Kulang na lang magpagulong-gulong ako sa sahig ng bahay namin. "Inay, naman eh!" Wala pa rin akong tigil sa karereklamo. Kanina pa rin nakatingin sina Inay at Itay sa akin. Nagtatakang mga mukha ang nakita ko nang lingunin ko sila. "Ano bang nangyayari sa iyo, anak?" tanong ni Itay na nakakunot na ang noo. "Bukas na lang kasi ng umaga," pangungulit ko. "Hay, naku..." Halatang naiinis na rin si Inay, "Magbabayad nga tayo ng utang natin sa tindahan ni Iday. Nangako akong ngayon ako magbabayad." Inutusan kasi ako ni Inay na bumalik sa resort para kunin ang bayad ni Joyce. Nagkasabay pala sila sa tricycle papuntang palengke noong nakaraang araw. Minalas si Joyce at naiwan ang wallet niya sa kanila. Kaya pinahiram ni Inay ng dalawang daan. Kaya pala tinawag ako ni Joyce kanina. Eh kasi