Para akong isang batang dinala sa isang perya, namamangha sa lahat ng makikita. Kapapasok pa lang ng bus na sinasakyan namin sa Metro Manila ay sinalubong na kaagad kami ng mga nagtatayugang mga gusali. Kung sa probinsya ay pawang mga puno lang ang makikita. Dito naman sa syudad ay mga gusaling nagpapaligsahan yata sa kataasan. Sa probinsya namin halos kilala ko na ang mga tagaroon. Dito naman parang kumpol ng langgam tingnan ang mga tao sa sobrang dami. Karamihan pa ay pawang nakatutok sa mga cellphone nila habang naglalakad. Idagdag pa ang mga kasuotang ngayon ko lang nakita. Hindi ko lubos maisip na kaya kong makapagsuot nang maikling palda, short na kita na yata ang singit, damit na walang manggas, kita ang dibdib, at higit sa lahat ang kakapal ng mga make up na nakikita ko sa mga m