EVA Kaagad akong sinalubong ni Tinay nang makapasok na ako sa backstage. "Nalagpasan mo ang mga losepers na 'yon?" Kaagad ko siyang kinotongan, "P'wede ba Christina! Magseryoso ka muna!" Natigilan naman siya at kaagad na yumuko, "Gusto ko lang naman makipagsapalaran, pero bigla na lang akong iniwan ng anak ni losepers na si Emily rito..." Si Emily na naman! Kapag talaga nakita ko ang babaeng iyon, "Sandali nga," singit ni Rebecca sa usapan namin ni Tinay, "Kanina pa 'yang losepers na 'yan. Ano ba ibig sabihin niyan?" Syete! Gusto kong sumigaw! Nagsama ang isang baliw at ang isang matagal makaintindi! Maloloka ako nito wala sa oras! Baka mauna pa akong ihatid sa mental kaysa sa kanila. "Losepers... kapatid ni Santanas," sagot naman ni Tinay. "Tâng ina mo talaga, Tinay!" Pad