EVA Nag-aayos na ako ng mga pinamili ko sa karton. Wala pang alas ocho kaya may oras pa ako. "Hoy, Eva!" Nilingon ko si Rebecca na naglalagay ng make up sa harap ng hairdresser ko. Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit?" "Alam mo bang kinabahan talaga ako kanina." Kumunot ang noo ko. Naglalagay na ako ng scotch tape sa karton, "Bakit naman?" "Bigla na lang kayong nawalang apat! Susme! Nasa ten thousand na pa naman 'yong bitbit ko na!" Bigla akong nabulunan pero hindi ko pinahalata. Nag-iinit talaga ako sa t'wing naalala ko ang mga nangyari kanina, "A-Aba? Hindi ka nahiya at nasa diyes mil ang mga pinili mo?" "Eh sa' yo nga, trenta!" Napapailing na lang ako. Dumako ang mga mata ko sa kama ko at nakita ang mga pinamili ni Eurice para sa akin at si Hujin ang nagbayad. Dati sanay