Chapter 3 - Hawak

1039 Words
Tinapik ni kamag-anak ni rough road ang balikat noong lalakeng kasama niya kanina sa sasakyan, "Sino nga iyong nakita natin sa daan at napagtanungan?" "Hindi ko natanong ang pangalan, eh," sagot naman ng lalake at may ngiting nakakaloko sa mga labi niya, "Sa pagkakatanda ko, sa ibang direksyon daw siya dadaan." Parang gusto ko na lang pumasok sa loob ng softdrinks in can na nilapag ko sa mesa nila at mag-swimming doon! Hanep! Para akong nasa hot seat at tinatanong kung anong kulay ang panty ko. Syete, ocho, nueve, diyes! Ano ba itong mga pumapasok sa utak ko! Tumikhim ako para pagaanin ang tensyong nararamdaman ko. Sanay naman akong makipag-usap sa mga lalake, lalo pa at lagi ko ring nakasasalamuha ang grupo ni Jose. Dahil siguro imported sila? Galing Manila at mga city boy. Eh, ano naman? Mga tao lang din sila na may lawit at nakabrip! Syemay! Maghunusdili ka Eva! Pinagsasabi mong babaita ka! Nakakahawa rin pala mga kagâgahan ni Tinay. Inismiran ko lang ang lalakeng pinaglihi sa rough road. Tinalikuran ko na sila pero laking gulat ko nang nasa harapan ko na si Deyvil, este si Dave. Kaagad kong niyakap ang tray na dala ko. Para niya na kasi akong hinuhubaran sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Sa unang tingin mo sa kaniya, hindi naman siya matatawag na manyak dahil sa gwapo niyang pangmumukha. Pero sa oras na matitigan mo ang mga mata niya, parang kang natutunaw at hindi mo kakayaning tumitig nang matagal sa kanya. "Baka gusto mong makipag-usap sa amin, Eva?" tanong niya na mas nagpahigpit sa pagkakayakap ko sa tray. Ayaw ko talaga sa kapreskuhan niya. "Pa-Pasensya na at ma-marami pa akong gagawin sa kusina." Parang hindi na ako makahinga. Lalagpasan ko na sana siya kaso hinawakan niya ako sa braso ko. Kaagad kong inilayo sa kanya ang braso ko. Nanindig ang mga balahibo ko at pakiramdam ko ay nabastos ako. Hindi ko na napigilan ang sarili kong masinghalan siya, "Hindi ba itinuro sa inyo sa Manila na h'wag maging bastos at basta na lang manghawak ng babae?" Kahit kailan ay wala pang nangahas na humawak sa akin. "Woah! Kalma!" "Kung ang mga babae sa syudad ay nahahawakan ninyo nang ganoon lang, ibahin ninyo kaming mga probinsyana!" Naririnig ko na ang mahinang tawanan ng grupo nila. Mga bastos talaga! Kaagad na akong umalis at walang lingun-lingon akong naglakad papalayo. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko at ang bilis na rin ng paghinga ko. Devil talaga! As in demonyo, satanas, hâyop— Bago pa man ako makapasok sa kusina ay may isang kamay na ang humawak sa kamay ko at dinala ako sa dulo ng mansyon. Magpupumiglas na sana ako kaso... Anak ng rough road! Bakit hindi man lang ako nakaramdam ng kahit ano sa paraan ng paghawak niya sa akin. Parang kanina lang pinagsigawan kong bawal silang basta na lang nanghahawak. Pero ito ako ngayon at parang ayaw ko na lang bumitaw sa pagkakahawak niya. Hinarap niya ako nang tumigil kami sa paglalakad. Kaagad ko namang binawi ang kamay ko bago niya pa man mahalata na gusto ko ang paghawak niya. Syete, ocho, neve, diyes! "Hoy, rough road— ang ibig kong sabihin... hoy, lalake. Kakasabi ko lang kanina—" "Sorry..." "Ngayon naman nagso-sorry ka—" "Ako na ang humihingi ng sorry dahil sa paghawak ni Dave sa iyo." Nangunot ang noo ko sa narinig. Pinagsasabi nito? "Hindi ako nag-sorry dahil hinawakan kita." Kaagad nya akong tinalikuran at bago pa man siya tuluyang umalis, nagsalita pa siya ulit, "Kahit magalit ka ng isang libong beses, hahawakan at hahawakan pa rin kita." Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin lang sa likod nyang papalayo. Hahawakan... Bakit iba yata ang dating ng salitang iyon sa maganda kong utak? Naka-drûgs ba siya? Kung makapagsalita, akala mo naman sampung taon na kaming magkakilala. Pero... Bakit ako naaapektuhan ng ganito? Parang wala sa sariling naglakad ako pabalik sa kusina. Naabutan kong lumalamon si Tinay. Ewan ko ba sa babaeng ito. Parang nagmamadali lagi kung kumakain. Umupo ako sa bar stool at tiningnan lang si Tinay. Kasalanan niya talaga kung bakit ano-ano na lang ang pumapasok sa malinis kong utak. Sa kanya ako nakakarinig ng mga itlog, at kung ano-ano pang kalaswaan. "Ang sama ng tingin mo sa akin, ah?" tanong niya na may laman pa ang bibig. Napakatino talaga nitong babae. Kahit ang bastos ng bibig niya, wala pa iyang naging syota. Tulad ko, marami rin siyang pangarap para sa sarili niya at pamilya. Minsan kasi talaga may sapi siya at kung ano-ano na lang ang mga pinagsasabi. "Nakapagdesisyon na ako," sagot ko sa kaniya na nagpakunot sa noo niya. Uminom siya kaagad ng juice saka lumapit sa akin. "Anong desisyon?" kuryuso niyang tanong, "May plano ka ba sa buhay na hindi ko alam?" Kami kasi ni Tinay ay parang magkapatid na talaga. Wala kaming sikreto sa isa't isa. Sabay kaming nangangarap. "Oo, meron..." sagot ko ulit. Nakita kong mas lalong nangunot ang noo niya at salubong na rin ang mga kilay niya, "Aba! May plano kang sabihin sa akin?" "Sasabihin ko naman talaga sa iyo, dahil tungkol sa iyo iyong desisyon ko." Biglang nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Kulang na lang talaga at maghugis-puso ang mga mata niya, "Talaga ba? Ang sweet mo naman, Eva. Ano ba kasi iyon?" Huminga ako nang malalim at nakangiti siyang tiningnan, "Nakapagdesisyon na akong iiwan na kita at hindi na lalapit sa iyo kailan man." Napatuwid siya ng tayo at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. "Nagiging makasalanan na kasi ang utak ko dahil sa kanal mong bibig," dagdag ko pa. Isang malutong na sapak naman ang isinagot niya sa akin, "Alam mo bang biglang nagbago ang daloy ng dugo sa utak ko dahil sa huli mong sinabi! Sarap mong itapon sa Bermuda square!" "Gâga! Bermuda Triangle iyon!" Bigla kaming natahimik at nakatingin lang sa isa't isa. Hindi naglaon ay sabay kaming bumunghalit ng tawa. Nakakaabnormal talaga ang babaeng ito! Pero... Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang rough road na uyon. Iba talaga ang epekto niya sa akin. Oo at probinsyana ako, pero hindi naman ako inosente sa ganitong nararamdaman lalo pa at may isa akong balahurang kaibigan. Ano kaya ang pangalan ng rough road na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD