Chapter 6: Seer or Not?

2362 Words
SKY “Mom, may problema po ba?” tanong ko agad pagkalapit ko sa kaniya. Nakaupo siya ngayon dito sa upuan sa labas.  “Iwan ko na muna kayo,” paalam ni Tita at tinapik ang balikat ng Mom ko. Tumango naman si Mom bago ako tinitigan. I know, she's contemplating on what she should do or say. “Mom, si Mommy po ba?” tanong ko sa kaniya at yumakap ako sa kaniyang braso. Instead, hinila niya ako payakap at hinalikan niya ang noo ko.  “Pumunta siya kanina sa Headquarter and she's sorry naman na raw. Gusto niya na tayong bumalik at hindi ka na raw niya sasaktan.” I don't know if I got to believe what she said. Sinabi niya na rin ito dati pero lumala lang din naman ang pagtrato nila sa akin.  “Kayo po, Mom.” Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Siya lang din naman ang maaaring magdesisyon sa bagay na iyon. Ngumiti na rin si Mom at hinalikan ako muli sa noo.  “Huwag muna ngayon. Baka sa susunod.” She paused while caressing my head. “And I can see that you are happy being here. Ayaw ko namang tanggalin agad iyon sa iyon.” This is the reason why I love my Mom. Kahit wala man siya masyadong oras para sa amin, napapansin niya pa rin ano ang kailangan namin. Sadyang mas ginagalang niya lang ang desisyon ng kaniyang asawa.  “Ikaw po ang bahala, Mom.” Hanggang naalala ko ang kanina. “Kanina nga po pala, nagpunta kami ng Elder’s Domain. Nakilala ko po si Lucia at sabi niya po sa akin ay tuturuan niya akong bumaril. Nasubukan ko na nga po, e.”  “Talaga? Mabuti iyan, Anak.” Medyo lumungkot ang boses ni Mom kaya napalingon ako sa kaniya. “Sorry, ‘Nak. Dapat ako ang nagtuturo no’n sa iyo, e. Pero palagi akong abala sa ibang bagay at hindi na kita naturuan pa.”  Alam kong sinisisi ni Mom ang kaniyang sarili, pero ni minsan ay hindi ko siya sinisisi dahil alam kong ginagawa niya ang lahat para sa amin. Isa pa, bago niya pa kami naging anak, nakatali na siya sa pagtulong sa iba. Hindi namin puwedeng tanggalin iyon sa kaniya.  “Ayos lang po, Mom. Alam ko namang ginagawa ninyo po ang lahat para sa amin,” nakangiti kong sabi.  Niyakap na lang ako ni Mom at nanatili kami ng ganoon nang ilang minuto. I love the warmth of my Mom’s embrace. Gusto ko manatili na lang na ganoon, ngunit hindi naman puwede dahil may lakad pa si Mom.  “Anak, hindi pa naman sigurado kung kailan tayo uuwi. Sa ngayon, abalahin mo muna ang iyong sarili sa pag-eensayo. Siguradong marami kang matutunan.” Habilin ni Mom bago pa siya umalis. Naghihintay raw si Lolo sa kaniya kaya hinayaan ko na siyang umalis.  Nakatanaw lang ako sa labas kung saan dumaan ang Mom ko. Nami-miss ko na agad siya.  “Nasaan na ang Mom mo?” Napalingon agad ako sa nagsalita sa likod ko. Nagulat pa ako sa pagsulpot niya. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na tuloy namalayang may tao na pala. “Nagulat ba kita, Anak? Sorry,” sabi ni Mama Tessa.  “Nagulat nga po ako pero ayos lang. At opo umalis na po siya. May mission pa po sila, e. Lumalaganap po kasi ang masamang ginagawa ng witches at ito po ang pinupuksa nila.” Tumango naman si Mama sa sinabi ko.  “Pero sana kumain muna siya. Hayaan mo na nga. Halika na sa loob at nang makakain ka na. Iinom ka pa ng gamot.”  “Sige po, Mama. Susunod po ako.”  “Sumunod ka ha.” Tinuro pa ako nito kaya tumango na lang ako.  Huminga muna ako ng malalim at nagtingin-tingin sa paligid. Ang ganda ng hardin ng mga Knight at napakaaliwalas. Nakaka-miss din ang lugar na ganito dahil nawala na ng ganito sa amin. Palagay ko nga, ang dilim na ng paligid namin at nawawalan na ng liwanag.  Napabuntonghininga na lang ako at napagpasyahan ko na lang na pumasok. Hahakbang na sana ako nang marinig ko ang ugong ng sasakyan. Napatigil ako at lumingon.  Doon ay bumaba ang kambal. Alam kong isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko. Hindi ko sila nakita buong araw kaya nakaramdam din ako ng pananabik.  “Hi, Babe!” Si Maxz na tinutulak ang wheelchair gamit ang hangin. Yumuko ako at hinalikan siya sa pisngi bilang pagbati.  “Hello, Babe!” bati ko pabalik at bumaling ako kay Laxy na dadaan sa akin.  Babatiin ko sana siya pero naunahan niya ako.  “Wh*re!” puno ng diin niyang sabi.  Napatanga ako at nagtataka. Hindi ko maintindihan bakit niya iyon sinabi. Wala namang sakit akong nararamdaman dahil hindi naman ako ganoon, sadyang nagtataka lang ako. Mukhang masama pa ang tingin nito kanina sa akin.  “Ano ang nangyari roon?” tanong ko sa kakambal nito. Pero ang magaling na Maxz ay tinawanan ako. Tuwang-tuwa siya sa bagay na hindi ko alam. “Maxz, ano ba?” saway ko.  “Sorry. Huwag mo na pansinin ang kakambal ko. Hindi lang iyon naka-score?” natatawa pa rin nitong sabi na mas pinagtaka ko.  “Anong score?” Sa sinabi ko, mas lumutong pa nga ang kaniyang tawa.  “Ano? Mag-uusap na lang kayo riyan? Kakain na!” sigaw ni Laxy. Pansin kong namumula ang mukha nito bago pumasok ulit sa bahay.  “Hay, ewan sa inyo. Halika na! Itulak ko na ‘to para makapasok na tayo.” Hindi siya sumagot pero nakangiti pa rin at may mapanuksong titig. Laging ganyan si Maxz, at hindi ko maintindihan. Subalit kahit ganiyan, maaasahang kaibigan iyan.  “Tsk!” Nagulat ako ng biglang pumalatak si Laxy. Hindi ko napansin na nakaabang pa rin pala siya sa amin dito sa pintuan.  Nauna na naman siyang umalis kaya sumunod na rin kaming dalawa. Nandoon naman na lahat kaya maaga kaming kakain. Maaga kasi silang kumakain kasi minsan sa kalagitnaan ng gabi ay may pinupuntahan ang mag-asawa. Mas mainam na kumain ng sabay habang hindi pa abala ang lahat.  Kumain kami at si Mama ang naghanda ng lahat. Natuwa sila dahil masarap pala magluto si Mama. Inasikaso rin ako ni Mama kahit sabi ko kaya ko naman. Pero ayon, dahil mabait akong bata ay hinayaan ko na siya sa gusto niya.  Subalit, hindi nakaligtas sa aking paningin ang mga titig ni Laxy at Maxz sa Mama Tessa ko. Para nilang sinusuri ito na hindi ko mawari.  Nang sumunod na mga araw, naging abala kaming lahat. Si Mom sa kaniyang mga mission, si Mama sa paghahanda ng pagkain at pag-asikaso sa akin, ang kambal may pasok at aktibidad sa eskwelahan, ang mag-asawa ay may kaniya-kaniya ring trabaho, at ako ay kasama si Lucia sa pag-eensayo.  Tinupad nga ni Lucia ang kaniyang sinabi. Tinuruan niya ako sa lahat ng aspeto ng baril. Mula sa kung anong uri ito, from pistol, to rifle or carbine, and sub-machine gun, at ang gusto ko ay ang handgun dahil mas madaling gamitin at puwedeng dalawahin. Pinaliwanag niya rin ang gamit ng bawat isa at pinag-practice niya ako. I also practiced on a moving target and so far I did well. Sabi pa nga ni Lucia, mabilis daw akong matuto. I am eager to learn kaya naman palagi akong nakikinig at ginagawa ko talaga ito ng tama.  Sa paglipas ng mga araw, napalapit na rin ako sa mga werewolves na nandoon. Mababait sila kaysa sa mga kauri ko na palagi akong hinahamak. I don't know, but I don't want to go home anymore.  “Hey, there's a problem?” tanong ni Lucia at inabutan ako ng tubig. Kinuha ko naman ito at ininom.  Nandito kami ngayon sa isang obstacle course upang palakasin ang katawan ko. Ilang araw akong nag basic training at ngayon lang dito. Nakakapagod at napapag-iwanan ako pero fulfilling noong matapos ko siya.  “Ewan ba. Pakiramdam ko kasi may mangyayari mamaya, e. Palagay ko rin ito na ang last day ko rito,” mahina ang pagkakasabi ko noong huli pero alam kong narinig niya. Uminom ako ng tubig habang nakatingin sa malayo.  “Hindi naman siguro,” sabi niya habang abala rin sa pag-inom.  “Ewan kung ano ito, pero kanina nakita kong uuwi kami mamaya. Premonition or what, I don't know. Basta mangyayari iyon.” Naging malapit din kami kaya naman kaya kong magsabi sa kaniya. Isa pa, hindi talaga siya mapanghusga tulad ng iba.  “Maybe, you can see the future!” she exclaimed. “That would be great.”  “Hindi naman siguro. Maybe a coincidence but not the future. I am not a seer. I’m just an ordinary half-witch half-vampire creature. Basta!” Pagtatapos ko kasi ayaw ko ng maraming sabihin.  Nanahimik na rin siya at nagpahinga nga. Ganito kami palagi pagkatapos. Mamaya kakain at pahinga sandali at babalik na naman sa pag-eensayo.  Magaling na ang mga sugat ko sa likod na parang dinaanan lang. Sigurado akong hindi ako nananaginip noong gabing iyon. Si Laxy talaga ang nagpagaling sa akin.  Speaking of Laxy, ito na siya papalapit sa amin ng kaniyang pinsan.  “Pinapasundo ka ng Mom mo,” wala sa modo niyang sabi at iniwan na lang ako bigla. Namamalikmata ata ako dahil nakita kong tumalim ang tingin nito sa kaniyang pinsan.  “Hello too, My Dear Cousin!” sigaw ni Lucia rito pero hindi naman nilingon itong isa. “Mukhang may kumain ng ampalaya kanina.” “Ha?” nagtataka kong tanong.  “Wala. Umalis ka na at baka mainis pa ang prince charming mo.” Asar nito sa akin kaya napairap ako. Mapang-asar talaga ito.  “Oo na. Alis na ako. See you next time.” Tumayo ako at dumukwang sa kaniya. Nakaugalian na rin naming hinahalikan ko siya sa pisngi kung magpapaalam ako. “Bye!” “Bye!” nakangisi itong tumingin na naman sa likod ko. Hindi ko na pinansin at nagtatakbo na ako papunta kay Laxy bitbit ang gamit ko. Hindi ko na magagawa pang mag shower dahil atat itong isa.  Nakaabang na agad ang sasakyan niya sa labas kaya sumakay na agad kami doon. Halos hindi na nga makapaghintay at pinatakbo niya na agad ito.  “Laxy, dahan-dahan naman. Nahihilo ako sa bilis.” Reklamo ko sa kaniya ngunit wala namang sagot. Seryoso lang ang mukha nito habang nagmamaneho.  Hindi na lang ako umimik at sinanay ang sarili ko sa bilis ng kaniyang takbo. For the first time, she let me inside her car. Nakaraan kasi, mas pipiliin niya pang maglakad kaysa pasakayin ako.  Amoy na amoy sa loob ng sasakyan ang natural niyang amoy. Ang bango nito at hindi masangsang sa ilong. Ang sarap singhutin.  I wanted to treasure the moment, pero sadyang madali lang ang biyahe. Walang magagawa kundi bumaba na lang pagkarating namin. Hindi ko man lang siya nakausap kahit isang beses lang man. Isa pa, hindi tin siya sasagot for sure.  Pagkapasok namin ng bahay, nakita ko agad si Mom na nakatayo at nagpapasalamat sa kanila Tita Cassy at Tita Fara.  “Wala iyon. Kapag nagkaproblema kayo ulit, bukas ang bahay namin para sa inyo.” Nakakagaan talaga ng loob ang ngiti ni Tita Cassy, at bihira lang ito kung mangyari, mostly sa pamilya lang.  “Paano? Uuwi na kami. Naghihintay na ang asawa ko.” Bakas ang saya sa mukha ng Mom ko. Kahit ano talaga ang mangyari kapag mate mo ang usapan, sasaya ka na at hindi mo kayang lumayo sa kaniya.  “Andiyan na pala ang anak mo.” Si Tita Fara na tinuro pa ako.  “‘Nak, puwede ba tayong mag-usap?” nakangiting tanong ni Mom Sarah.  “Mom, narinig ko naman po. At tulad ng sabi ko noong nakaraan, kayo po ang bahala. Ang hangad ko lang naman po ay sumaya kayo at maging kumpleto tayo. Kahit ano man po ang mangyari, pamilya pa rin po tayo.” Napangiti si Mom pagkatapos kong magsalita.  “Salamat, Anak.” Then she kissed me on my forehead. “Ang baho mo, ‘Nak.” “Mom!” Nakakahiya!  Natawa tuloy si Mom. “Joke lang, Anak. Kahit hindi ka maligo, hindi ka mabaho. Amoy araw lang.” I pouted kaya natawa tuloy ulit siya.  “Si Mama po?” Pang-iiba ko ng usapan. Nakakahiya kaya sinasabi ni Mom, nandiyan pa si Laxy. Ano kaya naamoy niya kanina? Kabanas naman, e!  “Nandito ako, ‘Nak.” Si Mama ang nagsalita na bumababa ng hagdan. Bitbit nito ang aming mga gamit. “Puwede ka pang maligo. May hinanda na ako roong mga gamit mo.”  “Ligo po muna ako, Mom.”  “Sige,” sagot niya na tumango pa.  Mabilis akong gumalaw at sa pagdaan ko kay Mama ay humalik ako sa kaniyang pisngi. “The best ka talaga, ‘Ma!” sabi ko sa kaniya.  Mabilis akong gumalaw ay hindi inabot ng sampung minuto ay tapos na akong mag-ayos. Dala ang bag kong naiwan ay inayos ko ang lahat bago ko siniraso ang silid.  Sa ibaba ay nakita ko rin si Maxz. Nakangiti ito na nag-flying kiss. Napahagikgik tuloy ako.  “Fl*rt!” Narinig kong bulong ni Laxy pero hindi ko na pinansin. Excited din akong umuwi. Nagbabasakaling magiging ayos na ang buhay ko roon.  “Paano? Alis na kami. Salamat ulit.” Paalam na ni Mom. Nagpaalam na rin ako at ganoon din si Mama.  Mom opened a portal for us to enter bago kami makapasok sa Realm of the Witches. Ngumiti ako ulit bago tumalikod.  Ngunit may naalala ako.  Mabilis ang galaw na bumaling ako at naglakad kay Laxy. Walang pagdadalawang-isip na hinalikan ko ang taong pinakamamahal ko. Malapit na siyang mag labing-walo at maghihintay ako.  Mabilis akong sumunod sa kanila Mom at sa pagpasok ko ay nagsara ang sa kabila. Paglabas ko ay nasa loob na kami ng bahay.  Naabutan kong tagpo ay ang masayang mukha ng magulang ko habang magkayakap.  Ito iyong hinahanap ko. Ito ang gusto ko. Walang away o hindi pagkakaintindihan. Pagmamahalan ang umiiral sa loob ng bahay.  Love is the strongest thing in this world.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD