SKY
“Gumising ka na anak. Mahuhuli ka na sa training mo.” Rinig kong sabi ng gumigising sa akin. Niyugyog pa nito ang aking balikat kaya napamulat ako.
“Mama Tessa, inaantok pa po ako.” Pagdadahilan ko kahit ang totoo ay masakit talaga ang katawan ko. Gusto ko na lang matulog at mamahinga ngayong araw.
“Pero may training ka ngayon sa Mommy mo. Mapapagalitan ka na naman no’n kapag hindi ka dumating.” Paalala pa nito na kinabusangot ko.
“Oo nga po pala. Si Mommy ngayon ang magtuturo sa akin.” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako ngayon o hindi. Sigurado, mapapahiya na naman ako o baka sakit sa katawan na naman ang aabutin ko.
Alanganin man, tumayo na ako at naghandang maligo. Si Mama Tessa na ang nagligpit ng higaan ko na siyang kinangiti ko. At least, nandiyan pa rin si Mama.
“Pagkatapos mo riyan, bumaba ka na agad para makakain. Nakahanda na ako roon sa baba. Dalhin mo na rin ang ointment mo para mapahiran ko iyang likod mo.” Habilin niya sa akin habang siya ay palabas na ng silid ko. Hindi niya na ako hinintay pang sumagot.
Napabuntonghininga na lang ako bago naligo. Masakit man ang katawan ko, pero dahil sa maligamgam na tubig ng shower ay medyo naibsan ito. Mabuti na lang nandiyan si Mama dahil hinanda niya na ang kailangan ko.
Mabilis akong natapos maligo at nagbihis na rin. Habang nagsusuklay ng buhok, napanguso ako dahil sa lungkot. I miss how my Mommy treated me before. Wala na akong maramdamang haplos ng isang ina na nagmula sa kaniya, hindi katulad dati na halos nandiyan siya palagi para sa amin.
Pinilit kong iwaksi sa aking isipan ang lungkot na aking nararamdaman. Kailangan kong mag-concentrate sa aking training mamaya kung ayaw kong malintikan.
Sa pagbaba ko sa hagdan, hindi ko nakita sino man sa aking pamilya. Pero nandito pa naman sila sa bahay, sure akong matutulog pa sila.
Hinayaan ko na lang at tumuloy na ako sa kusina. Doon ay nakita ko si Mama Tessa na naghahanda ng makakain. Nasa lamesa na rin ang pagkain ko, nauna niyang niluto.
“Si Mom, Ma?” tanong ko pagkaupo ko sa upuang nandoon. Nagdasal muna ako sandali bago sumubo na ng pagkain.
“Maaga siyang umalis. Sa pagkakaalam ko, may mission ata siya na binigay ng headquarter. Bukas pa ang uwi no’n,” sabi niya bago tumingin sa akin. May malungkot na naman siyang ngiti sa mga labi dahil alam niya ang mangyayari kapag wala rito si Mom.
“Ang sarap po talaga ng luto ninyo, Ma.” Pang-iiba ko ng usapan dahil ayaw kong isipin ang mangyayari mamaya.
Ngumiti naman si Mama Tessa at hinaplos ang ulo ko. “O, siya! Damihan mo ng kain at baka gutumin ka mamaya.”
“Opo!” Kumain nga ako ng marami. Masarap kasi magluto si Mama, parang luto lang ng Mommy ko noon. Hindi na lang ako nagkomento at kumain ng kumain.
Ilang minuto pa ay natapos na ako. Nilagyan na rin ni Mama ng ointment ang mga sugat ko bago ako pumanhik muli sa itaas para mag-ayos. Sandali akong nag-ayos ng aking sarili bago ako nagpaalam nang aalis.
Maaga pa naman pero kailangan kong mauna roon sa ibabaw ng bundok kung ayaw kong maparusahan na naman. Hindi rin ako puwedeng gumamit ng magic kaya hindi ako mabilis makapunta roon. Kailangang lakarin papunta at pauwi habang si Mommy minsan nandoon na dahil nag-teleport siya.
Hindi rin ako mabilis tulad ng isang bampira kaya kailangan ko talagang pagsumikapan bago ako makarating sa tuktok. Nakakapagop pero kailangan kong gawin kung ayaw kong maparusahan.
Nagmadali na agad akong pumanhik. Medyo madilim pa at tamang-tama lang sa pagdating ko sa ibabaw. Ako lang mag-isa pero hindi ako takot dahil sanay na ako sa lugar namin.
Hindi nagtagal at narating ko rin ang tuktok ng bundok. Wala pa rito si Mommy kaya naupo muna ako upang mamahinga. Napagod talaga ako at halos maubos ko ang tubig na pinabaon kanina ni Mama.
Ilang oras din ang hinintay ko ng biglang sumulpot si Mommy.
”I have a meeting. Dito ka na muna at babalik din ako. Sa oras na bumalik ako at wala ka, malilintikan ka sa akin,” una at huli niyang sabi bago siya naglahong muli.
Napatingala na lang ako at napalatak. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Ang nakakabanas lang, wala man lang akong masilungan. Dito sa tuktok ay walang puno o kubo. Kapag nagtuturo si Mommy, palagi siyang gumagamit ng payong habang ako ay pinapabilad niya sa may araw. Katulad na lang ngayon na siguradong haharapin ko na naman si Haring Araw.
“Hindi ka pa ba nadadala, Sky?” kausap ko sa aking sarili at napailing.
Sa totoo lang, halos wala namang tinuro si Mommy sa akin maliban sa pagkontrol ng ilang bagay at iba pang simpleng mga bagay. Hindi ko alam kung ganito rin ba ang itinuturo niya sa iba o ako lang. Ang palagi niyang ginagawa ay parusahan ako o ibilad ako sa araw.
Tulad ngayon na masakit na sa balat ang init. Nakakahingal at nakakaubos ng tubig sa katawan ang sobrang init at para rin akong niluluto. Ngunit may magagawa pa ba ako kundi maghintay sa nanay ko?
I stayed and waited for my mother for how many hours, nag-practice na lang din akong mag-isa. Ngunit sa tinagal-tagal walang may pumunta sa akin. Kahit noong pananghalian ay walang may nakaalala. Kaya mabuti na lang at dinamihan ko ng kain kaninang umaga.
Papalubog na ang araw ngunit wala si Mommy. Nakakalungkot lang pero may magagawa pa ba ako? Wala naman, e. Dahil kahit anong gawin ko, hindi ko naman kayang salungatin ang nanay ko.
Alam kong noong oras na iyon ay tapos na dapat ang training session namin. Kaya napagpasyahan ko na lang na umuwi na.
Madilim man ang daan, nagawa ko pa ring makauwi ng matiwasay. Ngunit hindi noong nakaharap ko ang mga kapatid ko.
“Nandito na pala ang palamunin,” sabi ni Kuya Troy na ngumisi pa. Napayuko naman ako sa pagkapahiya dahil nasa labas pa kami ng bahay at dinig iyon ng ibang tao. Sana, nandito si Mom dahil siguradong mapapagalitan sila.
“Huwag ka naman ganyan, Troy. Dahil kung wala siya, wala tayong libangan,” sabat naman nang isa.
Sa araw-araw na nilikha ng Diyos, walang araw na hindi nila ako pinagkakatuwaan. For sure, hindi lang ito ang gagawin nila.
“Padaanin na nga natin ang mahal na prinsesa,” may payuko-yuko pang nalalaman si Troy. Pero alam kong may iba siyang balak.
Hindi na lang ako nagsalita at naglakad papasok sa bahay namin. Sa pagpask ko, nagsisi ako kung bakit hindi ko sinunod ang instinct ko.
Halakhak nilang ang pumuno sa buong lugar. “May nahuli ka ba?” tanong ni Troy na siyang nangunguna talaga at tumawa pa.
Nakadapa lang naman ako dahil pinatid niya ako. Also, gamit ng kapangyarihan niya ay gumawa siya ng slime sa harapan ko, iyong mabaho talaga na parang basura. Kaya mabaho ako at nagdurugo ang ilong dahil tumama ako sa matigas naming sahig.
Napayuko na lang ako na naupo. Namamanhid na ako sa sakit. Gusto ko lumuha pero hindi ko naman magawa. Habang ang dalawa kong kapatid ay tawa ng tawa sa sinapit ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong kasalanan para gawin nila itong lahat sa akin.
Simula noong kinuha nila si Cloud sa akin, lahat ng tao ang turing sa akin ay isang basura. Lalo na ang mga kalahi ko na akala mo isa akong walang silbing bagay, hindi nakakaramdam ng sakit sa mga sinasabi nila. Ang sakit lang kung wala kang matakbuhan dahil hindi ka rin puwedeng lumabas ng kaharian.
Ilang sandali pa ay iniwan na rin nila ako. Ganiyan naman palagi. Pagkatapos nilang magkaroon ng kasiyahan sa araw na iyon, iiwan rin nila ako.
Kailan kaya matatapos ‘to?
“Bakit ka umalis doon at umuwi? Pinapauwi na ba kita? Nagmamagaling ka na ba ngayon, ha Sky?”
Mukhang hindi na nga matatapos dahil ang Mommy ko na naman ang dumating.
“Mo-” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil inunahan niya na ako.
“Wala akong anak na katulad mo kaya huwag mo akong matawag-tawag na mommy. Kailangan mo talagang masaktan para pagtanda ka!” Nanggagalaiti na naman siya sa hindi ko malamang dahilan. Ako na naman po ang napagbuntunan.
Mula sa kaniyang kamay, lumabas doon ang isang whip. Gawa ito sa leather at kapag tumama aa katawan mo, siguradong mababalatan ka talaga ng buhay. Gamit ang magic, nailabas niya ito sa kaniyang kamay at sigurado akong malakas din iyon.
“Ito ang dapat sa katulad mong walang silbi!” Kasunod noon ay naramdaman ko ang sakit sa aking katawan. Napakasakit kaya ako’y napahiga na sa sahig.
Doon na talaga ako napaiyak. Ang sakit-sakit lang.
“Mommy, tama na po. Sorry, Mommy. Arg!” Paulit-ulit kong usal habang namimilipit na ako sa sakit.
Patuloy niya akong hinampas at sa bawat latay ng panghampas sa aking katawan, kakaibang sakit ang aking naramdaman.
“Claire! Ano ang ginagawa mo? Tama na!” sigaw ng babae. Naramdamdaman ko na tumigil na si Mommy at hinawakan ng bagong dating na babae ang mukha ko. “Ayos ka lang ba?”
“Kakampihan mo na naman ang magaling na babaeng iyan? Puwes, magsama kayo sa paparusahan ko. Magkatulad lang din naman kayong dalawa.” Hindi! Hindi maaari.
Nakita kong inangat na ni Mommy ang kaniyang kamay, kaya bago pa tumama ang pamalo kay Mama ay hiniharang ko na ang aking katawan. Isang latay na naman ang tumama sa aking likuran.
Hindi ko alam ano ang nangyari kay Mommy, pero walang tigil itong naghahampas sa likod ko. Na para bang doon niya binubuhos ang kaniyang galit. Si Mama ay natingin sa akin na nanlalaki ang mga mata habang tumutulo ang mga luha. Gusto niyang ipagpalit ang posisyon namin pero hindi ko siya hinayaan.
Napasuka na ako ng dugo at alam kong dumudugo na rin ang likod ko. Pero ayaw kong may madamay na ibang tao sa ginagawa ni Mommy.
“Ahhh! Mga walang silbi!” sigaw ni Mommy bago niya binitawan ang whip na hawak. Masakit ang katawan ko kaya napasalampak na lang ako kay Mama habang ang totoo kong ina ay iniwan na ako. Narinig ko pa sa hindi kalayuan ang tawa ng kambal na waring tuwang-tuwa sa sinapit ko.
“Anak?” tawag sa akin ni Mama kaya napatingin ako rito. “Kaya mo pa ba? Aalalayan kita. Doon tayo sa silid mo.”
Ngumiti na lang ako sa kaniya ngunit hindi ko na mapigilan ang pagpikit ng mga mata ko. Para akong pagod na pagod at gusto ko na lang ay ang matulog. Sa huli ay pinagbigyan ko rin ang aking sarili.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas nang ako’y magising. Nakadapa ako sa aking kama, base sa amoy, at may naglalagay ng kung ano sa aking likuran. Hindi na rin ako mabaho kaya sure akong napaliguan at napalitan na ako ng damit. Naalala ko kaagad ang nangyari kanina kaya gusto ko na namang umiyak.
“Mabuti at gising ka na.” Kilala ko ang boses na iyon.
“M-maxz?” paninigurado ko.
“Ako nga. Tinawagan ako kanina ng Mama mo dahil hindi niya alam ano ang gagawin. I linked with her so that she can talk to me anytime. Mabuti na lang ginawa ko dahil nakarating ako sa oras. You already having a seizure.” I sadly smiled to what I heard. Paano kaya kung nawala ako, masaya na kaya sila ngayon? “Sky, never think about it!” saway sa akin ni Maxz.
Hindi ako sumagot at hinayaan na lang siya. Pumikit na rin ako upang maibsan ang sakit. May bago pa ba rito? Simula pa noong nawala ang kapatid ko, ganito naman palagi. Ngayon lang siguro bumigay na ang katawan ko.
Ilang minuto pa lang, hindi pa nga ako nakakatulog, narinig ko ang boses ni Mom.
“Nasaan ang anak ko, Tessa?” tanong niya kay Tessa. Kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto. “Si-sino ang may gawa nito sa kaniya?” puno ng diin na sabi ni Mom. Alam kong galit na galit na siya, at minsan lang kung magalit si Mom.
Gusto kong gumalaw para sana pigilan si Mom, pero may puwersang pumipigil sa akin na gumalaw. Alam kong si Maxz na naman iyon.
Gusto kong mayakap ang nanay ko, naghanap ng kakampi, ngunit kahit daliri ko lang ang galawin ko ay sobrang sakit na ng katawan ko. Maiintindihan ko na kung bakit ayaw akong pagalawin ni Maxz.
“Ka-kasi…” hindi alam ni Mama kung ano ang sasabihin.
“Ako ang may gawa. Bakit? Dinidisiplina ko lang ang anak natin. Masama ba iyon?” sabat ni Mommy. Hindi ko alam na nakarating na pala siya at dito pa talaga sila sa harap ng silid ko nagbangayan. Kahit hindi ko man kita, nararamdaman ko naman.
“Really, Claire? As far as I know, galit ka kanina dahil sa maling akala mo. Ngayon, madadatnan kong ganito na ang sinapit ng anak ko? Ano kang klaseng ina? Kailan ka pa magkaganyan?” Sa sinabi ni Mom, halata umiiyak na siya dahil napapiyok siya. “Hindi na kita kilala, Claire. Hindi ikaw iyong minahal ko na sobrang maalaga.”
“What? Hindi ito tungkol doon, Sarah. Dinisiplina ko lang siya dahil hindi siya sumunod sa pinag-uutos ko. Hindi ko na ba puwedeng disiplinahin ang anak ko?” pagdadahilan nito. Gusto kong sumabat, pero under Maxz's control na naman ako kaya hindi ako makapagsalita.
“Disiplina? Disiplina ba ang kamuntikan ng mamatay ang anak ko?” sigaw ni Mom.
“What? Palo lang iyon at hindi niya ikakamatay iyon. Sino naman ang nagsumbong sa iyo ng ganiyang balita? Iyang si Tessa na babae mo?” sumbat nito pabalik.
“Sumusobra na ang pagseselos mo, Claire. Hindi na tama iyang pati inosenteng tao ay dinadamay mo. Katulad kanina, nasira ang mission ko nang dahil sa pagdating mo. Kung hindi lang ako bampira, baka patay na ako sa dami ng sugat ko. You're selfish. Hindi mo na naiisip ang tao sa paligid mo. Panay selos at galit na ang pinapairal mo.”
“Hindi ako naniniwala na mission lang iyon kanina. Ni minsan, hindi pa ako nagkakamali. Nang babae ka habang nandito naman ako. Napakawalanghiya mo!” Hindi ko na alam. Nahihilo na ako sa awayan nila.
“Tita Sarah, puwede po bang huwag na kayong mag-away? Mas sumasama po ang pakiramdam ni Babe, e.” Si Maxz na ang nagsalita habang hinahaplos ang ulo ko. Gamit ang kaniyang kapangyarihan, medyo umaayos na ang pakiramdam ko.
“I am sorry. Also, thank you Maxz for informing me,” pasasalamat niya sa kaibigan ko bago siya lumapit sa akin. “Okay ka na ba, Anak? Sorry kung ang dami mo na namang sugat sa likod. Hayaan mo. Aalis na muna tayo rito.”
“Mom,” tawag ko sa kaniya. Ang dami kong gustong sabihin, pero hindi ko naman kaya.
“Sinong nagsabing aalis kayo?” kontra ni Mommy ngunit hindi siya sinagot ni Mom.
“Maxz, puwede bang doon muna kami sa inyo?” Hindi ko alam kung matutuwa ako, dahil ba makikita ko si Laxy o dahil mapapalayo ako kay Mommy at hindi niya ako mapupuntahan doon dahil ayaw niyang pumunta.
“Okay naman po, Tita. Marami po kaming silid doon,” magalang na sabi ni Maxz.
“Kung gayon, mag-aayos muna kami.” Huling pasya ni Mom.
“Puwede ba akong sumama para maalagaan ko siya?” Si Mama Tessa. Kailangan nga niyang sumama at baka siya ang pagbuhatan ni Mommy ng kamay kapag nagalit siya ulit.
“Sige. Pakiaayos ng gamit ninyo at aayosin ko ang akin,” utos ni Mom bago siya umalis ng silid ko.
Mula sa silid ko ay rinig ko pa ang awayan ng dalawa. May mga salitang tumatak sa utak ko sa lahat ng bintang ni Mommy kay Mom. Iyon ay ang, “Isasama mo siya dahil magbabahay-bahayan kayo roon.” Salitang walang pruweba pero alam kong nasasaktan na rin si Mom.
Habang nakikinig sa bangayan nila, nakaramdam ako ng antok.
I wanted to sleep even though I didn't really want to. Until Maxz used her power again and let me sleep.