Chapter 2 - We Meet Again

1131 Words
"Ba't ngayon ka lang?" Sinalubong ako nang nanlilisik na mga mata ni Tinay. "Kung alam ko lang na nandito ka, 'di sana sumabay na ako sa inyo kanina. Papahirapan ko pa ba ang sarili kong maglakad?" Inirapan ko s'ya at pumasok na sa kusina ng mansyon ng mga Vermil. Nakita kong nando'n si Manang Fe kaya nilapag ko na ang dala ko sa mesa na nasa pinakagitna ng kusina. Nang makalapit si Tinay sa 'kin, kaagad ko s'yang kinutusan, "Hindi man lang nagsabi na pupunta rito. Natunaw tuloy 'yong ganda ko sa ilalim ng araw!" "Aray, ha!" pagrereklamo n'ya, "Aba malay kong pupunta ka! Linggo ngayon kaya ang alam ko, nakatunganga ka lang sa dagat at nangangarap ng gising!" "Kasalanan 'yan ng Inay mo, Eva," sabi naman ni Manang Fe, "Sa sobrang excited, hindi na nasabi sa 'yo." "Hindi ko naman p'wedeng kutusan si Inay, Manang Fe," nakanguso kong sabi. Sabay silang tumawa ni Tinay. "Tawa ka pa?" Pinanlakihan ko ng mga mata si Tinay. Kung nakasabay sana ako sa inyo, wala akong makikitang anghel ang mukha pero demonyo ang ugali. At sana, hindi ko laging naiisip ang mga mata n'yang nakatitig sa 'kin. Aist! Sa t'wing dumadaan sa isip ko ang mga titig n'ya, parang... Mawawalan ng garter ang panty ko! Syete, ocho, nueve, dyes! Magpapaalam na sana akong uuwi, dahil baka makita ko pa 'yong kamag-anak ng rough road dito, pero naunahan na ako ni Manang Fe, "Nag-text na ako kay Jose na ipasabi kay nanay mo na mag-extra ka muna rito. Masyadong maraming bisita. H'wag ka nang humindi, dahil bukod sa may datung, padadalhan pa kita ng bring home." "Desisyon ka talaga, Manang Fe," seryoso kong sabi, pero kaagad ding tumawa, dahil napabunghalit na sa tawa si Manang Fe at Tinay. "Kayo talagang mga bata kayo..." natatawa pa ring sabi ni Manang Fe. "Dito na lang ako sa kusina, Manang, amoy pawis ako and I don't look good with my outfit," kunwaring nag-iinarte kong sabi. "Wow, English yarnn?" sabi ni Tinay at kunwaring nanlalaki ang mga mata at itinakip pa sa bibig ang kamay n'ya. "Puro talaga kayo kalokohan kapag kayong dalawa magkasama!" tumatawa pa ring sabi ni Manang Fe. "Hindi naman po," sabi ni Tinay na pinalungkot pa ang boses n'ya. Sabay na naman kaming tumawa. "Mag-serve ka na ro'n, Tinay. Puro kayo kalokohan," tawang-tawa pa rin na utos ni Manang Fe. Ang bilis talagang patawanin ng nga matatanda. Hinarap ko na kaagad ang lababo, dahil tambak na ang hugasin. Abala na rin si Manang Fe sa paglipat ng lalagyan sa dala kong biko at kutsinta. "Kung pumayag lang sana si Itay na mamasukan ako rito, dagdag kita rin sana," sabi ko kay Manang Fe. Kahit nakatalikod, alam kong nakikinig s'ya. "Hay naku, Eva, ewan ko ba r'yan sa tatay mo," sabi n'ya habang inaayos ang pagkakalagay ng mga kutsinta sa babasaging tray, "Natatakot siguro na mabingwit ka ng isa sa mga alaga ko." "Patawa kayo, Manang Fe." Sinarado ko ang gripo at hinarap s'ya. Kanina pa ako nahihirapan kakalingon sa kan'ya, "Puro lalake naman ang anak ni Ma'am Arimas, ahh." Ang tinutukoy ko ay ang guro ko noon. Naglilinis at naglalaba ako sa kanila t'wing Sabado. "Naku! Alam ng tatay mo na hindi mo papatulan ang mga 'yon, akala mo nakulangan sa buwan." Sabay kaming napatawa ni Manang Fe. Hindi kasi gano'n kagwapong mga nilalang ang anak ni Ma'am Arimas, "Walang panama sa mga