Chapter 6

2141 Words
HINDI binigyan ng pagkakataon ng mga Special Task Force, na maka ganti ang mga NPA. Isa-isang silang pinang-gil***n ng leeg ng mga Secret Agent. Parang ipo-ipo kung gumalaw ang mga ito at halos hindi masundan ang mga galawan nila. Nagugulat na lang ang mga bantay dahil meron nang tao sa tabi nila, saka sila hahawakan sa ulo at mahigpit itong tatakpan ang bunganga bago gil***n, saka hihilain sa tagong lugar. Mabilis na tumakbo sina Christian at Jonas, patungo sa likod ng bahay, kung saan naroroon ang mga Hostage nilang mga bata. Dahan-dahan na pinihit ni Jonas ang pinto sa likod, at agad naman na itinutok ni Christian ang kanyang baril sa loob. Agad din silang pumasok sa loob, matapos masigurong walang bantay sa may kusina. Nagtago sila sa mag kabilang gilid ng ding-ding, saka dahan-dahan na sinilip ang loob ng bahay. Nakita nilang tulog ang mga bantay, kaya agad na nilagyan ni Christian ng Silencer ang kanyang baril, saka pinatamaan ang dalawang lalaki na mahimbing na natutulog. Mabilis naman na tumakbo si Jonas, at umakyat sa kuwarto sa itaas ng bahay. Si Christian naman ay mabilis na lumapit sa pinto ng bahay, upang buksan ito at papasukin ang ibang mga Agents. Samantala. Sa kabilang bahay naman kung nasaan ang mga dalagang Hostage ay tila nagkakasiyahan pa ang mga bantay sa loob. Maingay at naghihiyawan pa ang mga ito, dahil tila meron silang pinag kakasayahan. Dahan-dahan naman na lumapit sa bintana si Migs, kasunod din nito si Pamela. Agad din silang sumilip sa awang ng bintana at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Pamela, nang makitang pilit na pina pasayaw ng mga Rebelde ang tatlong babae, habang walang anumang saplot sa kanilang mga katawan. Awa ang lumukob sa puso ni Pamela, hindi niya matanggap na makakita siya ng mga babaing binababoy ng mga lalaki. Kahit umiiyak na at nag mamakaawa ang mga ito ay hindi pa rin sila pinakingan ng mga ito. Dahil sa galit na biglang lumukob sa buong pagkatao ni Pamela, ay agad niyang pinag babaril ang mga lalaking tuwang-tuwa sa kanilang pinapanood. Wala nang nagawa si Migs, kundi ang tulongan si Pamela na pat***n ang mga Rebelde. Dahil kung bibigyan pa nila ng pagkakataon ang mga ito na maka ganti ay baka sila naman ang mapa**y ng mga ito. Malakas naman na napa sigaw ang tatlong babae dahil sa takot. Agad din silang nagtago, upang hindi mahagip ng bala. Dahil sa malakas na putukan na umalingaw-ngaw sa paligid ay naka tawag na ng pansin sa ibang Rebelde na nasa paligid. Nagsipag handa na rin ang mga ito at lumabas sa kanilang mga pinag tataguan. Alerto naman ang mga Sniper na sina Travis, Lisa at Alfie. Si Henry naman ay pinalipad ang kanyang Drone with night vision camera, kaya kitang-kita nito ang buong paligid. Lahat ng mga Rebelding lumalabas ay agad na binabaril ng mga Sniper. Ang mga nasa loob naman ng kabahayan ay nag-alangan ng lumabas, dahil sa takot na mabaril sila ng mga hindi nakikilalang kalaban. "Pu***g i*a! napasok tayo ng mga kalaban! umatras na tayo, bago nila tayo maubos. Malalagot tayo nito kay Commander!" galit na galit na wika ng pinaka pinuno ng groupo. "Atraaaas!" malakas na sigaw ng isang lalaki na dumungaw pa sa bintana, upang marinig siya ng mga kasamahan. Ngunit biglang sumabog ang bao ng kanyang ulo, dahil sa tama ng bala mula sa Sniper. "May Sniper sa paligid, Boss! Paano tayo makaka-alis dito? siguradong matutulad tayo kay Badong nito!" takot na takot na tanong ng isang Rebelde sa pinaka pinuno nito. "Bahala na! basta tatakas tayo! matira ang matibay!" sigaw naman ng pinuno nila, saka mabilis na kinuha ang armas nito saka lumabas sa pinaka likod ng bahay na pinagtataguan nila. Mabilis din itong tumakbo na pagiwang-giwang upang hindi tamaan ng bala. Ginaya naman siya ng dalawa pa niyang kasama, kaya mabilis silang naka alis na walang tama ng bala. "May tatlong nakatakas!" pagbibigay alam ni Lisa sa mga kasamahan niya. Hindi niya napatamaan ang mga ito, dahil sa pagiwang-giwang nilang takbo. Kahit sinong magaling na Sniper ay talagang mahihirapan sa pag snipe kung magalaw masyado ang target nila. Agad na din sumugod ang mga Militar at Pulis sa lugar. Inipon nila ang mga bangkay ng mga Rebelde at ang ibang may buhay pa ay agad na dinala sa kanilang Truck, upang dalhin sa Hospital. Agad na nagpaalam ang ORBIT Special Task Force, sa mga Pulis at Militar upang bumalik na sa kanilang HQ. Agad silang sumakay sa kanilang Helicopter at muling bumalik sa HQ. Ang mga Pulis na ng lugar ang bahala sa lahat ng kalat sa Barangay na kanilang pinanggalingan. PAGKABABA pa lang nila sa Rooftop ng M. S. Palace Hotel ay nag-aabang na si General Peneda sa kanila. Agad silang pumasok sa loob ng Conference room, upang malaman ang iba pang sasabihin ni General Peneda sa kanila. "Agents... Job well done! ipina-paabot ng Gobernador ng Bulacan ang kanyang masasalamat, dahil sa katapangan na inyong ipinamalas sa kanyang Bayan." masayang kinamayan ni Gen. Peneda ang mga Agents. Nagpa salamat din sila sa kanilang General sa suporta nito sa kanila. "Lisa, Travis, Pamela and Jonas. Maiwan kayo dito at may pag-uusapan tayo!" seryosong wika ni General sa apat. Ang ibang Agents ay lumabas na sa Conference room at tanging sila na lang ang naiwan sa loob. "Travis, explain to me what you did wrong to Joy?" agad na tanong ni General Peneda kay Travis. " Sir, everyone knows how much I love Joy. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko na hindi siya makuha, dahil kamuntik na siyang makuha ng iba, Sir, at iyon ang hindi ko mapapayagan. May nangahas na pumasok sa loob ng VIP room na kinaroroonan nilang magkakaibigan at..." hindi natuloy ang iba pang sasabihin ni Travis ng biglang tumayo si Lisa at malakas ang boses na nagtanong kay Travis. "Sino ang mga tarantadong pumasok sa loob ng room nila?!" bakas sa mukha ni Lisa ang galit dahil sa nalaman. "A-Attorney, nasa Hideout na sila. Kinuha sila ng mga tauhan ko doon sa Club at dinala sa Hideout." agad na sagot ni Travis. Takot siya sa kanyang amo na napaka mainitin ng ulo. At sa nalaman nito ay alam ni Travis na babalatan na naman ng buhay ni Lisa ang mga lalaking nakuha ng kanyang mga tauhan. "Attorney, sasamahan kita doon, gusto ko rin makita ang mga hayop na nagtangka sa pinsan ko." wika naman ni Jonas, saka mabilis na tumayo. "Travis, palalampasin ko ang ginawa mo kay Joy, dahil alam kong mahal mo siya. Pero mangako kang pananagutan mo ang kapangahasan na ginawa mo sa kanya!" may pagbabantang wika ni Lisa, habang nakaturo pa ang hintuturo niya sa mukha ni Travis. "Thank you Attorney, ipinapangako ko na pananagutan ko si Joy. Pakakasalan ko siya kahit bukas na!" may ngiti sa labi na sagot kay Lisa. "Siguraduhin mo lang, Lt. dahil ako naman ang makaka laban mo kapag hindi mo tinupad ang mga sinabi mo." pagbabanta naman ni Jonas, saka sinundan si Lisa. "Sir, i'm really sorry! nadala lang talaga ako ng damdamin ko, kaya ko iyon nagawa kay Joy." muling paliwanag ni Travis kay General Peneda. "Ano pa ba ang magagawa ko, eh tapos mo nang paki-alaman ang bata. Mag-ingat kana lang, Travis, dahil mukhang si Joy mismo ang matinding kalaban mo dito." babala pa ni General Peneda kay Travis. "Bahala ka sa buhay mo, kuya. Dahil hindi kita tutulongan kay Joy. Problema mo na iyan, kung paano mo siya mapapa-amo!" wika naman ni Pamela, bago tumayo at sumaludo sa kanilang General. Naiwan na kakamot-kamot sa ulo si Travis, hanggang sa maisip na naman nito ang kalagayan ni Joy, kaya nag mamadali siyang pumunta sa bahay ni Attorney Lisa. Mahimbing naman na natutulog si Joy, ng silipin niya ito. Naka hinga din si Travis, dahil bumaba na rin ang lagnat nito. Inayos pa ni Travis ang Comforter ni Joy, saka nito hinalikan ang dalaga sa lips. Agad na din siyang lumabas ng kuwarto ni Joy at bumalik sa kanyang Chamber. Napapailing na lang si Travis, dahil sa mga pasa nito sa kanyang mukha. Nangingitim na ang magkabilang mata niya, pati ang gilid ng kanyang labi. Hindi talaga pumayag si Attorney Lisa na hindi siya masaktan nito, kaya ngayon ay nag mukha na siyang Panda. Nag shower na lang si Travis, saka nilagyan ng Cream ang kanyang mga pasa sa mukha. Malakas naman ang Cream na supply sa kanilang mga Agent, kaya alam niyang dalawang araw lang ay wala na ang mga pasa niya sa mukha. Pati ang mga maliliit na sugat ay kayang paghilomin ng Cream na ito sa loob ng dalawang araw lamang. Pag gising ni Joy, kinabukasan ay agad siyang naligo at nagbihis. Lunes na at meron pa siyang dapat na tapusin sa University. Dalawang lingo na lang ay Graduation na nila. Magiging ganap na siyang guro at puwede na siyang magturo ng mga bata sa paaralan. Masaya si Joy, dahil natupad na rin ang isa sa pinangarap niya. Ang makatapos ng College at makapag trabaho. Ngunit ang sayang kanyang nararamdaman ay biglang napawi, dahil bigla niyang naalala ang kanyang mga magulang. Kung nabubuhay lang sana ang mga ito ay siguro masayang-masaya sila sa kanyang narating. Matapos niyang magbihis ay agad na siyang lumabas ng kanyang kuwarto at nagtungo sa kusina. "Oh, Joy, kumusta na ang pakiramdam mo? wala naba ang lagnat mo at papasok kana agad?" may pag-aalalang tanong ni Aling Cisa. "Ayos na po ako, Aling Cisa, may tatapusin pa kasi ako sa University, kaya ako papasok." tugon ni Joy sa ginang. "Halla, sige, kumain ka ng marami para bumalik ang lakas mo." sabi pa ng matanda sa kanya. Kaya naman kumain siya ng marami upang malakas siya. Dahil hindi lamang ang mga gawain niya sa School ang kanyang kakaharapin. Ganon din ang lalaking nangahas sa kanya. "Humanda talaga sa akin ang walang hiyang iyon! dahil gaganti ako sa kanya!" ang isinisigaw ng kanyang isipan. Matapos kumain ay kinuha muna niya ang kanyang mga gamit sa kanyang kuwarto. Kinuha din niya ang susi ng kanyang kotse, na regalo sa kanya noon ni Attorney Lisa. Ngayon niya magagamit ito dahil hindi na siya papayag na ihatid pa siya ng isang hudas. Walang paki alam na naglakad patungo sa Carpark si Joy. Nakita pa niya si Travis na naka upo sa tabi ng Exit, ngunit nilampasan niya ito at malalaki ang hakbang na nagtungo sa kanyang sariling sasakyan. "Joy, sweetheart! please let me explain!" boses ni Travis, habang sinusundan nito si Joy. Agad naman na pumasok si Joy sa loob ng kanyang kotse saka ni-lock ang pinto. Hindi niya pinansin si Travis na humahabol sa kanya at kinakatok pa ang bintana ng kanyang kotse. Agad na pina andar ni Joy ang kanyang kotse, saka pinatakbo ito. Tinangka pang harangan ito ni Travis, ngunit lalong binilisan ni Joy ang patakbo nito, kaya no choice si Travis kundi ang tumalon sa gilid upang hindi siya mahagip ng kotse ni Joy. "Sweetheart! wait!" malakas na tawag ni Travis kay Joy, ngunit wala na ito at tuloyan ng naka alis ang kotse nito. "Mukhang ma-a under ka ng babaing pinapantasya mo, Pare?!" boses ni Alfie, ang nagpa lingon kay Travis. "Huh! kamuntik na ako dun, Pare, paano ko kaya siya kakausapin na hindi niya ako masasaktan?" tanong ni Travis kay Alfie, habang ginugulo ang kanyang buhok. "Ligawan mo kasi ng maayos, Pare, baka lumambot din ang puso niya sa'yo kapag pinakilig mo ng husto." sagot naman ni Alfie. "How?!" naguguluhan na tanong nito sa kaibigan. "Bigyan mo ng bulaklak, Chocolates, Cards at bigyan mo ng mga regalo na alam mong ikakatuwa niya." sagot ni Alfie sa kaibigan. "Salamat Pare, gagawin ko iyan sinabi mo." nakangiting wika ni Travis. Sa sobrang tuwa ni Travis ay agad siyang nagpunta sa Mall upang ipamili ng mga regalo si Joy. Namili siya ng mga damit at Bags. Ilang kahon na Choclates at bumili din siya ng napaka laking Teddy bear. Agad niyang iniuwi ang mga ito, saka dinala lahat sa kuwarto ni Joy. Nagulat pa nga ang dalawang kasambahay ni Attorney Lisa, dahil sa dami ng dala ni Travis. Tinulongan din siyang ilagay ito sa loob ng kuwarto ni Joy. Inis na inis naman si Joy nang dumating siya galing ng School. Dahil sa dami ng mga Paper bag na naka latag sa kanyang kama. May giant Teddy Bear din na mas malaki pa ata sa kanya ang naka upo sa kanyang kama. Nahilot din niya ang kanyang noo dahil sa mga kahon-kahon na chocolates na nasa ibabaw ng kanyang study table. Mayroon din dalawang bouquet ng roses sa magkabilang side table niya sa may kama. at ang ikinagulat nya ay ang mga Credit Card na nakalagay sa ibabaw ng isang bouquet. Kinuka niya ito at nakita niyang kay Travis ito, kaya sa inis niya ay agad niyang tinawagan ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD