Chapter 32 - Magkapatid

1008 Words

EURICE Malapit na ang sinasakyan kong kotse sa mansyon namin. Gabi-gabing pauwi ako ay hinihiling ko na sana bigla na lang masunog iyon at nasa loob ang demonyo. Pero... Kailangan ko pa siya. Dahil hindi ko pa alam kung nasa'n si Mama. Nag-ring ang cellphone ko at nakita ang pangalan ng lalakeng naging isa sa mga nagpapalakas ng loob ko. Kaagad kong sinagot ang tawag niya, "Malapit na ako sa bahay." "H'wag ka na lang umuwi." Ito na naman siya. "Sa t'wing naiisip ko ang kahayupang ginagawa sa 'yo ng demonyong 'yon, parang gusto kong pumatay ng tao." Huminga ako nang malalim, "Matagal na simula no'ng huli—" "Run away with me, babe. Iwan na lang natin ang lahat." Natigilan ako sa narinig. Ang sarap marinig. Kung p'wede lang sanang takasan na lang ang lahat. Kung p'wede lang s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD