Habang nagmemeryenda ang babae na ang pangalan pala ay Emily, kinausap ko sina Inay at Itay. "Saan po kayo kumuha ng pera?" "Ibebenta ko ang bangka at mangungutang ako kay Pareng Nestor o kay Pareng Ramon," sabi ni Itay na ang tinutukoy ay ang mga kumpare niya. "Pero paano po ang pangingisda ninyo?" mahina kong natanong. Mahal na mahal ni Itay ang bangkang iyon gaya nang pagmamahal ko. Saksi ang bangka na iyon sa mga pangangarap ko ng gising. Saksi ang bangkang iyon sa lahat ng pangarap na gusto kong abutin. "Makikisabay na lang ako sa ibang bangka o hindi kaya ay tulungan na lang ang Inay mo sa paglalako." Kaagad akong nilapitan ni Inay, "Pangarap mo ito, anak, hindi ba? Magkaroon ng trabaho na may malaking sahod. P'wede ka na ring makapag-ipon para sa pag-aaral mo. Hindi mo na kail