SKY
It's been a month mula noong umuwi kami at taon na noong inilayo ni Mommy sa amin, lalong lalo na sa akin, si Cloud. Walang araw na hindi ako umiiyak.
Ngayon ay hindi na ako madalas sinasaktan ni Mommy at Kuya. Ngunit hindi naman nila ako pinapansin kahit sabay man kami kumain. Kapag kakausapin naman, may pasaring at mas masakit ang mga salitang lumalabas sa mga bibig nila. Si Mom na lang ang kumakausap sa akin pero palagi ring wala kasi may problema ang mga hunters kaya tumutulong siya roon.
Si Maxz naman ay palagi akong pinupuntahan. Hindi niya kailangan ng portal kaya nakakalabas pasok siya rito. Minsan nga, basta na lang siya sumusulpot sa tabi ko na kinakagulat ko talaga.
Ang kambal niyang si Laxy na mate ko? Hindi ko pa rin siya nakikita. Pero okay naman daw siya sabi ni Maxz.
Ito ako ngayon, hinahanap ang kapatid ko gamit ang magic. Hindi ko rin kasi siya nakakausap kahit sa link namin. As in, pinutol talaga nila ang komunikasyon namin.
Basta hindi ko na alam!
“Wala pa rin?” Napatalon ako ng kaunti nang biglang may nagsalita sa likod ko. Si Maxz lang naman pala na lumitaw na naman na parang kabute.
“Huwag ka nga biglang sulpot ng sulpot diyan.” Nakakabanas na kasi palagi niya na lang itong ginagawa. Tumawa lang ito umupo sa kama ko habang ako nakatayo pa rin.
“Sorry, Babe!” sabi n’ya at nag-peace sign pa. “So, ‘yong tanong ko kanina. Wala pa rin?” nakataas kilay niyang tanong.
Napabuga naman ako ng hangin. “Wala pa rin, e. Tinago talaga nila sa akin si Cloud. Hinalungkat ko na lahat na libro sa library at nakatatak na sa utak ko lahat ng spell pero wala talaga, e. Nasubukan ko na ang lahat ng kaya ko pero wala pa rin." Napahinga na naman ako ng malalim. Nawawalan na ako ng pag-asa.
“Hayaan mo. Makikita mo rin siya. Be patient.” Ngumiti lang ako sa kaniya. Grateful talaga ako at naging kaibigan ko siya, palaging nandiyan para sa akin at pinapalakas ang loob ko. Sana siya na lang ang mate ko.
“Hindi puwede ‘yon!”
“Ha?” tanong ko dahil hindi ko masyado narinig. Ano ‘yong sabi niya?
“Hindi ako puwede maging mate mo kasi kung ako ang mate mo, hindi mo ako bestfriend ngayon. Nasa kapalaran mo nang magiging ganoon ang mate mo, kaya ayaw ko maging ganoon. Okay na ako kung ano tayo ngayon.” Nakangiti niyang sabi na ikinangiti ko rin. Tama naman siya.
“Okay. Sabi mo, e.” Luminga-linga ako sa paligid kasi may kulang. “Nasaan ang wheelchair mo?”
“Nasa bahay, iniwan ko. At ikaw? Nagti-training ka pa ba?” Napayuko naman ako sa tanong niyang ‘yon. “Hindi ‘no? Lumalabas na kasi aura mo, e. Naipon na.”
Yeah. Alam niyang tinatago ko ang power ko. Noong nag-training ako kay Lucia, may nalaman ako sa aking sarili. Malakas ako kung gugustuhin ko. Sadyang hindi lang iyon nag-unlock dati. Ngayon, kailangan ko namang itago.
“Hindi nga. Walang time si Mommy, e. Si Mom naman ipinatawag ni Lolo.” Paliwanag ko sa kaniya pero alam niyang nagsisinungaling ako about kay Mommy. Buntonghininga at malungkot na ngiti ang binigay niya sa akin at hindi na ako kinontra pa.
“Sige. Ilabas mo na ‘yan. Palakarin mo ako kahit isang oras lang at sparing tayo. Wala din akong training, e.” Nakangiti niyang sabi habang nakakamot sa batok. Ang cute niya kaya tingnan. Magkamukha talaga sila ni Laxy, ang magkaiba lang ay ang mata.
Si Maxz ay violet ang kanan at parang dagat ang kaliwa sa pinaghalong blue at green. Si Laxy naman at baliktad ng kay Maxz. Kaya nagsusuot sila palagi ng contact lens para hindi ito makita ng mga tao. Magtataka sila kung bakit ganito ang mata ng dalawa.
“Bakit wala kang training?” Nakapagtataka!
