EVA "Becca, lumabas muna kayo," sabi ko kay Rebecca habang nakatingin pa rin sa lalakeng nag-uumapaw ng awtoridad. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Pakiramdam ko natutunaw ako. Tumalima naman kaagad si Rebecca at hinila si Tinay papalabas ng kwartong ito. Nagulat ako nang marahas na hinila ng demonyo ang braso ni Karina at tinulak papalayo sa inuupuan niya. Umupo siya sa kaninang inuupuan ni Karina at nagsindi ng sigarilyo. Akma kong lalapitan si Karina para tulungang tumayo, pero isang kumpas ng kamay ang ginawa ng demonyo at kaagad akong hinila ng isang bouncer na nasa malapit lang sa akin. Napangiwi ako nang humigpit ang hawak ng dambuhalang bouncer na aakalain mong pader sa sobrang laki niya. "Ngayon na alam mo na ang lahat, hindi p'wedeng hindi mo maranasan ang hag