Chapter 4: Sa Panaginip Lang

1645 Words
SKY Alam mo iyong pakiramdam na may gusto kang mangyari pero imposible. Kaya lang, hindi mo pa rin mapigilan at pati sa panaginip ay dinadala mo na?  Iyong kahit sa panaginip na lang, kahit hindi totoo, papatusin mo na mangyari lang ang inaasam-asam mo.  Ganoon ang nararamdaman ko ngayon.  Noon, gusto kong pansinin ako ni Lazy, bigyan niya ng halaga. Iyong kaunting pagpansin lang ay okay na ako. Iyon lang naman ang hangad ko.  Pero sa panaginip ko, sobra pa doon ang pinadama niya sa akin. She took care of me the way a good mate took care of her destined half.  At first, I felt a caress on my head. It was so soft and nice that it really warmed my heart. I wanted to stay that way but I also wanted to look at her. So, I opened my eyes and looked at those beautiful mismatched eyes, violet on her left and ocean green on her right.  “Laxy?” hindi ko siguradong tanong.  “Yeah, it's me. How are you?” she said in a tender tone while caressing my forehead. I smiled.  Hindi ko mapigilang huwag sumaya dahil muli ay naramdaman ko ang pagmamahal ng mate ko, ni Laxy Knight. Ngayon niya na lang ulit ako binigyan ng kaniyang pansin at hawakan ng ganito.  “Okay na ako kahit masakit pa rin ang likod ko,” sabi ko na totoo naman. Masakit talaga ang likod ko dahil halos ng mga sugat ko ay nandoon.  “Dumapa ka, Love. Gagamutin kita.” Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi ko kayang hubarin ang damit ko sa kaniyang harapan kahit sabihin pang mate ko siya.  “Pero,” alanganin talaga ako.  “Don’t worry. I won’t look.” Gumango ako sa kamiyang sinabi at siya naman ay tumalikod.  Nahihiya akong inangat ang damit ko. I know I am blushing. She chuckled that made me blush more. I knew, she knew what was happening.  Nahihiya man ay nahubad ko ang damit ko. Dumapa agad ako para kaniyang magamot. Isa sa kakayahan nila ay ang makagamot. Hindi ko alam kung paano, pero sila lang ang nakakaalam no’n.  At first, I felt her hands on my back then it released a cooling effect. It made me smile because it really soothed my aching back.  “It feels so good, Love,” I said, moaning a little since it was really good and I felt satisfied. “Mabuti naman kung nakakatulong ito.”  Ilang sandali pa ang kaniyang panggagamot sa akin nang matapos na rin siya. Gusto ko sanang humarap para makausap pa siya ngunit hindi niya ako pinayagan.  “Stay that way.” Wala akong nagawa kundi ang dumapa na lang. Gusto ko pa siyang makausap kaya nag-umpisa ako ng usapan. Kahit sandali lang, gusto ko pa siyang makasama.  “Kumusta ka na? Ang pag-aaral mo?” tanong ko sa kaniya.  She sighed. Hindi ko alam kung sasagot ba siya pero naghintay ako. Hanggang naramdaman kong lumundo ang nasa tabi ko. Sunod ay ang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking baywang. I smiled when I felt her warmth again.  I miss this.  Sa sobrang pagka-miss ko, napaluha ako. Pakiramdam ko kasi, nakahanap ako ng kakampi dahil nandiyan siya at yakap niya ako.  “Hey, don’t cry,” she said then hugged me closer to her. She also kisses my head. Ang sweet niya sa mga pinaggagawa niya ngayon, at ganitong-ganito siya rati. “Don’t cry, Love. I am sorry.” Rinig ko sa kaniyang boses ang lungkot, pagsisisi, at pangungulila. Hindi ko alam bakit naramdaman ko rin iyon.  “Okay lang ako,” sabi ko para pagaanin ang kanyang loob. Hinaplos ko ang kamay niya na nakayakap sa akin bago ko ito hinawakan at hinalikan. “Masaya lang ako. Sana palaging ganito.” A wishful thought. Alam ko naman kasing hindi ito magiging totoo.  Huminga ako ng malalim. Hindi ako dapat umiyak. I should grab this opportunity to be with her.  “So, kumusta?” Pilit kong pinapasigla ang aking boses habang pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri.  “Okay naman ako.” Iyon lang kaniyang sinabi habang hinahaplos ang ulo ko. “Kailan ka mag-aaral?” Alam kong iniiba niya ang usapan, pero ayos lang basta nag-uusap pa rin kami.  “Hindi ko pa alam. Ngayong may problema sa bahay, wala pang desisyon tungkol sa bagay na iyan. Pero gusto kong mag-aral para matuto rin ako ng ibang bagay.” Iyon talaga ang gusto ko. Ayaw kong doon na lang palagi sa amin na halos wala rin akong natutunan.  “Baka sa susunod makakapag-aral ka na rin sa pinapasukan ko. Kausapin mo na lang ang Mom mo,” kumbinsi niya sa akin.  “Maybe next time I will.” I felt her nod.  “How about your training?” Sa tinanong niya ay napabuntonghininga ako. Magdadalawang-isip ako kung sasabihin ko pa ba o huwag na. Pero sa huli ay nagsabi ako ng kaunting bagay.  “Okay lang. Palagi akong on time sa mga training sessions ko at may matutunan naman ako. Okay na rin ang stamina ko. Mom and I were working on it.” Totoo iyong nasa huli. Si Mom ang sa lakas ng katawan at katagalan ko, dito kami nakapokus at mas pinagtitibay namin ito.  “Good to hear.”  “Ahhh-haaa!” I felt so sleepy all of a sudden.  Laxy laughed and kissed my head again.  “Inaantok ka na. Matulog ka na muna. Nandito lang ako.”  “Away ko!” kontra ko dito. Ayaw ko pang matulog dahil sigurado akong wala ng ganito sa susunod. Gusto ko pa siyang makasama.  “Sige na. You need to rest.”  “Then, stay. Please!” I begged while my eyes were closing.  I heard her sigh. “Okay. I will.” Sa mga salitang iyon, nakangiti ako pumikit at natulog. Kahit sandali lang, naramdaman ko ring mahal ako ni Laxy.  “Babe, gising na. Kailangan mo ng kumain para makainom ka ng gamot." Si Maxz, ginigising na naman ako. Ayaw ko pang magising kasi ang sarap ng panaginip ko.  “Mamaya na,” sabi ko.  “Naghihintay na ang Mom mo sa ibaba kasama mga magulang namin,” sabi pa nito kaya napadilat ako ng aking mata. Naalala kong wala nga pala kami sa bahay.  “Bakit ngayon mo lang ako ginising?” naiinis kong sabi at nagmamadaling pumasok sa banyo.  “Kanina pa po kita ginigising ngunit ayaw ninyo pong magising.” Rinig kong sabi niya habang naghihilamos ako. Ngunit agad akong napatigil nang may naalala ako.  Kahapon, sobrang sakit ng katawan ko pero bakit ngayon ay biglang nawala? Halos hindi nga ako makabangon kahapon dahil sa sakit at ngayon ay ang liksi ko na naman?  Mabilis akong nag-ayos at sa paglabas ko ng banyo ay nakita ko agad si Maxz na tapos na ring mag-ayos ng higaan ko. Nakangiti ito habang nakatingin sa kama na hinigaan ko kanina. Nakapagtataka ang ngiti niyang ito.  “Maxz, ginamot mo ba ako?” tanong ko na lang sa kaniya. Hindi ko na pinansin ang weirdness na mga tinginan nito.  “Halika! Bumaba na tayo. Kanina pa sila naghihintay doon sa baba.” Hindi niya sinagot ang tanong ko kundi iniba niya pa ang usapan. Gusto ko siyang pilitin pero nagmamadali na siya bumaba. Alangan namang hangin ang kausapin ko, kaya bumaba na rin ako.  Ngayon ko lang napansin na moderno pala ang bahay kung nasaan ako ngayon. Ang silid na tinulugan ko ay may dilaw na pintura at halos lahat ng gamit ay asul at dilaw. Maganda at maaliwalas sa mata.  Sa paglabas ko, makikita agad ang sala sa baba. Kulay puti halos ang pintura ngunit iba-iba naman ang kulay ng muwebles. Halata ang karangyaan sa buhay kung sino man ang nakatira dito.  Sila ay mayamam talaga, sa mga tao man o sa mga kauri nila. Sila ang Pamilyang Knight, ang pamilya ng mahal ko.  Bumaba na ako at tumuloy sa dining area. Doon ay nakita kong nandoon na sila at masayang nag-uusap.  “Pasensya po at naghintay po kayo.” Bungad ko agad sa kanila. Ngumiti lang ang lahat at pinaupo na ako sa aking upuan.  “Kumusta na ang pakiramdam mo, Anak?” Si Mom Sarah ang nagsalita na kumakain na ngayon. Nakaayos rin ito na parang may misyon na naman. Wala namang bago doon lalo na medyo maraming krimen ang nangyayari sa paligid.  “Okay na po ako, Mom. Para nga pong wala akong sugat, magaling na po kasi agad ako. Salamat po sa pag-aalaga sa akin.” Tiningnan ko silang lahat na na nakangiti.  ”Wala iyon, Anak. Basta kailangan mo kami, palagi kaming nandito,” sabi ni Tita Cassandra, ang nanay nila Laxy. Isang werewolf at ang tinitingala ng lahat na mga werewolf.  “Salamat po,” sagot ko at kumain.  Kumain na lang kami habang sila ay nag-uusap. Napatingin ako sa paligid, nagbabakasakali na nandito si Laxy. Ngunit ni anino niya ay hindi ko man lang nakita.  Nakakapaghinayang.  Nandito na nga ako pero hindi ko pa rin nakikita ang mahal ko. Hanggang panaginip na lang talaga ito.  “Ano ba naman, Maxz? Bakit ka ba naniniko?” naiinis kong baling sa kaniya. Siya kasi ang nasa tabi ko at panay siko sa akin.  “Tawag ka ni Dada. Saan-saan kasi ang isip.” Natatawang tuya sa akin ni Maxz. Napairap tuloy ako sa kaniya pero napangiwi. Kakahiya! “Anak, gusto mo bang sumama sa training ng mga werewolves? Wala ka kasing kasama dito sa bahay. Doon puwede kang makisali sa training.” Napaisip ako sa sinabi ni Tita Cassandra. Kung sasama ako, maari pa itong makatulong sa akin, turan lang din naman na wala palagi si Mom at si Mama ay puwede namang sumama.  Nakangiti akong tumingin kay Tita. “Sige po. Gusto ko rin pong matuto.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD