Chapter 8: Isla

2287 Words
SKY Bawat tao ay gustong gumaling, gustong mapabuti ang sarili. Iyong kahit minsan lang ay masabihan ka ng mabuti, mapuri. Pero mayroon din namang gusto lang gumaling para sa pamilya.  Ang dahilan ko lang naman ay iyong huli. Gusto kong gumaling para kung ano man ang mangyari ay kaya kong iligtas ang mga mahal ko sa buhay.  Gusto kong mag-ensayo. Gustong-gusto! Kaya lang walang oras ang mga magulang ko. Ayaw rin akong pasalihin sa ibang mga kaedaran ko rito. Minsan sumali ako sa kanila at ang kinalabasan ay na-bully lang ako at ako pa ang lumabas na masama. Binaligtad nila ng pangyayari at palagi sila ang pinaniniwalaan habang ako'y iyong sinungaling sa mga mata nila.  I don’t have any choice but to look for another alternative. That is to be with Maxz and Dada Fara. Inaya na ako ni Maxz kagabi, at hindi ko na kausap ang Mom ko. Ngayon ko lang siya nakitang umuwi kaya grab the opportunity na.  “Mom, puwede po ba akong sumama kay Maxz? May training siya ngayon kay Tita at gusto ko pong sumama. Abala rin naman po kayong lahat, kaya lang gusto ko pong sumasa sa kanila. At aabutin po iyong ng tatlong araw.” Napalingon sa akin si Mom Sarah habang inaayos niya ang kaniyang mga gamit. Aalis na naman kasi siya at hindi alam kailan na naman siya uuwi.  “Sige, Anak. Mas mainam iyan upang mas mahasa ka pa. Sigurado rin akong hindi ka naman nila pababayaan.” Pagpayag niya sa akin kaya napatalon ako at napahalik sa kaniyang pisngi.  “Thanks, Mom!” sabi ko at nagtatalong lumabas ng silid nila.  Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo nila tapos narinig ko ang sabi ni Mommy. “Saan na naman ang punta no’n?”  “Hayaan mo na ang bata,” sabi ni Mom. May iba pa siyang sinabi pero hindi na ako nakinig pa.  Nag-agahan na ako kanina pa at nakapag-ayos na rin, kaya maaari na akong umalis agad. Pumunta ako sa silid ko rito sa ikalawang palapag ng bahay.  Gawa sa kahoy ang bahay namin pero may nilagay na spell si Mommy para tumibay ito at soundproof. Hindi rin agad-agad ito masisira ng kahit anong pagsabog dahil makapal ito.  Dalawang palapag ang bahay namin at malawak. Ang unang palapag ay ang sala, kusina, office nila, library, at silid ni Mama. May banyo rin dito para sa mga bisita at iba pa ang banyo sa bawat silid. Sa ikalawang palapag ay may walong silid na akala mo maliit lang pero sa pagpasok mo ay sobrang lawak ng silid. Ang magic ang gumawa nitong lahat. Mayroon ding attic na siyang pinaglalagyan ng mga sirang gamit namin.  Sa pagpasok ko sa aking silid, hindi na ako nagulat na nandito si Maxz. Siya lang naman ang puwedeng maglabas pasok dito at ako ay hindi puwede dahil wala akong bato. Alam ko ang spell kaya lang natatakot akong subukan. Ayaw kong mapunta sa Abyss.  “Ayos na ba?” tanong niya agad sa akin. Siya na ang nagbitbit ng bag ko na ang laman lang naman ay pamalit na damit at isang notebook para sa notes ko. Sinusulat ko kasi ang natutunan ko para hindi ko makalimutan at mas lalo pang mapag-aralan.  “Pumayag na si Mom. Kaya tara na bago pa dumating si Mommy.” I am excited.  Natatawang hinawakan ako ni Maxz sa kamay at sa isang iglap ay nasa gym niya na kami. Nasa mundo ng mga tao itong gym niya at nasa isang private island ito. Walang istorbo o ano pa man kaya sa amin ang ang buong lugar.   “Pupunta na lang daw si Dada mamaya. Sa ngayon ay mag-warm-up na lang muna tayo.” Sumang-ayon ako sa kaniya.  Nagpalit muna kami ng aming training outfit. Dahil warm-up pa lang naman, hindi ko na muna pinalakad si Maxz. Mga unting galaw-galaw pa lang naman ng katawan, hindi kailangan ang buong lakas at mag-sparing.  “May nahanap ka na bang paraang para mahanap mo si Cloud?” tanong niya habang ginagalaw ang mga braso.  “Wala pa rin. Malapit ko na ngang maubos ang mga libro sa library, pero wala pa rin akong mahanap.” Totoo iyon. Ginugugol ko na lahat ng oras ko sa paghahanap ng paraan para mahanap siya ngunit wala pa rin.   “Hayaan mo. Maghahanap din ako ng libro roon sa library namin. Puwede ring maghanap ako ng ideya sa internet. High tech na kaya ngayon.”  “Please, Maxz. Hindi ko kayang wala ang kapatid ko sa tabi ko. Nasanay akong palagi siyang nandiyan.” Napabuntonghininga na lang ako at pinagpatuloy ang pagwa-warm-up. Totoo iyong sinabi ko. Iba kasi ang koneksyon ng kambal kaysa sa magkapatid lang.  Ilang sandali pa, pinalakad ko na siya. Una naming ginawa ay tumakbo sa buong isla. Maaga pa at halos hindi pa sumisikat ang araw kaya magandang mag-jogging.  Walang gamit na kapangyarihan at totoong lakas, tumakbo kami nang natural na paraan katulad ng isang ordinaryong tao. Sa aming pagtakbo, makikita talaga ang ganda ng isla. Ang daming mga puno at kadalasan mga niyog at may mga bulaklak na ligaw na rin.  “Kanino nakapangalan itong isla?” tanong ko habang tumatakbo kami sa tabing dagat.  “Akin ito. Ako talaga bumili nito from my profit with one of my project. Ang gym ay si Dada ang nagpagawa. Hindi ko alam paano niya ginawa basta nandiyan na agad. Tapos sa itaas ng bundok ay mayroong bahay, and some cottages na nasa tabing dagat.”  “Wow!” Nakakamangha talaga kasi. Ang ganda pa ng paligid. “Hindi ko alam iyon dahil palaging gym lang tayo.” “Sabihin mo, palagi kang nagmamadaling umuwi pagkatapos magpapawis. So, sa ngayon, enjoy natin ito. This is not only training but also a vacation for you.” Natuwa ako sa kaniyang sinabi. For once, gusto ko rin ng may pagbabago sa araw ko.  “Ano ba ang plano mo after this?” tanong ko. Nangangahalati na namin ang buong isla at patuloy pa rin kaming tumatakbo. Wala ngang hiningal sa amin at nakaramdam ng pagod.  “Night swimming tayo mamaya.” I like the idea kaya tumango ako. Mukha ngang magandang magbabad after training.  “Sige. Game ako!” halos isigaw ko pa sa excitement.  Nagpatuloy kaming tumakbo pagkatapos ay lumangoy rin kami ng dagat. Iba’t ibang strokes ang ginawa namin sa loob ng isang oras. Nagbuhat rin kami at gumawa ng ibang moves sa tubig. Maganda kasing pampalakas ng tira ang pag-eensayo sa tubig.  Sunod naming ginawa ay ang sparing gamit ang espada. Dumating na rin si Dada Fara at siya ang tumitingin sa bawat tira namin.  “Sky, kapag hindi mo inayos iyong galaw ng paa mo, maaari kang mapatumba ng kalaban mo. Kaya ka rin nababawian ni Maxz dahil doon. Iyon ang kahinaan mo lalo na sa kaliwa. Hindi mo agad ito naigagalaw.” Puna ni Dada sa akin na sinasaulo ko naman. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit laging tinitira ni Maxz ang kanang paa ko. Para mas lalo akong hindi na makalaban.  Dapat sa isang laban ay mapagmasid ka. Tingnan mo ang kaniyang kahinaan at gawin itong advantage para sa side mo. Iyon ang ginawa ni  Maxz at iyon din ang kulang sa akin.  “Maxz, don’t be overconfident. Sa sobrang bilib mo sa sarili mo, hindi mo na napapansin ang galaw ng kalaban mo. Kaya ka rin palaging natatamaan ni Sky dahil doon.” Tiningnan kaming dalawa ni Dada. “Also, focus! Kung saan lumilipad ang isip ninyo kaya hindi precise ang mga galaw ninyo. Mabilis kayong mauuto ng kalaban ninyo kapag ganiyan kayo. Your emotions also should be in check dahil puwede niya iyon gamitin kontra sa inyo.” Turo niya pa sa amin at tumango naman kami.  Bawat sinasabi ni Dada ay aming pinapakinggan dahil mas may alam siya at tama naman siya. Isa talaga siya sa magaling na miyembro ng organisasyon. Hindi man si Mom Cassy magtrabaho roon, nandiyan naman si Dada bilang kapalit niya.  Sunod naming inensayo ay ang kutsilyo. Kapag nagipit ka na at ito na lang ang mayroon ka, mas mainam na alam ko kung paano ito gamitin. Dapat sa lahat ng bagay ay mas higit ka at may alam.  Pagkatapos naming mag-ensayo ay nagpahinga lang kami sandali at nag-ayos. Pagkatapos ay nananghalian kami ng pagkain na dala ni Dada.  “Ang sarap po talaga ng luto ni Tita Cassy,” puri ko at panay subo ng karne. Parang inihaw lang ito pero kakaiba ang sarap nito. May special recipe ata si Tita para rito.  “O, ito naman. Kumain ka ng gulay para mas tumaba ka naman.” Abot pa ni Maxz ng gulay sa akin. Parang chop suey ito na may ibang lasa.  “Parang ikakataba ko ang isang beses na pagkain ng gulay, ah.” Nakatanggap pa ako ng irap sa sinabi ko.  “Edi, huwag kang kumain.” Babawiin niya na sana ang pagkain pero maagap ko itong kinuha pabalik.  “Ito na nga. Kakain nga ako. Masarap kasi iyan.”  Ganiyan kaming dalawa kapag kami lang. Kaya natawa na rin si Dada sa amin. Ang ingay naming dalawa habang kumain. Sino mang makakarinig ay maaaring marindi pero si Dada iba, natatawa pa  However, even though we are having fun, I felt someone staring at my back. Napalunok ako ng laway dahil kakaiba ang titig na iyon. Iyon bang nanunuot sa kalamnan.  Mabilis akong lumingon para makita kung sino iyon. Ngunit wala naman akong nakita. Nakakakilabot pero hindi naman ganoon na nakakatakot.  “Sino ang tinitingnan mo riyan?” nakangising sabi ni Maxz. Mukhang may alam ito. Umiling na lang ako at kumain. Ilang sandali pa ay natapos na sila. Umalis si Dada dahil may mission siya at sa susunod na naman siya babalik. So, amin ang oras nang nakaalis na siya.  “Saan tayo mamaya?” tanong ni Maxz habang nakaupo sa kaniyang wheelchair.  “Let’s learn how to put traps. Hindi ko pa nagagawa iyon, e,” suhestiyon ko na mukhang nagustuhan naman niya.  “Sige. Mukhang hindi ka nila tinuruan doon. Pagkatapos mga klase naman ng bomba sa susunod. Kukunin ko mamaya sa bahay ang libro tungkol sa paggawa ng bomba. At least, sa pamamagitan noon ay makakaligtas tayo laban sa panganib.” Sumang-ayon ako. Kaya inuna na muna namin ang iba’t ibang trap na puwedeng gamitin sa gubat. Mayroong foothold traps na kung hindi mo alam paano gawin ay puwede kang masaktan, snares na gumagamit ng wire, trapping pits naman ay ang hukay na parang magiging hawla ng ano mang makakapasok rito, mayroon ding cage traps para sa paghuli ng isda o ano mang hayop na gumagamit ng pain, at ang deadfall trap na gawa sa bato o mabigat na tabla na pahilis at nilagyan ng panali, sino mang makagagalaw ay maaaring malaglagan ng trap. Ito ay maaaring gawin sa hayop, o puwede rin sa mga tao.   Nakakasiyang matuto pero nakakapagod. Kaya ang balak naming night swimming ay hindi na nangyari. Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming cottage. Inantok agad kami, eh.  Isa pang nakakapagod ay ang titig na hindi ako nilunayan mula noong tanghalian hanggang sa pagkatapos namin. Ngayon lang nakapahinga noong pumasok na ako rito sa silid ko.  Pagkatapos kong mag-ayos ay nahiga na ako at natulog. Dahil nasa tabing dagat kami, mas malapit pero may heater naman kaya ang sarap matulog.  Hanggang maya-maya ay may nararamdaman akong humahaplos sa pisngi ko. Binalewala ko lang ito kasi baka kung ano lang iyon. Pero ang haplos ay naging mumunting halik.  Hindi ko alam kung panaginip ba ito o totoo. Dahil sa pagmulat ko ng aking mga mata, ang magandang mukha at nakakaakit na mga mata ni Laxy ang bumungad sa akin.  “L-laxy?”  “Yes, Love?” nakangiti nitong sabi habang hinahaplos ang pisngi ko. Iyong klase ng haplos na nagsasabing mahal niya ako. Napangiti na rin ako. “Huwag kang masyadong maging malapit sa iba, ha?” Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.  “Ano ang ibig mong sabihin?” Nakahiga pa rin ako at gusto kong umupo ngunit hindi niya ako pinayagan.  “Wala. I miss you,” bulong niya habang nakatitig sa akin. She smiled and looked at me in my eyes. Hindi ko alam kung bakit pero napatingin ako sa kaniyang labi. She licked her lips that made my throat dry. Nakakagigil siya.  Hindi ko alam kung nabasa niya ba ang nasa isip ko o ano, agad niya akong hinalikan. Napadilat ako sa gulat at sa palagay ko, sa paglapat ng kaniyang labi sa labi ko ay tumigil ang oras. Palagay ko nang mga oras na iyon, kami lang at ang ingay ng alon ang nandoon. Her lips is so soft na parang ang sarap kagatin. Sunod ay ginalaw niya ang kaniyang mga labi. Hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman ko. Haluhalo ito pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa tao na ito.  Maybe, dahil sa instinct na rin, sumabay ang mga labi ko sa galaw ng kaniya. Napahawak ako sa kaniyang balikat hanggang pinulupot ko ito sa kaniyang leeg.  Habang ang kamay niya ay naramdaman ko sa aking baywang. Mainit at pakiramdam ko ay may mumuting kuryente na nagmumula rito at gumagapang sa bawat himaymay ng katawan ko.  Sa totoo lang, ito ang kauna-unahang halik na pinagsaluhan namin. I can feel that she loves me too.  “Hmm,” I moaned.  The kisses intensified. She felt so real and if it is a dream, I don’t want to wake up.  She kissed me harder as time passed by and her hands were caressing my body. While I responded to her every kiss.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD