Chapter 10 - Karina

1076 Words

"Kung fûcker, magpapagalaw ka sa mga lalakeng gusto kang ikama. Mukhang malaki ang kikitain ng club sa 'yo. Innocent, beautiful, and young." Nakakailang ang mga tingin niya sa akin. Pero hindi ako umiwas at sinalubong ang mga tingin niyang makahulugan. Para bang pinag-aaralan niyang mabuti ang mukha ko. Ilang sandali pa ay siya na mismo ang umiwas ng tingin. Kinuha niya ang isang pakete ng sigarilyo sa taas ng mesa. Kumuha ng isang stick at kaagad iyong sinindihan. Humithit siya sa sigarilyong hawak bago ulit ako tiningnan. "Why don't you sit down first and let's talk." May diin sa bawat binitiwan niyang salita, "Oh... tatagalugin ko—" "Hindi ako ganoon kabobo para hindi makaintindi ng Ingles. Mas lalong hindi ako tanga para umupo at makipag-usap sa iyo na parang walang nangyari."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD