Lunes. Kaya naman maaga akong nagising para tulungan si Inay sa kusina. Alas tres pa lang ng madaling araw ay nagluluto na kami ni Inay ng mga kankanin— biko, kutsinta, puto, kamoteng-kahoy, espasol, kalamay, sapin-sapin, puto-bumbong, maja, palitaw, at ang specialty namin— ang bibingka at suman. Pagkatapos ay naghahanda ako ng agahan ni Itay at ng mga kapatid ko. Maaga si Itay sa laot kaya saktong pag-uwi niya ay nakahanda na rin ang agahan. Tinutulungan ko naman ang mga kapatid ko sa pag-aayos ng mga gamit nila bago sila pumasok sa paaralan, habang hinahanda naman ni Inay ang mga panindang ilalako namin. Mabilis maubos ang paninda namin lalo pa at nakakarami kami ng tinda sa sikat na resort na nasa kabilang bayan lang— ang CoastLand Resort. Hindi naman ganoon kalayo kaya nilalakad ko