“Busy sila Mom at Dada sa Hunter Shield. Nagkaproblema raw kasi tulad sa Headquarter. Hindi ko na inalam pa kasi problema nila ‘yon." Paliwanag ni Maxz. Tumango lang ako at pinatayo na siya. May deperensya kasi siya simula pagkasilang pa lang sa kanila ni Laxy.
I closed my eyes and put all my energy into my hands. Inilapat ko ito sa kaniyang tuhod at ipinasok sa kaniyang katawan ang naipong enerhiya. Gamit nito ay makakalakad siya.
Dumilat ako pagkatapos. “Ayan na. Ngayon, punta na tayo sa gym mo.”
Yes. Mayroon siya no'n na kaniya lang talaga. Pinagawa iyon ng kaniyang Dada na para talaga sa kaniya. Pati mga gamit nito ay para sa kaniya.
“Salamat at makakalakad na ulit ako kahit sandali lang.”
“Bakit kasi ayaw mo gamitin ang kapangyarihan mo para makalakad ka? Madali lang iyon para sa iyo,” taas kilay kong tanong.
“Mabilis maubos ang energy ko, Babe. Alam mo ‘yan! And... I can still wait for my mate. Bata pa ako. Makikita ko pa siya.” She gave me her sweetest smile na nakikita ko rin kay Laxy ‘pag magkasama sila ni Cloud at noong ayos pa ang lahat. Siguradong babalik na iyon kapag labing-walo na siya, na malapit na, dahil ibabalik na ni Mommy si Cloud.
Nalulungkot na naman ako kasi naalala ko sila. Pareho silang nawala sa akin. Hindi na bago sa akin ang hindi pagpansin ni Laxy sa akin kasi kay Cloud lang naman palagi siya. Sila palagi ang magsama, mas tutok akong magbasa kasi noon, at dahil doon, doon ko nakilala si Maxz at naging bestfriend. Siya ang nakasaksi sa lahat.
“O!” sigaw niya sa akin at hinagis sa akin ang isang sword. Mabuti mabilis na rin reflexes ko kaya nasalo ko ito. Hindi ko na rin namalayang nandito na kami as gym niya dahil sa kakaisip. “Umpisahan na natin kasi sandali lang ang oras ko.”
Nag-umpisa na nga kami, ataki dito sangga doon. Pawis na pawis na kaming dalawa pagkalipas ng trenta minutos. Physical battle lang ginawa namin, hindi kami gumamit ng magic o power para patas at para lumakas din ang katawan namin.
Tumigil kaming dalawa nang alam naming malapit ng matapos ang isang oras. Biglang lumitaw sa gilid niya ang wheelchair niya at umupo siya roon.
Ang lalalim ng hininga naming dalawa. Para kaming asong hingal na hingal. Siya nakaupo sa wheelchair ako nakaupo na sa sahig. Ito talaga ang hanap naming dalawa, ang magpagod at mailabas ang stress.
Ang ganda ng gym niya dahil parang outdoor na indoor. Malapit kasi sa kalikasan pero kompleto sa gamit ng gym. May mga field pa for training. Magandang mag-training dito dahil lahat ng kailangan ay nandito na.
“Bakit... bawat tira mo ang lakas. Galit ka ‘no?” Mas hinuha iyon kaysa sa tanong. Hinihingal pa akong tumingin sa kaniya. Kakaiba kasi ang palo niya akysa rati, mas malakas itong ngayon. Ganito lang ‘to ‘pag galit.
”Wala.” Tinaasan ko lang siya ng kilay sa sinabi niyang iyon. Alam niyang hindi siya makakapagsinungaling sa akin kaya sinabi niya rin.
“Si Laxy?” patanong niyang sagot. Halatang napipikitan.
“Ano ang nangyari sa kaniya?” pagpapanic kong tanong.
“Relax! Walang nangyaring masama.” Tiningnan niya ako sa mata na parang sinusukat kung kaya ko ang sasabihin niya.
“Ano na?” atat kong sabi.
“Nagbago na siya. Nakikipagkaibigan na siya sa mga bully sa school at…” Naghintay pa ako kung dudugtungan niya ang sinabi niya.
“At?”
“Isa ako sa binu-bully at hinahayaan lang iyon ni Laxy. Naging pasaway na rin siya at iba-iba ang babae.” nasaktan ako roon sa huli niyang sinabi. Pero hindi naman ako puwedeng magalit. Binalewala ko na lang muna iyon.
“At hinahayaan mo sila? Alam mo namang lumaban, ah.” Ito nga sinasabi ko. Sobrang bait kasi nito.
“Nangako ako kay Dada at sa iyo. Hindi ko rin puwedeng gawin ‘yon,” nakayuko niyang saad.
“Ano pa ba magagawa ko,” sabi ko at napahinga ng malalim. “Huwag kang mag-alala. Doon na rin ako mag-aaral, pero sabihin ko muna kay Mom." Nakangiti kong sabi sa kaniya na siyang kinangiti niya ng malawak.
“Thank you, Babe!” Tumayo na ako at lumapit sa kaniya para mayakap siya. “Tara! Magic mo naman ngayon. Excited akong malaman ang mga natutunan mong bago.”
Napatawa na lang sa sinabi niya. Mas excited pa siya sa akin pero alam kong may tinatago pa siya sa akin.
Haist!
Kaya naglakad na ako palayo sa kanya at siya ay pinagulong ang wheelchair. Noong tama na ang layo namin sa isa’t isa ay sabay kaming sumigaw ng start.
Siya ang unang umataki at masasabi kong lumakas din ang kapangyarihan niya. Kung normal lang akong tao, sigurado patay na ako sa mga tira niya. Gamit ng magic ko ay nasasangga ko rin naman ang kaniyang bawat tira.
Palitan ang ginawa naming dalawa, walang ayaw sumuko pagod man sige pa rin. Mabuti na lang din at may shield dito kaya hindi namin nasira ang mga gamit at weapon na nandito sa loob. Kasama na rin ang mga equipment dito.
“Stop!” Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw no’n ay napatigil kami. Lumingon kami kung saan galing ang boses.
Napalunok na lang kaming dalawa nang mapagtanto namin kung sino ’yong sumigaw.
“Hi, Dada!” Sabay naming bigkas. Minsan para din kaming kambal na kayang basahin ang isip isa't isa at magkatulad din ang iniisip namin. Minsan din ay Dada at Mom din ang tawag ko sa mga magulang niya.
“Tama na ‘yan. Hindi n’yo ba na pansing gabi na?” Kaya napalingon kami sa labas ng bintana at madilim na nga. Sigurado magagalit na naman si Mommy nito. “Pero bago tayo umuwi, kain muna kayo,” sabi niya at pinakita sa amin ang paper bag na may lamang pagkain.
Binigyan kami ni Dada ng pagkain at wala kaming salita na kumain na. Walang nagsasalita kasi gutom na pala kaming dalawa. Si Dada naman ay natatawa lang sa aming dalawa.
“Kayo talaga! Pagkatapos ninyo riyan, uwi na, ha. Hatid mo na si Sky sa kanila, Maxz.” Sabay gulo ng buhok ni Maxz na tumango lang ito.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya na nga ako diretso sa kwarto ko. Hindi na rin siya nagtagal kasi naghihintay na raw ang Mom niya at Dada. Nagba-bye lang kami sa isa't isa at umalis na siya. Pagod na rin ako kaya naglinis na ako ng katawan para makatulog na.
Pahiga na sana ako pero nakaramdam ako ng pagkauhaw. Pero kung minamalas ka ba naman! Wala ng laman ang refrigerator ko sa kwarto at kailangan ko pang bumaba. No choice ako kahit alam kong makikita ko na naman si Mommy roon sa baba.
Hindi rin ako pwedeng gumamit ng magic kasi rules din ‘yon dito sa bahay. Mas lalo kang mapaparusahan ‘pag gumamit ka ng magic.
Kaya dahan-dahan na lang akong bumaba. Wala ng ilaw sa buong bahay.
Ayos!
Mabilis akong pumunta ng refrigerator at kumuha ng isang boteng puno ng tubig. Umikot na ako pabalik sa taas ng biglang umilaw ang buong kusina.
Patay!
“Saan ka nanggaling, magaling kong anak?” Si Mommy, galit na naman siya. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo at palagi kang tumatakas? Sige, bahala ka sa buhay mo hangga't wala kang ipinapahamak na ibang tao lalo na ang kakambal mo, wala akong pakialam. Bahala ka sa buhay mo! Maglandi ka at ipariwara mo ang buhay mo!” bulyaw nito sa akin at tumalikod na siya sa akin. Hindi man lang ako pinakinggan at basta na lang niya akong sinabihan ng ganoon.
Naiiyak na naman ako kaya tumakbo na lang ako ng mabilis papasok sa kuwarto bago pa ako makita ng iba na umiyak. Pagkasira ko ng pintuan ay napaupo na lang ako sa sahig. Ang sakit-sakit na marinig iyon sa magulang mo.
I miss my old Mommy. I miss her. I miss my brother. I miss them all. I miss my mate. I miss my twin sister. I miss being with them. I miss many things.
Pero sa ngayon, ang kakambal ko muna. Kahit gumamit pa ako ng bawal basta malaman ko lang kung nasaan siya.
“Wait for me, Sister. I will find you.” sabi ko pa bago umagos ang mga luha ko sa aking mga mata.
Akala ko sanay na ako sa mga salita ni Mommy. Hindi pa rin pala, at mukhang hinding-hindi ako masasanay.