Chapter 2: Ang Paghihiwalay

2738 Words
SKY “Cloud, ayaw kong pumunta riyan. Umuwi na lang kaya tayo. Mapapahamak tayo riyan, e. Pinagbabawal tayong pumunta sa loob ng gubat kaya sumunod na lang tayo. Cloud!” sigaw ko sa kakambal kong ayaw magpaawat. Dapat ay may training kami ngunit gusto niya raw lumakas kaagad kaya siya pupunta roon sa bahagi ng gubat na talagang pinagbabawal ni Mommy Claire, malawak ito at madilim. May sabi-sabi pa nga na maraming itim na witch ang nasa loob at hindi namin iyon kaya.   Pero dahil adventurous siya ay hindi niya ako sinunod. Pero ako, dahil mahal ko ang kakambal ko ay sinundan ko siya kahit natatakot ako. Natatakot ako para sa kaniya at kahit para sa sarili ko. “Cloud, balik na tayo. Hindi pa natin kaya ito. Eighteen pa lang tayo at bata pa tayo para rito.” Pangungumbinsi ko habang nakakapit sa braso niya. Kahit babae kaming dalawa, parang siya ang lalaki dahil sa pananamit. Matapang din naman siya pero hindi alam ng maraming iyakin siya. Natatakot din sa uod, insekto at sa iba pang bagay.  “Sky, tumigil ka na, puwede ba? Walang mangyayaring masama sa atin. Saka, alam kong kaya mong lumaban. Kaya huwag kang humawak na parang takot ka.” Sabay baklas sa braso ko na nakapulupot sa braso niya.  “Pahawak lang para hindi tayo maghiwalay. Mahirap na ‘no. Baka mapahamak ka pa.” Saka ko ibinalik ulit ang braso ko sa pagkapulupot. Alam ko namang mas malakas ako sa kapangyarihan kaysa sa kanya kahit palagi akong takas sa mga lecture ni Mommy.  Mabuti at hindi niya na tinanggal. Kung gugustuhin ko, maiuuwi ko siya. Pero ayaw kong ginagamit ang kapangyarihan ko sa kaniya at baka masaktan ko siya. Hindi ko pa gamay gamitin ang lahat ng kapangyarihan ko kaya natatakot akong may mapahamak. Mahal ko ang kakambal ko kasama na ang mate namin kaya hindi ko kayang ilagay siya sa kapahamakan. Habang tumatagal ay mas sumusukal ang loob ng gubat. Mas maraming mga puno ang magkadikit at mga ligaw na mga pananim. May mga damu rin na hanggang tuhod na at minsan ay tuyong mga dahon. Nakakadagdag sa takot ng lugar ang bawat tunog na nilikha namin sa pag-apak sa tuyong mga dahon. Kaya ramdam ko ang takot nitong hawak ko. Naglakad pa kami ng kaunti papasok sa loob pa ng gubat. “Cloud, umuwi na tayo. Huwag na natin itong ituloy. Please naman, oh." Sabay hila sa laylayan ng damit niya pero hinihila niya pa rin ako papasok sa kasukalan. Iba ang pakiramdam ko habang mas napapalayo na kami sa aming tirahan.  Hindi ko alam na nakalabas na pala kami sa barrier na nandoon bilang proteksyon sa mga katulad namin. Hindi talaga siya nakikinig sa akin kasi para sa kaniya ay bunso ako sa aming dalawa at palaging sumusunod lang ako sa kaniya.  Hinihila ko pa rin siya pabalik pero hinihila niya rin ako papasok. Mas malakas kasi siya sa akin sa pisikal na aspeto kaya mas nadadala niya ako. May ginagawa kasi siya na dapat hindi namin gawin dahil hindi naman kami buong bampira pero hindi ko siya sinusumbong dahil alam kong mapapagalitan siya.  Nang mas lalo kaming nakapasok sa kasukalan ay lalong dumidilim. Hindi ako takot sa dilim pero para kay Cloud takot ako. Ayaw niya sa dilim kaya napayakap na nga siya sa akin.  “Parang tama ka, Sky. Alis na tayo,” nanginginig na ang boses niya na sinabi 'yon. Napangiti naman ako dahil sa wakas ay makakalabas na rin kami at payag na siya. Pumihit na kami palabas, ngunit... “Pasensiya, mga dalaga. Pero wala nang makakalabas pa sa inyo rito ng buhay.” Sabay kaming napalingon no’ng narinig naming may nagsalita. Isang matanda na parang witch sa kwento ng mga tao ang nakita namin sa tulong ng kakaunting sinag ng araw at mata namin na nakakakita sa dilim. Matangos at pointed talaga ang dulo ng ilong, sira-sira ang ngipin na may katulisan, nanlilisik na mata na kulay itim at nakaitim na damit na mahaba samahan pa ng matulis na panakip sa ulo. “Sorry po, Lola. Pero kailangan na po naming umalis. Nawawala lang po kami.” Pagrarason ko at baka padaanin din kami.  Pero umiling-iling siya kasama ang daliring mahahaba ang kuko at halatang matutulis. Nakakatakot talaga siya at iba din ang aura niya. Sobrang maitim ito na parang taga-sunod na siya ng demonyo.  “Hindi na puwede,” sabi niya at tumawa pa siya ng sobrang nakakatakot. Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong klase ng tawa, nakakatakot at nakakapanindig-balahibo. Kahit si Cloud ay natakot na rin at napahigpit ang hawak sa braso ko. “Cloud, huwag kang bibitiw. Tatakbo tayo. Huwag na huwag ka talagang bibitiw,” sabi ko kay Cloud sa loob ng kaniyang isipan, sa iba ay tinatawag na telepathy. Mabuti at may vampire blood kami kaya mayro’n din kaming mind link at hindi na kailangan ng magic para makipag-usap sa isip lang. Mabilis din kami tumakbo kaya alam kung makakatakas kami sa kaniya.  Sinusubukan kong magpalabas ng magic pero walang lumalabas. Naiinis na ako at si Cloud alam kong takot na siya at hindi na makapag-isip pa.  “Wala ka ng magagawa, bata.” Tiningnan niya kami na parang sinusuri. Nakaramdam ako ng takot sa titig niya pero hindi ko pinahalata. “Ang mga prinsesa,” sabi niya at tumawa na naman ng nakakatakot. “Kung sinuswerte ka ba naman. Puwede kong magamit ang malakas sa inyo... at ikaw ‘yon.” Sabay tingin ng mas matalim kay Cloud na lalong kinanginig ni Cloud.   Agad kung hinila si Cloud sa likod ko. Hindi siya puwedeng makuha ng babaeng ito. Hindi ko hahayaang mapahamak ang kakambal ko. Si Cloud ang pinili niya dahil malakas ang aura na lumalabas sa kaniya kaysa sa akin.  “Hindi ko hahayaang makuha mo siya. Ako muna makakalaban mo!” sigaw ko sa kaniya sabay hila kay Cloud para tumakas.  Tumakbo kaming dalawa pero rinig na rinig pa rin namin ang tawa ng witch na iyon. Para lang itong nakasunod sa amin kahit mabilis na ang takbo namin. Sinubukan ko ulit gamitin ang magic ko pero wala pa ring epekto.  “Hindi mo magagamit ‘yan, bata. Nakapalibot ang dark magic ko sa buong lugar na ito kaya hindi mo magamit ang magic mo.” Sinindan niya na naman ito ng tawa.  Sh*t!  Takbo lang talaga ang magagawa namin sa mga oras na ito. Kaya iyon ang pinili namin na hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ng kapatid ko.  Ilang minuto na kaming tumatakbo nang napansin kong parang umiikot lang kami kaya tumigil na ako kasama si Cloud na hawak ko pa rin hanggang ngayon. Naloko na! Hindi na kami makakalabas pa rito. Minanipula niya ang paligid kaya hindi namin mahanap ang daan paalis.  Maliban na lang sa isang paraan. Bahala na, kailangan maging ligtas si Cloud. “Mom, help us. Nandito kami sa pinagbabawal na gubat. Hindi po kami makalabas,” sabi ko sa isa kong ina gamit ang mind link na katulad kay Cloud kanina. Hindi ko na hinintay na sumagot si Mom Sarah kasi alam ko magagalit lang sila. Bahala na! “Sorry, Sky. Sorry!” umiyak na sabi ni Cloud. Ayaw na ayaw kung umiiyak si Cloud. Kahit lalaki siya kumilos pero ang loob niya ang kasing lambot ng mamon. Ako? Ako raw ang masamang anak sa amin dahil ni minsan ay hindi nila akong nakita na umiyak. Pakialam ko sa sasabihin nila basta huwag lang masaktan ang mahal ko sa buhay.   “Sa wakas at alam na ninyong wala kayong takas pa. Kaya... ibigay mo na siya sa akin at pauuwiin kita,” sabi niya na bigla na lang lumitaw sa harapan namin. Nakikita ko ang masamang balak sa kaniyang mga mata.  “Sige na, Sis. Ako lang kailangan niya. Tumakas ka na,” bulong ni Cloud kaya napalingon ako sa kaniya. Dahan-dahan niya ng tinatanggal ang kamay niya na hawak ko. Pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniya.   “Hindi! Hinding-hindi kita iiwan o ibibigay sa kaniya. Sandali na lang," I assured her at hinapit ko siya palapit. Agad ko siyang niyapos nang sobrang higpit habang umiiyak pa rin siya. Alam ko malapit na sila Mom.  Luminga-linga ako sa paligid at baka may matakasan kami ngunit hindi ko pa rin makita ang totoong daan. Hindi rin nagtagal ay naririnig ko na sila Mom at ang mga kawal kasama ang dalawa pa naming kapatid. Nakabantay lang ang black witch sa amin at tinitingnan kami at parang sinusuri. Nakangisi pa rin ito at parang kampante na hindi makakapasok ng barrier niya ang magulang ko at kapatid.  Palapit na sila ng palapit kaya naramdaman na ito ng black witch, at nagtaka siya bakit mas papalapit ang mga ito na nakalusot sa barrier niya. Nawala ang konsentrasyon niya sa pagmanipula ng paligid at nawala ng sandali ang illusyon kaya nakita ko ang daan.  Kinuha ko ang tiyempo na distracted pa siya at hinila ulit si Cloud patakbo. Ngunit nakabawi siya at agad din kaming hinabol. Nakakatakot na talaga, kahit ang puso ko ang bilis na ng tahip nito.  “Hindi kayo makakatakas. Dahil ayaw niyong sumama, papatayin ko na lang kayo.”  Sh*t! Nakita niya kami.  “Huwag kang bibitaw, Cloud!” sigaw ko kay Cloud at hinawakan siya ng mas mahigpit at binilisan ko lalo ang takbo. Sumunod na lang din si Cloud sa bawat yapak ko.  Mas lalo kong naririnig sila Mom na malapit na kaya mas lalo ko pang binilisan kasi nakasunod sa amin ang black witch. Nang sa wakas ay nakikita ko na sila Mom kaya na pangiti na ako. Umiiyak pa rin si Cloud pero mahina na.  Lumingon ako para masigurado kung nakasunod pa rin ang witch sa amin. Wala na ito pero may isang bolang maitim na papunta kay Cloud. Nakalingon din si Cloud dito at nakikita ko ang takot sa mga mata niya. Hindi ito maari!  Sinubukan ko ang magic ko pero wala pa rin, ayaw gumana. Kailangan kong iligtas ang kakambal ko. Nakikita na rin ito ni Mom at ng mga nakatatandang kapatid namin kaya napapasigaw na sila.  “No. Hindi puwedeng tamaan si Cloud!” sigaw ko sa aking isipan. Kaya bago pa ito tumama kay Cloud ay hinarang ko na ang katawan ko. Okay lang kahit ako ang masaktan huwag lang ang mahal ko sa buhay.  Wala akong naramdamang masakit pero ramdam kong may nanunuot sa balat ko. Lumingon ako at wala na roon ang witch at wala na rin ang illusyon. Lumapit agad sila Mom at mga kapatid ko kay Cloud habang ang mga kawal ay naglibot. Tinanong nila agad kung okay lang si Cloud habang ako ay nanghihina na dahil may kumakalat na sa katawan ko na hindi ko alam kung ano.  Lumapit na sa akin si Mom at tinanong ako kung ayos lang ako. Tumango lang ako habang ang mga kapatid ko ay kasama na si Cloud pauwi. Nag-iwan sila Mom ng tauhan at pinagalugad ang buong paligid para mahuli ang may sala.  Nanghihina na ako pero pinilit ko pa rin ang maglakad pa uwi. Nakasabay sa akin si Mom at alam kong mararamdaman niyang may kakaiba na sa akin pero wala lang siyang imik na sumabay.  Pagdating sa bahay ay pinaupo kami sa sala. Si Cloud ay nakayakap kay Mommy at umiiyak pa rin. Naiiyak na rin ako pero pinipigilan ko lang kasi alam ko na lalong iiyak si Cloud ‘pag nakikita niya akong ganoon. Si Mom ay nasa tabi ko pa rin.  “Ano na naman ang ginawa mo, Sky?” galit na sigaw ni Mommy na kinagulat ko. Hindi ko alam bakit ako ang pinapagalitan, hanggang maisip kong wala namang pinagkaiba dahil ako naman palagi ang may kasalanan sa mga mata nila. Napayuko na lang ako at hindi sumagot pa. Ngayon ko lang din napansin na nandito pala si Laxy na siguradong pumarito agad nang malaman ang nangyari.  “Mommy,” pagputol ni Cloud kay mommy.   “Huwag, Cloud.” Pagpigil ko rito.  “Pero…” Umiling lang ako nang nagkatinginan kami.  “Sky! Nakikinig ka ba?” Nakatayo na ngayon si Mommy at galit na galit habang si Mom ay nakaupo lang sa tabi ko. Wala kasi siyang magagawa kapag galit si Mommy at ayaw niyang mag-away sila. “Ilang ulit ko bang sasabihin, Sky, na bawal? At kailan ka ba titino? Palagi mo na lang pinapahamak ang kapatid mo. Hindi ka na talaga magbabago?” nakapamiwang na sigaw ni Mommy.  Yumuko lang ulit ako at hindi nagsalita. Nanghihina na rin ako kaya wala na akong lakas upang sumagot.  “Mas mabuti pang ihiwalay ko kayo sa isa't isa.” Pagkarinig ko no’n ay napaiyak kaming dalawa ni Cloud.  “Mommy, huwag po!” sabay naming sabi. Hindi ko na pigilang mapaiyak. Tatayo sana si Cloud papunta sa akin pero hinawakan siya ni Mommy at tinapik sa noo na kinawalan niya ng malay.  Napaiyak ako lalo at tatayo sana pero pinigilan din ako ni Mom. Mahina pa ako kaya mas lalo akong hindi makatayo.  “Mom, huwag niyo pong payagan si mommy. Mom, please!” Umiiyak kong pagmamakaawa kay Mom. Hindi ko kayang mawalay ang kakambal ko sa akin.   “Sorry, Anak.” Nakayuko niyang paghingi ng paumanhin habang nakatingin sa akin at hindi ako pinapakawalan. Kahit matapang si Mom ay hindi niya kayang kontrahin ng isa ko pang ina. Halos siya ang batas dito sa pamamahay namin katulad kung paano siya ang batas sa mundo naming ito. “Pero, Tita?” Nagsalita na rin si Laxy kasi ilalayo sa amin si Cloud. Pati siya ay mapapalayo kapag ginawa ito ni Mommy. “Huwag kang mag-alala. Ibabalik ko rin siya.” Magsasalita pa sana si Laxy pero nawala na sila ni Mommy na buhat si Cloud. Mas lalo akong naiyak kasi hindi ko alam kung nasaan siya, hindi ko siya maramdaman sa malapit. Nakita kong umiling sila Kuya na may pang-uuyam sa mga mata bago umalis. Si Mom ay niyakap lang ako at hinalikan sa ulo at umalis na rin. Tumayo na si Laxy at akala ko aalis na rin siya pero hindi pala.  Nilapitan niya ako at tinulak sa balikat ng medyo may malakas kaya napahiga ako sa sofa kung saan ako nakupo kanina. “Kasalanan mo ‘to. Nang dahil sa iyo, mawawala siya sa akin ng matagal. Sana hindi ka na lang naging parte ng buhay namin. Sana hindi ka na lang namin naging mate!” Sumbat niya sa akin habang tumutulo ang mga luha bago siya nagtatakbo palabas ng bahay.  Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako lalo. Nanghihina man ako ay pinilit kong makapunta ng kwarto at doon ito ilabas. Padapa akong nahiga sa kama ko pagpasok ng kwarto at ibinuhos ko ang mga luha sa aking unan. Ito lang ang kaya kong gawin, ang umiyak.  Sa pag-iyak ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Litong-lito na ako bakit ganito ang turing nila sa akin.  Nasa ganoon lang akong posisyon nang may-maya ay may naramdaman akong may nag-angat ng aking damit habang umiiyak pa rin ako. Hindi ko na ramdam ang likod ko dahil mas nararamdaman ko ang sakit ng aking puso. Sunod kong naramdaman, iyong kumakalat sa katawan ko kanina ay parang sinisipsip naman ngayon. Mas nakakahinga na ako ng mas maayos ngayon. Hindi ko lang pala ramdam, pinipiga na ang baga ko nito. “Bakit mo na naman pinagtakpan kakambal mo, Babe? Palagi na lang kasalanan mo.” Bakas ang lungkot sa boses niya. Mula pagkabata ay magkaibigan na kami pero pitong taon na kaming mag-best friend at alam niya ang lahat ng tungkol sa akin at kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. Ayaw niya akong nakikita ng ganito. Pero palagi pa rin siya nandiyan sa akin kahit galit man siya.  “Okay lang ako, Babe.” Maya-maya pa at pinakita niya sa akin ang isang vial na may itim na substance.   “Nakuha ko na ang lason bago pa kumalat,” sabi niya at inilapag ang vial sa tabi ko. Sinipsip niya ang lason gamit ang kapangyarihan kaya naginhawahan ako.   “Thank you, Maxz. Thank you for always being here.” Unti-unting pumipikit na ang aking mga mata. Napagod ako sa kakaiyak at sa lahat ng nangyari kanina “I love you, my best friend. Sana ikaw na lang ang mate ko.” Pipi kong hiling, then darkness took over me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD