bc

The COLD BODYGUARD: The ORBIT Series 4

book_age18+
2.1K
FOLLOW
23.0K
READ
one-night stand
age gap
arrogant
kicking
brilliant
campus
secrets
war
musclebear
professor
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Travis Coleman, 37, isang dating Navy Seal sa US, ngunit umalis dahil sa pagkamatay ng kanyang fiancè na kasamahan din niya sa Navy. Dahil sa sakit ng pagkawala ng babaing labis niyang minamahal ay nagpasya si Travis na bumalik na lang ng pilipinas.

Pumasok siya bilang Secret Agent sa isang intelligence group at naging Undercover Agent sa isang mayamang Babae. Dito niya makikilala ang babaing muling bibihag ng kanyang puso. Si Joy, na noon ay labing pitong taong gulang lamang at yaya sa anak ng kanyang Amo.

Paano niya lalapitan at liligawan si Joy, kung napaka laki ng agwat ng kanilang edad na dalawa. 15 years ang tanda niya sa dalaga at tinatawag pa siya nitong kuya.

Maku-kontento na lamang ba siyang alagaan at bantayan ang dalaga na ang turing sa kanya ay isa lamang nakakatandang kapatid? Paano siya mamahalin ng katulad ni Joy na napaka bata pa at wala pang karanasan sa pag-ibig? May ligaya kayang naghihintay sa kanilang dalawa, kahit napaka layo ang agwat ng kanilang mga edad?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
The COLD BODYGUARD: (The ORBIT Series 4) STORY WRITTEN By: IronLady 2581 .... "Lieutenant, ikaw na ang bahala sa aking pamangkin. Malaki ang tiwala ko sayo at alam kong mapu-protektahan mo sila ng maayos ng kanyang anak. Malaki ang tiwala ko sayo, Lt. Coleman. Nasa panganib ang buhay nilang mag-ina, lalo't sila lang ang tanging taga pagmana ng mga Sanchez. Malaki ang posibilidad na kasama sa negosyo ng pamilya Sanchez, ang may kagagawan ng karumal dumal na krimen at dahilan ng pagkamatay nilang mag-anak." mahabang salaysay ni General Peneda, kay Travis. Habang iniisa-isa nito ang mga dapat gawin. "Sir! Yes, sir!" agad na sagod ni Travis sa kanyang pinuno, sabay taas ng kanyang kamay upang sumaludo, tanda ng paggalang dito. "Dismiss!." saad ni General Peneda matapos sagutin ang pagsaludo ng kanyang isang pinag kakatiwalaang Secret Agent. Si General Gregorio Peneda ang nagtatag ng ORBIT SPECIAL TASK FORCE. Sila ang tumutulong upang masugpo ang lumalaganap na krimen sa Pilipinas. Tatlo sila na bumuo ng Agency, Si General Peneda nang PNP, ang Presidente ng Pilipinas at ang NBI Director. Sila ang nasa likod ng bagong tayo na Intelligece Group. Iilan pa lang ang kanilang mga Secret Agent at kasalukuyan pa lang silang nagre-recruit ng kanilang magiging Agents. .... Maagang nagising si Travis. Ngayon ang unang araw nya bilang Professional Bodyguard ng isang napaka yaman na biyudang babae. Matapos maligo ng binata ay agad na siyang nagbihis at umalis sa kanyang bahay, upang mag report sa kanyang bagong amo. Babantayan ni Travis ang pamangkin ni General Peneda, isang itong Abogado at may isang anak na batang lalaki. Kamamatay lang ng asawa nito, mula sa isang karumal-dumal na krimen. Siya si Attorney Monalisa Salvador - Sanchez. Isang sikat na Abogado at bagong nagmamay-ari ng St. Patrick's Group of Companies. Biyuda at may isang anak na batang lalaki. Pagdating niya sa isang Subdivision sa Quezon City, ay agad na hinanap ang Address na ibinigay sa kanya ni General Peneda. Huminto ang kanyang kotse sa tapat ng isang napaka laki at garang Mansion. Pinagmasdan muna niya ito bago siya bumaba ng kanyang kotse. Ipinarada din niya ang kanyang kotse sa gilid ng kalsada, saka siya nag mamadaling lumabas ng kanyang kotse, upang mag door bell sa gate ng Mansion. Agad naman siyang pinagbuksan ng guard mula sa maliit na gate. Lumabas din ang guard upang alamin kung sino ang taong nag door bell sa labas. "Good morning, Boss, ako nga pala si Lt. Travis Coleman, ang Professional Bodyguard na ipinadala ni Gen. Peneda, para kay Attorney Monalisa Salvador." bungad niya sa Guard. Ipinakita din niya dito ang kanyang id upang maniwala ito sa kanya. "Good morning din sa'yo, sir! pasok na po kayo sa loob, sir. Kanina pa kayo hinihintay ni Attorney." wika naman ng Guard, saka niluwagan ang pagkaka bukas ng Gate. Tuloy-tuloy na pumasok si Travis sa bakuran ng Mansion. Agad naman siyang sinalubong ng isang may edad na babae. Base sa suot nito ay isa itong mayordoma sa Mansion. "Magandang umaga po, ako po si Travis Coleman, ipinadala po ako dito ni General Peneda, isa po akong Professional Bodyguard." muling pakilala niya sa babae. "Pasok ka ginoo, umupo ka muna dito sa sala at hintayin mo na lang ang pagbaba ni Ma'am Lisa. Sandali lang ginoo at ikukuha kita ng kape mo." magalang na paalam ng may edad na babae, saka mabilis na umalis mula sa kanyang harapan. Umupo na lang si Travis sa pang isahang sofa at naghintay na bumaba ang kanyang bagong amo na paglilingkuran. Halos kalahating oras din siyang nag hintay, bago bumaba si Attorney Salvador. Tama naman na naubos ng binata ang ibinigay sa kanya na kape at Sandwich ng Mayordoma. Agad na tumayo si Travis, upang batiin ang kanyang magiging amo. Nagulat pa siya, dahil hindi niya akalain na napaka bata pa pala nang pamangkin ni General, ngunit isa na itong biyuda. "Good morning Attorney, ako po si Lt. Travis Coleman, ang Professional Bodyguard na ipinadala ni General Peneda, para po sa inyo." pakilala nya dito, naka tayo din siya ng tuwid sa harapan ng babae. "Follow me!" utos sa kanya ng babae at agad na tumalikod. Kaya naman sumunod na lang din siya sa babae. Pumasok sila sa isang Library, agad na umupo si Attorney Salvador sa kanyang Swivel Chair. Saka niya inilahad ang kanyang palad upang paupuin din siya sa harapan nito. "Okay, sit down!" maotoridad na wika sa kanya ni Attorney Salvador. "Siguro naman nasabi na sa 'yo lahat ni tito ang magiging trabaho mo? gusto ko lang ipaalala sayo, na kailangan mong mag doble time sa pag babantay sa aking anak. Lalo na kapag ilalabas siya ng kanyang tita at yaya, upang dalhin sa Doctor o kahit saan na kasama ang anak ko. Maliwanag ba Mr. Coleman?!." mariin na tanong sa kanya ni Attorney Salvador "Yes Attorney! makaka asa po kayo sa akin. Sisiguraduhin kong walang mangyayaring masama sa anak niyo at ligtas na uuwi dito sa bahay ninyo, Attorney!." maagap naman niyang sagot. "Good! I'm leaving tomorrow, I just want to make sure that my son and others at home are safe." muling saad ni Attorney Salvador. "You can count on me, Attorney! I will do everything I can, to watch over and protect them all, at all costs." muli niyang sagot sa kanyang bagong amo. Naki pagkamay pa ang kanyang magiging amo sa kanya, bago sila lumabas ng Library, upang ipakilala siya sa mga kasama nito sa bahay. Pinag buksan pa ni Travis ng pinto si Attorney Salvador, saka siya sumunod sa babae. Agad naman ipinatawag ni Attorney ang lahat ng mga kasambahay nila. Agad naman siyang ipina kilala sa mga kasambahay , kasama na ang mga Hardenero, Driver at Guard. "Magandang umaga po sa inyong lahat, tawagin na lang po ninyo akong Travis." sabi niya sa kanyang mga kaharap. Natuwa naman ang lahat at nagustuhan din siya ng mga tao sa loob ng Mansion. Hanggang sa may isang batang-bata na babae ang pababa sa hagdan. May buhat din itong batang lalaki at mukhang nagkaka tuwaan pa sila ng napaka cute na bata. "Joy, halika dito! ipapakilala ko sayo itong magiging Bodyguard ninyo ni Pj. Mag mula ngayon ay lagi na ninyo siyang kasa - kasama ng anak ko. Dito na rin siya titira at gusto kung paki tunguhan ninyo siya ng maayos." bilin ni Attorney sa dalaga na nag ngangalan na Joy. "Hello kuya! ako po si Joy...!" pakilala naman sa kanya ni Joy habang nakangiti at inilahad pa ang kamay nito sa kanya. Hindi alam ni Travis ang kanyang isasagot sa dalaga. Mukhang tinamaan siya sa napaka gandang dalaga sa harapan niya. Pero paano naman siya magugustuhan nito? dahil napaka layo ng agwat ng kanilang edad. Wala sa sariling tinanggap niya ang pakikipag kamay sa kanya ng dalaga. Ngunit gusto niyang magsisi dahil sa pagdadaop ng kanilang mga palad ay mayroong milyong-milyon na bultahe ng kuryente ang dumaloy sa kanyang buong pagkatao. Nakaramdam din siya ng pag-iinit sa kanyang katawan. Halos hindi na rin niya ito bitawan, kung hindi ito hinila ni Joy. Mukhang nasa desisiety pa lang ang dalagang ito at siya ay tatlumpot dalawa na ang edad. Labing limang taon ang tanda niya sa dalaga. Parang gusto tuloy niyang magsisi na ipinanganak siyang maaga ng kanyang ina. 'Nalintikan na!' ani niya sa kanyang isip. Hindi na lang nagpa halata si Travis. Hindi niya maaring magustuhan ang dalaga. Dahil natatakot siyang baka umiwas ito sa kanya. Kailangan pa naman niyang bantayan ito kasama ang anak ni Attorney Salvador. KINABUKASAN ay maagang sinundo ni General Peneda ang pamangkin nitong si Attorney Monalisa Salvador. Mawawala si Attorney Salvador sa loob ng anim na buwan. Papasok ito sa training upang maging ganap na Secret Agent ng ORBIT SPECIAL TASK FORCE. Alam niya ang lahat ng plano ng kanyang amo, dahil sinabi na ito lahat sa kanya ni General Peneda. Kapatid din pala ni Attorney Salvador si Miguelito Salvador na siyang naging kasama niya noon sa training. Silang dalawa ni Migs ang magkasamang nagtraining at nagtapos na parehong nakakuha ng Top Rank. Top 1 siya, samantalang Top 2 naman si Migs. Hindi na rin magiging boring ang buhay niya dito, dahil mag kapitbahay lang pala sila ni Migs. Ang kanyang tropa sa training noon at naging kaibigan na rin. Kaya kahit papaano ay may makaka usap siya dito. Matulin na lumipas ang mga araw medyo nasasanay na rin siya sa bago niyang trabaho. Napag alaman din niyang mag sisimula na palang pumasok sa College si Joy. Kaya sinabihan niya ang driver na siya na ang mismong maghahatid sundo kay Joy sa University. Pumayag naman ang driver, dahil naging kaibigan na rin niya ito. Kaya naman araw - araw niya itong hinahatid sundo sa University na pina pasukan nito. Education ang kinukuha ni Joy, para daw ang dalaga na mismo ang magiging tutor ng anak ni Attorney Salvador. Dahil sa araw-araw niyang kasama si Joy, ay unti-unti na rin siyang nahuhulog sa alindog ng dalaga. Ang dating paghanga na kanyang nararamdaman, ngayon ay lumalim na. Dahil mahal na niya si Joy, at lagi din niyang binabantayan ang dalaga. Hindi naman binibigyan ng pansin ni Joy ang mga simpleng ginagawa ni Travis para sa kanya. Para kay Joy ay nakakatandang kapatid lang niya si Travis. Laging naka bantay at nakamasid sa paligid ng dalaga si Travis. Parang hindi nya kayang tanggapin kung mayroon ibang manliligaw sa dalaga. Baka makapatay siya ng tao na wala sa oras, kung may makita siyang lalapit sa kanyang mahal. "Fvck!" bulalas nito, dahil sa biglang pumasok sa isip nya, mahal na pala niya si Joy, at para na siyang baliw na laging nagmamasid sa paligid ng dalaga. Malapit na ang uwian nila Joy, kaya mabilis siyang pumunta sa University upang sunduin ito. Naka park ang kotse niya sa labas ng University. Dito niya madalas na hinihintay si Joy sa kanyang paglabas. Hanggang sa matanaw na niya si Joy na papalabas na ng Gate ng University. Mayroon din itong kasabay na dalawang dalaga na kasing edad lang din ng dalaga. Mukhang anak mayaman ang mga kaibigan ni Joy, ngunit mas maganda parin ang kanyang mahal sa mga ito. Nakita niyang palapit na sila sa kotse niya, kaya naman naghanda na siya sa paglabas upang salubungin ang dalaga. Ngunit napa hinto siya sa pagbukas ng pinto ng kanyang sasakyan, dahil mayroon biglang sumulpot na tatlong lalaki sa harapan ng tatlong babae. "Hi girls! puwedi ba kaming maki pagkilala sa inyo?!" tanong ng isang lalaki na mukhang pinaka Leader ng groupo, maangas din ang itsura nito. "Pasensya na, pero kailangan ko nang umalis. Nag hihintay na ang sundo ko. Excuse me!." wika ni Joy, saka agad na lumihis sa pagitan ng dalawang lalaki. Pero mukhang mali ata ang ginawa nito, dahil inipit lang siya ng dalawang lalaki sa harapan nya. "Ano ba? bastos!." singhal niya sa dalawang lalaki, sabay tulak sa isa. "Aba! pa're, mukhang mataray... ito ang gusto ko, palab..." hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin nito nang biglang may dumapong kamao sa mukha nito. "Aaaah!" malakas na sigaw niya, dahil sa sakit ng pagkaka suntok sa kanya ng kung sino. Bumagsak din siya sa semento, dahil sa lakas ng pagkaka suntok sa kanya. "Sino kabang paki alamero ka?!" singhal naman ng isa pang lalaki, sa taong biglang sumulpot sa harapan nila at sumuntok sa kaibihan nito. Pero isang suntok din sa kanyang sikmura ang natanggap niya. Dahilan upang mapa urong siya habang nakayuko. Dumaing din ito dahil sa matinding sakit. "Hgggk!" daing nito, habang hawak nito ang kanyang sikmura na tinamaan ng malakas na suntok. "Buti nga sa inyo!" muling singhal ni Joy sa mga lalaki, saka binigyan ng sipa sa pantog ang isa pa. Saka mabilis na hinila si Travis palayo sa mga lalaki. Tumakbo na rin palayo ang dalawang kaibigan ni Joy, dahil sa takot nila sa mga nasaksihan. "Tayo na kuya! baka may dumating pa na kasama nila." ani nya, at agad na pumasok sa loob ng kotse. Ang lakas din ng kaba ng dibdib niya, parang tinatambol ito sa lakas. Siguro ay sa takot niya kanina at pagka bigla sa bilis ng mga pangyayari. Agad naman na pina-andar ni Travis ang kotse at mabilis na umalis sa lugar. Pero ang ibang kasamahan nito ay siya naman kumuha sa tatlong lalaki. Nakita pa ni Travis, mula sa side mirror ang pagtigil ng Van sa tapat ng mga lalaki. "Sinaktan ka ba nila?!" malumanay na tanong nya kay Joy. Agad naman na bumaling sa kanya si Joy, saka ngumiti ng tipid. "Hindi naman po, kuya! thank you po pala." nahihiyang sagot nito sa kanya. Tumango na lang si Travis. Napapa isip din siya, kung paano niya liligawan ang dalaga. Heto nga at laging may 'po' 'opo' at 'kuya' pa kapag sumagot sa kanya. Ano bang hakbang ang gagawin nya, upang mapa lapit siya sa dalaga?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
178.3K
bc

Dangerous Spy

read
309.9K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.5K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.8K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.1K
bc

YOU'RE MINE

read
901.0K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook