Tumikhim ako at kinalma ang sarili. Una, hindi dapat ako naaapektuhan nang ganito. Pangalawa, normal na nandito siya dahil isa siyang dayo. Pangatlo, bibili siya ng bibingka. Oo bibingka ko... hindi! Bibingka na binibenta ko! Panglima— "Miss—" "Ay bibingka ko!" Sa sobrang pagkataranta ko sa presensya niya ay hindi ko na napansing nasa harapan ko na pala siya. Nanlaki pa lalo ang mga mata ko dahil sa ngiting sumilay sa mga labi niya. Diyos ko! Ang puso ko! Umiwas ako ng tingin nang tumama ang tingin niya sa labi ko. Syete! Ang init naman yata ng panahon ngayon! "Magkano nga ang bibingka mo, miss?" Kaagad ko siyang nilingon, "Umayos ka nga ng tanong!" Kumunot ang noo niya, "Anong masama sa tanong ko? Tinatanong ko lang kung magkano 'yang bibingka mo... na binibenta." Umiwas uli