bc

The Twin's Alien Mate

book_age18+
685
FOLLOW
3.7K
READ
powerful
witch/wizard
gxg
mystery
werewolves
another world
superpower
alien contact
intersex
polygamy
like
intro-logo
Blurb

Alien Mate book 2(SPG)

May mga taong ayos lang na lumabas na masama basta mailigtas lang ang mahal nila. Kakaiba talaga ang kapangyarihan ng pag-ibig dahil lahat ay kayang isakripisyo ng taong tinamaan nito.

That's what Laxy did for her loved ones. She never cares what others may say as long as she knows what she is doing is right, to save them.

But how come Laxy made this decision when she knew she was hurting the person she wanted to protect? What she will do to solve this? And what is the role of her two mates?

This is the story of the twin witch with an alien mate.

chap-preview
Free preview
Prologue: The Knight Family
MAXZ “Hey, akin iyan!” sigaw ko sa mga kaklase ko na kinuha na naman ang bag ko habang palabas kami ng eskwelahan. Matiwasay ako kaninang nagpapagulong ng aking wheelchair dahil wala namang magtutulak nito para sa akin, nang bigla silang sumulpot. Bigla na naman nilang kinuha ang bag ko at sa kasamaang palad ay hindi ko naman sila mahabol. Hindi ko ito mabawi dahil hindi nga ako nakakalakad para habulin sila. Isa akong taong may kapansanan.   “Habulin mo kami!” nakangisi niyang sabi bago tumigil ang batang lalaki sa kaniyang sasabihin at tiningnan niya ako na puno ng pag-uuyam. “Paano mo pala magagawa iyon kung pilay ka!” Pang-iinsulto nila at sinundan pa ito ng tawa at nakisabay na rin ang kaniyang mga kasama. Wala nga akong magawa dahil pilay ako kaya napayuko na lang ako.  Palagi na lang ganito. Nakakasawa na rin at gusto ko ng gumanti ngunit hindi namin iyon puwedeng gawin. Nangako ako sa Dada at Mom ko na hindi ko ipapahamak ang lahi namin. Hindi ko rin kayang manakit ng tao kahit ako na ang sinasaktan nila, like my best friend Sky. Nangako kami sa isa’t isa na hindi mananakit ng tao.   Napayuko na lang ako at pinagulong ang gulong ng wheelchair ko para makauwi na ako. Wala na akong pakialam sa bag ko total wala naman na makukuha roon.  “F*ck off!” Nagulat ako nang may sumigaw kaya napaangat ang aking ulo para makita kung sino ito. Napangiti naman ako nang makilala ko kung sino ito, ngunit nawala agad iyon. Kinuha nga niya ang bag ko sa mga lalaking nangbu-bully sa akin ngunit hinagis niya lang ang bag sa kandungan ko at nilampasan ako. Wala nga siyang sinabi na kahit ano basta naglakad na lang siya paalis at lumapit sa mga barkada niya na nakaabang at nakangisi pa sa akin.  Ang mga bata sa paligid ay nakatingin sa amin at napangisi sila na nang-uuyam. Pinagtatawanan nila ako kasi baldado ako. Alam ko ang lahat ng ito dahil nababasa ko ang mga isip nila. Paano pa ako naging anak ng Mom at Dada ko kung hindi ko iyon kayang gawin.  I’m half-alien half-werewolf that I really need to hide.  Nabasa ko rin ang nasa isip ng taong tumulong sa akin kanina, ang kapatid ko o mas madaling sabihin ay kakambal ko. Ngunit kung ano man ang nabasa ko ay hindi ko naman puwedeng sabihin sa maraming dahilan.  Para kaming walang kapangyarihan sa nangyayari ngayon lalo na dito sa mundo ng mga tao. Ngunit kailangan naming makibagay dahil hindi nila kami puwedeng makilala, kung ano talaga kami.  Huminga na lang ako ng malalim at pinatakbo ang wheelchair ko. Wala ng bumangga sa akin at naisipang lokohin ako na siyang pinapasalamat ko. Mabilis akong nakalabas sa paaralan at nakita ko agad na nakaabang sa labas ang driver na inatasan ni Mom para sumundo sa akin.  Tinulungan niya akong makapasok sa sasakyan at makaupo ng maayos,  pagkatapos ay tinupi niya at inilagay ang wheelchair ko sa likod. Umikot muna siya hanggang sa pumasok ulit para magmaneho. May kalakihan ang sasakyan na maaaring paglagyan ng malaking bagay sa likod. Ito talaga ang sasakyan kapag sinusundo ako dahil may wheelchair ako.  “Salamat, Kuya,” nakangiti kong sabi sa kaniya.  “Walang ano man, Maxz,” sagot niya at ngumiti pa. Matipuno ang katawan nito at nasa bente mahigit ang edad. Isa siya sa mga kauri namin at ang Mom ko ang ginagalang nila. Kaya madalas ay sinusunod nila ang utos ni Mom o halos lahat ng nasa pamilya ko.  Ilang sandali pa ay nakarating kami sa bahay namin dito sa mundo ng mga tao. Kailangan naming makihalubilo kaya may negosyo rin kami at bahay, nag-aaral kasama sila at nagtatrabaho.  May kalakihan ang bahay namin at halatang mayaman. Marami ang naiinggit at kalaban ang mga magulang ko dahil dito, tao man o mga katulad naming nilalang. Ngunit takot naman sila dahil sa lakas ng mga magulang ko, at samahan pa naming buong angkan.  Pagkapasok namin sa loob ay libre ko ng gawin ang gusto ko. Kaya naman ay inilabas ko na ang wheelchair ko. Gamit ang kapangyarihan ko ay binuksan ko ang pinto sa likod at nilabas ito at inayos agad kaya puwede na akong umupo roon. Binuksan ko na rin ang pinto banda sa akin at lumipad papunta rito hanggang maayos akong nakasakay sa wheelchair. Kaya kong kontrolin ang hangin kaya puwede kung gawin ang mga bagay na ito.  “Salamat po!” pasasalamat ko kay kuya na ngumiti lang sa akin.  “Walang ano man.” Tumango lang ako pagkasabi niya at pumasok sa bahay namin. Dito sa bahay ay puwede ko ng ilabas ang kapangyarihan ko kaya hinayaan ko ng itulak ng hangin ang kinalululanan ko.  Pagkapasok mo ng gate ay bubungad agad sa iyo ang kulay puting malaking bahay, malaki at malawak ang bakuran nito. May tatlong palapag na tama lang sa laki ng pamilya namin, ang pamilya Knight.  “Mom! I’m home!” dinig sa buong bahay ang sigaw ko. Ako ang bunso sa amin, sixteen years old, kaya pinagbibigyan ako ng lahat pero hindi naman ako abuso. Biyernes ngayon kaya nakasanayan na ng buong pamilya na magtipon-tipon every weekends… and I'm excited to see them all.  “Hello, bunso namin!” bati ni Jaco na twenty-two years old na ngayon. Ikaanim siya sa aming magkakapatid kasama na sa bilang sila Ate Faith at Ate Cecelia na twenty-eight years old na katulad ni Kuya Gale at Kuya Hale. “Halika, upo ka rito.” Tumayo pa siya sa pagkakaupo sa sofa para sana alalayan ako. Ang sala ang siyang unang bubungad sa iyo pagkapasok mo ng bahay at nandito ngayon si Kuya Jaco dahil nanonood siya ng kung ano.  “Hindi na, Kuya. Punta po muna ako ng kusina para makita si Mom,” sabi ko na lang kay Kuya at tumango lang siya at hinayaan ako. Bumalik siya sa kaniyang kinauupuan kanina at nagpatuloy na manood ng palabas sa telebisyon. May telebisyon kasi rito at malawak ang sofa para talaga sa bisita na kulay puti na may halong lila. Nagpatuloy ako hanggang napadaan ako sa pintuan papuntang pool. Nakita ko mula sa hindi kalayuan ang iba ko pang mga kapatid. Naliligo si Kuya Kali na nineteen years old at Kuya Iane na twenty-five years old. Nakita ako ng mga ito at kumaway lang sa akin na sinuklian ko rin naman. Masaya pa ang dalawa na nagsasabuyan at naghahabulan kaya napangiti na lang ako. Malawak ang pool pero parang wala lang sa dalawa na naaabutan ang bawat isa.  Dumiretso ako sa akin talagang pupuntahan, kung saan alam ko na nandoon ang dalawa kong ina. Dito ay madadaanan ko ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay at nakita ko ang nakatatanda kong kapatid na pababa, na nagbabangayan na naman.  “Hello, Kuya Gale, Kuya Hale!” masigla kong bati sa kanila. Sanay na ako sa ganito sila dahil alam kong mahal nila ang isa’t isa since they’re twins and also mates. “Hello din, Baby bunso. Saan punta mo?” tanong naman ni Kuya Gale na ginulo pa ang buhok ko. Hinayaan ko na dahil alam kong ganito niya lang ako lambingin o halos lahat kami. Makikilala mo kaagad na si Kuya Gale ito dahil sa mata nitong kulay brown na malapit ng maging pula.  “Sa kusina lang po, Kuya.” “Samahan ka na namin,” sabi naman ni Kuya Hale na umakbay pa kay Kuya Gale. Si Kuya Hale naman ay may kulay bluish green na mga mata. Tiningnan ko lang sila ng may paghanga sa mga mata. Sila ang pinakapanganay sa aming lahat na magkakapatid at napakabait nila sa amin. Sila talaga iyong masasabi mong modelo bilang nakatatandang kapatid. “Hindi na po. Kaya ko naman po, e.” Umiling pa ako bilang pagkumbinsi sa kanila. Nagkatinginan pa sila bago ngumiti at tumango na lang. Kaya naman ay pinagulong ko ulit ang sinasakyan kong wheelchair paalis. Hindi na nakipagtalo ang kambal at naglakad na lang din papuntang sala habang nagbabangayan na naman sa simpleng bagay. Napailing na lang ako dahil alam kung ganoon lang talaga siya maglambingan.   Daanan ang dining table namin kapag papasok ng kusina kaya nakita ko agad na nandoon ang nakakatanda kong kapatid na babae. Kung mapapansin, halos mga lalaki ang mga kapatid ko dahil nasa lahi iyon ni Dada. Nasa dugo niya bilang nilalang ng ibang planeta na lalaki ang mga anak. Sila Ate ay inampon lang nila Mom pero ni minsan ay hindi nino man pinaramdam na naiiba sila. Napangiti ako dahil nakita ko ulit sila pagkalipas ng ilang linggo. Lumapit agad ako sa kanila para bumati.   “Hello, Ate!” masigla kong bati sa kanilang dalawa. Tumayo naman sila at binigyan ako ng halik sa pisngi na nakagawian na nila. Hindi naman ako nakaramdam ng pandidiri bagkus ay nakaramdam ako ng pagmamahal sa ginagawa nila.    “Hello din, Baby Sis!” sabay na sabi ng dalawa kaya natawa na lang ako. Ganito palagi ang nangyayari at hindi naman sila naiinis sa bawat isa.  “Kumusta ang school?” Tanong ni Ate Faith, ang panganay sa dalawa. Halos kambal na rin sila kung maituturing dahil sabay silang initlog ng kanilang inang dragon. Kaya lang ay mas naunang nabiyak ang shell ni Ate Faith kaysa kay Ate Cecelia. Si Ate Faith rin ang palangiti ngunit masungit.  Naaala ko ang tanong niya at muntikan akong mapangiwi. Ngunit hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanila ang totoo dahil baka ano ang gawin nila. Sobra ang pag-iingat nila sa akin dahil bunso ako at may kapansanan. “Okay naman po,” simple pero nandoon na ang lahat. “Paano po? Punta lang po ako ng kusina, mga Ate.” Paalam ko sa kanila at tumango lang si Ate Faith habang si Ate Cecelia ay napangisi. “Good luck!” ika niya at tumingin ulit sa kapatid. Nakakunot ang noo ko na nagpatuloy. Pero sana nakinig ako sa pahiwatig ni Ate Cecelia. Sana hindi ko na lang ginawa o hindi ako nagmadali. Sana, hindi ko makikita ang awkward moment tulad ngayon.  “Mom! Dada!” mahina kong sabi na alam kong dinig nila. Napabaling pa ako sa ibang direksyon para hindi makita itong tagpong ito. Nakakahiya itong makita lalo na kung mga magulang mo ito. Ramdam ko na agad na tinulak ni Mom si Dada at nag-ayos siya. Doon lang ako humarap at bakas ang pagkabusangot sa mukha ni Dada, halatang nabitin. Napangiti na lang din ako at natawa sa huli. Halikan pa lang naman ang naabutan ko kaya matino pa ang mga magulang ko. “Hello, Anak.” Lumapit agad si Mom Cassy sa akin at hinalikan ako sa noo. “Magpalit ka na ng damit at kakain na tayo pagkatapos ko rito.” Tukoy nito sa niluluto. Halatang kararating lang din ni Dada mula sa kung saang business.   “Gusto ko pong tumulong, Mom.” Suhestyon ko na kinaseryoso ng kaniyang mukha.  “Hindi na. Patapos na nga, e. Magpalit ka na roon.” Ngumiti na lang ako at tumango dahil ayaw ko namang barahin ang Mom ko. Pagkatapos, gamit ang kapagyarihan ko ay bigla akong nawala sa kanilang harapan.  May kakayahan akong mag-teleport dahil sa kapangyarihan ko na kayang magkontrol ng hangin. Lahat ng kapangyarihan namin ay nagmula sa kay Dada at ito ay nakakadepende sa kung pang-ilan kami pinanganak. Hangin ang isa sa mga kaya kong kontrolin habang ang iba ay apoy, tubig, lupa, at iba pa; kaya kami ay natatawag ding elementalist.  Sa isang iglap lang ay agad akong nasa silid ko na. Lumipad ako para hindi ko na magamit ang pisikal kong lakas sa pagbihis. Mabilis lang ako at agad na natapos. Sa bilis kong galaw ay agad akong nakabalik sa kusina at narinig ko ang usapan ng aking mga magulang.  “Ang lakas na pala ng kapangyarihan niya,” sabi ni Dada na kinangiti ko. Sa aming pamilya kasi ay mas nararamdaman niya ang kapangyarihan naming mga anak niya. Sa dugo niya nanggaling ang kapangyatihan naming taglay kaya alam niya iyon dahil parang may manipis na pisi ng nag-uugnay sa amin sa kaniya. Ganoon ang lahi niya sa pinagmulan niyang planeta, ang Fraez.  “Ha? Ano ang ibig mong sabihin? E, hindi naman siya sinasama sa insayo ni Laxy,” may pagtatakang tanong ni Mom kay Dada habang abala sa pagsalin ng pagkain sa pinggan. Pero ngumiti lang si Dada kasi alam niya kung ano ang kakayahan naming anak niya na hindi alam ni Mom.   “Basta. Malalaman mo rin. Pero maghanda muna tayo dahil malapit na silang lahat na pumunta sa hapag kainan.” Tumango lang si Mom at nag-ayos na.  Dahil nilalapag ni Mom ang pagkain sa mesa rito sa kusina at bumabalik para kumuha ulit, nakaisip ako ng gagawin. Tapos na si Mom mag-ayos at kukunin na sana niya ang nilapag niya sa lamesa ng kusina para dalhin sa dining pero wala na ito roon. Tapos, makikita niya na lang na lumulutang na ito sa ere.   Alam kong nahulaan niya agad na ako ang may kagagawan. “Maxz!” nakataas ang kilay niyang sabi at tiningnan ako. Invisible ako ngayon pero alam kong naramdaman niya ako, ganoong kalakas si Mom. Kaya nagpakita na ako habang lumulutang at ngumiti sa aking ina.  “Okay lang, Mom. Kaya ko naman, e.” Nag-puppy eyes pa ako para hindi niya ako pagalitan, at umubra naman. Napabuntonghininga na lang si Mom at hinayaan akong tumulong. Habang si Dada ay natatawang dinala ang mga pinggan.  Dada’s already on her fifty while my Mom is forty eight, but they look like in their twenties. Minsan ay ayaw maniwala ng iba na sila ang mga magulang namin dahil parang magkapatid lang kami. My mom is a werewolf while Dada is an alien that is why they grow old slowly.    Tulong-tulong kaming nag-ayos at maya-maya pa ay handa  na ang hapag kainan. Nandoon na lahat ng pagkain at gagamitin. Kahit kami ay nakaupo na rin at handa ng kumain. Si Dada ang nasa kabisera, si Mom ay nasa kaniyang kanan, at kaming lahat ay nasa gilid. Mahaba ang mesa na pinasadya talaga kaya kasya kaming lahat. “Nasaan si Laxy?” tanong ni Dada Fara sa amin. Walang gustong sumagot kaya sasagot sana ako para pagtakpan ito pero siya rin ang pagdating niya. “Hello, Mom, Dada, Brothers and Sisters, at siyempre sa lampa, baldado kong kambal,” sabi nito na kinayuko ko na lang. Nasasanay na ako ngunit hindi nila alam ay mas nababasa ko ang naiisip ni Laxy na hindi nila magawa kahit si Dada. “Laxy!” sigaw nilang lahat dito. Simula kasi noong isilang kami ay may kapansanan na ako habang si Laxy ay normal. Naging taga-pagligtas ko siya sa oras na may nang-aapi sa akin, pero ngayon ay parang mabigat akong bagay na ayaw niya ng pasanin. Mas lumalala pa nga ngayon, e. “Hindi ka namin pinalaki ng ganiyan!” saway na ni Mom Cassy sa kaniya. Napatingin ako kay Mom at kitang-kita talagang namumula siya sa galit. Mabuti na lang at nandiyan si Dada para mapahinahon siya. “Mom, okay lang po. Kain na po tayo. Nagugutom na po ako, e.” Ayaw kong mag-away sila ng dahil sa akin kaya sumabat na ako ng mahinahon. Ayaw ko kasing mapagalitan ang kakambal ko ng dahil sa akin ngunit umirap naman ito sa akin.   Kumain na lang kami katulad ng nakagawian. Palagi kaming nag-uusap ng kung ano-ano maliban kay Laxy na hindi nakikisagot kung hindi tatanungin.  “Kumusta ang pag-aaral, Bunso? May nangbu-bully ba sa iyo roon?” tanong ni Kuya Hale kaya napatingin ako kay Laxy na nasa harapan ko. Hindi ito nag-angat ng tingin ngunit halata ko ang tulis ng tingin niya sa pagkain. “Okay naman po, Kuya. At isa pa po, nandoon naman palagi si Laxy. Hindi niya po ako pinapabayaan,” sabi ko na kinatango ng mga kapatid ko. “Mabuti naman kung ganoon,” si Dada na bumaling an tingin kay Laxy. “Huwag mong pababayaan ang kapatid mo roon. Wala siyang kasalanan kung naging kaibigan siya ni Sky, na siya namang kinaiinisan mo. Isipin mo, mas matimbang ang dugo kaysa sa kung ano man at huwag kang magpakabulag,” makahulogang sabi ni Dada na hindi pinansin ng mga kapatid ko at nakinig lang. “Whatever,” mahinang sagot ni Laxy na narinig naman namin lalo na ng Mom ko. “Laxy Knight!” may diin na sabi ni Mom. “Umayos ka at ina mo ang kausap mo.” Napayuko na lang si Laxy at hindi na sumagot. Alam niya kasing galit na talaga si Mom kapag buong pangalan na namin ang binanggit niya. Mas strikto si Mom kaya mas natatakot kaming lahat sa kaniya kapag siya ay nagalit na.  Mabait at sumusunod palagi na anak at kapatid ang kakambal ko. Nagbago nga lang siya noong nilayo sa kaniya ang isa niyang mate at iniintindi na lang naming lahat lalo na’t mahirap ang malayo sa mate mo. Kung ako rin ay baka hindi ko kayanin. Ang mate ang lakas at kahinaan ng mga nilalang na katulad namin kaya napakahalaga nito para sa amin. Kumain na lang kami at pagkatapos ay tulong-tulong din kaming nagligpit. Pagkatapos mag-ayos ay naisipan  naming manood ng movie katulad nang nakasanayan. Naupo kami sa sala at naghintay kay Ate Faith na siyang mamimili ng mapapanood ngayong gabi  Nakabusangot ang mga lalaki dahil alam nilang love story na naman ang pipiliin nito habang si Ate ay nakangisi.  Hinayaan siya naming paandarin ito, at nang oras na umandar na ito, nagsisigaw ang mga lalaki at natawa ang mga magulang namin at kahit ako ay nakitawa na rin. Si Ate Faith ay nakabusangot dahil naisahan siya ng mga kapatid. Pinalitan kasi nila ang case kaya hindi alam ni Ate na iba na pala ang laman.  Wala na itong nagawa kundi manood ng suspense thriller na palabas. Sigaw siya ng sigaw at panay hampas kay Kuya Hale na panay naman ang mura sa kaniya. Hindi nagagalit ang mga magulang namin bagkus ay niloloko pa nila si Ate Faith at ginugulat. Sa huli ay si Kuya Kali lang ang kayang tiisin ang ugali ni Ate. Naging maayos ang gabi namin at puno ng saya dahil kay Ate Faith. Hanggang natapos rin ang pinanood namin. Gabi na kaya naisipan na rin ng lahat na matulog. Nag-ayos muna kami ng aming kalat at pagkatapos ay nagsipuntahan na ang lahat sa kani-kanilang silid upang magpahinga.  Sa unang palapag ng bahay ay nandito ang kusina, sala, lanai, dining area, at ang study room ni Dada. Sa ikalawang palapag ay halos guest room na. Pero dahil mag-mate si Kuya Hale at Kuya Gale, inukupa nila ang isang silid sa second floor. Ayaw kasi namin ang ingay nila.  Sa ikatlong palapag ay ang silid naming lahat. Hindi naman talaga rito nakatira ang karamihan sa kanila, halos kami ni kambal at ang parents namin ang nakatira lang dito sa malaking bahay na ito. Kaya kapag nagpupunta sila ay sama-sama halos sila sa iisang silid tulad no’ng bata pa sila. Si Ate Faith at Ate Cecelia ay sa iisang silid minsan ay nakikisama sa magulang namin. Ang mga lalaki ay pinili rin na matulog sa iisang silid. Minsan ay nagkukwentuhan pa sila kaya ganoon ang gusto nila. Kami ni kambal ay may sariling silid sa ikatlong palapag at malawak ito para sa amin. Lumipad akong sumunod sa kanila pero bago makapasok si Laxy ay hinarang ko siya dahil gusto ko siyang makausap. Gusto kong malinawan kahit alam ko naman ang totoo. Gusto kong iparating na hindi siya nag-iisa sa hinaharap niya ngayon. Walang sino man ang manghuhusga sa gagawin niya at palagi kaming nandito para sa kaniya.  “Laxy?” tawag ko sa kaniya. “What?” bulyaw nito sa akin at tiningnan pa ako ng matalim. Napayuko ako sa pagkapahiya ngunit umangat din ang aking ulo para salubungin ang kaniyang titig. Gusto ko talaga siyang makausap at hindi ko sasayangin ang bawat pagkakataon. “Please, huwag ka ng magalit sa akin. Ayaw kong nagkakaganito tayo.” Pakiusap ko sa kaniya ngunit inirapan niya lang ako. “Alam ko ang pinagdadaanan mo… at alam mong makakatulong ako sa iyo.” Sa sinabi ko ay naging malikot ang kaniyang mga mata na akala mo ay may pinagtataguan o may nakamasid sa kaniya. Nakuha ko agad kung bakit. Nakakapanlumo na mayroon pa lang nilalang na hindi namin agad puwedeng talunin dahil may mapapahamak. “I don’t need your help!” sabi niya at nanlilisik pa ang mata, ngunit taliwas ang gusto ng kaniyang puso.  Ngumiti ako sa kaniya kahit ganoon ang sinagot niya. “Nandito lang ako palagi para sa iyo. Kaya huwag ka na magalit sa akin,” sabi ko pa. “Pakialam ko sa iyo. Tsk!” Pumalatak pa bago niya ako nilampasan at iniwan sa labas ng kaniyang silid. Pabalibag niya pang isinara ang pinto kaya napayuko ako. Kaya kong pasukin ang kaniyang silid kung gusto ko pero hindi ko gagawin. Alam kong nasasaktan ang kakambal ko. Wala akong nagawa kundi pumasok na rin sa sariling silid. Napaisip ako sa sitwasyon ng kapatid ko at alam ko ang lahat ay may dahilan. Mula sa pagbabago ng kakambal ko na naging kaibigan nito ang mga bully sa school dahil kailangan niyang makiisa sa mga ito. Sa school kasi kami ng mga tao pumapasok para maki-civilize sa mga ito, dahil ito ang gusto ng mga magulang namin.  Kaya ayaw sa akin ng mga kaibigan niya kahit magkamukha kami dahil isa akong baldado. Simula pagkabata ay kapansanan ko na ito. Naging ganito ako dahil ako lang kasi ang nag-iisang babae sa lahi ng Dada ko. Ang genital ko ay sa babae kaya nagkakumplikasyon ang buto ko sa binti dahil hindi tama ang DNA ko. Pero sabi ng Ninang Claire noong bata pa ako, makakalakad pa ako ‘pag nakita ko na ang mate ko. Sa dugo niya ako gagaling. Hindi ko na kakailanganin ang wheelchair hindi katulad ngayon na naka-wheelchair ako kahit saan man magpunta. Pero kahit nakatali ako sa wheelchair, kaya kong tulungan ang kapatid ko.  “Sana maging maayos din ang nararamdaman mo, Laxy. Alam ko, nasasaktan ka kasi nararamdaman ko rin kasi kambal tayo,” sabi ko sa aking isipan kasama ng isang buntonghininga. Alam kong may mabigat na dahilan si Laxy. Naniniwala ako sa kakambal ko, na mabait pa rin siya sa kabila ng pinapakita niya.  Wala na rin naman akong gagawin kaya naisipan kong mag-ayos na lang. Pagkatapos ay nahiga na ako at nagtalukbong. Nag-iisip ng kung anong bagay na sana makatulong sa mahal ko sa buhay. Ang kwentong ito ay tungkol kay Laxy. Siya ang nakaunang nakahanap ng kaniya mate at dadaan sa maraming pagsubok na sana ay kanilang malampasan. Ako ay susubaybay sa takbo ng kanilang buhay at palaging nandito upang maging masaya sila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.5K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
469.4K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
275.4K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
475.6K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
204.5K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
329.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook