Chapter 31 - Turno

1036 Words

EVA "Ngayon lang 'ata kita nakitang nakangiti habang ganyan ang ayos." Napatuwid ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Miss Karina. Nilingon ko si Rebecca at pinandilatan ng mga mata, para sabihing bakit hindi niya man lang ako pinagsabihan. "Kanina pa kita binubulungan d'yan. Ngiti ka nang ngiti, parang kang tânga," bulong ni Rebecca. Nagpalinga-linga ako at wala na nga ang ibang mga kasamahan namin. Hindi ko man lang napansin. Syete! Hindi kasi mawala-wala sa isipan ko ang panghaharana ni Hujin. Kahit pa sabihing si Joaquin talaga ang nangharana, alam kong pakana lang nila iyon at si Hujin talaga ang nangharana. Dati iniisip ko kung anong pakiramdam nang maharanahan. Ganito pala. Hindi sapat ang mga salita para maipaliwanag ang nararamdaman ko. Mababaw man, pero ang saya ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD