Chapter 5: Pinsan

2167 Words
SKY “Sa ngayon, manood ka na lang muna dito sa gilid. Kagagaling mo pa lang kaya hindi ka pa puwedeng gumawa ng mabibigat na gawain. Hayaan mo! Kapag magaling ka na talaga, isasama kita sa kanila.” Excited ako nang marinig ko ang sinabi ni Tita. Gusto ko talagang magsanay at mukhang dito ko nga makukuha iyon.  “I want to observe din po muna. Para alam ko po ang gagawin ko sa susunod.” Iyon nga ang gagawin ko kung gusto kong makipagsabayan sa kanila. Alam kong advance sila kaysa sa nalalaman ko, na halos wala naman dahil hindi naman tutok sa akin ang nagtuturo doon sa kaharian namin.  “Sige, Anak. Maupo ka na lang muna o mag-ikot-ikot. Kakausapin ko pa ang mga Elders.” Tumango ako sa sinabi ni Tita. Umalis na siya kaya nagpunta ako sa mga warrior na nagsasanay.  Sinama nga ako ni Tita Cassandra at kararating lang namin dito. Pero dahil may trabaho siya ay kailangan niya akong iwan. Nandito kami ngayon sa Elder’s Domain, at ang ganda rito. Mayroon ditong nagsasanay na mga warriors, meron ding mga bata pang hindi pa nag-aaral pero gustong matuto, at ang bagong recruit na warrior. Iba sa kanila ay gusto talagang sumali, iba ay napilit ng pamilya. Pero halata namang gusto nila ang ginagawa nila dahil ramdam ko ang unity sa kanila. Walang maitim na aura ang nandito kundi purong intensyon.  Una kong nadaanan ay ang mga bata. May mga hawak silang patpat at nag-eespadahan sila. Parang naglalaro lang sila. Nakakatuwa! Parang naglalaro lang sila pero natututo rin.  Sunod kong nadaanan ay ang new recruit. Mukhang pampalakas ng katawan ang ginagawa nila dahil sa workout na ginagawa nila. Ang intense na pinagpapawisan talaga sila. Parang gusto kong sumali sa kanila. Mukhang mai-improve nito ang stamina ko.  Pero hindi pa naman ako sasali, kaya doon muna ako sa mga warriors. Kita ko kasing mukhang may klase sila at gusto kong makinig. Wala namang napapatingin sa akin kaya hindi ako nakaramdam ng pagkailang kahit nasa teritoryo ako mga werewolves. Magkasangga na kasi ang witchs, ang kauri ko, at ang mga werewolves kaya puwede akong maglakad-lakad dito at walang mang-aaway sa akin. Palagay ko nga, they are much more peaceful than ours.  “Magandang umaga, Miss. Saan po ang punta ninyo?” nakangiting tanong ng isang binatilyo ang lumapit sa akin.  “Magandang umaga rin. Gusto ko lang manood ng training nila,” sagot ko naman sa kaniya at tinuro ang mga warrior. Mukhang mabait naman ito kaya hindi ako nakaramdam ng pagkailang.  “Okay po, Ate. Kung mag-ikot-ikot lang po kayo,” tumigil siyang magsalita at may kinuha sa kaniyang bag. Mula roon ay may bote ng tubig siyang inilabas at inabot sa akin. “Ito po, Ate.” “Naku! Huwag na. Tubig mo iyan, e.” Ikinumpas ko pa ang kamay ko para iparating na hindi na kailangan.  “Hindi po. Ako po talaga ang taga bigay ng tubig ng mga nagti-training dito kapag wala akong pasok. Magic bag po itong dala ko. Magaan po siya pero maraming tubig po ang dala ko.” Namangha ako sa kaniyang sinabi. Kaming mga witch kasi ay hindi makagawa ng perpektong magic pouch or bag, at alam ko ay may tulong ng fairy kaya nakagawa sila. Mayroon din nito si Mom habang kami ay hindi pa binibigyan kasi hindi na gumagawa si Mommy.  “Kung ganoon, salamat dito.” Kinuha ko na ang tubig. Nagpaalam na agad s’ya at bumalik sa mga bata para ibigay ang mga tubig nila.  Alam ko sa mga kaedaran niya ay pinapapasok sila sa eskwelahan, at dito ay hindi maaari na lumiban. Hindi ko alam bakit siya nandito pero baka nga walang pasok.  Nagpatuloy na lang ako hanggang nakarating ako sa mga warriors. Nakatayo sila na katulad ng isang sundalo, may mga baril at espada sila. Pero ngayon ay nakita kong may target board at mga baril sa lamesa. Nakaramdam ako ng excitement dahil makakakita ako ng live shooting.  Naupo na lang ako sa upuan na nasa malapit. Hindi ako nakinig sa sinabi ng kanilang instructor kundi sa mga baril. Hindi ko alam ano ang tawag sa mga ito dahil wala naman akong mapagtanungan o gamit lang man na magagamit upang makilala itong mga baril. Alam ko lang ay mga baril sila at kapag pumutok at tinamaan ka ay maaari kang mamatay.  Sa palagay ko, ang Realms of the Witches ay nahuhuli na sa teknolohiya. Pero rati naman ay palagi kaming may bagong imbensyon dahil sa Mommy ko na ngayon ay wala na. Mas madalas ay nakasunod pa ito kay Mom kaysa magturo.  I saw a woman come to the table first. Then on their instructor signal, the woman fixed the gun in just a few seconds and shot the target. I was amazed when I saw how she hit the center all the time.  “Ang galing niya po, ‘di ba?” sabi ng isang tao na kararating lang. Ang binatilyo pala ito at mukhang tapos nang magbigay ng tubig sa kabilang grupo.  “Oo. Ang bilis niya at asentado siya,” may paghanga kong sabi.  “Wala naman atang Knight na hindi ganiyan.” Halata kong hangang-hanga siya sa kanila.  “Isa rin siyang Knight?” nagtataka kong tanong at pinakatitigan siya. Doon ko napagtanto kung sino ba talaga ito. “Si Lucia Knight? Pero akala ko nasa Hunter Shield Organization siya nagti-training?” Noong huli ko kasing balita at doon ito nagtatrabaho at hinahasa bago siya pumalit sa kaniyang ama’t ina bilang Alpha ng kanilang pack. Siya ay ang nag-iisang pinsan nila Laxy.  “Opo. Doon pa rin naman siya pero na naka-leave ata siya ngayon kaya nandito.”  “Ganoon ba. Ang galing niyang bumaril. Sana matutunan ko rin iyon.” Napatingin akong muli sa babaeng may hawak ng baril, ngunit sana hindi ko ginawa. Paano ba naman, nakatingin rin ito sa akin at nakangisi pa.  Sh*t! Napakatanga ko lang. Nakalimutan kong werewolf pala ito na matalas ang pandinig. Siguradong narinig nito ang sinabi ko lalo na’t mapang-asar ang ngiti nito.  “Lupa, lamunin mo na ako. Nakakahiya!” sabi ko sa aking isipan. Gusto ko na lang magtago.  Kita kong nilapag niya ang baril at patakbong lumapit sa amin. Sa pagkakaalam ko, kaedaran niya sila kuya Troy pero parang kaedad ko lang dahil ang bata ng mukha.  “Good morning, Miss!” bati ng binatilyo at inabotan niya rin ng tubig si Lucia. Tinanggap naman ito ng huli.   “Salamat!” sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa akin. “Have we met before?” hindi na ata makatiis at nagtanong na.  Kitang-kita ko ang pagkilatis nito sa akin. Ngayon ko lang din naalalang tinatawag din siya nilang playgirl dahil basta nakapalda ay pinapatos din daw niya. Hindi ko alam kung totoo dahil sabi-sabi lang naman iyon. Pero ngayon, mukhang paniniwalaan ko na iyon.  Alam kong namumula ako, hindi dahil nagustuhan ko siya kundi naiilang na ako sa mga titig niya. Naririnig ko rin ang bulungan na ako na naman ang bago niyang tipo.  “Nagkita na po tayo noon. Doon po sa bahay nila Tita Cassandra.” Napaisip naman ito at nawala ang pagkapilya. Alam naman niyang nirerespeto ang mga taong pumupunta sa bahay ng kaniyang tiyahin.  “Last kung punta roon is two years ago. Sure akong hindi pa ganito ang katawan mo at mukha kaya hindi kita maalala. Bakit ka pala nandoon?” sabi pa nito at naupo sa tabi ko. Ngayon ko lang napansin na umalis na pala ang binatilyo nang hindi man lang nagpaalam.  “Parents ko ang nandoon at bestfriend ako ni Maxz.” Doon nagliwanag ang mata ni Lucia at hindi nakaligtas sa akin na may tinitingnan siya sa likuran ko. Hindi ako sigurado pero gusto ko sanang lingunin pero hinawakan niya ako na huwag lumingon.  “Isa sa mga prinsesa ng witches, Sky Valdez, right?” Hindi na ako nagulat na kilala niya ako.  Pero gusto ko talagang lumingon dahil parang may nanunuot na tingin sa likuran ko. Parang galit na ewan. Ngunit pinipigilan talaga ako ni Lucia.  “Ako nga” nakangiti kong sabi.  “Oh! Nice meeting you, Princess.” Nakangiti ito ngayon, iyong ngiti na mabait hindi katulad kanina na akala mo may masamang balak. “Narinig ko kaninang gusto mong matutong bumaril?” Doon niya nakuha ang pansin ko at nawala doon sa nakatingin.  “Oo sana.”  “Kung ganoon, wala rin naman akong gagawin, puwede kitang turuan.” Napuno ako ng galak sa aking narinig.  “Talaga?” Wala akong pakialam kung bakas ang saya sa mata ko at mukha. Gusto ko talagang matuto.  “Oo naman. Kahit ngayon na, e.” Tumayo siya at agad na kinuha ang kamay ko para tumayo ako. “Tara!” Excited akong sumama sa kaniya.  Tapos na pala silang mag-ensayo sa baril kaya malaya itong nagamit namin ni Lucia. Nanginginig pa ang kamay ko sa excitement noong inabot niya sa akin ang baril. Natatawa tuloy siya at pinisil pa ang mukha ko. Hindi ko na pinansin kasi nasa baril na talaga ang pansin ko.  “Ano ang gagawin ko po rito?”  “Ito! Ilagay muna natin ito sa iyo dahil hindi ka pa sanay sa ingay ng baril.” Pinakita niya ang pantakip sa tainga. Oo nga pala, baka mabingi ako. Inilagay niya ito sa akin bago siya nagsalita. “Naririnig mo pa ba ako?”  “Oo, pero tama lang ang lakas.” “Good!” Ngumiti lang siya at inalalayan ako paano ang gagawin. Pumunta siya sa likuran ko at tinuruan niya akong umasinta. Bawat posisyon ng kamay at paano asintahin ang target. “Make sure na sa pagpaputok mo, hindi ka sisipain ng baril.” Natatawa niyang biro.  Hindi ko noong una naiintindihan pero noong pinutok ko, natamaan ko man ang target ngunit tatamaan din sana ako ng baril kung hindi agad nahawakan ni Lucia ang kamay ko. Siya ang nagbalanse na rin sa akin.  “Told you!” she said while giggling. Napatingin ako tuloy sa kaniya ng matalim. Alam niya na pala na mangyayari pero pinagtawanan pa ako. “Next time, be careful. But…” Napahawak siya sa kaniyang baba at tumingin sa target, kaya tumingin na rin ako. “Not bad.” Ang kaba ko kanina ay napalitan ng saya dahil kahit papaano ay achievement na ang natamaan ko. Hindi man gitna ay malapit naman na roon.  “Ang galing naman, ‘Nak.” May nagsalita sa likuran namin na ikinangiwi ko. Dapat sana ngingiti ako pero kilala ko ang tao sa likod namin.  “Good morning, Auntie!” bati ni Lucia sa tiyahin at humalik pa ito sa pisngi niya.  “Ti-tita,” alanganin kong tawag sa kaniya. Nakangiti naman ito sa akin pero may pag-aalala ng mga mata. Hindi ko siya nakitaan ng galit, na napakabago para sa akin. Si Mommy kasi, palaging galit lalo na kung palagay niya ay sinuway ko na siya.  “Okay ka lang ba?” nag-aalala nitong tanong.  “O-okay lang po.” “Wait! May sakit ka ba?” Napalitan rin ng pag-aalala ang kaniyang mukha.  Ayaw ko sanang sagutin pero si Tita na ang sumagot para sa akin. “Magaling na siya pero hindi pa dapat gumawa ng mabibigat na gawain.” Hindi ko alam pero parang nag-usap sila sa kanilang isip dahil nagkatitigan lang sila. Ngumiti na rin agad si Lucia.  “Kung ganoon, iyon na lang muna. Bukas o sa susunod na araw na naman kita tuturuan. Isang buwan din akong walang trabaho, mabuti na iyong may ginagawa.” Nakangiting bumaling sa akin si Lucia, at dahil sa sinabi niya ay nagalak na naman ako.  “Mabuti pa nga. At least, hindi iyong gaano kabigat.” Tinapik pa ni Tita Cassandra ang kaniyang balikat. “Sa ngayon, ipasyal mo na lang siya muna rito. Siguradong matutuwa siya sa iba’t ibang training obstacle course na nandirito.”  “Sure, Auntie.”  Dahil sa sinabi ni Tita, pinasyal nga ako ni Lucia sa buong Elder’s Domain. Nasiyahan talaga ako sa mga bagay na nakita ko. Dati, ganito rin ang bahay namin na sa isang iglap ay sinira ni Mommy.  May iba’t ibang training obstacle course, may pasilidad na siyang tumutulong sa training. Mayroon ding mga pasyalan para sa mga bata, kaya lahat ay masaya. Ngunit sa amin ay wala na. Panay na lang training pero sa napapansin ko, hindi naman umaasenso ang mga warriors namin.  Doon na rin kami nananghalian at sa pagsapit ng hapon ay umuwi kami. Masaya akong kakuwentuhan si Tita, ngunit napatigil ako ng makita ko si Mom. Iba ang mukha nito at mukhang alam ko na kung ano ang nangyayari.  My Mom is a loving mother and wife. Hindi niya kayang mawasak kami dahil lang dito. I know she loves me the way she loves my siblings. But we can’t be complete without our other mother. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD