsura ng mukha ni Travis. "Aba, para kang binugbog ni Pacquiao sa mukha mo, Pare! ang tindi naman pala ng sinapit mo sa kamay ng babaing ilang taon mong pinag pantasyahan." tumatawang wika ni Henry. Hindi talaga niya mapigilan ang pagtawa, dahil sa kanyang kaibigan. "Shut up!" masungit na pagsaway ni Travis sa kaibigan, saka hinablot ang paper bag na hawak ni Henry at agad na pumasok sa banyo upang mag bihis. Tawa ng tawa si Henry sa loob ng sasakyan, habang nagda drive pabalik sa M. S. PALACE HOTEL. Nakasimangot naman si Travis, gustong gusto na rin niyang patulan ang kanyang kaibigan, ngunit nagtitimpi lang siya. Pagkababa ni Travis sa kotse ni Henry, ay napansin niyang nasa parking na ang kanyang kotse. Nagmamadali siyang lumapit dito at tiningnan ang loob ng kanyang kotse. Bukas din ito dahil iniwan ni Joy ang remote sa lagayan nito sa loob. Agad na kinuha ni Travis ang remote at susi ng kotse at saka dinampot ang kanyang mga gamit na naka lagay sa upuan. Doon lang din iniwan ni Joy ang lahat ng mga gamit niya. Safe naman ang Car park dahil hiwalay ito sa Guest carpark ng Hotel. Ang Parking na para sa kanilang mga Secret Agent ay may scanner. Tanging mga kotsing naka registered lang ang makakapasok sa loob ng carpark na iyon. May sarili din silang elevator na papunta sa 9th floor kung saan naroroon ang BASE ng ORBIT. Agad siyang pumasok sa elevator dala ang kanyang mga gamit at pumunta sa kanyang Chamber upang magpahinga. "Pare, patingnan mo muna ang mga sugat mo kay Pamela. Nandiyan pa siya sa loob ng BASE at may ginagawa." wika ni Henry, saka tuloyang pumasok sa loob ng BASE upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho. "Kuya! anong nangyari sa mukha mo?!" nagtatakang tanong ni Pamela, kay Travis ng pumasok ito sa loob ng Clinic. "May naka ingkuwentro lang ako kanina, medyo malakas eh, kaya napuruhan ako!." sagot naman ni Travis. Hindi na niya sinabi ang tunay na dahilan, baka pati kay Pamela ay maka tikim din siya ng bugbog kapag nalaman nito ang ginawa niyang kapangahasan sa kaibigan nito. "Humiga ka kuya, at gagamotin ko ang mga sugat mo. Sino ba'ng naka laban mo kuya at ngayon ka lang 'ata nabangasan ng ganito?!" nagtatakang tanong ni Pamela sa binata. Dahil napaka galing ni Travis sa pakikipag laban, ito din ang isa sa mga naging trainor nila sa Martial Arts noon. "Bilisan mo na, may gagawin pa ako." wika ni Travis, upang maiba ang kanilang usapan. Agad naman na nilinis ni Pamela ang mga sugat ng binata. "Mag-iingat ka sa susunod kuya." paalala pa ni Pamela sa binata. Matapos siyang magamot ni Pamela at malagyan ng plaster ang putok niyang kilay ay nag paalam na rin siya sa babae. Binigyan din siya ng gamot ni Pamela, upang mapabilis ang paggaling ng kanyang mga sugat at pasa sa mukha. Muli siyang bumalik sa kanyang Chamber, upang mag pahinga. Nahiga siya sa kanyang malambot na kama habang naka lagay ang magka bilaang kamay sa kanyang batok. Muling naalala ni Travis ang mainit na namagitan sa kanila ni Joy kagabi, napangiti pa siya sa naiisip. Bigla din nabuhay ang kanyang alaga, dahil sa naisip. "Oh, f**k!" bulalas niya dahil talagang nagwawala na ang kanyang alaga. Mukhang hinahanap nito ang mainit at masikip na lagusan na pinang galingan nito kagabi. Mabilis na bumangon si Travis at nag mamadaling pumasok sa loob ng banyo. Hindi na talaga niya kaya ang init ng kanyang katawan na biglang lumukob sa kanyang kaibuturan. Agad siyang nag alis ng kanyang mga damit at agad na tumapat sa malamig na shower. Ilang minuto din siyang nagbabad sa ilalim ng kanyang shower, hanggang humupa ang init ng kanyang katawan. GUMISING si Joy na masakit ang kanyang katawan. Para siyang binugbog ng ilang tao, dahil sa tindi ng sakit na kanyang nadarama. Lalo na sa gitnang bahagi ng kanyang katawan. Parang hinihiwa ito at ramdam din niya ang matinding kirot sa loob nito. Muli din niyang naalala ang kanyang panaginip kagabi. Akala niya ay isa lang itong panaginip, ngunit totoo pala ito. At ang hindi niya matanggap ay ang ginawang pagsasamantala sa kanya ng kanyang itinuring na nakakatandang kapatid. "Walang hiya ka talaga... makita lang kita, malilintikan ka talaga sa akin!" umiiyak na banta ni Joy. Kahit hirap siyang kumilos ay pinilit pa rin niya ang kanyang sarili upang maka bangon. Pumasok siya sa kanynang dressing room at hinanap ang kanyang medicine kit. Uminom na lang siya ng dalawang Paracetamol upang mawala ang kanyang lagnat at pananakit ng katawan. Saka muling bumalik sa kanyang higaan at muling natulog. Gabi na nagising si Joy. Kung hindi pa pumasok si Pamela sa kuwarto niya ay hindi ito magigising. "Joy, natutulog kapa ba? pinapatawag kana ni Ate Lisa. Kailangan mo daw turuan si Pj sa kanyang project. Aalis kasi kami mamaya, kaya walang mag tuturo sa bata." wika ni Pamela, nakatayo siya sa side ni Joy at inuuga niya ang dalagang masarap ang tulog. "Hmm! sige, babangon na ako." tinatamad na sagot ni Joy. Nagpaalam na rin si Pamela, upang maghanda na sa kanilang pag-alis. "Ate, puwede mo bang tawagin sandali si kuya Travis? may sasabihin lang ako." paki-usap niya kay Pamela. Pilit din niyang itinatago ang kanyang katawan sa loob ng kumot upang hindi makita ni Pamela ang mga kiss mark sa leeg niya. "Okay, sabihin kong puntahan ka dito." sagot ni Pamela, wala naman siyang ibang sinabi o nahalata kay Joy. Tatlong malalakas na pagkatok ang narinig ni Joy mula sa pinto. Kaya agad itong nag-angat ng paningin. "Pasok!" sigaw niya, alam na niya kung sino ito. AGAD namang pumasok si Travis sa loob at inilocked din nito ang pinto ng kuwarto ni Joy. Kahit awayin siya ni Joy ngayon ay wala namang makakarinig sa kanila, dahil soundproof ang lahat ng mga kuwarto dito sa bahay ng kanilang amo. "Sweetheart, may kailangan ka?" malumanay na tanong ni Travis kay Joy. Alanganin din siyang lumapit dito at baka madagdagan na naman ang kanyang pasa sa mukha. "Ikuha mo ako ng gamot at tubig. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ako magkakaganito, walang hiya kang hayop ka!" malakas na sigaw ni Joy, umiiyak din ito at nakayakap sa kanyang Comforter. "Bakit sweetheart, may sakit kaba?" biglang kinabahan si Travis, dahil sa paghingi ni Joy ng gamot at tubig sa kanya. "Ano sa palagay mo? hihingi ba ako ng gamot kung wala akong sakit?!" pasinghal na sagot ni Joy sa binata. Kung kaya lamang sana niya ang kanyang katawan ay baka nabugbog na naman niya si Travis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD