SKY
Hindi sa lahat ng sandali ay makukuha mo ang gusto mo. May mga pagkakataon na sa tagal ay mapaghihinaan ka na ng loob. Ayaw mo ng abutin kung ano talaga ang inaasam mo. Gusto mo na lang sumuko dahil sa pag-aakalang wala ka rin namang mapapala sa huli.
Kailangan ay ang tiyaga at paniniwala na makukuha mo rin ito balang-araw.
Isa ito sa paniniwala ko lalo na sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin. Para sa kanila ay isa akong pasaway at hindi sumusunod sa mga magulang. Palagi akong napapagalitan na kadalasan ay hindi naman ako ang may gawa at akala lang nila na ako nga ang gumawa ng masama.
Pero sa kabila ng lahat ng iyon, masaya ako dahil binigyan ako ng mga taong mamahalin ako at mahal ko; ang pamilya na humubog at bumuo sa akin mula noong bata ako, mayroon ring kaibigan na nandiyan palagi kapag kailangan ko, at ang taong itinakda akin. Sa mundo namin ay mayroong nararapat para sa bawat isa. Ngunit mayroong pagkakataon na hindi matanggap ng isa kung ano ang itinakda sa kanila. Mabuti na lang ang sa akin dahil tanggap niya kami ng kakambal ko.
Yes, I have two mates, my twin and Laxy Knight.
Hindi ito kakaiba para sa amin, sadyang bihira lang kung mangyari. Minsan ay nag-aaway pa ang iba dahil hindi nila matanggap na dalawa sila. Pero kami ay maayos naman kahit mas bata ang mate namin ni Cloud kaysa sa amin. Hindi rin kami nag-aaway si Cloud dahil simula bata ay magkasundo na kami at kambal nga.
“Hey!” May biglang humalik sa aking pisngi sa aking pagmumuni-muni. Napangiti na lang ako nang makilala ko kung sino ito. Nakasunod pa rito ang isa at humalik rin sa kabila kong pisngi.
Pagkarating kasi namin dito ay tumulong agad ako sa kusina sandali habang silang dalawa ay may binili sa labas. Pagtapos ko sa kusina ay hinintay ko na sila rito sa hardin ng malaking bahay ng Knight.
“Saan kayo nanggaling?” tanong ko sa kanila habang nakaupo ako sa bench dito sa hardin ng bahay nila Laxy. Malapit kami sa pamilya ni Laxy kaya puwede kaming dumalaw kung kailan namin gusto.
“Bumili kami nito,” nakangiting sabi ni Cloud at pinakita sa akin ang binili nila. Naupo naman si Laxy sa tabi ko at hinawakan ako sa baywang. Wala naman iyon sa akin dahil okay naman kami. Hanggang hawak lang naman ang puwede pa naming gawin at alam namin ang aming limitasyon.
Kaya nga kami na rito para sa dinner na palaging nagaganap tuwing sabado na kasama kami at minsan ay kasama pa ang ibang pamilya ngunit ngayon ay wala sila. Kaya dalawang pamilya lang ang nandito.
“Ano iyan?” tanong ko pa dahil hindi ko iyon alam. Binigyan ako ni Cloud ng isa kaya kainain ko at so far ay nagustuhan ko. ”Masarap siya,” sabi ko at tumango si Cloud bilang pagsang-ayon.
“Isaw iyan. Mabibili iyan doon sa labasan. Iyang isa ay betamax at ang isa ay adidas.” Pakilala ni Laxy sa amin kaya tumango lang ako at patuloy na kumain. Halata naman kung saan gawa ang pagkain pero hindi na ako nandidiri dahil malinis naman ang pagkakaluto. Paminsan-minsan ay sinusubuan ko si Laxy na kinakain niya rin naman. Sa aming tatlo ay si Cloud ang madaldal kaya marami itong kuwento kaya natawa na lang kami ni Laxy.
Sa aming tatlo ay ako lang talaga ang babae sa kilos at gawi. Habang sila ay taliwas kaya kung ituring nila ako, ako ang prinsesa. Pero kapag may pagka-baby ang ugali, si Cloud iyon. Si Laxy ay mature na sa edad niyang maglalabing-anim kaya hindi mo aakalaing mas matanda kami sa kaniya lalo na’t matangkad din ito.
Pagkatapos naming kumain ay naupo lang kami at nag-usap ng kung ano-ano. Hinihintay na lang namin na tawagin kami ng mga magulang namin. Hindi nga nagtagal ay lumabas si Maxz na nakalutang at papalapit ito sa amin. Nakangiti ito ng malawak at tiningnan kaming tatlo. Magkamukha talaga sila ni Laxy pati ang mismatch nilang mga mata, magkabaliktad lang ang kulay.
“Kakain na raw sabi ni Mom,” nakangiti niyang sabi na mapanukso pa. Napangiti na lang ako at hindi pinansin ang kaniyang mga tingin. She’s my best friend kaya palagi akong tinutukso sa kakambal, na wala naman dahil mate ko naman ito.
“Let’s go,” nakangiti ring sabi ni Laxy at inalalayan pa kami. Pero dahil may pagkabatang isip minsan si Cloud kahit ako ang bata sa amin, nagtatakbo ito papasok sa bahay. Natawa na lang kami sa iniasta niya.
Pagkapasok namin ay nandoon ang lahat at kahit si Cloud ay handa ng kumain. Si Mom at Mommy ay nakangiting pinalapit na kami kaya lumpit kami at naupo sa upuan namin. Nandito ang lahat kaya sobrang ingay na inuunahan ng kambal ko pang kapatid, si Troy at Train.
Sa kabisera ay si Fara at nasa kanan niya ay ang kaniyang asawa na si Cassandra Knight. Sunod sa kanila ay ang mga anak. Sa kabilang kabisera ay si Mom Sarah ang nakaupo at nasa kanan niya rin si Mommy Claire. Sumunod ay ang kambal naming kuya. Si Cloud sa kaliwa ni Mom at sinundan ni Laxy at ako, nasa tabi ko si Maxz.
Masaya kaming kumain dahil masasarap talaga ang pagkain. Naglagay pa ako ng pagkain sa dalawa kaya huli na akong nakapaglagay sa akin.
“Kumusta ang training ninyo?” tanong ni Tita Fara sa amin ni kambal na siyang bumasag sa katahimikan. Hindi ako makasagot dahil wala naman akong maisagot, takas kasi talaga ako.
“Lumalakas na si Cloud kahit papaano habang si Sky ay palagi pa ring takas. Hindi ko alam kung ano ang gusto. Makikita mo lang naman na nanonood lang sa malapit.” Si Mom Sarah ang sumagot na kinatawa nila dahil problemadong-problemado talaga siya sa akin. Napalabi ako dahil totoo naman ang sinasabi niya, mas gusto ko lang manood.
“But I saw her every night practicing her magic, so far ayos naman.” Si Mommy Claire ang sumagot na nakangiting tumingin sa akin kaya napangiti na lang ako. Minsan binibigyan niya ako ng tips kaya magkasundo kaming dalawa lalo na’t mas binibigyan ko ng halaga ang pagka-witch ko.
“Please, attend your training. Kailangan mo ito para lumakas din ang katawan mo,” mahinang sabi ni Laxy. Tama siya doon kaya tumango ako bilang pagsang-ayon. Alam kong tama siya kaya susundin ko na at hindi na magpapasaway pa. Gusto ko lang kasi makita dahil nakukuha ko agad naman iyon. Kaya lang, kailangan nga talaga ng katawan ko para makatagal ako sa kahit anong labanan. Iba pa rin ang may lakas ang kalamnan kaysa alam mo lang paano lumaban.
Masagana ang aming naging hapunan hanggang sumapit ang oras na kailangan na naming umuwi. Sa kaunting oras na kasama namin ang mate namin ay masaya na kami. Hindi pa namin nagagawa ang bagay na ginagawa ng mag-mate dahil may respeto kami sa gusto ng mga magulang namin. Isa pa, bata pa si Laxy para sa bagay na iyon at kahit kami ay hindi pa rin handa sa responsibilidad.
“Dadalaw ako roon bukas,” sabi ni Laxy na nagpangiti sa aming dalawa ni Cloud. ‘Di hamak na mas matangkad siya sa amin kaya nakatingala pa kami sa kaniya. She kissed us on our forehead as her goodbye. Kumaway na rin kami ni Kambal bago pumasok sa portal na ginawa ni Mommy.
Si Laxy ay nakatira sa mundo ng mga tao habang kami naman ay nakatira sa Realm of the Witches. Hindi namin ito maiwan dahil ang aking mga magulang ang namumuno sa realm na ito. Sa makatuwid, sila ang queens habang kami ang kanilang prinsipe at prinsesa. Pero masaya ako sa tirahan namin dahil malaya kong nagagamit ang kapangyarihan ko. Hindi ko naman ito sa masama ginawa kaya ayos lang kay Mommy.
Sa paglabas namin sa portal ay nagulat kami dahil may pinagkakaguluhan ang mga tao. Agad kaming lumapit at nagulat nang makita namin ang isang babaeng kawangis ng aking ina. Napatingin ko kay Mommy na nagtatanong at halos pala kaming pamilya ay ganoon ang mukha. Tumingin ako ulit sa bagong saltang babae rito sa amin.
“Si-sino ka?” nauutal na tanong ni Mommy sa kaniya. Alam kong naguguluhan rin siya dahil ang alam niya ay iisa lang ang kapatid niya at namayapa na ito.
Nakaupo lang kanina ang babae sa gilid ng fountain, makikita ito sa sentro ng kaharian namin. “Ikaw ba si Claire?” nakangiting tanong niya. Pero para sa akin ay kakaiba ang ngiti na iyon kaya nawala ang saya sa mga mata ko at pinanood lang ang bawat galaw niya.
“Sagutin mo ang tanong ng asawa ko. Sino ka?” Si Mom Sarah na ang nagsalita at sa kaniya napabaling ng tingin ang babae. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano, pero nakita kong may dumaang paghanga sa kaniyang mga mata nang makita niya ang Mom ko. Kaya hinawakan ko si Mom at tiningnan siya ng masama.
Napabaling ang tingin nito sa akin at kitang-kita ko kung paano nanlisik ang mata nito sa akin bago siya ngumiting muli. Hindi ako puwedeng magkamali, she's a bad news. Sa tingin niya pa lang ay kitang-kita ko na, at hindi ako maaaring magkamali.
“Ako pala si Tessa, kapatid mo ako sa ama. Pasensiya talaga kung ngayon ako nagpakita sa iyo. Wala na kasi akong mapupuntahan pa,” sabi niya pa at yumuko na akala mo nagmamakaawa, pero kitang-kita ko ang kislap ng kaniyang mga mata. Tapos naluluha siya habang nagsasalita, pero hindi ako naniniwala. Masama ang kutob ko sa kaniya.
Nagulat ako nang biglang tumakbo si Cloud sa kaniya at yumakap. Alam kong mabait ang kakambal ko pero hindi ko maisip bakit niya ito ginagawa. Hanggang ang ina ko na ang lumapit at tinanggap siya. Alam kong sabik si Mommy sa kapatid, pero hindi ko naiisip na makakapasok agad siya sa pamamahay namin.
Sinabihan pa ako ni Mom na lumapit pero nagmatigas ako. Ni minsan ay hindi pa ako nagkamali sa instinct ko. Umiling lang ako at hinila si Mom papasok sa bahay namin na nasa hindi lang kalayuan. Si Mom ay sumabay naman dahil wala rin naman siyang paki doon. Si Mom ang taong mas mahalaga lang sa kaniya ay ang pamilya niya at mahal sa buhay. Pero maaasahan mo si Mom na ililigtas niya ang mga naaapi.
Sa pagdating ni Tessa sa buhay namin ay nagbago ang lahat. Hindi ko alam pero ang nagbago ay si Mommy Claire kaya minsan naiisip kong ginamitan siya ng kapangyarihan ngunit wala naman akong makita o napapansin. Sinabi ko ito kay Laxy ngunit wala naman daw siyang nakikita at guni-guni ko lang ito.
Nagbago si Mommy dahil naging mainitin na ang ulo nito na dati sobrang pag-aalaga ang pinadama niya sa amin lalo na sa akin. Sa oras ng training ay palagi siyang may nakikitang mali ko at hindi na katulad dati na tinuturuan niya ako. Mas tumutok siya ka Cloud at ako ay napag-iwanan. Kaya rin palaging eskapo na naman ako dahil ayaw kong mapagalitan at sabihan na naman ng kung ano.
Palagi niya na rin akong pinapasama sa ibang tao lalo na sa mga kuya ko, Mom, at kay Laxy kapag pumupunta ito rito. Pinapalabas niyang wala akong kwenta tao. Lumayo ang loob ng lahat sa akin maliban kay Cloud at Maxz na hindi ako iniiwan. Tapos kapag may pagtitipon ay ayaw niya na ring pumunta kaya hindi rin namin magawang pumunta.
Ang nakakapanibago pa, mas napalapit ako kay Mama Tessa. Naging mabait siya at palagi niyang niluluto ang paborito ko na dati ang Mommy ko ang gumagawa. Kahit si Mom ay mas gustong si Mama Tessa ang kasama. Kapag nasa bahay kami ay tumatambay kami sa kusina kung nasaan si Mama upang ipaghanda kami ng makakain. Pero palaging may kumokontra tulad na lang ngayon.
“Hindi ka nag-training pero kain ka ng kain? Batugan ka na ba? Ha?” sigaw ni Mommy Claire kaya nabitawan ko ang kinakain ko. Napayuko na lang ako dahil hindi ko naman siya kayang sagutin. Halatang galit na galit na naman ito sa bagay na hindi ko alam.
“Ano ba ang problema mo, Claire? E, kumakain lang naman ang bata,” sabat ni Mom na nagpunas pa ng labi. Tiningnan siya ni Mommy ng matalim at hindi umatras si Mom at tiningnan rin ang asawa. Ngayon ko lang nakitang nag-away ang mga magulang ko kaya pumagitna na agad ako sa kanila dahil ayaw ko ng ganito sila at ako ang dahilan.
“Mom, Mommy, huwag na po kayong mag-away,” mahina kong sabi na tumayo pa sa pagitan nila. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ni Mommy. Ni sa ginagap ay hindi ko naisip na magagawa niya ito. Mahal ako ng Mommy ko, kaya bakit?
Isang malutong na sampal ang tumama sa aking pisngi. Halos mabingi ako at nabuwal mabuti na lamang at sinalo agad ako ni Mom. Nanlabo rin ang aking paningin sa lakas ng sampal ni Mommy at naramdaman ko ang pananakit ng aking pisngi.
Sa unang pagkakataon ay sinaktan ako ni Mommy.
“Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko! Ang kilala kong asawa ay hindi kayang saktan ang batang inalagaan niya at minahal. Hindi na kita kilala, Claire. Hindi na!” puno ng diin na sabi ni Mom bago niya ako binuhat sa kung saan. Hilong-hilo ako kaya hindi ko alam ang sumunod na nangyari.
Pero lahat ay mas lumala sa paglipas ng mga araw. Nagbago ang Mommy ko na hinahangaan ko at alam kong mahal ako.
I miss my old Mommy.