alaga ko. Natatakot lang 'yong tatay mo na baka kapag nakita mo mga alaga ko, eh malaglag 'yong panty mo." "Grabe naman kayo, Manang," natatawa kong tugon, "Parang hindi n'yo naman ako kilala. Mas mahal ko ang mga pangarap ko, kaysa sa mga lalake." "Hindi naman ikaw ang problema," sabi n'ya na ipinagtaka ko, "Sa ganda mong 'yan? Tiyak akong mauuna pang mahulog ang mga brip no'ng mga alaga ko." Hindi ko na napigilang matawa, "Kaloka kayo, Manang! Baka may makarinig sa inyo." "Manang, we need more drinks on our table!" sigaw ng isang lalakeng papasok sa kusina. Nang tuluyan na s'yang makapasok, napako ang tingin n'ya sa 'kin, "May bago ka pa lang kasama rito, Manang?" Hinarap ko na ulit ang hugasin at nagsimula nang magtrabaho. Ayaw ko ang paraan ng pagtitig n'ya sa 'kin. Sa araw-araw na ibinigay ng Diyos sa 'kin, alam ko na ang iba't ibang uri ng tingin ng isang tao. Alam ko kung pagnanasa ba o paghanga ang pinapakita ng mga mata nila. Bigla na lang sumagi sa isip ko ang tingin ng lalakeng nakasalamuha ko kanina sa gilid ng kalsada. Kung makapagsalita s'ya sa 'kin, mahahalata mong ayaw n'ya sa 'kin. Bukod sa pagsisinuplado n'ya ay ang sama n'ya pa kung makatingin. Pero... Bakit may nakikita akong paghanga sa likod ng mga tingin n'yang nakakatunaw? "Naku, hindi, Hijo." Narinig kong sabi ni Manang Fe sa lalake. Sa tingin ko, isa s'ya sa mga anak ng mga Vermil, "Nagpatulong ako." "Ano pong pangalan n'ya?" Napapairtap na lang ako. Hello? Nandito ako! "S'ya si Eva." Ito namang si Manang Fe, parang nakalimutan ang naging pag-uusap namin kanina. Hindi ako interesado sa mga lalake Manang! "P'wede bang pakisabi kay Eva, Manang, na hatiran kami ng maiinom sa mesa namin?" Anak ka ng tatay mo! Kulang na lang itapon ko sa kan'ya 'tong hinuhugasan kong baso! Hello! Hindi ninyo ako katulong! Humindi ka Manang! Humindi— "Ahm, Eva," sabi ni Manang, na parang ayaw ko na lang marinig, "Pakihatid naman itong mga inumin sa mesa nila Dave." Dave? As in Dey-vil? Pakiramdam ko tuloy lalabas na ang eyeballs ko kakairap. "Salamat, Manang!" At narinig ko na lang ang papalayong yabag ng lalakeng antipatiko! Kaagad kong hinarap si Manang, "May mga kamay naman s'ya, Manang! Dito na nga s'ya galing, sana dinala n'ya na lang!" Tiningnan lang ako ni Manang Fe at nginitian, habang hawak-hawak ang tray na may mga drinks in can. "Kulang na lang, Manang, mag-puppy eyes kayo at pout lips." Wala na akong nagawa kung hindi ang kunin sa kamay ni Manang ang tray. "Nasa garden ang mesa nila, Eva, kaya p'wede kang dumaan sa likod." "Yes, Manang," tamad kong sagot sa kan'ya at tinawanan n'ya lang ako. Binabagtas ko na ang daan papunta sa garden. Pero... Parang gusto ko na lang umatras. Hindi pa man ako nakakalapit sa mesa nila, sinalubong na ako ng mga matang hindi-hindi ko makakalimutan. Tatalikod na sana ako, nang... "Hey, Eva, rito!" Parang gusto ko na lang maging bulaklak! Kaya mo 'to Evalyn! Isipin mo na lang nagbebenta ka ng softdrinks sa mga satanas sa impyerno! Nakatingin lang ako sa bermuda na dadaanan ko habang dahan-dahang lumalapit sa mga alagad ni Adan. Nang makalapit ay kaagad ko nang nilapag ang dalang tray sa mesa nila. "We meet again, Eva." Santisima! Lamunin mo ako lupa! Gawin mo na lang akong bulate Lord!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD