PROLOGUE
Isang malamyos na musika ang sumalubong sa akin, nang hawiin ko ang manipis na telang nakasabit sa pintong nag-uugnay sa maliit na entablado at backstage.Tumambad sa akin ang mga hayok sa laman at pagnanasa lang ang tanging nasasalamin sa kanilang mga mata. Suot ang maskara at ang dalawang manipis na saplot sa pribadong parte ng aking katawan, dahan-dahan akong humakbang papunta sa pinakagitna ng stage. Nagsimula na silang magsigawan. "Hubad na!" "Pati maskara!" "Ang sarap mong lawayan!" "Patikim naman!" "Bumukaka ka na lang nang nakahubad!" Gabi-gabi kong naririnig ang mga malalaswang salita at halos isumpa ko sila sa mga panirang-puri na binabato nila sa 'kin. Oo, I'm a strip dancer. Pero, hindi ibig sabihin no'n, pôkpok na ako. Mapait akong napangiti. Sinong maniniwalang birhen pa ako? Sa uri ng trabaho ko, alam kong walang maniniwala na hindi pa ako napapasukan ng isa sa mga kamandag ni Adan. Wala akong pinagkaiba sa mga pôkpok. Nakita na nila ang katawan ko. Ano pang maipagmamalaki kong dangal? Wala. Walang-wala na. Nagsimula na ang musikang nakikidalamhati sa nararamdaman kong sakit. Kasabay nang bawat indayog ng baywang ko, ay ang bawat pighati na lumulunod sa akin sa kalungkutan. Sa bawat pagtaas ng kamay ko, ay ang pagnanais na sana balang araw, mag-iba ang takbo ng buhay ko. Naghiyawan ang mga lalakeng hayok sa laman nang tumalikod ako, at nagsimulang hubarin ang saplot na nagtatakip sa mga dibdib kong hindi pa nga nahahawakan, pero kay rami nang nakakita. Mas lalo pang umingay nang humarap ako sa kanila. "Woah!" "Pahawak, Eva!" "Ang sarap mo, Eva!" Eva. Oo, ako si Eva. Si Eva na walang dangal. Si Eva na marumi. Si Eva na gagawin ang lahat, para sa pamilya niya. Sumasabay sa pagsasayaw ko ang mga luhang puno ng paghihirap. At ang makapigil-hiningang sandali sa buhay ko ay sinimulan ko na ring gawin. Dahan-dahan ang ginawa kong pagbaba sa saplot na nagtatakip sa bagay na dapat sa lalakeng mahal ko lang ipapakita. Mapait akong napangisi. May magmamahal pa kayang lalake sa akin? May magmamal pa ba sa babaeng ipinakita na sa lahat ang katawan? May magmamahal pa ba sa babaeng nagtatrabaho sa isang club at nagbibigay ng aliw sa mga estranghero? Alam kong wala. Nagsitayuan ang mga nanonood na sinabayan pa nila ng mga pagsigaw, at pagsipol. Mariin akong napapikit habang unti-unting ibinubuka ang dalawa kong hita. "Ang sarap pasukan!" "Isang bayo lang, Eva!" "Kahit isang hampas lang!" Nakabibingi ang mga hiyawan nila. Na kahit sa panaginip ay dinadalaw ako ng mga boses nila. Nagsimula na rin silang magtapon ng pera sa entabladong sinasayawan ko. Pero... Napako ang tingin ko sa tanging lalake na nakaupo. Kahit madilim, alam kong nakatitig siya sa akin. Nakakatakot ang mga mata niya. Parang isang mapanganib na hayop. Parang isang leon na handa nang sunggaban ang dadagitin niya. Pakiramdam ko, sinusunog ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin. Kung may mga tao man na kahit hindi magsalita ay naipapakita pa rin ang nararamdaman nila, isa siya sa mga taong iyon. Sa mga tingin na ibinabato niya sa akin, para na akong malalagutan ng hininga. Wala akong ibang makita sa mga mata niya, kung hindi galit. Pero bakit? Kilala ko ba siya? Ang club na pinagtatrabahuan ko ay para lang sa mga elite costumers. Mga bigatin. At wala akong kilala na mayaman. Isa lang akong hamak na probinsyana. Wala akong kilalang mayaman sa lugar namin na narito sa Maynila. Kaya sino ang lalakeng ito? Bakit parang galit na galit siya? Pero... bakita parang nakita ko na noon pa ang mga mata niya? Matapos ang kalahating oras sa entablado, walang lingon-lingon akong umalis doon. Kaagad na sumalubong sa akin ang kaibigan kong strip dancer din at ibinigay sa akin ang roba ko. Isinuot ko iyon at kaagad na umupo sa hairdresser ko. Tinanggal ko ang maskara ko at bumungad sa akin ang repleksyon ko sa salamin. Nakakaawa ka Eva. Habol ang hininga, kaagad kong pinunasan ang mga luhang saksi sa isang gabing puno na naman ng pasakit. "Oh." Iniabot sa akin ni Rebecca ang isang kopita ng alak, "Pangpakalma." Inisang lagok ko iyon at napangiwi nang dumaan ang pait sa lalamunan ko. Unti-unting bumalik sa normal ang paghinga ko. May tig-iisang libong kumpol na pera ang kaagad na ipinatong sa hairdresser ko. "Wala pa ring kupas, Eva!" sigaw ng manager namin, si Madam Aurora, "Ang laki pa rin ng kita mo!" Lunes hanggang Biyernes, alas ocho ng gabi ako sumasayaw. Malaki ang kita ko sa club. Ang naiipon kong pera ay pinapadala ko kina Inay sa probinsya tuwing Sabado. Oo, linggo-linggo ako nagpapadala. Hinahati ko iyon sa apat, padala kay Inay, pag-aaral ng mga kapatid ko, pang-araw-araw na gastusin ko kasama na ang renta sa inuupuhan namin ni Rebecca, at nag-iipon ako sa bangko. Dahil sa totoo lang, gusto ko nang tumigil. Pero, saka na. Kapag tapos na ang mga kapatid ko sa pag-aaral nila. Ang akala nila Inay, caregiver ako sa bansang Canada. Nakapagpatayo na rin sina Inay ng simpleng bahay sa lupang nabili ko rin sa probinsya. Masaya ako, dahil unti-unti ko nang natutupad ang pangarap ko para sa kanila. Ang hindi nila alam... Napabuntonghininga ako. "Kung sana... pumapayag kang magpa-table, mas malaki pa r'yan kikitain mo." Umupo sa katabing upuan si Madam Aurora, "Mabilis ka sanang makakapag-ipon at nang makaalis ka na rito." Mabait si Madam Aurora, kahit siya, naging masaklap din ang pinagdaanan. "Ayos lang po," kaagad kong sagot, "Isa pa may isang taon pa akong natitira bago matapos ang kontrata ko." "Good evening, Miss Karina." Sabay kaming napalingon sa bagong dating nang marinig namin ang pagbati ng ilan sa mga kasamahan namin. "Oh, Miss Karina! Aba at napababa kayo?" Kaagad na tumayo si Madam Aurora at sinalubong ang may ari ng Jewels Club. Bihira lang bumaba si Miss Karina, may sarili siyang kwarto sa taas ng club. Umuuwi siya sa sarili niyang bahay tuwing Sabado at bumabalik tuwing Lunes. Magkasing-edad lang kami. Hindi ko alam kung paano naging legal ang club na ito. Siguro dahil na rin sa koneksyon ni Miss Karina sa mga nakaupo sa pwesto. "Gusto kong makausap si Eva." Sa sinabing iyon ni Miss Karina ay kaagad na pumalakpak si Madam Aurora, "Girls, labas muna tayo!" Sa apat na taon kong pagtatrabaho rito, bilang lang ang pagkakataon na makita ko siya na ganito kalapit. Kakaiba ang ganda niya. Pero... Walang kabuhay-buhay ang mga mata niya. "Ayaw ko nang magpaliguy-ligoy pa, Eva. Isang bilyon, isang gabi sa kama. Higit sa lahat , p'wede ka nang umuwi sa inyo." Natulala ako sa narinig. Bumilis ang t***k ng puso ko. May ipinatong siyang envelope sa hairdresser ko, "Buksan mo." Sa nanginginig na mga kamay, kinuha ko ang envelope at binuksan. Isang picture ng matanda. "Hindi ko alam kung tinatayuan pa ba ang matandang iyan, pero isa iyang mafia lord. Ipapatumba niya ang club na ito, kapag hindi ka pumayag." Para na akong nakikipaghabulan kay kamatayan sa bilis nang pagtibok ng puso ko. "Ayos lang sa akin na mawala ang club na ito, dahil sa totoo lang matagal ko nang gustong makawala sa impyernong lugar na ito." Nakakunot noo akong tumingin kay Miss Karina. Hindi ko maintindihan, pero damang-dama ko ang sakit sa tono ng pananalita niya. "Pero... kasama nang pagpapatumba niya sa club na ito, papatayin niya rin ang lahat nang nagtatrabaho rito." Halos gumuho ang mundo ko sa mga narinig. Anong... Anong gulo itong pinasukan ko? "May dalawang buwan ka para mag-isip." Tinalikuran na ako ni Miss Karina at nagsalita pa siya bago tuluyang lumabas, "Hindi ka niya kilala o ang mukha sa likod ng mascara ay hindi niya alam. Kung ako sa iyo... tumakas ka na lang." Ano nang gagawin ko? Bakit naging ganito ang buhay ko? Isa lang naman akong simpleng probinsyana, na walang ibang pinangarap kung hindi ang makaahon sa buhay. Na walang ibang hiniling kung hindi ang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Bakit? Bakit sa akin pa nangyayari ang mga ito? Papayag ba ako? O... Tatakas?